Chapter 4

1506 Words
"ATE." Nagmulat ng mga mata si Olivia ng marinig niya ang boses na iyon ng kapatid na si Oliver na tinawag ang atensiyon niya. Umayos naman siya mula sa pagkakaupo niya sa monoblock chair at saka niya tinitigan ang kapatid. "Bakit, Oliver?" tanong naman ni Olivia sa kapatid. "Nagugutom ako, Ate," wika naman nito sa kanya. Nginitian naman niya ang kapatid. "Anong gusto mong kainin?" tanong naman niya dito. Saglit namang hindi nagsalita si Oliver. Nakatitig lang ito sa kanya. "Bakit?" tanong niya. Nagpakawala naman ito ng malalim na buntong-hininga bago sumagot. "May pera ka pa, Ate?" tanong naman nito sa kanya. "Kung wala ka ng pera kahit biscuit na lang ang bilhin mo para sa akin," pagpapatuloy pa na wika nito. "Okay na ako doon." Para namang may mainit na kamay na humaplos sa puso niya sa sinabing iyon ng kapatid. Oliver is really understanding with their situation. Alam nito ang hirap ng buhay kaya noon pa ay hindi ito humihingi ng pera sa kanya. Pati nga baon na binibigay niya kapag papasok ito sa eskwelahan ay tinitipid nito. Never din nagreklamo ang kapatid niya sa hirap ng buhay nila and she was proud of him. "Mayro'n pa naman akong natirang pera," sagot niya sa kapatid. Well, may dalawang libo pa siyang natitira sa kinita niya sa The Gentleman's Club noong sumayaw siya bilang pole dancer noong nakaraang gabi. Tama nga ang sinabi ni Abegail sa kanya na malaki ang kinikita nito bilang pole dancer sa The Gentleman's Club. Dahil sa loob ng isang gabi na pagsasayaw niya ay naka-beinte mil siya. Kasama na doon ang tip na nakuha niya sa mga bigating kliyente. Nakapag-advance p*****t nga siya sa utang niya kay Madam Miranda. At sa susunod na gabi ay naka-schedule siya na sumalang na naman sa club. At sana makalikom ulit siya ng ganoong kalaking halaga o higit pa para mabayadan na niya ang kabuuang utang niya kay Madam Miranda para hindi na niya kailangan mag-trabaho sa club. "Totoo, Ate?" tanong ni Oliver, may napansin siyang kislap sa mga mata nito. Nakangiting tumango siya. "Huwag kang mag-alala. Mayro'n pa. At kung sakaling walang pera si Ate ay gagawa ako ng paraan para makain ka ng masarap," wika naman niya dito. Ngumiti naman si Oliver sa kanya. "The best ka talagang ate sa buong universe," wika nito sa kanya sa natatawang boses. Mas lalong lumawak naman ang ngiti sa labi niya sa sinabi ni Oliver. "Of course," wika niya, may pagmamalaki sa boses. Masarap din sa pakiramdam na marinig niya ang mga salitang iyon galing sa kapatid niya. Nakakataba ng puso. Pagkatapos niyon ay tumayo si Olivia mula sa pagkakaupo niya sa swivel chair. "Hmm...hintayin mo si Ate dito. Bibili ako ng pagkain mo," wika naman niya dito. Tumango naman si Oliver bilang sagot. Kinuha naman ni Olivia ang wallet niya at saka siya humakbang palabas ng ward na tinutuluyan sa ospital. Nasa ospital pa sila Olivia ng sandaling iyon. Na-operahan na ang kapatid at kasalakuyan na itong nagpapagaling. Naghihintay lang sila sa sasabihin ng doctor kung pwede na ba silang ma-discharge sa ospital. Nang makalabas si Olivia sa ward ay humakbang na siya palabas ng ospital. Sa gilid-gilid kasi ng ospital ay may mga canteen na nagbebenta ng pagkain. At hindi naman napigilan ni Olivia ang bahagyang mapakunot ng noo ng mapansin niya na may mga pulis na nagkalat sa labas ng ospital. Pero naisip niyang baka may checkpoint lang kung bakit may mga pulis doon. Nagpatuloy naman na siya mula sa paglalakad niya at pumili siya ng canteen na pagbibilihan niya ng pagkain. Nang makapili siya ay isa-isa niyang binuksan ang takip ng kaldero para tingnan kung ano ang mga lutong ulam na nandoon. Hanggang sa napili niya ang sinigang na baboy na siyang paborito ni Oliver. Bumili na din siya ng para sa kanya para sabay na silang kumain ng kapatid. Bumili na din siya ng kanin at dinagdagan din niya iyong ng extra. May nakita din siyang coffee vending machine kaya bumili din siya para sa kanya. Mahilig din kasi siya sa kape. Mahilig din ang kapatid niya sa kape pero saka na lang, baka kasi hindi pa pwede ang coffee dito. At nang makabayad ay umalis na siya do'n at muli siyang nagtungo sa ospital. Napansin niyang naroon pa din ang mga pulis sa labas ng ospital. Hindi naman na niya pinansin ang mga ito. Pumasok na siya sa loob ng ospital. Nagdahan-dahan din siya baka kasi matapon ang papercup na may lamang mainit na kape na hawak niya. Hindi din napigilan ni Olivia ang mapataas ng isang kilay ng mapansin niyang pati sa loob ng ospital ay mga pulis. Mukhang may bigating personalidad na nasa loob ng ospital. Pinagkibit-balikat lang naman niya iyon. She keeps walking. At nang paliko na siya sa pasilyo ng may mabunggo siya. At nanlaki ang mga mata niya ng matapon ang hawak niyang kape sa suot nitong damit at sa kamay niya. "Aww," daing niya ng maramdaman niya ang init sa kamay niya ng matapon ang mainit na kape sa kamay niya. "Okay lang kayo, Gov?" Mayamaya ay doon lang naman nag-angat ng tingin si Olivia ng marinig niya ang boses na iyon. At hindi niya napigilan ang manlaki ng mga mata nang makita niya kung sino ang nakabangga sa kanya. It's none other the Governor of their town. Alexis Miguel Cortez. And it was her first time na nakita niya ito ng malapitan. Sa social media at sa mga tarpaulin lang niya ito nakikita. Sa totoo lang noong unang beses na tumakbo ito sa politic ay hindi niya ito binoto, he was still young back then at wala pa siyang bilib sa kakayahan niyo na mamuno sa bayan nila. Pero kahit na hindi niya ito binoto ay nanalo pa din ito. At sa panunungkulan nito bilang vice governor nila ay napatunayan niyang mali siya ng iniisip. Kaya pala nitong pamunuan ang bayan na, nakita din niya ang kakayahan nito. Kaya sa muling pagtakbo nito ay doon na niya ito binoto. At hindi naman siya nagsisi dahil marami itong napatunayan. And she had to admit, the governor is really handsome. Alam niyang gwapo ito dahil sa mga pirtures nito sa mga tarpaulin na nakikita niya pero iba pa din ang daying nito sa personal. He is tall dahil umabot lang yata siya sa balikat nito. At kinakailangan din niyang tumingala para magpantay ang paningin nila. Sa tantiya niya ay lagpas sa anim na talampakan ang laki nito. And he is oozing with s*x appeal, too. He had an charcoal eyes na kung tititig ay tagos hanggang sa kaibuturan. "You okay, Gov?" tanong ulit ng lalaking kasama nito. Sa pagkakataong iyon ay doon lang niya inalis ang tingin sa mukha nito at bumaba iyon. At napaawang ang labi niya nang makita ang namantsyahan ang suot nitong puting long sleeves. Nabuhos din pala ang hawak niyang mainit na kape dito. For sure ay napaso din ito kagaya niya dahil mainit ang kape na binili niya. Mabilis naman niyang kinuha ang panyo sa bulsa ng suot niyang pantalon. At akmang pupunasan niya iyon hinarang ng lalaki ang kamay nito sa kanya, mukhang ayaw siya nitong palapitin sa Governador. Kinagat naman ni Olivia ang ibabang labi. "It's okay, Francis," wika ni Governor Alexis sa buong-buong boses sa kasama nito. Sa pagkakataong iyon ay do'n lang inalis ng lalaki ang nakaharang na kamay nito sa pagitan nilang dalawa ni Alexis. Pero nanatili pa din ito sa tabi ni Alexis. Nag-angat siya ulit ng tingin patungo dito. And Alexis is looking at her intently. Medyo na-conscious tuloy siya sa sandaling iyon lalo na at wala siyang kaayos-ayos. Wala nga siyang inilagay sa kanyang mukha kahit na ano. "Are you okay, Miss?" he asked in a deep and baritone voice. Napansin nga din niya na saglit na bumaba ang tingin nito sa kamay niya. Tumango lang naman si Olivia kahit na ang totoo ay nakakaramdam siya ng hapdi. Pero bearable naman ang hapdi ng nararamdaman niya. Sinalubong naman niya ang titig nito ng muli nitong ibinalik ang tingin sa kanya. "Okay lang po ako, Gov," sagot niya. "It's good to hear," sabi naman nito. Ngumiti naman si Olivia. At napansin niya ang pag-seryoso ng ekspresyon ng mukha ni Alexis habang nakatitig ito sa nakangiting mukha niya. "Gov, let's go," mayamaya ay wika naman ng kasama nitong lalaki, mukhang bodyguard yata ito ni Alexis. Tumango naman si Alexis ng sulyapan nito ang kasama nito. At muli na naman nitong ibinalik ang tingin sa kanya. "And sorry again, Miss," paghingi naman nito ng paunmanhin sa kanya. Isang tango lang naman ang isinagot ni Olivia dito. Humakbang naman na ang dalawa paalis. At sa halip naman na magpatuloy siya sa paglalakad ay nanatili siyang nakatayo habang sinusundan niya ang papalayong likod ng governador. At mayamaya ay napaayos si Olivia mula sa pagkakatayo ng huminto si Alexis sa paglalakad at muli siya nitong nilingon. At hindi niya maipaliwanag pero agad na namula ang magkabilang pisngi niya nang huling-huli siya nitong sinusundan niya ito ng tingin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD