Chapter 2

1576 Words
"OKAY ka lang, Olivia?" Napatingin si Olivia sa kanyang gilid nang marinig niya ang tanong na iyon ni Abegail. "Kung nagdadalawang isip ka na tumuloy. May pagkakataong ka pang umatras," wika nito nang magtama ang mga mata nilang dalawa. Umatras? tanong naman niya sa isip. Kung aatras siya ay saan naman siya kukuha ng 50 thousand na ginamit niya para sa pampagamot sa kapatid niyang si Oliver ng ma-ospital ito dahil sa appendix. Eh, in-advance na niya ang kikitain niya ngayong gabi kay Madam Miranda--ang handler ni Abegail sa The Gentleman's Bar na pinagta-trabahuan nito para maipagamot niya ang kapatid. Isang private pole dancer si Abegail sa The Gentleman's Bar--isang high end bar sa lugar nila. Kapit sa patalim na nilapitan ni Olivia si Abegail para ipasok siya sa pinagta-trabahuan nito ng mangailangan siya ng malaking pera. Pumutok kasi ang appendicitis ng kapatid na si Oliver. Akala nilang dalawang magkapatid ay isang simpleng sakit lang sa tiyan ang sakit nito hanggang kaninang umaga ay namilipit na ito sa sakit, sa sobrang sakit nga ay nahimatay ito. Halos mataranta nga siya habang nagsisigaw, mabuti na lang at may nakarinig na kapitbahay nila. Tinulungan siya na dalhin ang kapatid sa ospital. Pero walang ospital na gustong tumanggap sa kapatid niya kung hindi siya nakakapag-down. Hindi naman siya makapag-downpayment dahil wala siyang pera. Nagda-down siya ng isang libo pero ayaw iyon tanggapin ng ospital. Gusto ng mga ito ma kalahati ang i-downpayment niya. At kung hindi kasi ma-o-operahan ang kapatid niya ay baka mamatay ito. At hindi niya kakayanin na mawala ang nag-iisang kapatid niya. Si Oliver na lang kasi ang nag-iisang pamilya niya. Ulilang lubos na sila Olivia. Namatay ang magulang niya sa isang car accident noong 18 years old siya, 14 years old noon ang kapatid niya. Walang namang gustong kumupkop sa kanilang magkapatid na kaanak nila kaya mag-isa na lang niyang binuhay ang kapatid. Huminto nga siya sa pag-aaral para maghanap ng trabaho at dahil hindi nakapagtapos ay salesclerk lang ang nahanap niyang trabaho. At kulang na kulang ang sinasahod niya para sa pang-araw araw na pangangailangan nilang magkapatid. Kapitbahay nila Olivia si Abegail at hindi naman lingid sa kaalaman niya kung saan ito nagta-trabaho. Sa isang mamahaling bar ito nagta-trabaho, ang alam ng karamihan ay isa itong prostitute, nagbebenta ng panandaliang aliw. Pero nabanggit sa kanya ni Abegail na hindi ganoon ang trabaho nito. Isa itong pole dancer. Magsasayaw lang daw ito sa lahat ng guest ng nasabing bar. Mga bigatin din daw kasi ang mga guest sa bar, may mayayamang negosyante, mga DOM. At minsan ay may kilalang opisyal pa daw. At sa isang araw na pagsasayaw daw ni Abegail ay nakaka-bente mil ito, hindi pa kasama do'n ang tip na binibigay ng ilang customer. Sa halos limang buwan na pagta-tranaho nito sa bar ay nakapagpatayo na ito ng sarili nitong bahay, may kotse at marami itong mamahaling alahas. Wala nga din itong pakialam sa mga mapanghusgang mata ng mga kapitbahay nito. Sa totoo lang noong una ay isa din siya sa mga taong naghuhusga sa trabahong ni Abegail. Naisip niya na marami namang trabaho na pwedeng pasukan pero bakit ganoong klaseng trabaho pa? Ngayon ay naiintindihan na ni Olivia kung bakit may ilang tao pa ding pinapasok ang ganoon na trabaho. Para mabuhay. Nagustuhan naman si Olivia ng handler ni Abegail nang ipakilala siya nito dito. Maganda at sexy daw siya. Ini-screening pa nga siya nito, kumbaga ay audition kung pasok ba siya sa trabaho. Hindi lang daw kasi ganda ang kailangan nito. Dapat may talent din. Pinasayaw siya nito at hindi naman siya masyado nahirapan dahil magaling naman siyang sumayaw. Sa katunayan ay miyembro siya ng dance club noong nag-aaral pa siya. Pasok naman siya sa taste ni Madam Miranda no'ng pinasayaw siya nito. May maganda daw siyang mukha at makinis na katawan at idagdag pa na magaling siyang sumayaw. Sinabi nga ni Madam Miranda na pwede na siyang mag-simula kapag na-orient na siya nito. At sa pagkakataong iyon ay kinapalan na ni Olivia ang mukha, nakiusap siya dito na kung pwede ay mag-advance siya ng pera. Kailangan na kailangan kasi niya. Mabait naman si Madam Miranda dahil pinag-advance siya nito. At sa perang in-advance niya dito ay nadugtungan ang buhay ng kanyang kapatid. Na-operahan ito at kasalukuyan na itong nagpapagaling sa ospital. Iniwanan nga niya ito do'n na mag-isa. Pero hindi niya sinabi dito kung saan siya pupunta o kung ano ang gagawin niya. Kahit na anong mangyari ay hindi niya sasabihin sa kapatid kung saan niya kinuha ang perang pinagbayad niya sa ospital para ma-operahan ito. "Nandito na tayo kaya itutuloy ko na," wika naman ni Olivia kay Abegail na kahit ang totoo ay kinakabahan siya. Hindi din niya napigilan ang pamamawis ng kanyang kamay dahil sa sobrang kaba na nararamdaman. Nakasuot si Olivia ng skimpy na bikini na may fishnet na stocking. Hapit sa kanya ang suot na bikini kaya kita ang magandang kurba sa kanyang katawan. She has the right curves in the right places. Pinagpili din siya kung gusto niyang magsuot ng maskara. Choice din nila kung gusto nila magsuot ng mask kung gusto nilang takpan ang sarili nila. And of course, iyon agad ang pinili niya dahil gusto niyang itago ang identity niya. Baka kasi may makakilala o hindi kaya ay may kilala siya sa magiging customer niya. "Okay. Kung iyan ang desisyon mo," wika naman ni Abegail sa kanya. "Good luck, Olivia," dagdag oanna wika nito sabay tapik sa balikat niya. Mas lalo yata siyang nakaramdam ng kaba sa sandaling iyon sa sinabi nito. "Get ready girls," mayamaya ay wika ni Madam Miranda ng pumasok ito sa backstage. Pagkatapos niyon ay tumingin ito sa kanya. "Galingan mo. Maraming bigatin na mga guest," wika nito sa kanya. Tumango na lang naman siya bilang sagot sa sinabi nito. She felt nervous again. "Halika na, Olivia," wika naman ni Abegail nang senyasan na siya nito na lumabas mula sa backstage. Kaya mo ito, Olivia. Para sa kapatid mo, pagpapalakas loob naman ni Olivia sa sarili. At nang makita niya na lumabas na si Abegail mula sa backstage ay sumunod din siya dito. Nakapatay ang ilaw pero may naaaninag pa naman siya. Pumwesto naman na silang dalawa sa kanya-kanya nilang pole. Silang dalawa ni Abegail ang sasayaw ng sandaling iyon, gusto ni Madam Miranda na siya lang ang sasayaw pero nakiusap siya dito na kung pwede ay samahan siya ni Abegail. Para kasing hindi niya kayang magsayaw ng siya lang mag-isa. Baka kasi magkamali pa siya. Mabuti na lang din at pumayag si Madam Miranda sa pakiusap niya. At kasabay ng pag-switch ng dimlight ay ang pagpainlalang sa kantang 'I see Red' ng Everybody loves an Outlaw. At hudyat na din iyon para mag-umpisa na silang magsayaw. Humarap siya sa mga guest. Nakita niyang mahigit sampung katao din ang mga naroon. Pawang nakasuot ang mga ito ng long sleeves. Napansin niyang may mga edad na lalaki ang mga nanunuod Mga DOM. Pero napansin din niya na may mga lagpas trenta base na din sa pangangatawan ng mga ito. Ang iba ay nakasuot din ng maskara at ang iba naman ay walang suot. Mukhang ang ibang guest doon ay gustong itago ang identity ng mga ito kaya nakasuot din ang mga ito ng mask. Well, nabanggit na din kasi ni Abegail sa kanya na hindi basta-basta ang mga miyembro ng The Gentleman's Club. They came in a wealthy family. Inalis na din niya ang tingin sa mga ito at itinuon ang atensiyon sa pagsasayaw niya sa pole. Very seductive ang kanta na sinabayan din niya ng seductive na sayaw sa pole. Isinandal niya ang katawan sa pole. At saka seductive na dahan-dahan siyang umupo habang ang tingin ay nanatili sa harap. Pagkatapos ay gamit ang kanang kamay ay hinawakan niya ang pole at saka siya nagpaikot do'n. She uses one leg to hook the pole and then arcs her body backwards. Bago naman siya isalang do'n ay nag-practice na siya, tinuruan siya ni Abegail ng mga kailangan niyang gawin. Kung paano ang tamang pagsasayaw sa pole. At hindi naman siya mahirapan turuan dahil sa loob lang ng ilang oras na pagpa-practice ay nakuha naman niya ang tinuturo nito. At habang nagsasayaw si Olivia ay hindi niya maiwasan ang mapatingin sa pinakasulok ng bulwagan. At mula doon ay may nakita siyang isang lalaking may hawak na kopita ng alak. Nakasuot ito ng puting long sleeves, nakatupi ang manggas niyon hanggang sa siko nito. At napansin din niya na titig na titig ito sa kanya habang nagsasayaw siya sa kanyang pole. Mata lang nito ang nakikita niya dahil gaya niya ay nakasuot din ito ng maskara. Pero kahit na iyon lang ang nakikita niya ay ramdam pa din niya ang mainit na titig nito na tumatagos sa kaibuturan niya. At base sa pangangatawan ng naka-maskara na lalaki ay mukhang hindi ito DOM. Sa tingin niya ay nasa edad trenta o lagpas pa ito. 20/20 ang vision niya kaya kahit na dim ang light do'n ay kita pa din niya ang magandang pangangatawan lalaki. And Olivia couldn't explain to herself why she couldn't take her eyes off him. Para ngang may magnetikong naghihila sa kanya para makipagtitigan sa lalaki. At ganoon din ito dahil ramdam niya ang mainit na titig na pinagkakaloob nito sa kanya sa sandaling iyon. At habang paikot-ikot si Olivia sa pagsasayaw sa pole ay bumabalik ang tingin niya sa lalaki na hanggang ngayon ay matiim pang nakatitig sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD