PROLOGUE

1486 Words
KINAGAT ni Olivia ang ibabang labi habang nakatingin siya sa harap ng stage na kung saan nagaganap ang isang wedding proposal. Noong una ay isang simpleng campaign speech lang ang nagaganap sa harap ng stage pero mayamaya ay naging isang wedding proposal na iyon. “Sweet pala ni Gov,” narinig ni Olivia na wika ng isang babae sa kanyang tabi na gaya niya ay nanunuod din. “Oo nga, eh.” Kinikilig naman na wika ng kausap nito. “Ang swerte din ni Girl, mayaman at isang ubod ng gwapo ang na-in-love sa kanya,” pagpapatuloy pa na wika nito. Ang Governor kasi ng bayan nila ay ang lalaking nagpo-propose sa girlfriend nito sa sandaling iyon. Si Alexis Miguel Cortes. At tatakbo ulit ito sa eleksiyon sa pangalawang pagkakataon. Pangalawang termino na nito bilang governador ng bayan nila kung sakaling manalo ito sa darating na eleksiyon. “Mayaman at maganda naman ang babae, ah. Kaya pareho silang swerte sa isa’t isa,” wika naman ng kausap nito. Sang-ayon si Olivia sa sinabing iyon ng babae. Mayaman at maganda si Danica--ang babaeng kasama ni Alexis sa harap ng stage. At anak pa ang babae ng isang senador sa Pilipinas. At hindi lang ang dalawang babaeng katabi niya ang nagsasabi na bagay ang dalawa. Kundi pati iyong mga taong nakapalibot sa mga ito. They said, Alexis and Danica were perfect match. Dahil parehong galing sa mayamang angkan, parehong ang pamilya ay naglilingkod sa bayan. Inalis naman ni Olivia ang tingin sa dalawang babaeng nag-uusap at inilipat ulit niya iyon sa harap ng stage. Mas mariin niyang kinagat ang ibabang labi nang makitang lumuhod sa harap ng babae si Alexis at tinanong nang... “Will you marry me?” Sa pagkakataong iyon ay hindi niya mapigilan ang pagtulo ng isang butil ng luha sa mga mata niya ng marinig niya ang sinabing iyon ni Alexis, mabilis naman niya iyong pinunasan habang wala pang nakakapansin sa pagluha niya. At sa sandaling iyon ay pakiramdam din niya na parang may malaking kamay na sumakasakal sa dibdib niya dahil hindi siya makahinga, nakaramdam din ang puso niya ng kakaibang sakit habang patuloy niyang pinapanuod ang mga ito. At nang hindi niya makayanan ang sakit ay tumalikod siya at umalis siya sa lugar na iyon. Halos sumiksik nga siya sa mga taong nanunuod sa nangyayari sa harap ng stage. Pawang may nakapaskil na ngiti sa labi ng mga ito, kabaliktaran naman ng nararamdaman niya ng sandaling iyon. She was hurting big time. Tumaas ang isang kamay ni Olivia patungo sa kaliwang dibdib niya para haplusin iyon dahil sa sakit na nararamdaman ng puso niya. She breath in and out to calm her heart, too. Nasasaktan si Olivia dahil ang lalaking nagpo-propose sa sandaling iyon ay walang iba kundi ang lalaking minamahal. Si Alexis Miguel Cortez--ang kasalukuyang gobernador sa bayan nila. Oo, mahal niya si Alexis at may relasyon silang dalawa. Sekreto nga lang ang relasyon nila dahil sa takbo ng buhay nila pareho. Masyado kasing complicated ang relasyon nila but one thing is for sure, siya ang mahal ni Alexis hindi ang babaeng pinagpo-propose-an nito ng sandaling iyon. At kahit na complicated ang relasyon nila ay hindi pa din niya maiwan ito dahil mahal din niya ang lalaki. Olivia is deeply in love with him. Dahil ito lang ang tanging lalaking tumanggap kung sino siya. Ito lang ang tanging lalaking nagmahal sa kanya sa kabila ng estado ng buhay niya. Sa totoo lang ay alam din ni Olivia na may mangyayaring wedding proposal ngayon, alam niyang hindi iyon campaign propaganda lang. Bago pa kasi mangyari ang proposal ay sinabi na iyon sa kanya ni Alexis. Nabanggit na nito sa kanya na hindi iyon simpleng kampanya para sa election. Isa iyong wedding proposal para daw proteksiyonan ang relasyon nila, at para proteksiyonan din siya. May nakaalam kasi sa secret affair nila at marami din ang tutol sa relasyon nilang dalawa at numero uno na tutol ang mga magulang ni Alexis. Ayaw kasi sa kanya ng pamilya ni Alexis sa kanya dahil sa takbo ng buhay niya at saka sa propesyon niya. Isang private pool dancer kasi si Olivia sa isang The Gentleman's Club. At hindi daw siya nababagay ang katulad niya kay Alexis dahil sa klase ng trabaho niya. Nasabihan na din si Olivia ni Alexis na huwag siyang pumunta sa kampanya nito at huwag siyang mag-open ng kanyang social media para hindi daw siya masaktan. He assure her na pagkatapos niyon ay magiging okay na din ang lahat. Pero hindi siya nakinig sa sinabi nito, nagpunta pa din siya kampanya nito. Iyon tuloy, nasasaktan siya sa mga nasaksihan. Well, kahit na hindi naman siya pumunta ay masasaktan at masasaktan pa din siya. Kinagat ni Olivia ang ibabang labi para pigilan ulit ang emosyon. Nagpakawala din siya ng marahang buntong-hininga para pakalmahin ang nasasaktang puso. Nagpatuloy na din siya sa paglalakad hanggang sa mapahinto siya ng may humarang sa daraanan niya. “Ma’am Olivia," wika ng humarang sa kanya. At nang mag-angat siya ng tingin ay nakita niya si Francis—ang bodyguard ni Alexis. “Anong...ginagawa mo dito?” tanong niya, lihim nga din niyang pinagalitan ang sarili dahil sa pagkautal ng boses. At dapat ay nasa tabi ito ni Alexis at nagbabantay para sa kaligtasan ng lalaki. Marami kasing banta sa buhay nito lalo na at malapit na naman ang eleksiyon. “Inutusan ako ni Gov na bantayan ka,” sagot nito sa kanya. “Oh.” Iyon lang naman ang lumabas sa bibig niya sa sandaling iyon. “K-kaya ko na ang sarili ko, Francis. Bumalik ka na do’n sa tabi ni Alexis. Mas kailangan ka niya do’n,” mayamaya ay wika niya kay Francis. Umiling naman si Francis sa kanya. “I’m sorry, Ma’am Olivia. Mahigpit na bilin sa akin ni Gov na bantayan ka. Ako ang malalagot kapag may mangyayaring masama sa inyo," wika nito sa kanya. Base sa determinasyon sa mata nito ay mukhang hindi na niya ito mapipigilan kaya hinayaan na lang niya ito sa gusto nito. At sa tingin niya ay kailangan din niya ito sa sitwasyon niya sa sandaling iyon. Tinanong siya ni Francis kung saan siya pupunta, sinagot naman niya ito na uuwi na siya. Nang magpatuloy siya sa paglalakad ay mabilis naman itong umagapay sa kanya. Pero nagbigay ito ng distansiya sa kanya para walang makapansin. Kilala din kasi ito bilang bodyguard ni Alexis. “Dito po tayo, Ma’am," wika ni Francis sa kanya. Sumunod naman siya dito hanggang sa huminto sila sa isang itim na sasakyan. Pinagbuksan siya nito ng pinto sa may backseat. Agad naman siyang sumakay do’n. No’ng masiguro nitong nakasakay na siya ng maayos ay umibis ito patungo sa driver seat at pinaandar na ang sasakyan. Ipinikit naman ni Olivia ang mga mata habang nasa biyahe. Halos namayani din ang katahimikan sa kanilang dalawa ni Francis sa loob ng sasakyan. Mayamaya ay nagmulat si Olivia ng mga mata nang marinig niya ang pagtunog ng ringtone ng cellphone niya. Kinuha niya iyon mula sa bulsa ng suot niyang pantalon. Napakagat siya ng ibabang labi nang makita at mabasa kung sino ang tumatawag sa kanya sa sandaling iyon. It was Alexis. Saglit naman siyang napatitig sa pangalan nitong nasa screen ng cellphone niya. At sa halip naman na sagutin iyon ay hinayaan lang niya iyon sa pagtunog hanggang sa tumigil iyon. Wala pang dalawang segundo ay muli na namang tumunog ang cellphone niya at muli na naman niya iyong hinayaan. Pagkatapos niyon ay tumingin siya sa labas ng bintana ng kotse. Ayaw kasi niya itong makausap sa sandaling iyon, parang hindi niya kayang kausapin ito. She was still hurt at baka mag-breakdown siya kapag narinig niya ang boses nito. Mayamaya ay may narinig siyang tunog pero hindi sa kanya galing ang tunog na iyon. Galing iyon sa cellphone ni Francis. “Hello, Gov.” Napatingin siya sa lalaki ng marinig niya kung sino ang tumatawag dito. Mukhang kay Francis tumawag si Alexis ng hindi niya sagutin ang tawag nito. Napansin niya na saglit na tumingin si Francis mula sa rearview mirror para tingnan siya. “Yes, Gov. I’m with her.” Narinig niyang wika nito sa kausap. Hindi nagsalita si Francis. Mukhang pinapakinggan nito ang sinasabi ng kausap nito at base sa pagtango-tango nito ay mukhang may binibilin si Alexis. “Don’t worry, Gov. I will keep her safe," dagdag pa na wika nito sa kausap. Mukhang ang bilin ni Alexis sa bodyguard nito na protektahan siya kung sakaling may gumawa ng hindi maganda sa kanya. Inalis naman na niya ang tingin kay Francis at tumingin siya sa labas ng bintana. Kinagat niya ng mariin ang ibabang labi ng maramdaman na naman niya ang nagbabadyang luha sa mga mata niya. Hindi na naman niya mapigilan ang maging emosyonal ng sandaling iyon. Hindi din niya napigilan na haplusin ang wala pang umbok na tiyan niya para kumuha ng lakas ng loob.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD