Namalayan ko na lang ang sarili ko na nasa loob ng isang hindi pamilyar na kwarto. Pagkatapos ay nagtatakang inilibot ko ang aking tingin para mapag-alaman na may maliliit na kandila na nagkalat sa paligid na siyang nagbibigay ng romantic vibes sa buong kwarto na iyon. "Teka nasaan ba ako? Tsaka paano ako napunta rito?" Muling inilibot ko ang tingin sa hindi pamilyar na kwarto hanggang sa matuon ang tingin ko sa malaking picture frame na siyang nakasabit sa gitna ng dingding doon. Dahil medyo hindi ito naiilawan ng kandila kaya lumapit ako rito. Nang tuluyan na malapitan at matignan ito ay biglang malakas na napasinghap ako. Nakita ko lang naman ang aking mukha na nasa larawan na iyon suot suot ang isang magarang na trahe de boda. Nang ilipat ko naman ang aking tingin sa katabi ko sa