Chapter 1

1967 Words
ALEXIS Miguel Cortez took a deep breath when he finished reading some documents that his secretary gave to him. Pinag-aaralan kasi niya ang project ng ilang mayor sa lugar na sinasakupan niya bago niya approbahan ang mga project na gustong gawin ng mga ito sa sinasakupang lugar. And so far, so good ay okay naman ang project ng kasalukuyan na binabasa kaya pinirmahan na niya iyon para sa approval niya. Alexis Cortez is the incumbent governor of their town. His family is very influential in the high ranking society. Congressman ang ama, mayor naman ng bayan nila ang kanyang ina. Buong pamilya ng Cortez ang naglilingkod sa bayan. Nasa lahi na nila ang maglingkod sa bayan dahil ilang dekada na ang pamilya Cortez na nasa politics. Mga kaninu-kaninuhan pa nila. To be honest, wala sa isip ni Alexis ang maging politician gaya ng pamilya niya. Malaki kasi ang responsibilidad ng isang politiko. Mas malaki pa sa responsibilidad ng isang ama sa pamilya nito. Dahil lahat ng tao sa sinasakupan niyang lugar ay responsibilidad niya kung sakaling manalo siya sa politiko. But his parents convinced him to run for a government official. Ang pamilya Cortez lang dapat daw ang humawak sa lugar nila and no one else. At gustong-gusto din sila ng mga tao sa sinasakupan nila dahil hindi corrupt ang pamilya Cortez. Sa katunayan ay isa ang lugar nila ang asensado, hindi lang iyon, number one din ang bayan nila sa lower crime rate sa pamununo ng kapamilya nila. Subok ng maasahan ang pamilya Cortez. Kaya kapag tumakbo sa government official ang isa sa mga pamilya nila ay asahan ng nangunguna ito sa boto. His parents are persistent in persuading him to run for a government position until he agrees. Siya ang tumakbo bilang vice governor noon at ang ama naman niya ang governor. And they won the election with a landslide. At pagkatapos ng tatlong taong termino nila ay nagpalitan sila ng pwesto ng ama. Ito ang tumakbo bilang vice governor at siya naman ang tumakbo bilang governor. At gaya noong unang tumakbo siya, nanalo na naman siya. Ang laki nga ng lamang niya sa political rival niya. Sabi nga ng kalaban niya ay nanalo lang daw siya dahil sa looks niya hindi dahil kakayahan niyang maglingkod sa bayan. To be honest, Alexis is the 3rd youngest elected governor. And that's not all, he has the looks. Maraming babaeng nagsasabi niyon sa kanya. And seventy percent na bomoto sa kanya ay pawang mga kababaihan. Pero alam naman ni Alexis na hindi lang sa hitsura niya kung bakit siya nanalo na gobernador, alam niya dahil iyon sa dedikasyon din niya na makapaglingkod sa bayan. Dahil sa paglilingkod niya bilang vice governor ay marami din siyang nagawa, marami siyang nagawang project at sisimulan pa niyang project in the future. At idagdag pa na dala-dala niya ang apilyido niya na Cortez. At sa pagkapanalo niya bilang gobernador ay ipinakita niya sa mga kalaban niya ang kakayahan niya. Naging mas asensado ang lugar nila dahil nagdala siya ng maraming investor, marami siyang kababayan na nagkaroon ng maraming trabaho, marami siyang program na inilungsad para sa mga single parents at sa mga PWD. Alexis took a deep breath. Pagkatapos ay isinandal niya ang likod sa swivel chair niya. Tinanggal din niya ang suot na sunglass, pinikit niya ang mga at saka niya hinilot ang sentido dahil nakaramdam siya ng pananakit niyon dahil sa maghapon na pagta-trababo niya. He was working nonstop. Pagkapasok na pagpakapasok nga niya sa Governor's office ay agad niyang sinimulan ang pagta-trabaho. Hindi lang kasi iisa ang pinag-aralan niya na project ng iba't ibang mayor sa sinasakupan niya. At kailangan niyang busisihin na mabuti iyon bago niya lahat aprobahan ang project. May na-reject nga siya dahil ang iba ay masyado ng malaki ang budjet para lang sa maliit na project. At ang iba ay okay pa naman ang kalsada pero gusto na namang ayusin iyon. Hindi lang kasi niya basta-basta pinag-aralan iyon, personal din niyang pinupuntahan ang project na gustong simulan ng mga mayor sa sinasakupan niyang lugar. Nag-i-imbestiga pa siya. Nasa ganoon nga si Alexis na posisyon ng marinig niya ang pagtunog ng ringtone ng cellphone niya. Nagmulat siya ng mga mata at agad na tumuon ang tingin niya sa cellphone na nakalapag sa ibabaw ng table niya. Saglit si Alexis na nakatitig sa cellphone na tumutunog hanggang sa umalis siya mula sa pagkakasandal niya sa swivel chair para damputin ang cellphone. At hindi napigilan ni Alexis ang mapakunot ng noo nang makita na ang ama na si Alejandro ang tumatawag sa kanya. Bumuntong-hininga muna siya bago sinagot ang tawag nito. "Hello?" wika ni Alexis mula sa kabilang linya. "Alexis, where are you?" tanong agad ng ama sa kanya. "I'm still here in my office at the Capitol, Dad," sagot naman niya dito. "Why are you asking?" "I just want to remind you about our dinner tomorrow night. I want you to clear all your sechedules," sagot ng ama sa kanya. "Senator Jimenez and his daughter will be there, too,"dagdag na imporma din nito sa kanya. Hindi naman napigilan ni Alexis ang mapatiimbagang ng marinig niya ang mga pangalang binanggit ng ama sa kanya. Nakilala ng Papa niya si Senador Jimenez ng minsang dumalo ang ama sa isang hearing sa senado. At simula noon ay hindi na nawala ang komunikasyon ng dalawa. At alam ni Alexis ang dahilan kung bakit hindi na nawala ang komunikasyon ng dalawa. Its about his father, may kailangan kasi ang ama sa nasabing senador. Sa darating na election sa susunod na taon ay balak ng ama na tumakbo bilang Senador kaya nakikipagkaibigan ito kay Senador Jimenez, hindi lang iyon, gusto din ng ama na magkatuluyan sila ng anak ni Senador Jimenez na si Danica para daw mas lumalim ang koneksiyon ng ama sa pamilya Jimenez. Nalaman din kasi ng ama na may dalagang anak si Senador Jimenez and she is single, too. His father is very manipulative when it comes to family matters, when it comes to politics. And to be honest, that's the one negative traits of his father. Maganda ang pamumuno ng ama niya sa lugar na sinasakupan nito, yes. Pero may katangian ito na dapat lahat ng gusto nito ay nasusunod, lalo na pagdating sa desisyon sa pamilya. Even his mother, naging sunod-sunuran din sa ama. At isang dahilan iyon kung bakit magkakaroon ng family dinner ang pamilya sa mansion nila. Gusto ng ama na makilala niyang mabuti si Danica and eventually ay magkagustuhan silang dalawa. Alexis took a deep breath again. Akala niya pagdating lang sa career niya ang didiktahan ng ama, pati na din pala sa babaeng makakasama niya habang buhay. Pati pala babaeng magugustuhan niya ay didiktahan pa siya nito. Alexis is still single at the age of 31. Marami ngang babaeng nagpapansin sa kanya. But he still love his freedom at hindi pa niya nakikilala ang babaeng magpapatibok ng puso niya. But even if he is single, marami pa ding babae ang dumaan sa buhay niya, especially in bed. Lalaki siya at may pangangailangan din bilang isang lalaki. At kahit na busy siya sa kapitolyo ay hindi pa din iyon hadlang para kaligtaan ang pangangailangan niya. And lots of women wants to jump to his bed...naked. And Alexis make sure that he used protection before going to have s*x. Ayaw kasi niya ng sakit ng ulo kapag may lumapit sa kanyang babae na naikama niya na magsasabi na buntis ito at siya ang ama. Ayaw din kasi ng magulang niya na mabahidan ng kahit na anong klaseng eskandalo ang pamilya nila. Dahil kapag nabahidan ng eskandalo ang pangalang iniingatan nila ay iyon ang gagamitin ng kalaban ng pamilya sa politika para masira sila. Marami pa namang mata ang nakasubaybay sa kanila, konting pagkakamali lang ay pwede ng gamitin ng kalaban iyon para masira sila sa mga tao. Kaya hangga’t maari ay ingat na ingat siyang huwag makagawa ng ikakasira ng magandang reputasyon ng pamilya. At kung makakagawa man siya nang kasalanan ay patago dapat iyon or dapat kaya niyang lusutan. "Do you understand, Alexis?" His father asked him in a serious voice. "Yes, Dad," sagot na lang ni Alexis sa ama. "Okay," wika naman nito. Pagkatapos niyon ay hindi na nito pinahaba ang pag-uusap nila. Iyon pala ang pakay nito kung bakit ito tumawag sa kanya. Mas lalo yatang nakaramdam ng pagod si Alexis pagkatapos niyang makausap ang ama. And he wanted to relax for a while. Naisipan naman niyang tawagan ang matalik na kaibigan na si Rael. Rael was his friend during college days. At kahit na may kanya-kanya na silang propesyon ay hindi pa din nawawala ang pagkakaibigan nilang dalawa. Yayayain ni Alexis si Rael na uminom, kahit na doon na lang sila sa apartment niya. Walang ibang nakakalam ng barn niya kung hindi siya, si Rael at ang bodyguard niyang si Francis. Ang barn niyang iyon ay ang secret place niya. If he wanted to get sober, do'n siya nagpupunta, walang matang nakasubaybay sa kanya. Kahit na magkamali siya, walang huhusga sa kanya. Sa barn niyang iyon ay pwede niyang gawin ang gusto niyang gawin na walang paghuhusga. "Oh, Gov? Napatawag ka?" wika ni Rael ng sagutin nito ang tawag niya. Umiling-iling naman si Alexis ng marinig niya ang pagtawag nito sa kanya ng Gov. Ilang beses na niya itong pinagsabihan na huwag na siya nitong tawagin na Gov pero makulit ito at lagi siya nitong tinatawag na ganoon para asarin. Hindi kasi nito sukat akalain na magiging governor siya, na maglilingkod siya sa bayan. Eh, noong college siya ay sinabi niya dito na hindi siya susunod sa yapak ng pamilya niya. Nakipagpustahan pa nga siya kay Rael and he lost. Malaki ding halaga ang natalo sa kanya noon dahil kinain niya anh lahat ng sinabi niya dito. "Are you free tonight? Let's have some beer," yaya niya kay Rael. "Oh, sorry, Alexis. But I have some plans tonight," sagot naman ni Rael. Hindi naman niya napigilan ang mapabuntong-hininga. Mukhang mag-isa siyang iinom. "Hmm...sumama ka na lang kaya sa pupuntahan ko mamayang gabi. Paniguradong mag-e-enjoy ka pa," wika nito sa kanya. "Saan ka ba pupunta?" tanong naman niya. "The Gentleman's Club," sagot nito. Bahagya namang kumunot ang noo niya sa sinabi nito. "You know that since I ran for politics, I have not been able to go to the bar," wika niya kay Rael. Pinagbawalan na din kasi siya ng ama na magpunta sa mga bar simula noong kumandidato siya. Baka daw kasi gamitin ng mga kalaban ang pagpunta niya sa bar para siraan ang reputasyon niya. Kahit na hindi pa siya kumakandidato sa politiko, pinagbabawalan na siya ng ama. Makakasira din daw kasi iyon sa reputasyon ng pamilya niya. Kaya kung pumupunta siya sa bar ay palihim na lang. "Don't worry, Gov. The Gentleman's Club is a safe place for people like you. The place keeps your identity. Walang makakakilala sa 'yo do'n dahil pwede kang magsuot ng mask for the privacy of your identity. At hindi ka basta-basta makakapasok do'n kung hindi ka miyembro. And I am one of the member at pwede kitang isama doon," paliwanag nito sa kanya. He didn't speak immediately. "Come with me there, Gov. You will enjoy the place and don't miss the half of your life just sitting in the four corners of your office in the capitol," pagko-kombinsi ni Rael na sumama siya The Gentlemans Club. "Enjoy your own life, hindi iyong trabaho sa capitol ang inaatupag mo," pagpapatuloy pa na wika nito. Alexis took a deep breath again. "Okay," pagpayag naman niya kay Rael. May punto din naman ito, kailangan din niyang maglibang, kailangan din niyang i-enjoy ang buhay niya. Baka sa susunod na buwan iyong kalayaan niya ay biglang mawala sa kanya kung ipilit pa ng ama ang gusto nitong mangyari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD