Six

983 Words
'Somewhere between the eyes, I see pain. Somewhere between the eyes, I see contentment. Somewhere between the eyes, I see anger. Somewhere between the eyes, I see happiness. Whatever the emotions we see in someone else’s eyes, we don’t have the right to judge them on how they act. Their actions is the opposite on what they have inside. Don’t judge if you don’t know their deepest story.' "Korek ka naman dyan Author MahikaNiAyana!.. Kaya ako! Yoko maging judgmental kasi ayokong ma judge ng iba." "Anuna Destiny, tapos kana ba dyan sa binabasa mo ha? Puro ka w*****d eh dika pa nga nakakapirma dun sa outing natin.. Inis na si Doc. Tina kaka antay sayo ah! Sasama kaba sa outing O hindi?" Hinarap nya ng nakapamewang ang kasamahan nyang nurse saka pinandilatan ng mga mata. "Atat lang! Syempre naman sasama ako ano! Ako pa ba! Eh bet na bet ko yang swimming na yan kahit langoy aso lang ang alam ko..hahaha" Niladlad ni Eva ang mga dalang paninda sa harapan ni Destiny. "At dahil sasama ka, oh ayan pili kana ng two piece dalii! Bili kana para may pang gatas si junior ko!" "Meganun! two piece talaga? Pede naman akong mag shorts na lang ah! Makakatipid pako." Inis na tinulak pa ni Eva sa harapan nyang mga pang swimming na paninda. "Wag kang kuripot girl, sige na bili kana! at ikaw na lang ang walang pang swimming." "Weeh di nga? Bakit si Doc. Tina magto two piece din ba? Eh conservative kaya yun." "Anuka! Yung pinaka daring ngang two piece ang kinuha eh! So, ano magpapatalo kaba sa kanila ha? Sa ganda't sexy mo dapat irampa yan girl di tinatago." Tumaas bigla ang confidence nya dahil sa narinig mula kay Eva. Pambobola man O totoo lana sya pake basta excited na sya sa gaganaping outing nila. "Sige na nga bibili nako, baka ipagkalat mo pang kj ako hmp" Napahiyaw pa sa tuwa't saya si Eva, at sya na rin ang pumili ng two piece para kay Destiny. "Yeeeesss! Eto girl bagay na bagay sayo ang kulay, lalong titingkad ang kaputian mo dito." Iniabot sa kanya ni Eva ang kulay black and white na two piece bikini.. napaka daring ng design nun at parang di yata nya kayang magsuot ng ganung klaseng bikini. "Ewww Eva, sobra naman yang bikini na yan parang wala ng maitatago eh! wala na bang iba dyan? yung kulay pula sana kasi favorite color kong red eh!" Naghalungkat pa si Eva sa plastic bag na dala, ng makita ang isang kulay green na two piece. "Ala na nga! Oh itong green kursunada mu ba? Kaya lang t- back ang panty at strapless ang b*a, gusto mo ba? mas daring lalo ito kesa dyan sa black and white na hawak mo." "Ngee! Mas lalong ayoko nyan nuh! Sige, ito na lang black and white ang kukunin ko." Napapalakpak pa si Eva na tila ba nai imagine na nitong suot ni Destiny sa swimming nila. "Naku! Destiny, oras na sinuot mo yan lahat mapapa wow sa hitsura mo." "Sus talaga! binobola mo lang yata ako eh! para bilhin ko to hahaha." "Hoy hindi ah! Maganda ka talaga at sexy pa! Eh kung nagkataon na hindi malaki tong bilbil ko, akong magsusuot nyan, kaso hindi ako biniyayaan ni Lord ng katawan na kasing sexy ng sayo kaya magkakasya na lang ako sa panonood sa pagrarampa nyo." 'Ka touch naman tong si Eva, lab ko na sya kasi puring puri nyang Dyosang tulad ko' "Eva, sa sahod na lang bayad nito ha! Lana kasi akong budget saka medyo gipit ako ngayon kita mo naman panay ot ko!" "Ayos lang yun girl, nagbabayad ka naman eh! Sige itago mo na yan baka makita pa ni Doc. Tina mainggit na naman, hate kasi nun mga pang FHM beauties na gaya mo at gaya ko hahaha nakikisali lang kaya mispyok kana lang dyan girl." Natampal nya bigla sa braso si Eva, kaloka kasing kakengkayan nito. "Hahaha puro ka kalokohan.." Natigil lang ang masayang kwentuhan nila ng marinig ang boses ni Doc. Tina. Dali dali naman nilang niligpit ang mga paninda ni Eva. "Hoy.. hoy.. hoy chismisan kayo ng chismisan dyan eh duty pa kayo ah!" "Ito na nga po Doc. kumuha lang po ako ng tissue nahingi po kasi yung pasyente eh.!" Palusot pa ni Eva bago dali daling umalis.. Dala dalang mga plastic na paninda nito at ang tissue. Sya naman ay isiniksik muna sa bulsa ng uniform ang two piece bikini, sa nipis at liit nun nagkasya na sa isang bulsa nya lang. Saka nagmamadali na ring umalis. Mahirap ng maiwan at siguradong tatalakan lang sya ni Doc. Tina. Dumeretso muna sya sa locker room para ilagay ang two piece nya. Ng maramdamang nagba vibrate ang cellphone nya sa bulsa agad nya itong nilabas at tiningnan. 'Bespren calling... Anuna naman kayang problema ng dj hugot nato hmmm... "Bespren, musta na?" Himala good mood sya, bakit kaya? Dati pag natawag puro iyak at reklamo na lang ang maririnig dito, pero ngayon ibang iba na sya! Bakit nga kaya? "Mabeauty pa rin ako Bespren, lkaw ba musta ka naman ngayon?" "Haping happy! Eh Bff, pede mo bako samahan pagkatapos ng duty mo?" Napataas ang kilay nya bigla.. Hmmm anong meron? "Libre ba?" "Sure! akong taya, sama kana ha! daanan kita dyan." Nakakapagtaka na ha! Bakit bigla yatang sumigla ang babaeng ito? "Sige, para makalibre na rin ako sa pamasahe hahaha." "Hahhaha..kaw! Bruha ka, sakit mo na talagang magpa libre nuh! Sige bye na nga." "Babye bespren, salamat sa libre." Nangingiti pa syang ibinulsa ang cellphone saka lumabas na ng locker room para tapusin ng trabaho nya.. Excited sya sa kung saan man ang lakad ng bespren nya, mahigit isang linggo na rin kasi silang di nakakapag bonding kaya susulitin nya mamaya ang gala nila... At take note Libre... ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD