INABOT ni Oliver kay Olivia ang wala ng laman na plato nito nang matapos itong kumain.
"Thank you, Ate," wika naman ni Oliver sa kanya.
Nginitian lang naman ni Olivia ang kapatid. Pagkatapos niyon ay inabutan niya ito ng tubig na agad naman nitong tinanggap at ininom.
Niligpit naman niya ang pinagkainan nilang dalawa ng kapatid. At dahil disposable lahat ng ginamit nila ay inilagay na niya ang lahat ng iyon sa plastic at itatapon niya iyon sa labas kung nasaan ang basurahan.
At nasa ganoong posisyon si Olivia ng mapatingin siya sa dereksiyon ng pinto ng may pumasok do'n na doctor. At kasunod noon na pumasok ay ang governador na si Alexis at ang bodyguard nito.
Napakurap-kurap naman si Olivia habang nakatingin siya sa pumasok sa loob ng ward kung nasaan sila.
"Good afternoon, Gov," halos sabay-sabay na bati ng mga pasyente at ang mga watcher na kagaya niya sa nasabing gobernador.
"Good afternoon," Alexis greet them back with a smile.
"Kamusta naman po kayo dito?" tanong naman ni Alexis sa mga pasyente na naroon.
"Okay lang naman po, Gov. Ito nagpapagaling na," wika naman ng isang may edad na lalaki, kung hindi siya nagkakamali ang sakit ng may edad na lalaki ay diabetes.
"Mabuti naman kung ganoon," nakangiting wika naman ni Alexis sa matanda. Pagkatapos niyon ay inilibot nito ang tingin sa loob ng ward. Napansin naman niya na nadaanan siya nito ng tingin pero mayamaya ay ibinalik nito ang tingin sa gawi niya. At nanatili na ang titig sa kanya ni Alexis, mukhang nakilala siya nito.
Tinanguhan naman ni Olivia si Alexis bilang pagbati dito.
"Gov."
Mayamaya ay inalis niya ang tingin kay Alexis ng marinig niya ang boses ng kapatid na tinawag ang atensiyon ng nasabing governador.
"May gusto lang po akong itanong," wika ng kapatid ng balingan ito ng lalaki. Hindi naman niya napigilan ang mapakunot ng noo sa narinig na sinabi ni Olivier, lalo na nang makita niya ang seryosong ekspresyon ng mukha nito sa sandaling iyon. Bihira lang kasi niyang makita si Oliver sa ganoong eskpresyon ng mukha.
Ano kaya ang itatanong nito? Wala kasi siyang ideya kung ano ang gusto nitong itanong kay Gov.
Mula naman sa gilid ng kanyang mga mata ay nakita niya ang paghakbang ni Alexis sa kinahihigaan ng kapatid niya. Napansin din niya na tumuon ang tingin ng ilang naroon sa gawi nila, mukhang naku-curious din ang mga ito sa itatanong ng kapatid.
Napansin naman niyang saglit siyang sinulyapan ni Alexis bago nito itinuon ang tingin sa kapatid.
"Ano ang gusto mong itanong?" wika naman ni Alexis sa kapatid niya.
Humugot naman ng malalim na buntong-hininga si Oliver bago bumuka ang bibig nito para magsalita. "Patakaran po ba talaga ng public ospital na bayad mo na bago ka i-admit o operahan?" tanong ng kapatid sa seryosong boses.
Hindi naman napigilan ni Olivia ang manlaki ng kanyang mga mata sa tanong na iyon ng kapatid. Hindi niya inaasahan na itatanong nito iyon mismo sa gobernador Napatingin naman siya kay Alexis, napansin niya na saglit itong natigilan sa tanong na iyon ng kapatid. Mukhang hindi din nito inaasahan na itatanong nito iyon.
"Nabasa ko sa tagline ng hospital, Where health comes first. Pero bakit money first, Gov?" dagdag pa na wika ni Oliver. Napansin niya na humugot ulit ng malalim na buntong-hininga ang kapatid niya bago ito nagpatuloy sa pagsasalita. "Kung ganoon po ang patakaran ng ospital? Paano po kaming mahihirap? Mamatay na lang po ba kami bago kami--
Hindi na natapos ni Oliver ang iba pa nitong sasabibin ng takpan niya ang bibig nito. At saka alanganin siyang ngumiti sa governor ng sulyapan niya ito.
"Pasensiya na po kayo sa kapatid ko, Gov," paghingi naman niya ng paunmanhin sa sinabi ng kapatid niya dito.
Napansin ni Olivia na bumaba ang tingin ni Alexis sa kamay niyang nakatakip sa bibig ng kapatid. Kagat naman niya ang ibabang labi na ibinaba niya ang kamay na nakatakip sa bibig ni Oliver, napansin naman niya na sinundan iyon ng tingin ni Alexis, napansin din niya ang bahagyang pagkunot ng noo nito nang tumitig ito do'n.
Bumaba naman ang tingin niya sa kamay. Naku-curious kasi kung ano ang tinitingnan nito sa kamay niya. At napaawang ang labi niya nang makita niya ang pamumula niyon. Dahil iyon sa pagkapaso niya kanina ng matapon sa kamay niya ang mainit na kape.
Mabilis naman niya iyong itinago sa likod niya. Sa pagkakataong iyon ay do'n lang naman nito inalis ang tingin sa kamay niya at inilipat nito iyon sa mukha niya.
Pasimple naman niyang iniwas ang tingin dito dahil hindi niya matagalan ang klase ng titig na pinagkakaloob nito sa kanya. Nako-conscious siya sa titig nito.
Alexis took a deep breath. "Don't worry. Papa-imbestigahan ko ang sinabi mo sa akin. At kapag napatunayan ko na may ganyang patakaran ang ospital, I'll make an action immediately," wika ni Alexis sabay tingin sa doctor na kasama nito.
Napansin naman niya ang sunod-sunod na paglunok ng doctor. "Salamat po, Gov," wika naman ng kapatid sa sinabi nito na bibigyan nito iyon ng action.
Tumaas naman ang kamay ni Alexis patungo sa ulo ng kapatid niya. "Thanks for informing me. At magpagaling ka," wika nito kay Oliver.
Saglit pang nanatili si Alexis sa loob ng ward bago ito nagpaalam sa kanila. At bago ito tuluyang umalis ay sumulyap pa ito sa kanya.
"Bakit mo sinabi iyon?" tanong naman ni Olivia sa kapatid ng tuluyan ng makaalis sina Gov.
Ngumuso naman ang kapatid niya. "Dapat lang naman malaman ni Gov iyon ate. Kawawa naman kasi tayong mga mahihirap kung ganoon lagi ang patakaran ng ospital," sagot ng kapatid niya sa kanya. "Kung walang magsasabi sa nauukulan sa ganitong klaseng patakaran ng ospital? Sino ang magsasabi ate?" katwiran naman ng kapatid niya.
Humugot na lang naman si Olivia ng malalim na buntong-hininga sa sinabing iyon ni Oliver. Hindi na din naman siya nagbigay komento dahil may punto naman ang kapatid. At least na-voice out nito ang nasa isip nito at nasabi nito sa kinauukulan ng concern ng nakakarami. Hindi lang naman kasi sila ang naka-experience niyon, marami sila.
Olivia just smiled at Oliver. "Hmm...magpahinga ka na para mabawi mo ang lakas mo," mayamaya ay wika naman niya sa kapatid. "Itapon ko lang ito sa basurahan," mayamaya ay wika niya dito, tinutukoy ang pinaglagyan niya ng mga pinagkainan nila kanina.
Tumango naman si Oliver. At nang tumango ito ay humakbang na siya palabas ng ward at saka niya tinapon ang hawak sa basurahan.
Agad din naman niyang binalikan ang kapatid sa loob. At makalipas ng ilang minuto ay may pumasok na isang lalaking nurse sa loob ng ward at deretso ito sa dereksiyon nila. Akala niya ay iche-check nito ang kapatid niya, hindi pala.
"Miss, pinapatawag po kayo," mayamaya ay imporma nito ng tuluyan itong nakalapit.
Bahagya namang kumunot ang noo niya habang nakatingin dito. "Sino ang nagpapatawag?" tanong naman niya.
"Si Gov po," sagot naman nito.
Napaawang naman ang labi niya. "B-bakit daw po ako pinapatawag?" tanong niya, medyo kinakabahan din siya.
"Hindi ko din po alam. Basta nautusan lang ako na sabihin sa inyo."
Tumingin naman siya sa kapatid. "Dito ka lang, Oliver," wika niya dito.
"Sige, Ate," sagot naman nito sa kanya.
"Tara po."
Sinundan naman ni Olivia ang lalaking nurse ng lumabas na ito ng ward. Nag-iisip naman siya kung ano ang sasabihin sa kanya ni Gov kung bakit siya nito ipinapatawag. Naisip niyang baka iyong sinabi ng kapatid niya. Nagalit ba ito sa sinabing iyon ng kapatid?
Mayamaya ay huminto sila sa tapat ng isang pinto. "Pasok na kayo, Miss," wika naman nito sa kanya.
Humugot naman siya ng malalim na buntong-hininga. Pagkatapos niyon ay pinihit niya ang seradura ng pinto pabukas. At nang tumingin siya sa loob ay nakita niya ang isang lalaking doctor at nang hanapin niya kung nasaan si Alexis ay nakita din niya ito doon, nakasandal ang likod nito sa pader. At mukhang hinihintay nito ang pagdating niya dahil napansin niya na nakatingin ito sa dereksiyon ng pinto. Umalis naman si Alexis mula sa pagkakasandal nito sa pader nang tuluyan siyang nakapasok sa loob. Nakita din niyang isinuksok nito ang isang kamay sa bulsa ng suot nitong pantalon habang nakatingin pa din ito sa kanya.
Saglit naman niyang kinagat ang ibabang labi bago bumuka ang bibig niya para magsalita. "Pinatawag niyo daw ako, Gov?" tanong niya kay Alexis.
"Yes," he said in a deep and baritone voice.
"Bakit po?" tanong naman niya.
Sa halip naman na sagutin siya nito ay bumaba ang tingin nito sa kamay niya, napansin niya ang paggalaw ng panga nito. "Doc Martinez will treat your burnt hand. wika naman nito sa kanya.
Pinagdikit naman ni Olivia ang ibabang labi. Pagkatapos ay pasimple niyang inilagay ang kamay sa likod niya.
"Okay lang po ako, Gov," sagot niya, baka kasi dumagdag pa sa bill ng kapatid ang paggagamot nito sa napaso niyang kamay.
Sa halip naman na magbigay komento si Gov ay humakbang ito palapit sa kanya. Hindi naman niya napigilan ang mapaatras, napansin naman niya ang bahagyang pagkunot ng noo nito nang makita nito ang pag-atras niya. Kaya hindi na niya itinuloy ang pag-atras at nanatili siya sa kinatatayuan hanggang sa tuluyang nakalapit si Alexis sa kanya.
"Let's treat your burned hand, Miss," wika nito sa kanya. Hindi na din siya nito hinintay na magsalita, hinawakan siya nito sa likod ng braso.
At bahagyang nanlaki ang mga mata niya ng makaramdam siya ng parang boltahe ng kuryente na dumaloy sa katawan niya ng magdikit ang mga balat nila.
At mukhang naramdaman din nito ang naramdaman niya dahil napansin niya ang pagbaba nito ng tingin sa kamay nitong nakahawak sa likod ng siko niya. At napansin din niya ang pagtataka na bumalatay sa mukha nito.
Saglit itong natigilan hanggang sa mayamaya ay marahan siya nitong inalalayan patungo sa silya na naroon sa loob.
Doc Martinez, please treat her burn," utos naman nito sa doctor na naroon.
"Okay, Gov," sagot naman ng doctor sa kanya. Pagkatapos niyon ay lumapit ito sa kanya, umupi ito sa tabi niya. "Your hand, Miss," wika nito.
Inabot naman niya ang kamay dito. At mula sa gilid ng kanyang mga mata ay naramdaman niya ang pag-alis ni Alexis sa tabi niya. At napansin niya ang pagsandal nito sa pader do'n.
At habang nilalapatan ng lunas ang paso niya sa kamay ay ramdam niya ang mainit na titig ni Alexis sa kanya. Hindi tuloy siya mapakali sa kinauupuan niya.
Hindi naman niya napigilan ang mag-angat ng tingin patungo sa dereksiyon nito. And she was right dahil nakita niya na titig na titig ito sa kanya. Wala naman siyang mabasa na kahit anumang emosyon sa mukha nito sa sandaling iyon.
Pasimple naman na niyang inalis ang tingin dito at itinuon na ang atensiyon sa nasabing doctor. At hindi naman nagtagal ay tapos na ito na bigyan ng lunas ang paso niya sa kamay.
"Resetahan kita ng ointment para sa paso mo," wika naman nito sa kanya.
Tumango lang naman siya bilang sagot. Tumayo na din siya mula sa pagkakaupo niya. At saktong pagkatayo niya ay nakarinig siya ng mahinang katok sa labas ng pinto. At mayamaya ay bumukas iyon at pumasok do'n ang bodyguard ni Alexis. Napansin niyang may hawak itong papercup. At may tatak iyon galing sa kilalang coffee shop.
"Gov, ito na ang pinabili niyo," wika nito kay Alexis.
Umayos naman si Alexis mula sa pagkakatayo nito. At saka tinanggap ang inabot ng lalaki dito.
Pinagdikit ulit ni Olivia ang labi ng muli siyang sulyapan ng gobernador. Sunod-sunod din siyang napalunok nang makita niya na humakbang ito palapit sa kanya.
"Here," wika nito sabay abot sa hawak ng tuluyan itong nakakapit.
"Gov?" nagtatakang tanong naman niya dito.
"Your coffee. Kapalit noong kapeng natapon kanina," sagot naman nito sa baritonong boses.
Kasabay ng pagkurap ng kanyang mga mata ay ang pag-awang ng kanyang labi habang sinasalubong niya ang matiim na titig ni Alexis.