Chapter 5

1298 Words
Hannah Wala akong nagawa kundi maglakad papunta sa tabi niya. Nagdadalawang isip man ako, umupo na lang ako nang makarating ako dito. Kinuha ko muna ang pillow na nasa tabi at pinatong ko ito sa hita ko tsaka ako nagsalita. "Sagutin mo na ako-" "Oo."bumaling ako sa kanya at nagtataka akong tumingin sa kanya. "Anong oo ang pinagsasabi mo?"tanong ko. "Sabi mo sagutin na kita. Kaya oo."nakangiti niyang sabi sa akin. Matagal akong napatitig sa kanya pero hinarap ko rin ang mukha ko. "Iyong tinatanong ko kanina ang tinutukoy ko. Bakit mo hinahanapan ang mga Lacuesta? May kasalanan ba sila sayo-" "Anong pangalan mo?"putol na naman niya sa akin. "Rena."maikli kong sagot. "May kasalanan ba ang mga Lacuesta sayo?"tanong niya kaya tumingin na ulit ako sa kanya. "Ako ang unang nagtanong-" "Hindi kita kilala Rena, kaya hindi pa kita mapagkatiwalaan."pagak naman akong tumawa. "Hindi mo ako mapagkatiwalaan? Pero pinagkatiwalaan mo ang mga empleyado ng Lacuesta Fashion Line." Linapit niya ang sarili sa akin kaya umusog naman ako. "Natatakot ka ba sa akin?" "Hindi." "Kung hindi, bakit ka lumalayo?" "Hindi ako lumalayo, dinidistansya ko ang sarili ko sayo-" "Pareho 'yun, Rena." Tumigil na ako at napipika na akong tumingin sa kanya. Hindi ko madiktahan ang katawan ko dahil ilang ulit ko man sabihin sa sarili ko na hindi na dapat ako nagpapa-apekto sa kanya, hindi ko magawa. Matagal siyang nabuhay sa isipan ko kaya nandito parin ang epekto niya. Kaya nababahala ako para sa sarili ko, na kung ilalapit ko sa kanya ang sarili ko, baka bumalik ang lahat ng nararamdaman ko sa kanya. "Bakit hindi mo ako mapagkatiwalaan?"tanong ko sa kanya. "Wala akong alam tungkol sayo-" "Ganito ako magtrabaho, Attorney Friam Del Valle. Kung hindi mo tanggap, aalis na ako-"tatayo na ako pero hinila niya ako. "I see, ang pagkatao mo ang kahinaan mo."wika niya. Bumaling ako sa kanya, at sumandal na ako sa sofa dahil suko na ako sa kakulitan niya. "Yes." saad ko at umiwas rin ako ng tingin. "Walang kahit na sinuman ang pwedeng makaalam kung sino ako. I will die, if that happens."dagdag ko. Naramdaman ko ang katahimikan niya kaya binalik ko rin ang mga mata ko sa kanya. "Gusto mo bang malaman kung bakit?"tanong ko. "No." mabilis niyang sagot. Tumaas ang isang kilay ko. "You know, I believe in the saying, curiosity kills the cat." umismid ako sa dinagdag niya. "So may plano ka bang sabihin sa akin kung bakit mo hinahanapan ng butas ang mga Lacuesta?"mahinahon kong tanong. Ito ang gusto kong malaman para masigurado ko kung matutulungan ba niya talaga ako. "May plano ka rin bang sabihin sa akin lahat ng nalalaman mo?"balik niyang tanong. "Yes." sagot ko. Tumango siya, "Kliyente ko ang may gusto. Wala naman akong balak sanang hanapan ng dumi ang mga Lacuesta." wika na niya. Naging sanhi ito ng pagtitig ko sa kanya. Wala siyang balak? Dahil ba kay Faith? Gusto parin ba niya ito hanggang ngayon? "If you stare at me like that, baka iba ang isipin ko." Naging kusa ako sa pagtatanong. "Iba ang isipin mo? Tulad ng ano?" Pero pasimple kong ginilid ang mukha ko nang mapansin kong lumalim ang titig niya sa mga mata ko. Tumahip ang dibdib ko nang hinawakan niya ang baba ko at pinaharap rin ito sa kanya. "Your eyes are alluring me."mahina niyang sabi. Nahugot ko ang hininga ko. Ano ba itong ginagawa ko dito sa harapan niya? Gumapang ulit ang palad niya patungo sa akin. At natutuliro ako dahil dito. Hannah! Pinapaikot ka lang niya! "Attorney Friam Del Valle, ito ba ang binabayad mo sa mga babaeng kinukuhanan mo ng inside information."nagawa ko ring harangan siya at tabigin ang kamay niya. "Yes."walang gatol niyang sagot. Sumama ang tingin ko sa kanya. "Pwes, hindi ito ang gusto kong bayad." Tinignan ko lang siya nang ilapit niya ang mukha niya malapit sa tenga ko at bumulong sa akin. "Ito ang gusto kong bayad." "Ayoko nga!"asik ko na sa kanya at tinulak siya. "Kung hindi ka pa magseseryoso, lalayasan kita."wika ko na sa kanya. He chuckled, tsaka rin siya umayos Ng upo. Linabas ko na ang pribado kong cellphone at kinalikot ito. Binuksan ko ang photos nito at pinakita sa kanya ang mga lihim kong kinuhanan sa loob ng warehouse. "What are these clothes?"seryosong tanong narin niya sa huli. "They are smuggled."sagot ko, tinignan naman niya ako. "Magiging branded clothes ang mga 'yan kapag nakarating na sa mga boutique ng Lacuesta Fashion Line."dagdag ko pa. "What? Paano magiging branded clothes ang mga ito?" Kinalikot ko naman ang cellphone ko habang hawak niya para ipakita ko ang iba pang larawan sa loob ng warehouse. "Ang mga manggagawa ng LFL ang nagbibigay ng brand name ng mga ito. "paliwanag ko at pasimple akong umusug pero nahawakan niya kaagad ang kamay ko habang nakatingin parin siya sa cellphone ko. "Paano mo ito nalaman?"umismid naman ako sa kanya habang pinipilit kong tanggalin ang kamay niya sa akin. "Ang dami mo ng tinatanong, Attorney. Ako naman dapat ang magtanong sayo."sabi ko sa kanya. "Anong gusto mong tanungin? Kung asawa, wala ako. Kung girlfriend, wala rin ako. Pero kung mga babae, marami ako. OK lang ba 'yun sayo?"tingin na niya sa akin. Di naman ako makapaniwalang tinignan siya. "Nakikipaglokohan ka ba sa akin? Seryoso na tayong nag-uusap tapos sinisingit mo ang mga ganyan." Hinila niya ako palapit pa sa kanya. "Bahagi 'yon ng seryoso nating usapan." "Huwag mo akong linalandi, Attorney Del Valle. Nandito ako para makipag-negotiate sayo."sumandal na siya sa sofa at tinigilan narin niya ulit ako. "Sinong kliyente mo?"tanong ko na sa kanya. "Villamor." Napatigil naman ako. Villamor? Sa anong dahilan? "Bakit nila sayo inutos ito?"tanong ko ulit, nagkibit-balikat naman siya. Tinignan ko siya, mukhang wala na siyang planong sagutin ito kaya hindi ko na siya kinulit tungkol dito. "Ibibigay ko sayo ang oras at lugar sa susunod na transaction ng warehouse. Pero sa isang kondisyon, kailangan mong sirain ang pangalan ni Johnny Lacuesta."saad ko. "Parang gusto kong malaman kung bakit gusto mo siyang sirain."wika niya, iniwas ko naman ang tingin ko. Johnny Lacuesta, ang Tatay ko pero kaya ko siyang ilaglag dahil sa ginawa niya. Ang kanyang kasakiman ang nag-alis sa akin ng pagkakataon na mabuhay ng masaya. Ang kasalanang ginawa niya sa mga totoong Lacuesta ang bagay na sinasaksak ang konsensya at pagkatao ko hanggang ngayon. "Hindi mo na kailangan pang malaman. HIndi ito mahalaga sa usapan natin."binalik ko na ang tingin ko sa kanya. "Hindi tayo magkakapoblema kung tutuparin mo ang kondisyon."sabi ko pa sa kanya. "At kung hindi ko magawa?"nakangiti pa niyang tanong kaya tumayo na ako. "Pikunin ka, ang dali mong magalit." "Iyang mga sinasabi mo ang hindi ko nagugustuhan."wika ko at tinalikuran ko na siya. "Bakit? Tinatanong ko lang naman."sunod niya sa akin. "Mahalaga sa akin ito, Attorney Friam Del Valle."harap ko sa kanya. "Fine, makipaglokohan ka sa akin, tatanggapin ko pero seryosohin mo naman ako kung sa ganitong bagay. Dahil kung trabaho lang sayo ito, buhay sa akin. Kaya kong itaya ang lahat, bumagsak lang ang CEO ng LFL." "Kaya nga bakit? Gaano ba kabigat ang kasalanan sayo ni Johnny Lacuesta?"tanong niya. "Akala ko ba naniniwala ka sa kasabihan na curiosity kills the cat."panunubok ko sa kanya. "Well, maybe that could help me in this case. So tell me-" Umiwas ako ng tingin sa kanya at napasuklay ako sa buhok ko. Sakto namang tumunog ang doorbell kaya napatawa narin ako sa hangin. "Times up."baling ko sa kanya sabay turo ko sa pinto. "Adjust natin."wika niya. Napatingin ako sa kisame ng condo niya dahil umiinit talaga ang ulo ko sa kanya. Habang tumatagal na nakakausap ko siya, sinisira niya ang imahe niyang nabuo sa isipan ko noon. "Pumapayag ka ba sa kondisyon ko o hindi?"ubos na pasensya ko ng tanong sa kanya. "Pumapayag ako."bumalik ang tingin ko sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD