Nakatulala lang si Destiny sa harap ni Prick, hindi pa rin ma process ng isipan nya na ang lalakeng ito ang magiging studyante nya. Lentek talaga tong pinsan nya. Hindi man lang sinabi sa kanya kahit na pangalan lang ng tinuturuan nito.
Sabagay may kasalanan din naman sya kasi, masyado syang excited sa 50k na sasahurin nya't di man lang pumasok sa isipan nyang magtanong kung ilang taon na bang tuturuan nya.
"Are you ok Destiny? You look pale."
Sinalat ni Prick ang noo nya tapos ang leeg. Kinilig naman ang talande at hinayaan lang ang binatang gawin kung anong gusto nito. Abala ang isip at pakiramdam nya sa mga sensasyong bumabalot ngayon sa kanyang pagkatao. Umalis at nakabalik na sa tabi nya si Prick ganun pa rin ang hitsura nya.
"Destiny, Hey Destiny! What happened to you?"
Itinapat ni Prick sa pisngi ni Destiny ang baso na may lamang malamig na tubig. Bigla namang naalimpungatan mula sa maharot na pag iisip si Destiny. At dahil nagulat natabig nyang basong hawak ni Prick at natapon sa binata ang lamang tubig nun.
"Hala! Oy sorry! sorry talaga pogi diko sinasadya! Hmm.. pero parang ganun na rin yun, sinadya ko talaga!."
Parang tangang sambit nya na lihim namang ikinangiti ni Prick. Siguro iniisip ni Destiny na hindi sya nakakaintindi ng tagalog pero ang totoo nyan intinding intindi nya ito, hindi man sya makapagsalita ng deretsong tagalog pero may alam sya. Ayaw lang nyang magsalita kasi masagwa sa pandinig kapag nagsalita sya ng tagalog, kaya minabuti na lang nyang mag English dipa sya pagtatawanan kapag sumablay sya.
"No worries Im fine! Ahm ... just a minute I'll change my shirt ok!"
Hindi pa sya nakakasagot, nawala na si Prick sa paningin nya. limang minuto itong nawala at pagbalik nito bagong ligo na.. Grabe! ganun sya kabilis maligo, parang nagwisik wisik lang ganun.. pero in fairness ambango nya saka ang linis linis pang tingnan.
"So, let's start! Hmmm?"
Anong let's start?
"Ha!"
"Teach me some Filipino language! I want to learn thagalog."
Anong thagalog? Baka tagalog ibig nyang sabihin.
"Ok! Since we know each other already, how about you ask me some Tagalog language that you want to know?"
Nag isip naman ang binata ng itatanong kay Destiny.. Sa totoo lang bihasa na sya sa tagalog, eh sa mga kaibigan pa lang nyang mga baliw marami na nga syang natutunan sa mga ito. Nagpapa tutorial lang sya para pampalipas ng oras at malibang.
"What's the meaning of "Tangna" in English? Explain please!"
Kunwaring naguguluhan ang mukha ni Prick habang tinitingnan ang reaction ni Destiny.
"Tangna is a bad word, I won't tell you the meaning."
"But why not? I've always heard that tangna with my friends and I thought that it's a compliment."
"Compliment ka dyan! Eh mura nga yun eh!"
Umirap pa sa hangin si Destiny, naiilang sya sa binata, ewan ba nya, eh madami na rin syang tinuruan ah! yung iba ngang foreigner na nagpa tutorial sa kanya kagaya lang din ng binata, pero bakit ngayun nag iinarte na sya. Pabebe pa nga eh sobra!
"Ok! How about beautiful in tagalog!"
'Uyyy gustong malaman, siguro nagagandahan to sakin hihi'
"Maganda!... Ako?"
"Oh! Maganda ako?"
"No! I mean Only Maganda."
"Hmmm.... How about... Your beautiful?"
Kitam sabi na nga ba eh... Naku, naku naman parang may future kaming dalawa.
"Ah yun ba! Eh di...Maganda ako!"
Pabebe konti saka pahaplos haplos ng hair para looking beautiful, tapos padila dila konti ng lips para kunwari kissable lips din. Hmp kainis makapag lipstick na nga sa susunod para hindi dry looking ang lips koo..
"Destiny, are you ok? Really!! you don't look good today."
'Kainis naman ng poging 'to di man lang nahahalata ang pagpapa cute ko! Ay! Paglalande ko pala..'
"I'm fine ok! Anyway, let's continue our tutorial next meeting! We're done today with our one hour session."
"Yeah! Thanks Destiny."
"Your welcome Prick!"
Ngiting ngiti si Destiny, sa isip nito ay ang 50k na kikitain nya after one week.. May pang tuition ng kapatid nya hindi na sya magigipit at mamroblema. Salamat Insan talaga kasi malaki ang naitulong nito sa kanya.
"Bye! Pogi!"
"Powgi? What's the meaning of that?"
Nakakunot noong tanong ng binata kay Destiny. Nagulat na lang sya ng pisilin nito ang matangos nyang ilong at nakangising kumindat pa sa kanya.
"Secret!!! Hmmm pogi mo talaga! Babye.."
Tumakbo na ito palabas ng pinto saka dere deretso sa elevator. Naiiling naman si Prick habang sinusundan ng tingin si Destiny. Napakapilya talaga nito, parang bata lang kung umasta pero gustong gusto na nya. Kasi...
ito lang ang babaeng pinayagan nyang mapalapit sa kanya...
ito lang din ang babaeng nakapasok sa mundo nya...
Ang babaeng unti unting binabago ang lahat lahat sa kanya..
Ang babaeng nagbalik sa lahat ng emosyong matagal na nyang hindi naramdaman...
Ang babaeng hulog ng langit para magkaroon sya ulit ng magandang pananaw sa buhay...
At si Destiny ay tinuturing nyang anghel sa kanyang buhay...
My Angel! An....
"Angel of mine!"
?MahikaNiAyana