LOVE 29

2082 Words

Malakas na kumabog ang puso ko nang tumigil na ang sinasakyan kong bridal car sa tapat ng St. James the Great Parish Church. Sa tapat pa lang ng simbahan ay nakita ko na agad ang mga imbitadong media na siyang pinayagan ni Sir Ismael na mag-cover ng aming kasal. Naroroon din ang maraming professional photographer na kinuha din ni Sir Ismael para kuhanan kami ng magagandang larawan at video sa pinakaimportanteng araw ng aming buhay. "T-This is it. Talagang ikakasal na ako kay Sir Ismael," kabadong bulong ko sa aking sarili saka nagpakawala ng malalim na hininga. Hanggang sa matigilan ako nang maramdaman ang paghawak sa magkabilang kamay ko ng malalamig na kamay nina papa at mama. Labis ang kaba sa kanilang mukha nang makita nila kung gaano karami ang mga tao sa labas pa lang ng simbahan.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD