Four

1077 Words
"Anuka ba insan! Lam mu namang over load ng schedule ko eh! Kainis ka naman huuuu.." Reklamo ni Destiny sa pinsang teacher na naka admit ngayun sa hospital na pinag tatrabahuhan nya. Nakikiusap kasi ito kay Destiny na mag tutorial muna kahit isang oras lang kada araw sa studyante nitong Russian. "Sige na beauty, isang oras lang naman, saka mabait naman ang studyante ko hindi pasaway." "Yoko nga! Kulit naman eh!" Inayos nyang dextrose nito saka akmang lalabas na ng private room nito ng magsalita ulit ang pinsan nyang si Rina. "Sayang malaki pa namang magbayad ang studyante kong yun, 50k isang linggo! Susme kung di lang ako naaksidente hindi nako makikiusap ng ganito sa feeling beauty dyan sa tabi tabi! Hmp." 50k isang linggo? Eh, dalawang buwan ng sahod yun ni Destiny, kumikita lang sya ng extra dahil sa pag na nurse nya kay Donya Deryphe. "Insan, kelan ako mag start sa pagtuturo sa studyante mu ha! Excited nakoooo!" Lihim na napangiti si Rina, pagdating sa pera wala ng maraming tanong tanong itong si Destiny. Kaya sinadya nyang wag sabihin dito ang pangalan at edad ng Russian nyang studyante. Kasi siguradong tatanggi itong si Destiny kapag nalaman nyang hindi bata ang tuturuan nito kundi isang binata! Isang Adonis na papangarapin mong makasama habang buhay. "Mayang 3pm, libre ka ba? Baka busy ka, sa iba ko na lang sya ibib -" "Hindi ako busy Insan, kaya go nako dyan, san bang bahay nyang tinuturuan mong Russian ha?" Atat lang! Tingnan lang natin kung di lumuwang mga mata ni Destiny kapag nakita na nyang Russian student nya. "Ok sige, text ko na lang sayu mamyang address nya. Sige umalis kana matutulog nako." Inayos ni Destiny ang kumot ng pinsan saka pakanta kanta pang niligpit ang kanyang mga gamit. ♪ ♪You came into my life Sent from above When I lost all hope Hmmm...♪ ♪ " Insan, sure yung 50k isang linggo ha! Baka jino joke mu lang ako? Masasakal kita." "Uu nga! Kulit naman eh! Alis na shoooo." ♪ ♪Boy, you showed me love I'm checkin' for you, boy You're right on time Angel of mine...♪ ♪ "Bye Insan, salamat sa raket may 50k nako sa isang linggooo yeeheheey." Natatawa na lang si Rina sa pakembot kembot ng pinsan. At lalo syang natawa sa naisip na hitsura nito kapag nakaharap na nito ang tuturuan.. Naku! Siguradong priceless ang reaksyon nito. "Huhmm hmm Angel of mine♪ ♪ hmmm." Napahinto sa pagkanta si Destiny ng mag vibrate ang cellphone nya sa bulsa ng suot na nurse uniform. Dali dali syang nagtungo sa banyo ng makitang si dj hugot ang caller nya. "O, bespren anong atin ha? May 'blem kana naman ba?" Siguro si ex na naman ang problema nito. Hayy anupa bang bago diba parati namang ganito, anubang pinagbago? "Bespren, bumalik na sya." "Ha! Sino? si Ex ba?" "Hindi ah! paki ko sa hudas na yun!" Abah me bago na sya! Bilis maka move on ah "Eh sino nga kasi? Pa suspens kapa kasi dyan!" Naiinis ng singhal nya sa kaibigan na parang hinihingal ang bosis, anubang ginagawa nito tumatakbo? "Si Aeris Blyze!" Aeris Blyze? Tunog imported pangalan pa lang. "Bagong jowa mo bespren? Bilis ah! 3days lang pag mo move on mo? Hanep!" "Gaga! diko sya jowa nuh! Ka school mate ko lang." Napataas ang kilay ni Destiny sa sagot ni Xue, school mate lang pala eh kung maka chika parang jowa na nya. "Ahhh .. Ok yun ang sabi mo eh! Co comment paba ko? Wagna! diba? baka lalo ka pang ma high blood dyan masisi pako." "Hahaha, kilalang kilala mo na talaga ako. Bespren, free kaba mayang 3pm? Magpapasama sana ako sayo!" Nag isip muna sya kung may appointment ba sya mayang 3pm. Ng maalalang studyante ng pinsan nya. Naexcite na naman sya dahil sa 50k na kikitain nya sa pagtuturo dito. "Eh Bespren, may tuturuan pala akong Russian mayang 3pm. Studyante ni Insan kaya di kita masasamahan. Sorry Bespren ha! Lam mo namang kelangan ko ng extra income pang tuition ni Maya." Si Destiny kasi ang nagpapa aral sa bunsong kapatid na isang engineering student. "Anuka ba! Syempre ok lang yun nuh! para naman sa pamilya mu yun eh! Ang hindi ok, kung maglalande ka lang kaya dimu 'ko masasamahan yun ang di ok sakin." Uyyy bumabait na si dj hugot ah!! Anyari kaya dito? Mukhang nag babago na! Siguro naiinlab na naman ituuu.. "Hihihi gets ko Bespren, sige, mag iingat kana lang palagi! Bye na duty pako eh!" "Bye Bff, miss you na talaga!" "Hahaha sa linggo kita tayo! libre kita!" "Sure yan ha! kasi aasa nako ngayun pa lang!" "Sure na sure, bye na mwah!" Pinatay nyang tawag saka lumabas ng CR. Dadaanan nya muna si Laloo bago sya mag out. Nag vibrate ang kanyang cellphone kinuha nya ito at tiningnan, text message galing sa pinsan nya. "Hmmm yayamanin naman nitong Russian student ni Insan, sa condo pa talaga nakatira ha at sa Magallanes pa." Nangingiti pa syang tinungo ang locker room para kunin ang baong damit, nagpapalit kasi sya ng damit bago mag duty at bago umuwi ayaw nya kasing bumyahe na naka uniform puti pa naman mahirap labhan. 'Sana di masungit at makulit ang tuturuan ko para makaabot naman ako ng isang linggo, sayang din kasing 50k malaking tulong yun samin. Lalo na sakin' Ng makapagbihis dumeretso na sya sa private room ni Donya Deryphe. Tulog ito ng silipin nya kaya dumeretso na lang sya palabas ng hospital. Tiningnan nyang oras sa suot na relo 2:30 pm may 30 minutes pa sya para bumyahe pa Magallanes sakto lang sa oras ng pagtuturo nya. "Huwowww!!... Kaganda at kelalaki naman ng mga condo unit dito, yayamanin talaga! Hoo! Kaya barya lang ang 50k na pinambabayad sa tutorial eh" Pumasok na sya sa loob ng Tower5 building at dumeretso sa elevator. 19F - 2D ang condo unit nito. Nag doorbell sya kaagad ng mapatapat sa pinto, saglit lang ang hinintay nya bago ito bumukas at tumambad sa harapan nya ang pamilyar na mukha. Napakurap kurap pa sya ng mga mata sa pag aakalang namalikmata lang sya. "I - Ikaw!!." Dahil sa pag aakalang bata ang tuturuan nya, agad na pumayag sya. Laking gulat nya ng makita ang tuturuan nyang studyante. Hindi ito bata kundi malaking mama, Ay mali! Ito'y isang macho at gwapitong Fafalicious. At ng magpakilala ito.. "Hi, I'm Prick Lefur, nice to see you again Destiny Hedrex!" At hinimatay na sya! 'Charot... ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD