Chapter 3

2210 Words
"GOOD MORNING, baby." bungad agad ni Albert pagsagot niya sa telepono. "Morning." nakangiti niyang sagot dito. "Ano'ng ginagawa mo?" "Heto, nag-aayos papunta sa work." Ha? Work agad? Okay ka na ba?" naroon ng pag-aalala sa tinig nito. Humugot siya ng malalim na hininga. "I should be. Isang linggo na akong hindi pumapasok dahil sa burol ni Papa, kung hindi pa ako papasok, baka wala na akong trabahong balikan." "Pero baby, kailangan mo pa ng konting pahinga." "Okay lang ako, hindi ko pwedeng pabayaan ang trabaho ko. Hindi ko pwedeng pabayaan ang tabaho ko." "Kung pinakakasalan mo na ba kasi ako, e di wala ka nang problema." Isa pa uling buntong-hininga ang pinakawalan niya. "Albert, napag-usapan na natin 'yan. "Alam ko, kaya lang bakit mo pa kailangang pahirapan ang sarili mo? Nakahanda naman akong alagaan ka." "Please, saka na natin pag-usapan 'yan." Sige na nga. sunduin na lang kita diyan, hatid kita sa work mo." patianod na lamang nito. "May trabahon ka rin, 'di ba?" Mahina itong tumawa. "Baby, ako ang amo ng sarili ko. Kahit ma-late ako, walang sisita sa akin." That's bad for the business." "Basta para sa iyo, handa akong maging bad." "Asus, bumanat ka na naman!" "At least, napangiti kita. Aminin mo..." "Sige na," naiiling na aniya. "Anong oras na, baka ma-late pa ako." "Okay. wait mo lang ako, susunduin kita." "Okay, thank you!" "You're welcome, baby." PAGBABA ni Anicka sa sasakyan ni Albert ay napatingin siya sa kainan sa tapat. Nangunot ang noo niya nang makita niyang sarado ito. "Bakit kaya?" sa isip-isp niya. Ngayon lang nangyaring sarado ito ng hindi naman holiday. Sa araw-araw, mula nang mapasok siya sa tindahan ng school supplies na iyon, ay lagi siyang tumatanaw sa kainan sa tapat, kung mayroon din lang siyang pagkakataon. Masaya na siya sa pagtanaw doon. Ngunit kasabay ng saya na iyon, ay ang lungkot, kapag naiisip niya kung sino ang may-ari ng kainan na iyon. Naiiling na pumasok na lamang siya ng tindahan, matapos magpaalam at magpasalamat kay Albert. "Susunduin kita mamaya, ha!" pahabol na sigaw ng binata na tinanguan niya na lamang kahit nakatalikod na. Hindi na siya nakipag-talo dahil magpipilit din naman ito. Kung tutuusin ay gwapo naman si Albert. Lahat na yata ng maaaring hanapin ng isang babae sa isang lalaki ay narito na. Gwapo. Matipuno. Mabait. Matalino. Maalaga. Mayaman. Hindi rin niya maintindihan ang sarili kung bakit hindi niya ito matutunang mahalin. High school pa lamang sila ay nanliligaw na ito sa kanya. Ngunit wala talaga siyang makapang espesyal na damdamin para sa binata, maliban sa pagtinging kaibigan. Minsan ay hinayaan niya itong halikan siya, gusto niyang malaman kung may mararamdaman man lamang ba siya kahit na kaunti, ngunit wala talaga. Hindi na niya hinayaang maulit pa ang pangyayaring iyon. Tinapat na niya ito na wala talaga siyang maramdaman para dito. Ngunit mapilit pa rin ito. Hindi raw ito susuko hangga't hindi pa siya nag-aasawa. Napailing na lamang siya sa tinatakbo ng ala-ala. Mukhang kay Albert din ang bagsak niya. Naalala niya ang napag-usapan nila. Na kung hindi siya nakahanap ng pambayad sa utang ng ama, ay tatanggapin niya ang alok nitong tulong at magpapakasal siya rito. Mas mamatamisin niyang mapunta kay Albert, kaysa gawing kabit ng Mr. Montelibano na iyon. Iniisip pa lamang niya ay kinikilabutan na siya. Siguro, kung magpapakasal siya kay Albert ay matututunan niya rin itong mahalin. Sa naisip ay isang imahe ang pumasok sa isip niya. Ipinilig niya ang ulo at pabuntong-hiningang dumeretso na sa pwesto niya. Ayaw na niyang isipin pa ang nakaraan. Sa dami ng problema niya ay wala na siyang panahong mag-isip pa ng iba pang bagay. HINDI magkanda-ugaga si Aling Trining sa pag-aasikaso ng mga pagkaing nakahain sa mesa. Gusto niyang makasigurong perpekto at maayos ang lahat. Espesyal ang araw na ito. Ngayon ang dating ni Tyron. Makalipas ang ilang taon ay ngayon lamang sila muling magkikita ng anak. Madalas silang magka-usap nito sa skype at messenger, nagpaturo pa siyang gumamit ng advance na teknolohiya upang makita ang anak, pero iba pa rin sa personal. Sabik na sabik na siyang mayakap ito. Kasama sana siya sa pagsundo rito, ngunit ayon dito, ay mapapagod lamang daw siya, eh, sigurado namang sa kanya ito uuwi, kaya't tiyak na magkikita rin sila. Bandang huli, ay napahinuhod din siya at naisip na personal na lamang na pangasiwaan ang pagluluto para dito. Iniluto nila ang lahat ng paborito nito. Inimbita niya pa ang mga taga-luto niya sa kainan upang tulungan siya sa pagluluto. Maya-maya pa ay narinig na niya ang tunog ng sasakyan sa labas. Dali-dali niyang iniwan ang ginagawa at sinalubong ang anak. Pagkakita rito ay naiiyak na sinugod niya ito ng yakap na ginantihan din nito ng mahigpit ding yakap. NANG maghiwalay sila ay napansin niyang namumula rin ang mga mata nito, tandang naiiyak din ito sa muli nilang pagkikita. "Nanay talaga, nahawa tuloy ako sa inyo." nakangiting sabi ni Tyron at pinunasan ang luha ng ina. "Heh..! Ikaw na bata ka, ang tagal-tagal mong hindi nauwi." nakangiti niyang sabi kahit may luha ang mga matang hinampas ng mahina ang braso ng anak. Natatawang muli siyang niyakap ng binata. "NAY, nandito na po ako," "Hindi ka na ba muling aalis, anak?" Nagka-lambong ang mga mata niya sa tanong ng ina. "Nay, gustuhin ko man po, hindi po maaari. Tatlong buwan lang po ang leave na nakuha ko," aniya at sinundan ng buntong-hininga. "Ano?! Aba'y napakabilis lang ng tatlong buwan, ah!" gulat na bulalas ng ina. "Nay, huwag po muna nating pag-usapan ang pag-alis ko, kadarating ko lang po." aniyang pilit na pinasigla ang boses. "Ewan ko ba naman sa iyong bata ka, mula noong--" "Nay, ready na po ang mesa, let's food!" maarteng sabi ng baklang pinsan ni Tyron nang lumapit sa kanila. Ito ang kasama ni Aling Trining sa bahay. Ulila na ito sa mga magulang. Sabay na namatay ang mga magulang nito sa isang aksidente sa kalsada. Mula noon ay kinupkop na ito ni Aling Trining tutal ay wala naman itong kasama sa bahay. Nakahinga siya ng maluwag sa pagsulpot ni Bench. Alam na niya ang sasabihin ng ina. Naiiling na sumunod na lamang siya sa mga ito papuntang kusina. Habang kumakain ay masaya silang nagku-kwentuhan. Sandaling nakalimutan na ng ina ang pinag-uusapan nila kanina. "Kuya Tyron, dala mo ba lahat ng binilin ko? Iyong mga mook-up, saka mga dress na pinabili ko sa iyo?" ani Bench, habang kumakain. "Oo na, nandoon lahat sa bagahe, hanapin mo na lang mamaya." "Eeeeeh...! Narinig mo 'yon, Nay? May pang-rampa na naman ako, siguradong dadami lalo ang jowa ko!" sabi nitong sinundan ng malakas na tawa. "Ikaw kuya, wala ka man lang ipakikilalang jowa sa amin?" tuloy-tuloy na sabi nito. Muntik nang masamid si Tyron sa sinbi ng pinsan. Dali-dali niyang inabot ang baso ng tubig at ininom. Natawa na lamang ang nanay niya sa reaksyon niya. Naalala niya ang eksena bago siya bumalik ng Pilipinas. FLASHBACK "Babe, promise me, babalik ka, ha. Kung pwede lang sana akong sumama sa iyo, ginawa ko na. Hindi lang kasi pwedeng iwan ang company ngayon, eh. Basta, ha, iyong usapan natin, titikman mo lang siya, then, babalik ka sa akin, then, we'll get married," sabi nito habang nakayakap sa baywang niya. Katatapos lang ng mainit na tagpo. Kinabukasan ang biyahe niya pauwi ng Pilipinas. Napa-angat at kilay niya sa sinabi nito. Kinalas niya ang braso nitong naka-yakap sa kanya at naupo ng nakasadal sa headboard ng kama. "Hrmp... ahm.., may gusto sana akong sabihin sa iyo," panimula niya. "What is it?" kunot ang noong tanong nito. "Bago sana ako umalis, gusto kong tapusin na ang lahat sa atin," hindi tumitingin ditong sabi niya. "What?! You're kidding, right?" gulat na sabi nitong biglang napabangon, hindi na pinagka-abalahang takpan ang sariling kahubdan. "I'm serious..." sa pagkakataong iyon ay tumingin siya rito. "But why? I thought, we're okay? I thought, you love me?" "Who's talking about love? You know, I'm not capable of that feeling. Believe me, Rachel, it is better this way." naisip na niya na hindi magiging madali ang pagkalas dito. "For whom? Ano ba ang problema? May nagawa ba ako? May hindi ba ako nagawa? Is it because, hindi ko maiwan ang family business namin at sumama sa iyo sa Pilipinas? Tell me, kasi kung iyon lang, I am very much willing to leave everything, for you! Just please, dont do this! Don't leave me... I love you, so much!" umiiyak nang sabi nito. Napabuntong-hininga na lamang si Tyron. This is getting harder than he thought! "That's exactly the reason, why I wanted to end this. You're becoming too serious! I made it clear to you, that this relationship is good while it last. I told you, I have no plans of marrying!" "Iyon ba? Then, I'm sorry. I won't mention it again. Just please, don't break-up with me." "I'm sorry, Rachel, let's call it quits." walang emosyong sabi niya. "You bastard, you used me!" galit na ang ibinabadya ng mga mata nito. "Didn't you use me, too? Pareho lang tayo, we satisfied each other. And now, I want out..." malupit niyang sabi at tumayo na at pumasok sa cr. MAYA-MAYA ay narinig na niya ang malakas na pagsara ng pinto sa labas. Napahinga siya ng malalim at tila nabunutan ng tinik. Mabuti na rin ang ganito, kaysa patagalin niya pa. Inaamin niyang, minsan niyang inisip na magkaroon ng anak dito, ngunit kinalimutan na niya ang ideya na iyon. Mas lalo lamang siyang mahihirapang kalasan ito kapag nagkataon. Bumabanggit na ito ng salitang kasal. At iyon ang iniiwasan niya. END OF FLASHBACK "WALA akong girlfriend," nang makabawi ay sabi niya. "Ay, true ba 'yan? 'Yang yummy mo na 'yan, wala kang jowa? Ay nako, kuya, wait mo lang, irarampa kita sa bayan, for sure, hindi matatapos ang araw, nakapila ang mga nag-a-apply maging jowa mo!" sabi nito sa pagitan ng pag-nguya. Natawa na lamang siya sa sinabi ng pinsan. "Huwag mo nga akong isali sa kalokohan mo, ha." "Ay, wait... may magandang girlaloo doon sa tindahan ng mga school supplies, sa tapat ng canteen natin. Hay nako, kuya, kapag nakita mo siya baka maisipan mo nang mag-jowa. Ang ganda kaya ni Anicka, kung naging min lang ako, niligawan ko talaga 'yon. Eh, dahil nga pareho kaming girl, why not, kayo na lang dalawa? Bagay na bagay kayo, promise!" tuloy-tuloy pa ring daldal nito. Agad na nangunot ang noo niya nang marinig ang pangalang binanggit nito. Wala kasing alam ang pinsan niya sa nakaraan niya. Hindi pa ito sa kanila nakatira nang mga panahong iyon. Wala itong ideya sa nakaraan nila ni Anicka. Napa-angat din ang paningin ng nanay niyang tahimik lamang na kumakain. "Mano nga ikaw Bench, eh, tigil-tigilan mo na ang kuya mo! Tapusin mo na lang iyang kinakain mo at baka kung ano pa ang lumabas diyan sa bibig mo!" agad na awat ng nanay niya rito. "Why, mother dear? May nasabi ba aketch na masama? Maganda naman talaga si Anicka," "Heh! Basta kumain ka na lang diyan. Sige ka, baka itinda ko sa bayan iyong mga pasalubong ng kuya mo sa iyo." "Ay, dahil diyan, quite na ang beauty ko." anitong nagkunwa pang sinisipiran ang bibig. Naiiling na lamang siya sa kadaldalan ng pinsan. FROM : TYRON Nay, nasa canteen na po ba kayo? FROM : NANAY Oo, anak. Kanina pa, hindi na ako nagpaalam at natutulog ka pa. FROM : TYRON Bakit hindi n'yo po ako ginising para natulungan ko kayong magbukas ng canteen? FROM : NANAY Nako, huwag ka nang mag-alala at kaya ko na ito. Nandito naman si Bench. Sanay na kami rito. FROM : TYRON Ganoon ho ba? Sige po, maliligo lang ako at pupunta ako diyan. Gusto ko rin pong makita iyang canteen. FROM : NANAY O siya, sige. Dito ka na rin kumain. FROM : TYRON Sige po. KATULAD ng mga nagdaang araw, ay inihinatid na naman ni Albert si Anicka sa trabaho. Mula nang sabihin niya rito ang posibilidad na tanggapin niya ang alok nitong kasal, ay lalo itong naging pursigido sa pagsuyo sa kanya. Nang mapadako ang paningin niya sa tindahan sa tapat ay nakita niyang bukas na ito. Bababa na sana siya ng sasakyan, nang hawakan siya ni Albert sa braso at kabigin paharap dito, at kinintalan siya ng isang masuyong halik sa pisngi. Nanlaki ang mga mata niyang napatingin dito. Hindi pa naman tinted ang dala nitong sasakyan, kaya't siguradong kita sila sa loob. Tutuksuhin na naman siya ng mga kasamahan sa trabaho. "Come on, baby. It's just a goodbye kiss, pampa-good vibes lang." "Albert--" "Okay, i'm sorry. Hindi ko na uulitin. Kj. Baby, even friends, kiss each other goodbye, right?" "Oo na. Ikaw talaga. Sige na, lalabas na ako at baka ma-late pa ako." naiiling na lamang siya sa ginawa nito. "Okay. Susunduin kita uli mamaya, ha!" Tumango lamang siya rito at bumaba na ng sasakyan Hindi niya alam kung nakagawian lamang ba niya, o, kung ano ang nagtulak sa kanya upang lingunin ang kainan sa tapat. Pakiramdam niya ay tinakasan ng kulay ang mukha niya nang makasalubong ng mga mata niya ang isang pares ng nagbabagang mga mata. Matiim ang titig nito sa kanya at nag-ngangalit ang mga bagang. Kung maaari lamang na bumuka ang lupa at lamunin siya, ay mas mamatamisin niya pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD