Chapter 7

1235 Words
Hannah "Aba Rena, napakaaga mo na naman. Ayaw mo talagang matanggal sa trabaho."ngumisi naman ako sa security guard ng warehouse. "Kaya nga gustong-gusto siya ng supervisor natin kahit isang buwan pa lang siyang nagtatrabaho dito."komento naman ni Kuya Ricks, isa ring part-timer na katulad ko. "Siyempre, kailangang magsipag. Mahirap na kung ako ang susunod na matatanggal."may halong biro na saad ko. Tumawa naman 'yung mga kararating rin na mananahi. Habang lumilipas ang araw, nadadagdagan ang mga nasisibak sa trabaho. At dinadaan na lang ng lahat sa biro. Pero gagawin ko ang lahat makabalik lang lahat ng mananahi dito sa factory. Kaya dapat sa mas madaling panahon, mahanapan ko na ng butas ang factory. "Iyan ang gusto ko sayo."wika sa akin ni Kuya Ricks at sumabay na siya sa akin nang matapos na kaming makapag-time in. Ginagawa ko ang trabaho ko sa warehouse habang minamatyagan ko ang head na pinagkakatiwalaan ni Dad. "Rena, kape muna. Kanina ka pa diyan sa pag-aayos ng mga damit."tawag sa akin ng isa sa mga kasamahan ko. Tumango naman ako. Binitiwan ko na ang ginagawa ko at lumapit na sa mga kasamahan kong nasa harap ng mesa. "Iba ka rin Ricks, kaya mo parin makuha ang tulog mo kahit ilang baso na ng kape ang nainom mo."wika ng isa naming kasamahan dahil naghahanda na naman si Kuya Ricks na matulog sa karton na inilatag niya sa semento. Umupo narin naman ako nang makapagtimpla ako ng kape. "Siyempre kape lang 'yan, hindi niya ako matatalo. Ako pa ba na napagdaanan na lahat ng maaaring trabaho sa gabi."ngumiti naman ako kay Kuya Ricks, isa siya sa mga tauhan dito sa warehouse na hinahangaan ko. Narinig ko na sa umaga nagtatrabaho ang asawa niya kaya siya ang nag-aalaga sa dalawa nilang anak . Tapos sa gabi, siya naman ang aalis sa bahay nila para magtrabaho. "Matanong ko sayo Ricks, wala ka bang pinagsisisihan sa buhay mo ngayon? Ang pag-aasawa mo ng maaga, at ang pagkaka-anak niyo ng maybahay mo." Humigop naman ako ng kape habang nakikinig parin ako sa usapan nila. "Sino bang tao ang walang pinagsisisihan sa buhay? Lahat naman tayo, hindi ba?" Tumango naman ang lahat ng nasa harap ng mesa. "Pero hindi ko na ito iniisip dahil nagpopokus ako sa kung ano ang kinakaharap ko ngayon dahil ayokong pagsisihan ko ulit ito sa huli."napatingin ako kay Kuya Ricks. Hindi pagsisisihan ulit. Bumaba ang mga mata at mapait akong ngumiti. "Tsaka ang asawa't mga anak ko naman ang dahilan kung bakit nagpupursige ako sa buhay."tinaas ko rin ang tingin ko at ngumiti kay Kuya Ricks. Tuloy-tuloy ang kanilang kwentuhan, naantala lang ito nang may dumating na mga kalalakihan sa loob ng warehouse. Nakipagpalitan ako ng tingin sa mga kasama ko ng linagpasan kami ng grupo. "Meron na naman 'yang mga tauhan sa port. Dumalaw na naman sila kahapon."wika ng isa nang makalayo ang grupo sa amin. "Alam niyo bang aksidene kong narinig na may dadating na naman yatang kargamento, bukas ng madaling araw." "Bagong mga damit na naman. Kaya halos hindi na nababawasan mga damit na ginagawa natin dahil diyan. Dagdag mo pa na kailangan na naman nating magtatak ng mga damit." Humigop ako ng kape at tinuon ko ang mga mata ko sa mga kakanin na nasa disposable plate, na parang wala akong pakialam sa pinag-uusapan na ng mga kasama ko. "Pero hindi pala sa bagong port nila idinidiskarga mga kargamento. Kundi dun sa kabila, alam niyo 'yung lumang port, doon pala nila kinukuha." Kumuha ako ng kakanin upang itago ang pananabik ko mula sa narinig kong impormasyon. "Hindi na 'yun nagagamit, hindi ba?' "Oo nga, ba't doon?" "Malay ko, iyon lang ang narinig ko."sagot ng nagkukwento. Lingid sa kaalaman ng mga empleyado. Ilegal na pinapasok ni Dad ang mga damit dito. Nadiskubre ko lang ito ng minsan kong sinundan si Dad patungo sa dating port. Doon ako nagkaroon ng ideya na naipapasok ang mga damit na walang legal na proseso. Doon ko sinimulan na magpanggap bilang Rena upang malaman ang nangyayari. At nagtagumpay naman ako dahil tama nga ang kutob ko. "Puyatan na naman ito. Buti pa si Rena walang shift bukas."ngumisi naman ako sa kanila. "Ganoon talaga kapag maganda."wika ko at humigop ulit ako ng kape. Bukas ng madaling araw, dating port. Mabuti na lang at sumakto, maipapakita ko ito kay Friam. Nagpakawala ako ng malalim na hininga nang makarating ako sa harap ng condo ni Friam. Kanina pa ako dito sa labas pero hindi ko magawang pumasok. Pakiramdam ko hindi ko kayang pigilan ang sarili ko na makaramdam ng epekto ng isang Friam Del Valle. Hindi ko maintindihan kung bakit nagkakaganito na naman ako ngayong ilang taon ko narin naman siyang hindi naiisip. Ang akala ko nakalimutan ko na siya pero isang beses ko lang siyang nakita ulit, ginugulo na naman niya ang sistema ko- Napapitlag ako nang maramdaman kong may umikot na kamay sa bewang ko at hinaplos ito. Unti-unti ko namang ginilid ang mukha ko at napatitig na lang ako kay Friam nang siya ang bumungad sa paningin ko. "Nagdadalawang isip ka yatang pumasok."wika niya. "Hindi lang ako nagdadalawang isip kundi ayoko talaga."saad ko sa kanya tsaka ko kinapa ang kamay niya para tanggalin ito sa bewang ko. Pero mas lalong kumapit ang kamay niya dito at hinila pa ako palapit sa kanya. "Umaatras sa napag-usapan ang ayoko sa lahat."umay na akong tumingin sa kanya. "Ayoko rin sa iyo."wika ko, ngumisi siya. "I don't believe you. Alam kong may epekto ako sayo."nakagat ko ang labi ko dahil sa tinuran niya. Sobra na ba akong nagpapahalata? Humugot naman siya ng malalim na hininga habang nakatitig parin siya sa akin. "Pakalmahin ko muna ang sarili ko bago tayo pumasok, baka sa kama kita madala."mahina niyang saad kaya pumikit na ako. "Friam." "Yes?" "Tigilan mo ako dahil nananahimik ako at hindi katulad ng mga babaeng umaaligid sayo."naramdaman ko naman na linayo na niya ang kanyang sarili sa akin kaya nagmulat na ako. Ilang minuto pa kaming nanatili sa labas bago ko napagdesisyunan na kausapin na siya. "Pasok na tayo." "Mabuti pa nga."sagot niya at binuksan na niya ang pinto ng kanyang condo. Tumuloy ako sa living room niya habang dumeretso naman siya sa kanyang kwarto. Tumaas ang isang kilay ko nang mapansin kong wala ng nagkalat na mga papel sa kanyang sofa kaya malaya na akong umupo. Nabigla ako nang pumasok siya sa kanyang salas na may dalang blanket. At tuluyan na akong natawa nang iabot niya sa akin ito. "Aanhin ko ito?"maloko kong tanong sa kanya. "Ewan ko, bahala ka."saad niya at nag-iwas na siya ng tingin. Kinuha ko na lang ito sa kanya at tinakip ko na ito sa hita ko dahil sadyang natutuwa ako sa simpleng kilos niyang ito. "Pwedeng ibalot mo na lang 'yan sa katawan mo."wika niya habang umuupo siya sa mahabang sofa. "Ayoko, mainit." "Ilalakas ko ang aircon."muli akong tumawa ng kinuha niya ang remote control at pinalakas ang aircon tsaka rin siya bumalik sa sofa. Matagal ko siyang pinagmasdan. "What?"tanong niya. "Pinapahiwatig mo ba sa akin na maginoo ka rin?"patanong kong sabi. "No, hindi ako maginoo dahil nagpipigil lang ako."ngumiti naman ako at tumango sa kanya. Kailangan ko ring magpigil kundi uusbong ulit ang nararamdaman ko sayo. "Gusto mo palang makita ang aktwal na ebidensya ng pinakita ko sayong mga larawan?"tanong ko na sa kanya. "Actual?" "Oo, may transaksyon ang LFL bukas ng madaling araw. Sumama ka sa akin para makita mo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD