Chapter 6

1491 Words
"COME in," wika ni Alexis habang hindi niya inaalis ang tingin sa blueprint na ipinadala sa kanya ng Engineer para sa isang project niya sa lungsod na sinasakupan niya. Isa sa mga pangako niya sa mga mamayan sa lugar nila ay magpatayo ng isang center sa isang liblib na barangay sa sinasakupan niyang lugar. Hinaing kasi sa kanya ng mga mamayan do'n noong bumisita siya ng kawalan ng center. At kapag may nagkakasakit ay pahirapan pa ang mga ito na magpunta sa bayan para magpa-check up. Dininig naman niya ang hinaing ng mga ito at nangako siya sa mga ito na gagawan niya ng paraan na resulbahin ang problema ng mga ito. At si Alexis ang tipo ng isang tao na hindi bumabali sa pinangako, kapag nangako siya ay gagawin niya ang lahat para matupad iyon. Mayamaya ay bumukas ang pinto sa opisina niya at pumasok do'n ang secretary niya na si Aris, dala ang mainit na kape na itinawag niya dito. "Gov, iyong kapeng itinawag niyo," imporma naman nito sa kanya ng tuluyan itong makapasok. "Okay. Put it here," wika naman niya sabay turo sa table niya. Humakbang naman ito palapit sa kanya. Pagkatapos niyon ay inilapag nito ang baso na may lamang mainit na kape sa ibabaw ng table niya. "May ipag-uutos po ba kayo, Gov?" tanong ni Aris sa kanya. Umiling naman siya bilang sagot. "Sa labas lang ako, Gov," paalam naman nito. Humakbang na ito palabas ng opisina niya. Pero hindi pa ito tuluyang nalakalabas ng tawagin niya ang atensiyon nito ng may maalala siya. "Aris," tawag ni Alexis sa pangalan nito. Huminto ito sa paglalakad at nilingoj siya. "Yes, Gov?" "Kamusta ang pinapa-investigahan ko sa 'yo?" tanong niya, hindi din niya napigilan ang mapakunot ng noo ng sandaling iyon. "Tungkol po ba sa RJ Hospital?" tanong naman nito. He nodded. "Yes," sagot niya. "Totoo ba na hindi sila tumatanggap ng pasyente kapag hindi nakapag-down ang gustong magpa-admit sa ospital?" tanong niya. Noong nakaraang araw ay bumisita siya sa RJ Hospital--isang public hospital sa lugar na sinasakupan niya. At ang ospital na iyon ay isa lamang sa mga sinusuportahan ng gobyerno. At sa pagbisita niya doon ay may isang pasyente na nagtanong sa kanya kung bakit ganoon ang patakaran ng ospital. Na bago ma-admit o ma-operahan ay kailangan pang mag-down ng pera. Hindi alam ni Alexis na may ganoong nangyayari sa public hospital dahil walang nakakapagsabi niyon sa kanya. Mabuti na lang at bumisita siya do'n at may nakapagsabi. And I remember the boy who informed him that. Bakas sa ekspresyon ng mukha nito ang determinasyon na itanong iyon sa kanya, na parang bang kailangan nito iyong sabihin dahil kung hindi ay sino ang magsasabi. Napansin din na hindi ito nagdalawang isip o hindi kaya natakot na isumbong iyon sa kanya lalo na at naroon pa ito sa ospital. At kung hindi lang siguro ito pinigilan ng kasama nito ay marami pa itong sinabi sa kanya. And speaking of the woman, biglang pumasok sa imahe nito sa isip niya. And Alexis had to admit that the woman he met at the hospital is beautiful. Simple lang ang ayos nito pero lutang pa din ang kagandahan nito. The woman had expressive eyes, iyon bang kahit na hindi ito ngumingiti ay kumikislap na ang mga mata nito. And she had a lovely smiles. Alexis shook his head later on. He was busy, but did he have time to compliment the beauty of the woman? Na pati pangalan ay hindi niya alam? "Nagtanong na po ako sa mga pasyente doon at sa dating naging pasyente ng ospital," umpisa naman ni Aris sa kanya. Napasandal naman si Alexis sa swivel chair niya habang patuloy siyang nakikinig sa nire-report nito sa kanya. "At tama po ang nakuha niyong balita, Gov. Hindi po sila tumatanggap ng pasyente, lalo na kapag magpapa-opera hanggang sa hindi sila nakakapag-down," pagpapatuloy pa na wika ni Aris sa kanya. Hindi naman napigilan ni Alexis ang mapakunot ng noo sa sinabi ni Aris sa kanya sa pina-i-imbestigahan. Sa totoo lang, simula noong narinig niya ang sumbong ng teenager sa kanya sa ospital ay naniwala na siya dito. Mababakas kasi ang kaseryosohan sa boses nito at hindi lang iyon, pati na din sa mukha ng ipaalam nito sa kanya ang tungkol sa nangyayari sa ospital. He just gives the benefit of the doubt to the hospital mentioned. Gusto din niyang maging fair kaya kumalap pa siya ng impormasyon. At ngayon ay napatunayan niya na may nangyayari pa lang na ganoon sa ospital ay bibigyan niya iyon ng aksiyon. Hindi siya papayag na magpatuloy ang ganoong klaseng patakaran sa ospital. Lalo na ang gobyerno ang sumusuporta doon. Make an appointment with the hospital director. I want to talk to him in person," utos niya sa seryosong boses kay Aris. "Yes, Gov," sagot naman nito sa kanya. "May ipag-uutos pa kayo, Gov?" mayamaya ay tanong nito sa kanya ng mapansin nitong nakatitig pa siya dito. He took a deep breath. "And settled the boy hospital bill. That's the thing I can do for him," utos pa niya kay Aris. Iyon na lang ang pakonswelo niya dito dahil sa mga nangyari. "And.. " "Gov?" Saglit siyang hindi nagsalita pero mayamaya ay sinabi din niya ang gusto niyang ipag-utos dito. "Get the boy's contact number. I want to talk to him, too," dagdag pa na utos niya. Tumango naman ito bilang sagot. Pagkatapos niyon ay nagpaalam na ito sa kanya para sundin ang lahat ng pinag-uutos niya. At nang makalabas si Aris sa opisina ay muli niyang itinuon ang atensiyon sa ginagawa. At makalipas ng ilang minuto ay pumasok ulit si Aris sa loob ng opisina niya. "Yes, Aris?" "Nagawa ko na ang pinag-uutos niyo. Nag-set na po ako ng appointment sa hospital director," imporma nito aa kanya. "At sa bill naman na tinutukoy niyo, Gov. Na-settled na at kaka-discharged lang niya ngayong umaga," dagdag pa na wika nito. "And for the contact number of the boy, wala siyang contact number. Pero ang nakuha ko ang contact number ng guardian niya," pagpapatuloy pa na wika ni Aris. Napatitig naman siya dito sa narinig na sinabi nito. Pagkatapos niyon ay humakbang ito palapit sa kanya. May inilapag itong maliit na papel sa mesa niya. "Iyan po ang contact number ng guardian ng tinutukoy niyo," imporma nito. Dinampot naman ni Alexis ang papel. "Olivia," basa niya sa pangalan na nakasulat. So, Olivia ang pangalan ng babae na nakilala niya doon sa ospital. Saglit naman siyang nakatitig sa hawak hanggang sa muli niyang binalingan si Aris. "Okay, Aris. Thanks," sabi niya dito. Ngumiti lang naman si Aris bilang sagot sa sinabi nito. Lumabas na ito ng opisina niya. Muli naman niyang tiningnan ang hawak na papel. Pagkatapos niyon ay dinampot niya ang cellphone niya na nakalapag sa ibabaw ng mesa. At akmang isa-save niya ang numero ng nasa papel ng mapatigil siya ng tumunog ang hawak na cellphone. Hindi nga niya napigilan ang mapakunot ng noo nang lumabas sa screen ng cellphone niya ang pangalan ni Rael. And he is the one who is calling him. Sinagot naman ni Alexis ang tawag nito. "What?" "Hi, Gov!" masiglang bati naman ni Rael sa kanya mula sa kabilang linya. "What do you need?" tanong niya. "Baka ikaw ang may kailangan sa akin," wika naman nito at kahit na hindi niya nakikita si Rael ay alam niyang nakangisi ito ng sandaling iyon. Hindi naman niya napigilan ang mapakunot ng noo. "Kung may kailangan ako sa 'yo ay ako ang unang tatawag," sabi naman niya. He heard Rael laughed over the phone. "Hmm...baka gusto mong invite kita sa The Gentleman's Club," mayamaya ay wika nito. "Why should I?" wika naman niya, hindi pa din nagbabago ang ekspresyon ng mukha niya. "Madam Miranda called me. And she informed me that the woman who caught your attention will be present tonight. Naka-schedule siya para sumayaw," sabi nito, mababakas sa boses nito ang panunukso. Halos mag-isang linya naman ang mga kilay niya. "I have a lot of important things to do, Rael," sabi naman niya. "And who told you that I am interested in her?" Tumawa na naman ito sa kabilang linya. "Your expression," sagot nito. "I saw your dissapointmemt nang hindi mo nakita ang babae do'n. Hindi mo na nga pinatapos ang palabas, nagyaya ka na agad na umalis," dagdag pa nito sa natatawang boses. "I am not," matigas naman ang boses na wika niya. "Sabi mo, eh," sabi naman nito, halata sa boses nito ang hindi naniniwala. Hindi naman na niya ito pinansin. "Sige na, marami pa akong gagawin," wika niya dito. Hindi na din niya ito hinintay na magsalita, pinatay na niya ang tawag. Inilapag niya ang cellphone niya sa ibabaw ng table. At kunot pa din ang noo na itinuon niya ang atensiyon sa ginagawa. Pero mayamaya ay napatigil na naman si Alexis. Bumuntong-hininga siya. At muli niyang dinampot ang cellphone na inilapag niya kanina at saka siya may tinawagan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD