Chapter 3

1502 Words
ALEXIS opened his eyes when he heard his phone rang. Napansin naman niyang hininaan ni Francis--driver s***h bodyguard niya ang volume ng kanta na pinapatugtog nito sa stereo ng kotse. Kinuha naman ni Alexis ang cellphone niya sa bulsa ng suot niyang pantalon. At napabuntong-hininga na lang siya nang makita at mabasa kung sino ang tumatawag sa kanya ng sandaling iyon. It was his father. And it was the fourth time calling him to remind him about the family dinner with Senator Jimenez. Sa pangalawang pagkakataong ay napabuntong-hininga siya bago niya sinagot ni Alexis ang tawag ng kanyang ama. "Yes, Dad?" wika niya ng sagutin niya ang kabilang linya. "Where are you?" tanong naman nito sa kanya. "I'm on my way home," sagot naman niya sa ama. Mukhang gustong i-monitor ng ama kung nasaan na siya. Gusto kasi nito na naroon na siya sa mansion kapag dumating na ang family Jimenez. Gusto ng ama na kasama siya sa pagsalubong sa mga bisita. "That's good. We will wait you here," wika ng ama. Pagkatapos niyon ay nagpaalam na ito sa kanya. Muli na namang ipinikit ni Alexis ang mga mata. Marami sana siyang gagawing ngayong araw. Sa katunayan ay bibisita sana siya sa isang public hospital sa isa sa mga sinasakupan niyang bayan para kamustahin ang mga pasyente na naroon at mag-impeksiyon din sa nasabing ospital. Pero dahil nga sa family dinner na sinasabi ng ama ay na-postponed iyon. "We're here, Gov," mayamaya ay nagmulat si Alexis ng mga mata ng marinig niya ang boses na iyon ni Francis. At nang tumingin siya sa labas ng bintana ay nakita niya nasa garahe na sila sa mansion nila. Bumaba naman si Francis para pagbuksan siya nito ng pinto. Umayos siya mula sa pagkakaupo niya sa backseat at saka niya tinanggal ang suot na seatbelt. At saka na siya bumaba ng kotse. "Thanks, Francis. You can rest now," wika naman niya sa bodyguard niya. Narito naman na siya sa mansion at hindi na siya nito kailangan bantayan. Tumango si Francis bilang sagot sa sinabi niya. Isinuksok naman niya ang isang kamay sa bulsa ng suot niyang pantalon ng humakbang siya papasok sa mansion. Napansin naman ni Alexis na maraming tauhan ang ama niya na nasa labas ng mansion. Well, his whole family is politician kaya kailangan nila ng maraming tauhan para proteksiyon nila. Lalo na at marami din silang kalaban sa politika. His father is very meticulous about their protection. Tuluyan namang nakapasok si Alexis sa loob ng mansion. Agad naman siyang sinalubong ng ama. "Magbihis ka na, Alexis," wika nito ng tuluyan itong makalapit sa kanya. Pagkatapos niyon ay tiningnan nito ang suot na wristwatch. "In hour, nandito na ang mga bisita," pagpapatuloy pa na wika ng ama. "Yes, Dad," sagot naman niya. Umakyat naman siya sa pangalawang palapag ng mansion kung saan matatagpuan ang kwarto niya. Nang makapasok siya do'n ay agad niyang hinubad ang lahat ng saplot sa katawan at pumasok siya sa loob ng banyo. He switch on the shower. Itinapat niya ang mukha sa tubig. Ilang sandali nga din siyang nasa ganoong posisyon hanggang sa nag-umpisa na siyang maligo. Hindi naman siya masyado nagtagal sa loob ng banyo. At nang matapos siya ay lumabas na siya do'n na tanging manipis na tuwalya ang tumatakip sa kahubadan niya. And Alexis wore black pants and white long sleeves. Inilihis nga niya ang manggas niyon hanggang sa siko niya. He spray his favorite perfume. At dinaanan lang niya ng daliri ang medyo basa pa niyang buhok. His hair is wavy. Lumabas naman na si Alexis sa kwarto at bumaba na din siya. Napansin niya na hindi magkakaundaga ang mga maid sa bahay nila. They were all busy. Halatang very important person ang darating nilang bisita ng sandaling iyon. Well, VIP naman talaga ang darating na bisita para sa ama niya. At mayamaya ay nakita niyang lumabas ang magulamg niya sa dining area. "They are here, Alexis. Let's go to meet them," wika naman ng Papa niya. Sinundan naman ni Alexis ang mga magulang ng lumabas ang mga ito sa mansion. At mayamaya ay nakita niya ang itim na van na nagpark sa garahe nila. Nakita din niya ang paglapit ng isa sa mga tauhan ng ama niya sa van para buksan ang mga ito ng pinto. Hanggang sa nakita niya ang pagbaba ni Senator Jimenez sa Van, sumunod ang asawa nito. At huling bumaba ay isang matangkad at maputing babae na tantiya niya ay nasa lagpas beinte singko ang edad. At kung hindi siya nagkakamali ay ito ang anak ni Senator Jimenez na gusto ng ama para sa kanya. Napatitig si Alexis sa babae. Yes, she is indeed beautiful and sexy. But for him, there's nothing special with her. Wala nga siyang naramdaman sa babae na kakaiba habang nakatingin siya dito. Hindi nga nag-iba ang t***k ng puso niya gaya ng sinabi ni Rael sa kanya. Malalaman mo kung ang isang babae ay siyang the one mo kapag nag-iba ang bilis ng t***k ng puso mo kapag nakita mo siya, naalala niyang wika ni Rael sa kanya. And right now, as he glared at the woman. His heart rate is normal. "Come on. Let's meet them," mayamaya ay wika ng ama niya sa kanila. Inihanda naman ni Alexis ang ngiti sa kanyang labi ng humakbang siya para lapitan ang mga ito. "Senator Jimenez," nakangiting wika ng ama niya sa nasabing senator. "Thank you for coming," dagdag pa na wika ng ama ng tuluyan silang nakalapit. Ngumiti naman si Senator Jimenez bilang sagot. "Thank you for inviting us here, Congressman," sabi naman nito. "Anyway, this is my wife, Angelie," mayamaya ay pagpapakilala ni Senataor Jimenez sa asawa nito. "And this is my daughter, Danica." Sunod naman na ipinakilala nito ang anak sa kanila. His father and mother greet the two. Sumunod naman siya. Inilahad niya ang kamay sa may edad na babae na agad naman nitong tinanggap. "My name is Alexis, it's nice to meet you," wika naman niya. Pagkatapos ay binalingan niya ang dalaga. Inilahad din niya ang kamay dito na tinanggap din nito. "Nice to meet you, Danica," wika naman niya sa babae. Ngumiti naman si Danica sa kanya. "It's nice to meet you, Alexis," wika naman nito. "Alejandro, you didn't tell me that your son is good- looking," komento naman ni Senator Jimenez sa ama niya na nakangiti. Tumawa naman ang ama niya. "Of course, Senator. Nasa lahi namin iyan," natatawa pa ding wika ng ama. "And he is the Governor of our town," proud pa na wika ng ama. Kulang na nga lang na sabihin ng ama ang lahat ng achievement niya sa buhay sa mga ito. Pagkatapos niyon ay niyaya na ng ina niya ang mga ito na pumasok sa loob ng mansion. Nakasunod naman siya sa mga ito hanggang sa pumasok sila sa dining area kung saan nag-prepare ang mga magulang. Kulang na nga lang din na magpa-cater ang ama para sa bisita. At sa sandaling iyon ay punong-puno ng pagkain ang nakahain sa mesa at magaling na chef ang nagluto niyon. Niyaya naman na ng ama na maupo sila sa harap ng dining table. At sa sumunod na sandali ay kumain na sila habang nagku-kwentuhan. And of course, topic nila ay tungkol sa politics. At pagkatapos ng tatlong oras na pananatili ng pamilya Jimenez sa bahay nila ay nagpaalam na ang mga ito. "So, what do you think about Danica?" mayamaya ay tanong ng ama kay Alexis ng makapasok sila sa mansion ng maihatid nila palabas ang mga ito. "She's smart" sagot naman niya sa ama. Well, napansin niya na kahit na hindi public official ang babae ay may alam ito sa politics kapag kinakausap ito ng ama niya. Ngumiti naman ang ama niya. "That's why you're good to each other," komento nito. "I know her phone number. Contact her and ask her out. Para mas makilala niyo pa ang isa't isa," dagdag pa na wika ng ama. Tinapik pa nga nito ang balikat niya bago siya nito iniwan. Alexis just took a deep breath. At sa halip na magtungo siya sa loob ng kwarto niya ay lumabas siya ng mansion. Right now, he wanted to unwind. At may naisip siya na gustong puntahan. Inilabas naman niya ang cellphone sa bulsa ng suot niyang pantalon. Pagkatapos ay tinawagan niya ang kaibigang si Rael. Naka-ilang ring bago naman nito sinagot ang tawag niya. "Where are you?" Agad na tanong niya kay Rael. "House. Why?" "Accompany me to The Gentleman's Club," wika naman niya dito. Hindi kasi siya miyembro ng nasabing Club kaya hindi siya basta-basta makakapasok doon kung walang miyembro mag-i-imbita sa kanya. "Oh," sambit ni Rael. "It looks like you were mesmerized by the beauty and dancing skill of one of the dancers there," tukso ni Rael sa kanya. Kumunot ang noo ni Alexis. "Shut up, Rael. I just wanted to unwind and nothing else," sagot naman niya kung bakit gusto niyang magpunta sa The Gentleman's Club. He heard Rael laughing over the phone. "Sabi mo, eh."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD