"Theaaaaaaaa!" Hindi ko na nahabol kung sino man ang nagsigaw ng pangalan ko dahil isa-isa akong dinagsa ng mga katrabaho. Ilang buwan na rin simula nang hindi ko pagtapak sa opisina na 'to.
Nag-file ako ng indefinite leave simula ng binunot ang life support ni Warren. Pakiramdam ko kasi hindi lang buhay niya ang naputol nang araw na 'yun, kundi pati sakin.
Halos dalawang linggo akong hindi lumalabas sa silid ko. Hindi rin ako nagpunta sa mismong libing ni Warren. Masama man kung masama sa paningin ng iba, pero wala akong pakiaalam. Walang nakakaintindi sa sakit na pasan ko. Sakit na hindi nakikita pero ramdam na ramdam ko.
Mom talked to me into visiting a Specialist. Noong una ayaw ko pa, hindi ko matanggap but she later on convinced me by using the Warren card; the "sa tingin mo ba gusto ni Warren na nakikita kang ganiyan?" card. That's the reason why, I ended up in Doc Keira Czerina Real's clinic. Mom also told me that she is the best in town in her field. Wala na rin talaga akong nagawa.
A few months later, kahit di ko pa tanggap alam kong kailangan kong ipagpatuloy ang buhay ko na wala na si Warren. Masakit pa rin, ito 'yong sakit na kahit pilit mong kalimutan ay nandidiyan at nandidiyan lang nababawasan pero kailan man hindi lilisan.
I faked a smile as one by one, I was hugged by people I haven't seen in a while.
"Thea, miss na miss na kita!" Bulong ni Erlina habang nakapulupot ang magkabilang braso niya sa akin.
Siguro kung ako pa ang dating Thea naiyak na ako sa tuwa. Pero simula ng naibaon sa lupa ang kalahati ng puso ko, natutunan kong hindi makaramdam. Maging manhid dahil sa tindi ng sakit.
Tinapik ko siya sa balikat bago ako kumawala sa yakap niya. Nag-iisip pa ako kung anong sasabihin dahil bakas sa mukha niya ang pagkagulo at pagkagulat sa bigla kong pagputol sa yakap niya, nang biglang may magsalita.
"Thea, usap muna tayo sa opisina ko." Nakangiting tugon ni Sir Anton. Tahimik ako nagpaalam bago ako sumunod sa mabibigat na yapak ng butihin naming boss.
Wala masyadong pinagbago ang opisina niya. Ganoon pa rin ang ayos. May malaking mesa malapit sa dingding, tatlong may kataasan na bookshelf na puno ng mga papeles at libro. Coffee maker sa kabilang side, mga trophy sa kanan na bahagi.
Sinenyasan niya akong umupo bago siya nagsalita. "Kamusta ka naman Thea?"
"Mabuti naman po, Boss." Lie.
"How are you holding out so far...w-with all that has happened."
"I'm better compared yesterday." Another lie. I'm on a loop not knowing when it will stop.
"Hindi na kita dadaldalin pa. Ang gusto ko lang talaga malaman ay kung okay ka na magtrabaho. Thea, para ko na kayong mga anak dito. Kung kailangan mo pa ng pahinga hinding-hindi ko ipagdadamot sa iyo 'yon."
"Kaya ko na, Sir. Mahaba na ang panahon ng ipinagpahinga ko. Marami akong naabalang tao dahil sa pag-transfer ng mga projects na hawak ko sa kanila. Nabalitaan ko rin po na may mga kliyente tayong nagsi-pull out ng dahil sa bigla kong pag-alis."
Napatango ng ilang beses si Sir Anton bago nagbuntong-hininga. "Kaya mo na ba talaga?"
Hindi pero..."Kaya na, Sir."
"Okay. I will take your word. Besides, never mo akong nabigo."
I nodded once as Sit Anton relax on his seat. He took a deep breath before he gave his instruction regarding the project I belong to. Maraming adjustments ang mangyayari, mahirap pero mas gugustuhin ko na ito kesa matengga ako sa bahay at magkaroon ng oras para isipin nanaman si Warren.
Sir Anton dismissed me after giving the files I needed to review. Siguro mamaya ko na bubuklatin. Gusto ko munang pakiramdaman ang silya at mesa ko.
Nakasalubong ko si Garrett na mukhang naginhawaan sa pagkakita sakin. Mukhang ilang buwan na siyang 'di nakakatulog at nakakakain ng maayos.
"Salamat sa Diyos at pumasok ka na Thea, tinembrehan na ako ni bossing na sa'yo mapupunta itong commercial buildings na ipapatayo ng pamilya nila Engr. Zyrus."
Sinulyapan ko ang label ng folder na hawak ko.
"URGENT FILE: ORTEGA COMMERCIAL BLDG."
Napapikit ako, pusang gala. Kababalik ko lang sa trabaho si Zyam na agad ang makakaharap ko.