Chapter 4

1060 Words
Hannah Pagkatapos ng shift ko sa warehouse, dumeretso ako sa sinabi ni Friam na address ng condo niya. Pinindot ko ang doorbell pagkarating ko sa harapan ng condo niya pero ilang minuto na ang lumipas hindi parin niya ito binubuksan. Naghintay parin naman ako, baka may ginagawa lang siya. Pero sumama na ang tingin ko sa pinto ng condo niya dahil dalawampung minuto na ang lumipas, hindi parin niya ako pinagbubuksan ng pinto. Yumuko ako at hinawakan ko ang isa kong binti ko dahil nangangalay na ako. Ang sakit narin ng mga paa ko dahil sa suot kong stilettos. Ano bang ginagawa niya sa loob at hindi man lang niya ito magawang buksan! Naubusan na ako ng pasensya kaya ilang ulit ko ng pinindot ang doorbell. Bumukas naman ito ilang sandali lang ang lumipas pero nagulat ako nang makita kong babae ang bumukas dito at palabas narin. Masama rin ang tingin niya sa akin. "Gabi na, sana naghanap ka na lang ng iba."wika pa sa akin ng babae bago nagmartsa paalis. Sinundan ko ng tingin ang babae kahit pumapasok na siya sa elevator. "Come in."narinig kong alok ng hudas na lalake! Humarap naman ako sa kanya na namumula sa galit. At mas lalong kumulimlim ang hitsura ko ng makita kong nakasuot lang siya ng puting roba. "Anong sinabi mo sa babaeng 'yun?"tanong ko, nagkibit-balikat siya. "Wala. Alam naman nila kung anong ibig sabihin ng pagtunog ng doorbell ko, that's their times up." Times up? Dahil may susunod, ganun ba!? Kaya pala iyon ang sinabi sa akin ng babae kanina. Hindi na ako nakapagpigil ng galit, lumapit ako sa kanya ng hindi pumapasok sa loob ng condo niya. At buong lakas kong hinaklit ang tiklop ng kanyang roba. "How dare you, Friam Del Valle."nanggigigil at puno ng galit kong saad sa kanya. Nagtaas-baba ang dibdib ko habang nakatitig sa kanya pero binitawan ko rin siya ng matauhan ako sa ginagawa ko ngayon. Umatras na ako at aalis na sana sa harapan niya pero hinila niya ako papasok sa condo niya. At hindi ko na nagawang magprotesta nang isandal niya ako sa sinara niya ring pinto. Nakipagsukatan ako sa kanya ng tingin at hindi ako natinag gaano man kalapit ang katawan niya sa akin. "Pwede mo bang ipaliwanag sa akin kung bakit kailangan mo akong tignan sa paraan na hindi ko na nagugustuhan." "I don't want to deal with you anymore."saad ko sa kanya at sinubukan ko siyang itulak pero mas malakas siya kaysa sa akin. "Why?" "Pinaghintay mo ako ng matagal. Ayoko sa mga taong sinasayang ang oras ko-" "Iyon ba talaga? O nadismaya ka sa akin dahil sa babaeng nadatnan mo."napatigil ako sa sinabi niya. Tumingin ako sa roba niya, ano man ang dahilan ng nararamdaman ko ngayon, ayoko ng makatagpo siya. Ang akala ko magiging proud ako sa sarili ko dahil nagkagusto ako ng matagal sa isang lalakeng may reputasyon na sa publiko pero nagkamali ako. Isa siyang babaero na walang galang sa mga babae. "I can't stand you. Distance yourself from me-" Sinakop niya bigla ang labi ko, mabilis ko namang linagay ang mga kamay ko sa pagitan namin at tinulak ang dibdib niya pero hindi siya nagpatinag. Marahas niya ginagalaw ang labi niya sa akin kaya ilang ulit ko siyang pinalo. Naghahabol ako ng hininga ng pakawalan narin niya ang labi ko. "Kung aatras ka sa deal natin, ikakama kita."walang gatol niyang sabi sa akin. Naghalong gulat at galit naman ang naramdaman ko dahil sa sinabi niya. Tinignan ko siya at nang makita kong wala siyang planong bigyan ako ng kahit konting respeto, hindi ko na napigilang sampalin siya. "Mamili ka."harap niya ulit sa akin. Nagpupuyos na ang dibdib ko dahil sa galit kaya sasampalin ko na ulit sana siya pero nahawakan na niya ang kamay ko. Pininid niya ito sa pinto at linapit na niya ulit sa akin ang mukha niya. "Nawawalan na ako ng pasensya. Pupunitin ko na ang damit mo dito."nahigit ko ang hininga ko ng dinala niya talaga ang isang kamay niya sa damit ko. Siniil niya ulit ako ng halik, at tanging isang kamay ko na lang ang lumalaban sa kanya kaya sumuko rin ito kasama na ang katawan ko. Nagpatianod na ako sa init ng kanyang labi sa akin. Bumagal ang hininga ko nang pumasok ang kamay niya sa loob ng damit ko. Pero bago ko pa maisara ang matino kong isip, ang panga na niya ang hinawakan ko at tinulak ito palayo sa akin. "Deal, Friam."halos mapugto ang hininga ko habang sinasagot ko siya. "Mabuti kahit hindi ko nagugustuhan ang desisyon mo."wika niya sa akin. Inalis na niya ang kamay niya sa akin at aayusin na sana niya ang damit ko pero tinabig ko ito. "I can do it by myself."he chuckled as he turned his back to me. Hindi ko na kakayanin kung ilalapit pa niya ulit ang kamay niya sa akin. Inayos ko na ang damit ko nang umalis narin siya sa harapan ko. Nagtagpo ang mga kilay ko nang tuluyan na akong makapasok sa living room ng kanyang condo. Anong klaseng lugar ito, punong-puno ng mga papel ang lahat ng sulok na halos wala na akong madaanan. Di makapaniwala kong tinignan si Friam nang kaswal siyang umupo sa mahabang sofa. "Have a sit."alok niya sa akin at tinapik niya ang espasyo sa tabi niya. Pinanliitan ko lang naman siya ng tingin tsaka ako naglakad papunta sa isang sofa. "May mga papel ang sofa na 'yan."hindi ko siya pinansin, binuhat ko na ang mga papel na nasa sofa- "Ibalik mo 'yan, mababaliw ako sa paghahanap niyan bukas."saad niya. Nagpakawala ako ng malalim na hininga tsaka rin binaba ang mga papel. Tumingin ako sa ibang sofa at lahat may mga papel maliban sa inuupuan niya, Humarap na ako sa kanya. "Simulan na natin ang meeting."hudyat ko sa kanya. "Ng nakatayo?" "Kung naglinis ka kaya muna bago mo ako pinapasok-" "May space pa naman dito sa tabi ko."maloko niyang sabi, inirapan ko lang naman siya. "Bakit mo hinahanapan ng butas ang mga Lacuesta?"tanong ko na sa kanya. Hindi siya sumagot at tumingin lang sa akin. "Friam."tawag ko na sa kanya pero hindi parin siya umiimik bagkus tinapik niya ulit ang espasyo na nasa tabi niya. Nakagat ko ang gilid ng bibig ko, tumingin ako sa tabi niya tsaka ako bumuga ng malalim na hininga. Ibang klase talaga ang lalakeng ito!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD