KANINA pa wala sa sarili si Anicka. Hanggang sa mga oras na iyon ay naiisip niya pa rin si Tyron. Parang nararamdaman niya pa rin ang talim ng mga titig nito sa kanya kanina. Sigurado siyang nakita nito ang ginawang paghalik sa kanya ni Albert. Ano kaya ang iniisip nito sa nakita? At bakit parang galit ito sa talim ng titig nito sa kanya? Posible kayang...--? "Hays! Erase, erase, erase!" mahina niyang sabi na inihilamos ang kamay sa mukha. "Huwag mo na siyang isipin, Anicka. Mas marami kang bagay na mas dapat isipin kaysa sa kanya." kausap niya sa sarili habang pinapaypayan ang sarili gamit ang mga kamay at huminga ng malalim. Pagdating ng lunch time ay may problema na naman si Anicka. Wala siyang baong lunch! Tanghali na kasi siyang nagising kanina kaya't hindi na siya nagluto ng