Hindi na yata nakahinga si Zuri nang matapos ko na maikwento sa kanya na si Sir Ismael ang dapat ka-blind date niya sa loob ng Easton restaurant. Ikinadagdag pa sa kanyang pagkagulantang ang pag-kwento ko rin sa kanya ng ginawang pag-aalok sa akin ni Sir Ismael ng kasal para lang mapatigil niya ang pangungulit ni Ma'am Vicky na humanap siya ng babaeng mapapangasawa. "Zuri? Uy... Ano na? Buhay ka pa ba riyan?" nag-aalalang tanong ko sa na-estatwa kong kaibigan habang kumakaway kaway sa harapan ng kanyang mukha. Sinundot sundot ko pa ang magkabilang pisngi niya para gisingin siya mula sa pagkatulala. "Zuri! Hello? Nasa Earth ka pa ba?" pagtawag ko muli sa kanya. Ngunit pagkalipas ng ilang segundo... "KYAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!" Sumambulat ang napakalakas na pagtili ni Zuri na sinamahan