Chapter 7

2126 Words
DAHIL sa paso ni Olivia sa kamay ay na-postponed ng isang linggo ang dapat pagsasayaw niya sa The Gentleman's Club. Hindi naman kasi pwedeng sumayaw kung may nararamdamang hapdi ang kamay niya. Bilang isang pole dancer ay kailangan din ng firm hands para makakapit siyang mabuti sa pole. Sinabi niya iyon kay Madam Miranda at nangako siyang sasayaw siya kapag okay na ang kamay niya. Baka kasi isipin ni Madam Miranda na tinatakbuhan niya ang natitirang utang niya dito. Mabuti naman at naintindihan siya nito. At sinabi ni Madam Miranda na i-message lang niya ito kung fully healed na siya at para ma-schedule siya nito. At kahapon ay nag-message siya dito na okay na ang kamay niya. Fully healed na iyon, thanks sa ointment na nireseta sa kanya ng doctor. At nang maalala niya iyon ay hindi niya napigilan na maisip si Governor Cortez. Mabait pala ito. Dahil hindi lang ito concerns sa naging daing ni Oliver dito tungkol sa nangyayari sa ospital. Naging concern din ito sa paso niya sa kamay, hindi lang iyon, pinalitan pa nito ang kape niyang natapon. Hindi namannapigilan ni Olivia ang pagsilay ng ngiti sa labi niya sa sandaling iyon ng maalala niya iyon. At mayamaya ay napatingin si Olivia sa kanyang likod ng marinig niya ang pamilyar na boses na tumawag sa pangalan niya. "Olivia." At nang mapatingin siya sa kanyang likod ay nakita niya si Abegail na naglalakad palapit sa kanya. "Bakit?" tanong niya ng tuluyan itong nakalapit. "Magbihis ka na daw sabi ni Madam Miranda," wika nito sa kanya. Tumango lang naman si Olivia bilang sagot sa sinabi nito. "Nasa dressing room na ang susuotin mo," dagdag pa na wika nito. Tumango lang ulit siya. Nagpaalam na siya dito at nagtungo siya sa dressing room na sinasabi ni Abegail. Nasa The Gentleman's Club siya ng gabing iyon. Nang i-message niya si Madam Miranda na okay na ang kamay niya ay agad nitong sinasabi na sasalang agad siya kinabukasan niyon ng gabi. Medyo nagulat nga siya dahil agad-agad iyon. Sinabi naman sa kanya ni Madam Miranda na marami daw naghahanap sa kanya na kliyente na nakapanuod ng pagsasayaw niya noong unang gabing sumabak siya ng pole dancing. And they want her to see her dancing performance again. Bigla namang pumasok sa isip ni Olivia ang nakamaskarang lalaki na titig na titig sa kanya habang nagsasayaw siya noong gabing iyon. Naroon ba ulit ang lalaki? Hindi naman niya maiwasang itanong iyon sa sarili. Pero mayamaya ay ipinilig na din niya ang ulo para maalis iyon sa isip niya. If ever kasi na naroon ulit ito ngayong gabi ay baka iyon na ang huling beses na makikita siya nito at makikita niya ito. Dahil kapag kumita siya ng kaparehong kita niya noong unang beses niya sa pagsasayaw sa The Gentleman's Club ay mababayaran na niya ang natitirang utang niya kay Madam Miranda. Hindi na din siya magsasayaw do'n. Babalik na siya sa dati niyang trabaho--ang pagiging cashier. Nang nakapasok si Olivia sa dressing room ay agad niyang hinanap ang damit na sinasabi ni Abegail na isusuot niya. Nakita naman niya iyon. At hindi niya napigilan ang mapakagat ng ibabang labi nang makita niya kung anong klaseng damit iyon. It was black one piece corset. May kasama ding iyong itim na fishnet stockings. Sexy'ng tingnan ang nasabing corset. Lalo na kapag isusuot niya iyon. Saglit naman si Olivia na nakatitig doon hanggang sa tinanggal niya ang suot na damit at para isuot naman ang magiging outfit niya ng sandaling iyon. Pakiramdam nga siya ay hubad siya ng sandaling iyon sa suot niya. Pero no choice naman siya dahil iyon ang ibinigay na isusuot niya. At nang maisuot niya iyon ay kinuha niya ang hairbrush na naroon at saka niya sinuklay ang mahabang buhok at saka niya iyon ipinusod pataas. Nag-lipstick din siya ng red. Hindi na din siya nag-abalang mag-ayos ng mukha dahil matatakpan din iyon kapag sinuot na niya ang maskara. Of course, magsusuot pa din siya ng maskara para itago ang identity niya sa magiging customer niya. At mayamaya ay nakarinig ng mahinang pagkatok si Olivia sa labas ng pinto sa kinaroroonan niyang dressing room. Humakbang naman siya palapit doon para buksan ang kumakatok sa labas. At napagbuksan niya si Madam Miranda. Agad nga niyang napansin ang pagsilay ng ngiti sa labi nito ng pasadahan siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa. "You're gorgeous and sexy, Olivia. No wonder, maraming kliyente ang naghahanap sa 'yo," komento naman nito sa kanya. Nginitian lang naman niya ng bahagya si Madam Miranda sa sinabi nito. Hindi din kasi niya alam kung ano ang sasabihin dito. "Anyway, are you ready? Nakapasok na sa loob ang mga customer. And they were excited to watch your dance," mayamaya ay wika nito sa kanya. Tumango ulit siya. "K-kunin ko lang po iyong maskara ko," sabi naman niya. "Okay," sagot nito. Umalis naman siya sa harap nito para kunin ang maskara na nakapatong sa vanity mirror. Nang makuha niya iyon ay agad niyang isinuot ang maskara sa kanyang mukha. Kalahating mukha lang niya ang natatakpan pero sapat na iyon para maitago niya ang identity niya. Nang maisuot niya iyon ay lumabas naman na siya ng dressing room. Naghihintay na din sa kanya si Madam Miranda. Hindi naman napigilan ni Olivia na igala ang tingin sa paligid. Hinahanap kung nasaan si Abegail. At nang hindi niya ito makita ay itinuon niya ang tingin kay Madam Miranda. "Si Abegail po?" tanong niya. "Umuwi na siya. Masakit ang ulo," sagot ni Madam Miranda sa kanya. Napaawang naman ang labi ni Olivia sa narinig na sinabi ni Madam Miranda sa kanya. Umuwi na si Abegail? "S-sino po ang kasama ko na sasayaw?" tanong niya dito. "Just yourself," sagot naman nito sa kanya. Nanlaki naman ang mga mata niya. "Po?" Madam Miranda smiled at her. "You can do it alone, Olivia," wika nito sa kanya. Pagkatapos niyon ay tinapik nito ang balikat niya. "And get ready, kapag binigyan ka ng cue ng floor director, lumabas ka na ng stage," mayamaya ay wika nito. Sunod-sunod naman siyang napalunok sa sinabi nito. "And dance well. Para bigyan ka ng malaking tip," dagdag pa na wika ni Madam Miranda sa kanya. Pagkatapos din nitong sabihin ang mga iyon sa kanya ay nagpaalam na ito. Nakaramdam naman siya ng pamamawis ng kamay. Kinakabahan kasi siya lalo na sa isiping mag-isa lang siya na sasayaw sa stage at sa harap ng mga bigating kliyente. At mayamaya ay napaayos si Olivia mula sa pagkakatayo nang makita siya ng senenyasan na siya ng lalaki na tinutukoy ni Madam Miranda. Sasayaw ka lang, Olivia. Kaya mo ito, kausap naman niya sa sarili para kahit papano ay lumakas ang loob niya. Isipin mo na lang na may dance performance ka. Humugot naman siya ng malalim na buntong-hininga. Pagkatapos niyon ay pumasok na siya sa stage. At gaya ng dati ay nakapatay na naman ang ilaw. Pero alam niya mayamaya ay mag-o-on ang ilaw. The music began to fill the room. And the light turned on. At pumainlanglang ang kantang 'Love me like you do' by Ellie Goulding at hudyat na iyon para mag-umpisa siyang sumayaw sa saliw ng tugtugin. At first, she dances seductively. Nag-practice naman na siya kaya alam na niya ang step. Napansin ni Olivia na maraming bigating kliyente na nanunuod. Halos double yata ang naroon ng gabing iyon. And they stared at her intently. Ang ibang kliyente na nanunuod na walang suot na maskara ay mababakas sa mga mata ng mga ito ang pagnanasa, na kulang na lang ay hubadan siya sa klase ng tinging ipinagkakaloob ng mga ito sa kanya. Bumuntong-hininga naman si Olivia. At habang nagpapaikot-ikot siya sa pole ay hindi niya napigilan na ilibot ang tingin sa buong paligid hinahanap ang isang partikular na lalaki. The man who was watching her closely as she danced that night. Pero nalibot na niya ang buong kwarto pero hindi niya napansin ang lalaki. At kahit naman na iisang beses lang niya itong nakita at kahit na nakasuot ito ng maskara ng gabing iyon ay ma-i-identify niya kung naroon ba ito. Nakatatak kasi sa isip niya ang hitsura nito habang suot nito ang maskara. Hindi naman napigilan ni Olivia ang makaramdam ng disappointment ng hindi niya ito nakita. Pero agad din niyang ipinilig ang ulo? Why is she looking for the man? And why she felt disappointed? Itinuon naman na niya ang atensiyon sa pagsasayaw baka kasi magkamali siya. Kailangan niyang galingan ang pagsasayaw para bigyan siya ng malaking tip ng mga kliyente at para mabayadan na niya ang natitirang balance niya kay Madam Miranda. Para hindi na niya kailangan magsayaw doon. At mayamaya ay napatingin siya sa pinto na naroon nang makita niyang bumukas iyon at pumasok ang isang lalaki na nakasuot ng maskara. Nakasuot din ito ng puting long sleeves na nakalihis ang manggas hanggang sa siko nito. At hindi napigilan ni Olivia ang mapaawang ang labi nang makita niya kung sino ang kararating lang na lalaki. At napansin niyang agad na tumuon ang tingin nito sa itaas na stage. Olivia was absolutely certain that the man who is currently in the room is the one she's searching for. Hindi siya pwedeng magkamali, sa paraan lang ng titig nito at sa nararamdaman niya sa titig nito ay alam niyang ito ang lalaking iyon. Hindi umupo ang lalaki. Nanatili itong nakatayo at nakasandal sa pader habang titig na titig sa kanya. At gaya na lang ng unang gabing nagsayaw siya doon ay hindi na naman niya maalis ang titig dito. Bumabalik ang tingin niya sa lalaki na para bang may magnetiko na naghihila sa kanya para titigan ito. At pagkatapos ng ilang minutong pagsasayaw sa pole at huminto ang musika na pumapainlalang sa buong kwarto tanda na tapos na siyang mag-perform. At gaya na lang ng unang beses siyang sumayaw ay pumainlanglang ang palakpak. And her eyes immediately looked at the man's direction. He still looking at her intently, hindi ito pumapalakpak pero napansin niya ang simpatikong ngiti sa labi nito habang nakatitig pa sa kanya. At sinalubong niya ang mainit na titig nito hanggang sa dumilim ang paligid. Saglit naman niyang kinagat ang ibabang labi. Humugot naman siya ng malalim na buntong-hininga. Pagkatapos niyon ay bumaba na siya ng stage at sinalubong naman siya ni Madam Miranda. "Your performance is awesome, Olivia. Dinig na dinig dito ang palakpakan ng mga customer. For sure malalaki na naman ang tip na ibibigay nila sa 'yo," wika sa kanya ni Madam Miranda. Ngumiti lang naman si Olivia bilang sagot sa sinabi ni Madam Miranda sa kanya. "Hmm...magpapalit lang po ako ng damit," mayamaya ay wika naman niya. Hindi kasi siya sanay sa suot. Pakiramdam kasi niya ay nakahubad siya. Sa totoo nga lang ay hindi siya komportable sa suot ng sandaling iyon pero no choice siya dahil iyon ang outfit na kailangan niya sa pagsasayaw. Eh, club iyon. Kailangan niyang magsuot ng sexy na damit. "Sige," wika naman ni Madam Miranda. She excused herself. At saka na siya umalis sa harap nito. Nagtungo naman siya sa dressing room kung saan siya nagbihis kanina. At nang makapasok siya doon ay nilock niya ang pinto at saka niya inalis ang outfit na suot para ibalik ang mga damit na tinanggal kanina. Saktong matapos siyang makapagbihis ay nakarinig siya ng katok na nanggaling sa labas ng pinto ng dressing room. Lumapit naman siya doon para mapagbuksan niya ang kumakatok. At napagbuksan niya si Madam Miranda. "Olivia," banggit nito sa pangalan niya. "May kailangan po kayo?" tanong niya dito. "May mga kliyente na gusto kang makilala," imporma sa kanya ni Madam Miranda. "And it looks like they were interested in you," pagpapatuloy pa na wika ni Madam Miranda. "Oh," sambit naman ni Olivia. Isa ba sa lalaking katitigan niya kanina ang gusto siyang makilala? "Hmm...gusto mo ba silang pagbigyan? You can wear your mask if you want to meet them. Para kahit papaano ay maitago mo pa din identity mo kapag kaharap mo sila," wika nito sa kanya. Olivia let a deep breath. "Pasensiya na po, Madam Miranda. Pero pwede po bang tumanggi?" wika ni Olivia. Pagkatapos niyon ay sinabi niya ang reason niya kung bakit ayaw niya. At kinuha na din niya iyong pagkakataon para sabihin din na last na niya iyon sa pagsasayaw kung nabayaran na niya ang utang niya dito. "Sigurado ka na ba sa desisyon mo?" tanong naman ni Madam Miranda sa kanya, bakas sa boses nito ang paghihinayang. Tumango naman si Olivia. "Oo," sagot niya. Napabuntong-hininga naman si Madam Miranda. "Okay. Kung iyan ang gusto mo," sagot naman ni Madam Miranda. "Pero kung sakaling nagbago ang isip mo. You can message me. You're still welcome to work here." Tumango lang naman si Olivia bilang komento sa sinabi nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD