Gabing gabi na ako nakauwi sa bahay mula sa pakikipagkita kina Zuri at Riya sa Easton restaurant. Humaba kasi lalo ang aming usapan nang ipakilala na ni Zuri sa amin ang boyfriend niyang si Reed. Sobra sobra pa nga ang paghingi ng tawad ni Reed sa akin nang makilala niya ako bilang asawa ni Sir Ismael. Ang dahilan kaya siya pumasok bigla sa kwarto ay dahil ang buomg akala niya may ibang lalaki na kinikita si Zuri sa private room. Naisipan niya tuloy ang gumawa ng eksena pagkapasok na pagkapasok ng kwarto. Dahil doon ay malakas na tinawanan na lang namin ni Riya si Reed at hindi na minasama pa ang nangyari. Lalo pa mukhang sa pagkakataon na ito ay may nahanap na matinong lalaki si Zuri na hinding hindi siya lolokohin. Sana lang talaga ay sila na ang magkatuluyan na dalawa hanggang sa hu