Hindi ko alam kung gaano katagal na ba ako nakatitig sa sarili kong repleksyon sa salamin. Kapansin pansin kasi doon ang namuong eyebags sa ilalim ng aking mga mata. Ito ay dahil sa hindi man lang ako dinalaw ng kahit anong antok kagabi. Kaya buong magdamag ay gising na gising ang aking diwa. Ang dahilan lang naman nito ay ang maya't maya na pagbabalik tanaw sa aking alaala ng ginawang pag-aalok ng kasal sa akin ng boss ko. Hindi ko alam kung bakit iniisip ko pa ito kahit nakabuo na ako ng aking pinal na desisyon. Iyon ay tatanggihan ko ang kanyang alok na kasal. Muling napatingin ako sa sarili kong repleksyon. Kung titignan kasi ang kabuuan kong itsura ay masasabi ko na okay lang ito. Hindi ako maganda, pero hindi naman din akong masasabing pangit. Kung katalinuhan naman ang pag-uusapa