KABANATA 14

2550 Words
THIRD PERSON POV Padabog na inilapag ni Vanessa ang handbag nito sa ibabaw ng counter sa loob ng cellphone repair shop nina Jake at Jonard habang masama ang tingin kay Jake. Kunot ang noong tumayo si Jake mula sa kanyang kinauupuan sa harap ng kanyang working table at lumakad palapit sa counter. Pilit siyang ngumiti habang nakatitig sa nakabusangot na mukha ni Vanessa. Jake: Good afternoon, Ma'am. Ano po ang ipapaayos nila? Humalukipkip si Vanessa at tinaasan ng isang kilay si Jake. Vanessa: Bakit hindi mo ako tinatawagan? 'Di ba I told you to call me last time? I gave you my number. Pero bakit si Jonard ang tumawag noong nakaraan? Hindi pa ba obvious that I want to have fun with you? Muntik nang mapangiwi si Jake dahil sa kaalamang hindi pala magpapaayos ng kung anong nasira sa cellphone nito ang customer nilang si Vanessa kundi nagpunta pala ito sa kanilang shop para lamang magmaktol dahil hindi niya ito tinawagan. Sandaling nilingon ni Jake si Jonard na ngayon ay nakatikom ang bibig habang nakatitig sa kanya at halatang hinihintay ang kanyang isasagot kay Vanessa. Jake: Ma'am Vanessa--- Hindi natapos ni Jake ang kanyang sasabihin dahil biglang nagsalita si Vanessa. Vanessa: Vanessa. Vanessa na nga, 'di ba? Wala ng "Ma'am". O kaya Van. O kaya Van-Van. Ngumuso pa si Vanessa sa harapan ni Jake na parang nagtatampo. Jake: Okay. Vanessa. Bumuntung-hininga muna si Jake bago ipinagpatuloy ang kanyang pagsasalita. Jake: Kaya hindi kita tinatawagan ay dahil hindi ako, ano ba, hindi ako--- Muling naputol ang pagsasalita ni Jake nang si Vanessa na ang nagtuloy ng kanyang gustong sabihin. Vanessa: Hindi ka interesado. Umirap pa si Vanessa kay Jake habang si Jake ay umiwas ng tingin sa babae. Vanessa: Lalong hindi naman ako interesado riyan sa kasama mo. Nagulat pa si Jake nang duruin ni Vanessa si Jonard. Nilingon ni Jake si Jonard at nakita niyang kumakamot ito sa batok nito habang napapalunok ng laway. Nakapameywang na sa harap ng counter si Vanessa at masama ang tingin nito kay Jake. Halatang inis na inis nang mga sandaling iyon. Vanessa: Ano ba ang kulang sa akin? I mean, I'm almost perfect. Someone na hindi mo makikita kung saan-saan lang. Malalim na nagbuntung-hininga si Jake at umiling. Jake: Wala namang problema sa 'yo. Kaso ay--- Sa ikatlong pagkakataon ay naputol ang pagsasalita ni Jake dahil sa muling pag-interrupt ni Vanessa. Vanessa: Oh my gosh. Don't tell me you're, you're, oh my, you're gay? Nanlalaki pa ang mga mata ni Vanessa habang nakatitig kay Jake at eksaheradong nakatakip ang dalawang kamay nito sa bibig na animo'y gulat na gulat. Hindi napigilan ni Jake ang sumimangot ang mukha matapos sabihin iyon ni Vanessa. Jake: Look, hindi ako pusong-babae. Pero walang masama kung ganoon man ako. As long as wala akong natatapakang ibang tao at may respeto ako sa kapwa. Matiim na tinitigan ni Jake si Vanessa. Si Vanessa ay parang napahiya at mabilis na umiwas ng tingin mula kay Jake at maarteng hinawi-hawi ang buhok nito Maya-maya ay muling humarap si Vanessa kay Jake. Vanessa: Wala naman akong ibang ibig sabihin sa sinabi ko. Na-shock lang ako. Kasi nakakahinayang lang kung, alam mo na, hindi ka pwede sa babae. Gets mo na 'yon. Alanganin pang ngumiti si Vanessa kay Jake. Ilang sandali ang lumipas bago muling nagsalita si Vanessa. Vanessa: Ganito na lang. Sabihin mo na lang kung bakit hindi ka interesado sa akin. Kapag nalaman ko na kung bakit ay titigilan na kita. Napataas ang dalawang kilay ni Jake dahil sa sinabing iyon ni Vanessa. Tinitigang mabuti ni Jake si Vanessa para tantiyahin kung nagsasabi ito ng totoo o hindi. Nanatili lamang nakangiti si Vanessa kay Jake at naghihintay na marinig ang kanyang sasabihin. Dahil sa gusto ni Jake na tigilan na ng customer nilang si Vanessa ang pangungulit sa kanya kaya naman nag-isip siya ng pwedeng idahilan kung bakit hindi siya interesado rito. Nahirapan si Jake na mag-isip ng idadahilan ngunit sa huli ay nakaisip din siya ng isang bagay na maaaring maging dahilan kung bakit hindi siya interesado kay Vanessa. Isang rason na sa tingin niya ay kapani-paniwala. Isang mahabang katahimikan ang namagitan kina Jake at Vanessa habang nag-iisip si Jake ng idadahilan dito at nang makaisip na siya ng dahilan ay handa na siyang muling magsalita. Tumikhim muna si Jake bago tinitigan si Vanessa at sabihin ang kanyang dahilan kung bakit imposible nang magkaroon siya ng interes kay Vanessa. Jake: Ganito kasi 'yon, Vanessa. Hindi na ako pwedeng magkaroon ng interes sa iba rahil may--- Ibinitin ni Jake ang kanyang sasabihin dahil lumingon muna siya kay Jonard na halatang naghihintay din ng kanyang sasabihin. Muling humarap si Jake kay Vanessa at pilit na ngumiti rito. Jake: K-kasi may live-in partner na ako. Halatang hindi inaasahan ni Vanessa ang sasabihing iyon ni Jake base na rin sa pagkabiglang bumalatay sa mukha nito. Vanessa: M-may ka-live-in ka? Nakaturo pa ang isang daliri ni Vanessa kay Jake habang gulat na gulat pa rin ang mukha nito. Alanganing tumango si Jake at muling nilingon ang katrabaho at kaibigang si Jonard na tulad ni Vanessa ay gulat na gulat din nang mga sandaling iyon. Nagtatanong ang mga mata ni Jonard kay Jake. Pilit ang ngiti ni Jake na tumango kay Jonard pagkatapos ay muling hinarap si Vanessa. Si Vanessa ay inayos ang sarili at ngayon ay hindi na ito mukhang gulat sa narinig mula kay Jake bagkus ay nakangiti na ito. Vanessa: At least ngayon ay alam ko nang may valid reason ka na para umiwas sa akin. But here's the catch. Kumunot ang noo ni Jake nang makita ang pilyang ngiti sa mga labi ni Vanessa. Gamit ang hintuturo ay sumenyas si Vanessa kay Jake na lumapit dito. Nag-alangan pa si Jake noong una pero nang makitang hindi tumitinag si Vanessa sa pagkakasandal sa counter ay lumapit ng kaunti ang kanyang mukha sa mukha nito. Kagat-labing ngumiti si Vanessa kay Jake bago bumulong. Vanessa: May fiancé ako at kahit may fiancé na ako ay may side dish pa rin ako. Kaya walang problema kung may live-in partner ka na. Kumindat pa si Vanessa kay Jake matapos sabihin iyon. Alam ni Jake na ang ibig sabihin ni Vanessa sa side dish ay may iba itong nilalanding lalaki sa kabila ng pagiging engaged nito. In short ay cheater si Vanessa at iyon ang isa sa mga kinaayawang tao ni Jake. Agad na lumayo si Jake mula kay Vanessa at umigting ang kanyang mga panga. Jake: Pasensya na pero hindi ako ganoong uri ng tao. M-mahal ko ang l-live-in partner ako. Tumaas ang isang kilay ni Vanessa sa sinabing iyon ni Jake. Vanessa: Talaga lang, ha? Sa panahon ngayon, wala ng faithful partner. Tandaan mo 'yan! Idinuro pa ni Vanessa si Jake bago nito dinampot ang handbag nito at umuusok ang ilong na lumabas ng cellphone repair shop nina Jake at Jonard. Si Jake ay nahahapong tumingala sa kisame habang hinihimas ang kanyang batok nang biglang magsalita si Jonard sa kanyang likuran. Jonard: May live-in partner ka na, pare? Mariing pumikit si Jake dahil pakiramdam niya ay parang sumasakit ang kanyang ulo. Maxi, kailangan na natin itong totohanin. Nabigla si Jake kung saan nanggaling ang sinabing iyon ng kanyang isipan. ---------- MAXI's POV Hindi ko napigilan ang aking sariling mapatili at mapayakap kay Jake nang sabihin nitong may dala itong isang bucket ng fried chicken. Noong isang araw habang naghahapunan kami nina Jake at Gigi ay nabanggit ko na nagki-crave ako sa fried chicken ng isang sikat na fast food restaurant. Sinabi ko pang pati ang gravy nito ay hinahanap na ng aking sikmura. And, yes, nag-uusap na kami ni Jake ng normal. After ng incident with Lyndon and Pauline ay mas madalas na kaming nag-uusap. Hindi kami nag-uusap about our personal lives, more like general topics. At masasabi kong may sense kausap si Jake. Stimulating conversations kumbaga. Though masungit pa rin naman si Jake at bihirang ngumiti, pero, at least, masasabi kong hindi na kami parang estranghero sa isa't isa kumpara nang mga unang linggo ko rito sa apartment unit namin. Siguro ay nakatulong ang pag-arte namin ni Jake na magka-live-in partner sa harapan nina Lyndon, Pauline, at Aling Ludy para hindi na kami magkailangan sa isa't isa. Tingin ko rin ay na-realize ni Jake na hindi ako tulad ng iniisip niyang isang pusong-babaeng magti-take advantage sa kanya lalo na sa mga pagkakataong kailangan naming magpanggap as live-in partners. Ilang segundo na siguro akong nakayakap kay Jake nang ma-realize kong nakayakap ako sa kanya. Dahil sa sobrang kasiyahan kong bumili si Jake ng kini-crave kong isang bucket ng fried chicken mula sa isang kilalang fast food restaurant ay wala sa loob akong napayakap sa kanya. Parang naninigas ang aking buong sistema habang unti-unting iniaalis ang aking mga braso, mga bisig, at mga kamay mula sa pagkakayakap kay Jake. Inaasahan ko nang bubulyawan ako ni Jake dahil iyon ang unang pagkakataon na yumakap ako sa kanya nang wala pang paalam. Usually ay hanggang pag-akbay lang si Jake sa akin sa tuwing umaarte kaming live-in partners. Minsan ay may pag-amoy pa siya sa aking buhok habang ako naman ay pinipisil siya sa braso. Pero hindi kami umabot sa puntong nagyakapan. Ipinikit ko ang aking mga mata at nanalanging sana ay makayanan ng aking puso ang mga masasamang salitang maririnig kong lalabas mula sa bibig ni Jake. Isa. Dalawa. Tatlo. Apat? Limang segundo? Bakit ang tagal naman yata akong sigawan ni Jake? Hinihintay ba ni Jake na imulat ko ang aking mga mata bago niya ako pagsalitaan ng mga masasakit na salita? Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata na para bang ako si Princess Aurora na nagising mula sa mahabang pagkakatulog. Ang pagkakaiba lamang ay hindi isang prinsipe ang bubungad sa aking harapan kundi isang dragon na handang magbuga ng mga mapanakit na salitang dudurog sa aking pagkatao. Nang iangat ko ang aking paningin ay nagtaka pa ako rahil nakita kong nakakunot ang noo ni Jake habang nakayuko siya sa akin. Maxi: Jake? Bakit ganoon? Parang nanunuot sa aking kaluluwa ang titig ni Jake. Hindi ito ang aking inaasahan. Nasaan 'yong Jake na sisigawan ako rahil niyakap ko siya nang walang abiso? Jake: Maxi? Bakit--- Alam ko na ang itatanong ni Jake kaya inunahan ko na siya. Maxi: Sorry, Jake. Sorry. Hindi ko sinasadyang yakapin ka. Dala lang 'yon ng aking labis na tuwa. Huwag mo sanang isiping sinasamantala ko ang kabaitan mo. Sorry. Nakayuko na ako sa paanan namin ni Jake dito sa bungad ng aking kwarto habang hinihintay ang mga masasakit na salitang tatagos hanggang sa aking kaluluwa. Nagulat ako nang abutin ni Jake ang aking baba at dahan-dahang iangat ang aking ulo paharap sa kanya. Nakayuko sa akin si Jake at naroon pa rin ang kunot sa kanyang noo. Maxi: Jake? Nakikita ko sa mukha ni Jake na may gusto siyang sabihin sa akin ngunit hindi ko alam kung bakit parang nag-aalangan siya. Ilang beses bumuka ang bibig ni Jake para magsalita ngunit muli rin naman nitong isasara. Maxi: Jake, may gusto ka bang sabihin? Kung magagalit ka ay maiintindihan ko. Pero hindi ko talaga sinasadyang yakapin ka. Nakatitig sa akin si Jake habang binabanggit ko ang mga salitang iyon pero may duda akong naiintindihan niya ang aking mga sinasabi. Parang nasa ibang bagay ang isipan ni Jake. Maxi: Jake? Hindi ko alam pero parang may hinahanap si Jake mula sa aking mga mata habang nakatitig siya sa akin. Maxi: Jake? Na-realize kong nakahawak pa rin ang isang kamay ni Jake sa aking baba habang itinitingala niya ang aking ulo paharap sa kanyang mukhang nakatunghay sa akin. Maxi: Jake! Tuluyan nang tumaas ang tono ng aking boses dahil pakiramdam ko ay parang walang naririnig si Jake nang mga sandaling iyon. Para namang nahimasmasan si Jake nang marinig ang aking sigaw at agad na binawi ang kanyang kamay na nakahawak sa aking baba at lumayo ng kaunti mula sa akin. Naguguluhan ako sa iniaakto ni Jake ngayon. Parang hindi niya alam kung ano ang kanyang mga ginagawa. Maxi: Okay ka lang? Umiwas ng tingin mula sa akin si Jake at nakita kong parang malalim ang kanyang iniisip. Parang ang weird ni Jake ngayon. Parang wala siya sa kanyang sarili. Oh my. Posible kayang hindi niya alam ang ginawa kong pagyakap sa kanya? Shocks! Mukhang safe ako mula sa maaanghang na mga salita ni Jake ngayong gabi. Perfect! Nakita kong ipinilig ni Jake ang kanyang ulo at nang muli siyang tumingin sa akin ay nakita kong lumunok muna siya ng laway bago nagsalita. Jake: Ah, Maxi, m-may gusto sana akong sabihin sa 'yo. Actually, pabor 'to. Pero alam kong makikinabang tayong dalawa rito. It's my turn para noo ko naman ang kumunot nang oras na iyon. Maxi: Pabor? Tinitigan ko si Jake at bigla kong naalala ang mga fried chicken na kanyang binili. Maxi: K-kaya ba bumili ka ng fried chicken kasi may hihingiin kang pabor? Hindi ko alam kung ano ang aking magiging reaksyon nang makita kong itinuon ni Jake sa sahig ng aking kwarto ang kanyang mga mata at himas-himasin niya ang kanyang batok. Jake: A-ano kasi, uhm, naisip ko lang, b-baka pwedeng totohanin na lang natin 'yong pagiging mag-live-in partner? K-kung okay lang sa 'yo. Tingnan mo itong si Jake, kakausapin ako pero sa sahig nakatingin. Maxi: Humarap ka nga sa akin. Ilang segundong nakatuon pa rin sa sahig ng aking kwarto ang paningin ni Jake bago niya iniangat ang kanyang ulo para titigan ako. Maxi: Bakit? I mean, bakit gusto mong totohanin na natin ang pagiging magkarelasyon? Tumingala muna si Jake sa kisame ng aking kwarto bago muling humarap sa akin at sumagot. Jake: N-naisip ko lang na baka matulungan natin ang isa't isa na m-mag-heal kung susubukan nating kilalanin at i-ibigin ang isa't isa. What? Ano ba itong mga pinagsasabi ni Jake? Tulungang mag-heal ang isa't isa? Kilalanin ang isa't isa? At ang pinakamatindi ay, shocks, ibigin ang isa't isa? Jake: S-subukan lang natin. Malay mo, tuluyan kang makapag-move on sa ex-boyfriend mo nang dahil sa akin. At ako naman ay--- Muling iniwas ni Jake ang kanyang mga mata mula sa akin at tumingin sa kawalan at nang muling magsalita ay halos pabulong na lang. Jake: Ako naman ay tuluyan nang makalimot. Kumunot ang aking noo nang mahimigan ko ang lungkot sa tinig ng boses ni Jake. Dahil doon ay napukaw ang aking kuryosidad at inisip kung ano ang bagay na iyon na gustong makalimutan ni Jake na naging dahilan para isuhestyon niyang tulungan naming gamutin ang isa't isa sa pamamagitan ng pagkilala namin sa bawat isa. At sa pamamagitan ng pagmamahal namin ni Jake sa isa't isa. Shocks! Kakayanin ko ba ito? Paano kung hindi namin mapagaling ang sugat sa puso ng bawat isa? Paano kung masaktan lang namin ni Jake ang isa't isa? Muling umangat ang tingin ni Jake sa akin at sa kanyang mga mata ay nakita ko ang halo-halong emosyon na hindi ko kayang mapangalanan isa-isa. Jake: Maxi? Ano ba ito? Bakit parang hindi gumagana ang aking utak habang nakatitig ang mga mata ni Jake sa akin? At ang puso ko, bakit parang inuutusan akong sumang-ayon sa gustong mangyari ni Jake? Argh! Bahala na! Maxi: S-sige. Pumapayag akong subukan natin. Maximiliano Retillon, wala nang atrasan ito. Official boyfriend mo na ang masungit mong roommate na si Jake! ---------- itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD