KABANATA 15

2493 Words
MAXI's POV Narito kami ngayon ng aking kaibigang si Ruby sa loob ng isang supermarket habang namimili ng mga pagkain. Isa sa house rules na napag-usapan namin ng aking masungit na roommate na ngayon ay kasintahan ko nang si Jake ay kung sino man ang lalabas sa amin para mamili sa grocery o supermarket ay kailangan na ring isabay bilhin ang mga pangangailangan ng ka-roommate para makatipid sa pamasahe which is convenient naman for me. Then babayaran na lang ang nag-abono kapag nagkita na sa apartment. Habang itinutulak ko ang big cart ay pinapasadahan ko ng tingin ang aking hawak na items list kung saan nakasulat ang mga ipinasabay bilhin ni Jake at ng kanyang kapatid na si Gigi. Halos nabili ko na ang lahat ng nasa listahan. Isda at karne na lang ang kailangan kong bilhin. Nakatingin pa rin ako sa aking hawak na listahan nang biglang umatras pabalik sa aking katawan ang aking itinutulak na big cart. Medyo masakit kaya napaaray ako. Nang tingnan ko kung saan nabunggo ang cart ay ganoon na lang ang aking pagpipigil na huwag saktan ang aking kaibigang si Ruby. Humarang si Ruby sa dinaraanan ng aking itinutulak na big cart dahil may inaabot itong balot ng candy sa gondola na nasa aking tabi. Maxi: Grabe, bestie. Wala ka man lang pasintabi. Mabuti na lang hindi ako nasaktan sa ginawa mong pagtulak sa cart pabalik sa akin. Kinakausap ko si Ruby pero parang hindi ako nito naririnig. Nakita kong tumitingkayad na si Ruby para lamang maabot ang balot ng candy na nasa pinakaitaas na shelf ng gondola na nasa aking tabi. Malamig naman dito sa loob ng supermarket pero tumatagaktak na ang mga pawis sa noo ni Ruby habang determinado nitong inaabot ang balot ng candy na sa tingin ko ay ang paborito nitong kainin sa tuwing nagkukwentuhan kaming magkakaibigan. Maxi: Go, bestie! You can do it! Lumalabas pa ang dila ni Ruby dahil sa concentration na ginagawa nito habang pilit na inaabot ang balot ng candy na kaunti na lang ay maaabot na ni Ruby. Lumingon-lingon ako sa paligid para maghanap ng diser pero wala akong nakita. Siguro busy silang lahat. Akmang isusuhestyon ko na kay Ruby na maghahanap muna ako ng diser na maaaring tumulong dito sa minimithi nitong makamit ang pagkain na inaasam-asam ngunit bigla na lamang may isang malaking kamay na humablot sa kayamanang ilang minuto ring pinagsikapan ni Ruby na abutin. Agad kaming nagkatinginan ni Ruby at nang lingunin namin ang taong nagmamay-ari ng mang-aagaw na kamay na iyon ay ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata namin ni Ruby nang makita naming dalawa ang nakangiting mukha ng aking Kuya David. Maxi: Kuya David! Agad akong napayakap sa aking kapatid at niyakap din ako nito pabalik. Na-miss ko nang sobra ang aking Kuya David. Ito na yata ang pinakamatagal na panahong nagkalayo kami sa isa't isa. Close kasi kami ni Kuya David kaya affected ako sa matagal naming pagkakalayo. Paminsan-minsan ay nagpapadala sa akin ng mensahe si Kuya. Sinasabi nito sa akin na ayos lang naman daw silang dalawa ni Mother Dear sa aming malaking bahay. Ayos din daw si Father Dear ngunit halatang hindi raw nito gustong pag-usapan ang tungkol sa akin. Sinasabi rin sa akin ni Kuya David na huwag akong mag-alala at balang araw ay matatanggap din ni Father Dear ang aking buong pagkatao. Well, umaasa akong ganoon nga rahil nami-miss ko na ang aking dating kwarto. Gustung-gusto ko nang bumalik sa aming mansyon. Eh, paano si Jake? Kakaiba talaga itong aking inner voice. Sumusulpot kapag hindi naman siya kailangan. Pero, oo nga. Paano na si Jake kapag umalis ako ng aming apartment unit at bumalik na sa aking totoong tahanan kasama ang aking pamilya? Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na pumayag akong maging official boyfriend si Jake. Wala namang kaso sa akin 'yong magpanggap lang kaming mag-boyfriend dati, pero ibang usapan na kapag nasa isang official relationship na. Hindi ko alam pero parang may bahagi ng aking puso at isip ang nagtulak sa akin para pumayag sa gustong mangyari ni Jake, ang subukan naming kilalanin ang isa't isa at kung ipahihintulot ng pagkakataon ay mahalin namin ang isa't isa. Siguro rahil sa mga tinging ipinukol sa akin ni Jake kaya parang nawala ako sa huwisyo. Grabe kasi siya makatitig sa akin. Parang tumatagos hanggang sa aking kaluluwa. Para bang inaalam ni Jake kung ano ang aking totoong nararamdaman para sa kanya. Well, ano nga ba ang totoong nararamdaman ko para kay Jake? Hindi ko pa masasabing mahal ko na si Jake katulad nang naging pagmamahal ko para kay Lyndon noon pero parang nasanay na ako sa presensya niya sa tuwing babangon ako sa umaga at maririnig ko silang dalawa ng kanyang kapatid na si Gigi na nagkukwentuhan sa kusina. Parang nasanay na ang aking mga tainga na naririnig ang tunog ng halakhak ni Jake sa tuwing tatawa siya ng malakas dahil sa mga nakatutuwang kwento ni Gigi. Alam kong napapangiti ako ng lihim sa tuwing naririnig ko ang halakhak ni Jake. Bihira ko lamang siyang marinig na tumawa kaya naman kapag natiyempuhan kong tumatawa siya ay talagang sinusulit ko ang pakikinig. Hindi ako lumalabas ng kwarto hanggang hindi ko pa naririnig na tapos nang tumawa si Jake. Alam ko kasing titigil siya sa pagtawa kapag nakita niya akong palabas na ng aking kwarto. Hindi ko alam kung bakit kaya naman hinahayaan ko siyang patapusin sa kanyang pagtawa rahil kung gumagaan ang kanyang pakiramdam dahil sa pagtawa ay may epekto rin iyon sa akin. Napapangiti at napapasaya ako ng mga halakhak ni Jake. Dahil sa mga halakhak ni Jake ay napatunayan kong sa kabila ng kanyang kasungitan ay naroon ang lalaking kayang maging masaya kahit sa mga simpleng bagay lamang. Hindi ko alam kung bakit sa ibang tao ay ipinapakita ni Jake na masungit siya. Hindi ko alam kung bakit hindi niya gustong ipakita sa ibang tao na kaya niya ring maging masaya tulad ng ibang tao. Hindi nga ba gustong ipakita ni Jake na kaya niya maging masaya o baka natatakot lamang siya? At kung natatakot nga siya, bakit naman kaya? Ang isa ko pang iniisip ay ang sinabi ni Jake sa akin na sa pamamagitan ng pagkilala namin sa isa't isa ay baka maaari naming matulungang mag-heal ang puso ng bawat isa kung sa huli ay mahuhulog ang loob namin para sa isa't isa. Sinabi ni Jake na baka matulungan niya akong mag-heal mula sa sakit na idinulot ng panloloko ng aking ex-boyfriend na si Lyndon at ng pagtatraydor ng aking ex-friend na si Pauline sa akin. Sinabi rin niyang baka maaari ko siyang matulungang makalimot. Makalimot saan? O mas tama bang sabihing makalimot kanino? Ang tao kayang gustong kalimutan ni Jake ay isang taong nanakit sa kanyang puso? Ang tao kayang ito ang dahilan kung bakit hindi ipinapakita ni Jake sa ibang tao na kaya niyang maging masaya? Kung oo, sino kaya ang taong ito? At nang mabanggit nga ni Jake ang bagay na iyon, na baka maaari ko siyang matulungang makalimot, ay agad-agad akong pumayag na makipagrelasyon sa kanya. So, 'yon ba ang dahilan kung bakit pumayag akong pumasok sa isang relasyon kasama si Jake? Dahil gusto ko siyang tulungang makalimot? Bakit? Dahil ba gusto kong palitan sa puso ni Jake ang taong hindi niya makalimutan? No. No. No. No! Hindi naman siguro ganoon. Hindi ko pa nga sure kung mahal ko na si Jake. Siguro ay talagang likas lang akong matulungin kaya pumayag akong makipagrelasyon sa kanya. Eh, paano kung ma-in love ka nga kay Jake? Ewan ko sa 'yo, inner voice. Kainis, ah. Bigla-bigla na lang sumusulpot itong makulit kong inner voice. Eh, paano nga kung ma-in love ako kay Jake? Hay. Paano nga ba? Maybe I'll cross the bridge when I get there? Ah! Bahala na. Masyadong ginugulo ni Jake ang aking isipan. Tumagal lamang nang ilang segundo ang aming pagyayakapan ni Kuya David bago ako humiwalay mula sa katawan nito. Nang tingnan ko si Ruby ay nakatulala pa rin ito at nakabuka ang bibig na parang gulat na gulat. Tinabihan ko si Ruby at dahan-dahan kong itinulak pataas ang baba nito para sumara na ang bibig nito. Ang OA ng reaksyon ni Ruby after makita si Kuya David. Crush na crush ni Ruby ang aking kapatid simula nang maimbento ang salitang "crush". Tandang-tanda ko pang hinimatay si Ruby sa bleachers ng gymnasium ng school namin dati nang makitang naka-shoot ng bola si Kuya David sa loob ng basketball ring. Ganoon ito ka-OA pagdating kay Kuya David. Hindi na ako magugulat kung tatalon ito ng ilog kung iyon ang magiging daan para mapalapit ito kay Kuya David. Narinig kong tumawa si Kuya David habang pinapanood nito ang kahihiyang pinaggagagawa ni Ruby sa sarili nito. But knowing Ruby, magiging proud pa ito sa ginawa nito rahil napansin iyon ni Kuya David. Pakiramdam ko nga ay nabubuhay ang aking kaibigan para lamang sa mga pagkain at para sa aking kapatid. Marahan kong siniko sa tagiliran nito si Ruby dahil hanggang ngayon ay nakatulala pa rin ito kay Kuya David. Bumulong din ako rito. Maxi: Awat na, bestie. Napansin ka na ni Kuya David. Nakikita ko nang papalapit si Ate Monica rito. Nang mabanggit ko ang pangalang Monica ay parang binubusan ng malamig na tubig si Ruby na bigla na lamang nitong inilinga-linga ang ulo nito sa paligid para hanapin si Ate Monica, ang girlfriend ni Kuya David. Kalaban ang tingin ni Ruby kay Ate Monica rahil inagaw daw nito ang lalaking inihulog ng langit para sa aking kaibigan. Nang mabalitaan ni Ruby na girlfriend na ni Kuya David si Ate Monica ay nagharumentado ito sa harapan namin ni Devon at ng dati naming kaibigan na si Pauline. Tandang-tanda ko pang sinamahan namin nina Devon at Pauline si Ruby sa isang albularyo para alamin kung ginayuma ni Ate Monica si Kuya David pero walang magandang balitang narinig si Ruby mula sa albularyo. Naglulupasay pa si Ruby habang hinahatak namin ito nina Devon at Pauline palabas ng bahay ng albularyo rahil ayon kay Ruby ay may mali raw na ginagawa ang matandang albularyo kaya hindi nito makita ang katotohanan. Pinilit din ni Ruby kaming tatlo nina Devon at Pauline na magtirik ng tatlong itim na kandila para ipagluksa ang puso nitong nagdurugo. Sinabi pa ni Ruby na kaya pala pula ang kulay ng puso ay dahil hindi maiiwasang magdugo ito sa tuwing masasaktan. Pinanood din namin nina Devon at Pauline kung paanong isa-isang inihagis ni Ruby sa kumukulong tubig sa isang malaking kawa ang mga gamit na magpapaalala rito kay Kuya David. Lahat ng mga gamit na may kinalaman kay Kuya David na nasa loob ng memory box ni Ruby ay itinapon at sinira nitong lahat. Nasaktan ng labis si Ruby dahil sa pakikipagrelasyon ni Kuya David kay Ate Monica. Sinabi pa nitong hinding-hindi na nito papansinin si Kuya David at panonoorin daw nito kung paanong maglalaway ang aking kapatid dito pagdating ng panahon. Ngunit wala pang twenty-four hours ay binawi rin ni Ruby ang mga sinabi nito. Nabigla kaming tatlo nina Devon at Pauline nang bigla kaming yayain ni Ruby para bumili ng regalo na ibibigay nito sa aking Kuya David para sa nalalapit nitong kaarawan. Sinabihan pa ako ni Ruby na wala akong kwentang kapatid dahil hindi man lamang daw ako nag-iisip ng pwedeng iregalo sa aking kapatid gayong kinabukasan na iyon. At mula nga nang araw na iyon ay lagi nang hinihiling ni Ruby na sana ay magkaroon ng rason para maghiwalay sina Kuya David at Ate Monica rahil malakas daw ang kutob nitong ito ang itinadhana para kay Kuya David. Na si Ate Monica ay isa lamang sa mga pagsubok na kailangan nitong pagdaanan sa buhay. Nakita kong kumakaway na si Ate Monica habang naglalakad itong palapit sa amin. Maganda si Ate Monica. At mabait din. Kaya naman hindi na nakapagtatakang nabighani ang aking Kuya David dito. Ngunit sa kabila ng pagiging mabait ni Ate Monica ay hindi ko magawang maging close dito. Hindi ko alam kung bakit pero rahil mahal ni Kuya David si Ate Monica kaya naman tino-tolerate ko ang presence nito to the maximum level. Sigurado naman akong ang nararamdaman ko para kay Ate Monica ay kaiba sa aking nararamdamang inis kay Vanessa. Ang inis ko kay Vanessa ay may halong selos dahil matagal ko nang hinahangaan si Ferdie na fiancé na nito ngayon. Siguro hindi ko lang magawang maging close kay Ate Monica ay dahil hindi rin namin kasi ito nag-e-effort na makipag-close sa akin. Gayunpaman alam kong hindi nito ayaw sa akin dahil palagi itong may gift para sa akin every time there's a special occasion. And take note, hindi forced ang pagreregalo nitong iyon. Alam ko kung napipilitan lamang ang isang taong makipaglapit sa akin. Isa lang naman ang hindi ko naramdaman agad at iyon ay ang panloloko sa akin ng aking ex-boyfriend kasama ang mang-aagaw kong ex-friend. Hay naku. Nasisira talaga ang aking araw sa tuwing naiisip sina Lyndon at Pauline. Ipinipilig ko ang aking ulo nang marinig kong nagsalita si Ate Monica. Monica: Hi, Maxi. Hi, Ruby. Narito rin pala kayo. Pasimple kong nilingon ang aking kaibigang si Ruby. Alam na alam kong pilit na pilit ang ginagawa nitong pagngiti kay Ate Monica. Siguradong may negative comment ito about kay Ate Monica na sasabihin nito sa akin kapag nagkasarilinan na kaming dalawa mamaya. Umakbay si Kuya David kay Ate Monica at iniabot nito kay Ruby ang bag ng candy na inabot nito kanina. David: Hayan na ang candies mo, Ruby. Enjoy. Kung kanina ay pilit na pilit ang ngiting nakapaskil sa mga labi ni Ruby para kay Ate Monica, ngayon ay genuine na ang ngiting sumilay sa mga labi nito nang ngitian ito ni Kuya David. David: Mabuti rito naisipan ng girlfriend kong mamili kaya nakita ko kayo. Kung hindi, baka hindi na nakuha ni Ruby ang mga candy na 'yan. Muling ngumiti si Kuya David at pakiramdam ko ay nagwawala na ang puso ni Ruby dahil sa kilig ngayon. Ilang sandaling kwentuhan pa bago nauna nang umalis sina Kuya David at Ate Monica at tulad ng aking inaasahan ay may bad comment na naman si Ruby patungkol kay Ate Monica. Ruby: Nakita mo ba 'yon, bestie? Nasa public place tayo pero nakakapit sa braso ng kapatid mo si Ate Monica. Kung ako si Kuya David, maiilang ako. Kasi rapat ginagawa lang 'yon ng couple kapag walang ibang taong makakakita. Gusto ko sanang kontrahin ang sinasabi ni Ruby dahil wala namang sense ang sinasabi nito ngunit may nakita akong dalawang taong nasa labas ng supermarket at mukhang may pinagtatalunan ang mga ito. Ang isa sa dalawang taong aking nakita ay si Jake. At 'yong kasamang babae ni Jake ay si--- Kumunot ang aking noo habang iniisip kung bakit kasama ni Jake ang babaeng ito. Bakit mukhang nakikipagtalo si Jake sa babaeng ito? Ang babae ay walang iba kundi ang fiancée ng aking hinahangaang si Ferdie. Si Vanessa. ---------- itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD