Chapter 19

1054 Words
"Anong maikukwento mo sa akin ngayon?" Tugon ni Doc Keira Real habang nakaupo sa harap ko. Napatingin ako sa gawing kanan kung nasaan ang malaking bintana ng clinic niya. Humugot ako ng malalim na hininga saka muling tumingin sa kaniya. "Better than yesterday Doc." Maikling sagot ko. Nasilayan ko nanaman ang tipid na ngiti ng butihing doktor. "Iyan naman palagi ang sinasabi mo sa akin, hija." Napatingin ako sa kaliwang kamay ko sabay laro sa singsing saka ko napangiti. "Mas maayos na ako ngayon doc, kung ikukumpara mo dati. Masakit pa rin kapag sumasagi sa isipan ko ang lahat-lahat nang nangyari pero mas kinakaya ko na siya ngayon. Last week 'yong huling araw nang nagising ako na umiiyak dahil napanaginipan ko si Warren. Lunes ata iyon...hindi ko na maalala." Tumango-tango si Doc sabay baba ng ballpen na hawak niya. "Kaya mo bang ikuwento sa akin 'yong napanaginipan mo?" I again looked at the window framing the towering building's around Doc Real's clinic. The blue and clear sky blanketing the monochromatic-colored establishments all but shouts positivity, but all there is to me was gloom and despair. I was awakened from my idling when Doc cleared her throat. She was just there, smiling, as if I'm not wasting her precious time by sitting infront of her and letting my thoughts consume the whole time. The hobby that I developed not a long time ago. "Napaka-random lang ng panaginip ko na iyon Doc. I don't even know kung nangyari nga ba siya o ano...Kasi alam mo naman, these past weeks I've been intentionally blocking or forgetting almost all my memories with Warren...kasi ang sakit. Masyadong masakit." "I know, hija. And you cannot force yourself to forget everything in a blink of an eye." Nararamdaman ko nanaman ang pangingilid ng mga luha ko habang pinipilit ang sarili kong tapusin ang sinimulan kong kwento. Mabuti na lang at sobrang tiyaga sa akin ni Doc simula ng mapadpad ako dito sa clinic niya. Aside from my mom, Doc Real witness the vulnerability that was in me. "It was raining super hard and I was there by our sofa drinking somewhat hot beverage in contrast to the weather. Warren sat beside me holding a small red box. There was this huge grin plastered on his face, the one that I usaually see when he's excited about something." A tear fell before I spoke my next words. Who am I kidding anyway? Hindi na ata darating ang araw na maikukwento ko ang kahit na ano na tungkol kay Warren na hindi naiiyak. '"Wag kang ma-excite, ha? Kasi sa ngayon hindi mo pa makikita." He said, his knees vibrating with the constant up and down movement. Napatawa pa nga ako, Doc. Kasi noong sinabi niya 'yon, halata namang mas excited pa siya sa akin. Wala akong sinagot kundi tango saka niya inabot sa akin 'yong kahon. I looked at it for a while, I don't know why I didn't open it immediately, basta nakatitig lang ako ng ilang minuto roon bago ko dahan-dahang binuksan...car keys, Doc. May susi ng kotse sa loob...I again looked back at him, he was teary-eyed all the while smiling, 'It's our family car, for the family we are to build together.' Saka ako nagising dahil sa biglang buhos ng luha ko." "So how do you view that dream? Is it a set-back? Or something that reminds you that you need to start letting go and move on?" "Honestly, Doc. I don't know. Lahat basta tungkol kay Warren hindi ko na alam." "And that's okay. Healing has no definite time frame, pero ang akin lang, hija, is that don't limit yourself into the 'I don't know' phase. Kasi alam mo, ayaw mo lang isipin na alam mo. Why not start by talking to Warren's mom, perhaps?" Umiling ako sabay lingon ulit sa bintana. Napakagat ako sa daliri ko habang nag-iisip nang susunod na sasabihin. "Sinisisi mo pa rin ba siya dahil sa mga nangyari?" Hindi ako nakasagot. Silence ruled the whole room before she again spoke. "So I take that as a yes." I didn't heard any disappointment in her voice but the pain of that day crashing into me filled my entire system. My heart started beating a lot faster, my breaths becoming shallow, my hands started to tremble. "Ma, b-bakit? Ma...Lalaban pa tayo 'diba?" Mangiyak-ngiyak na sambit ko habang hawak ng mahigpit ang braso ni Mama Whena. "Nag-usap na tayo, anak." Mahinang sagot niya habang iniiwasan ang mga mata kong walang ibang ginawa kundi umiyak at magmakaawa. "Ma...Hindi pa...'Wag muna, baka magising pa siya...B-bukas, sa makalawa—" Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang bigala akong harapin ni Mama at hawakan sa magkabilang balikat. "Hindi na siya babalik, Thea. Hindi na babalik si Warren." Madiin na sambit niya habang niyuyugyog ako, para bang pilit niya akong ginigising sa katotohanang ayaw kong harapin. "Inilaban ko, natin. Anak ko siya, hindi ako sumuko dahil gusto ko lang kundi dahil alam kong ito na rin ang gusto niya." Saka siya napaluhod sa harap ko, ang mga kamay niya bumaba at humawak sa kamay ko. "Thea, anak. Mahirap din para sa akin 'to, kung ano 'yang nararamdaman mo, hindi lang triple ang nararamdaman ko. Walang magulang na gustong maglibing ng anak." Hindi na kinaya ng tuhod ko pati ang puso ko dahil bigla nang nandilim ang paningin ko. Wala na akong maalala sa mga sumunod na pangyayari. Basta nagising ako na kasama si Mommy sa isang hospital room. Her yes were wet from tears at doon pa lang alam ko na ang mga susunod niyang sasabihin. "Thea, it wasn't her fault. She made a tough decision, isang desisyon na alam nating ni isa sa inyo na malapit kay Warren, hindi kayang gawin. She made a tough choice as a mother. And that is something it's not easy to do. Tatanungin kita muli. Ikaw ba? Kaya mong makita si Warren na nakahiga lang sa isang kama, walang malay at makina lang ang bumubuhay hanggang sa pagtanda mo?" "H-hindi po, Doc." "Exactly. You might not see it now. But what she did was the best thing she can ever do with the situation. Hija, the first step to healing is acceptance." I wanted to laugh. So what will I do? Tanggapin na 'yong tinuturing kong kasiyahan ay sadyang hindi para sa akin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD