CHAPTER 7

2629 Words
๑ ๑♡✿♡๑ ๑ JHUSTINE KIM's POV Hanggang kailan ba ako tatakutin ng lalaking 'to? Kailan niya patitigilin at pagpapahingahin sa pagtibok nang mabilis ang puso ko? "Si-sino?" Tanong ko sa kaniya sabay iwas nang tingin dahil na iilang na ko at sobrang kabado sa mga kinikilos niya, hindi naman ako na inform na ang laki nang pinagbago ng tarantadong 'to. "Hmmm 'yung korean actress doon sa pinapanood kong kdrama," sagot niya at agad naman akong napalingon sa kaniya sabay taas sa dalawang kilay ko. "Yah, kagawig mo siya kaso hindi ko lang na tapos panoorin dahil sa heart break na dinaranas ko ngayon," sagot niya at muling nagbuntong hininga, miske ako malalim na nagpakawala ng buntong hininga dahil buti naman at hindi niya ko na halata. "Ano kaya magandang gawin para makalimutan siya?" Tanong niya sa'kin at parang hindi niya ata na papansin ang oras, masyado na siyang matagal na nakatambay sa bahay ng babaeng ngayon niya lang nakilala ah. "Maging busy ka sa iba o sa sarili mo," sagot ko at tumayo na, lumapit ako sa working place ko at binuksan 'yung laptop ko. Baka sakaling makatunog siya na kailangan kong magtrabaho at bawal na siyang manggulo sa unit ko, hindi pa rin kasi nag si-sink in sa utak ko na andito na sa harap ko 'tong kababata kong matagal ko nang hinahanap. "Maging busy sa iba or sarili ko?" Ulit niyang tanong at gusto ko sana siyang sagutin ng pilosopo pero wag na baka lalong humaba ang usapan at abutin pa ng gabi 'tong lalaki na 'to sa unit ko. "Oo like mag focus ka sa work mo, or try to meet a new person na makakakuha ng interest mo, sorry kung hindi ako masyadong magaling mag advice sa love ah you see I'm a writer of horror story so hanap ka na lang ng ibang kausap if you find my advice not that helpful," sabi ko sa kaniya at napakamot na lang siya ng ulo. "Teka lang pano ko malalaman na hindi helpful 'yung advice mo eh wala pa nga, ang unti pa lang ng sinasabi mo and hindi agad iyon basihan no," sagot niya at tumingin na lang ako sa screen ng laptop ko para makaiwas sa tingin niya kasi na papangiti ako sa mga sagutan ng lalaking 'to. "Okay, sabi mo eh pero bahala ka," mataray kong sagot para kunware galit char. "Gusto ko sana mag focus sa work katulad ng sinabi mo kaso kasi personal assistant ako ng kuya ko sa company niya at kasama sa trabaho ko ang pag-aayos ng schedule ng kasal nila, ang sakit kaya tapos sa office ko pa nakilala si ate Dhiena kaya kada punta ko sa office medyo nakakalungkot," sagot niya, medyo mahirap nga ang sitwasyon niya pero mas mahirap 'yung akin kasi naman punyetang buhay 'to bakit ngayon pa siya nagpakita sa'kin tapos ganito pa ang set-up naming dalawa. Kada kwento niya tuloy na bi-bitter ako sa pagmamahal at atensyon na binibigay niya sa babaeng nang busted sa kaniya, like hello andito ako at matagal nang may crush sayo kaso pinagkalaman mo kong lalaking kalbo noon bwiset ka. "Hindi ko na alam maia-advice ko sayo d'yan, kung gusto mo magpahinga ka ng two weeks tutal kuya mo naman 'yung CEO ng company right? Magpaalam ka vacation leave kamo." Sabi ko at hindi na ko na windang sa idea na CEO ang kuya niya dahil noon pa lang alam kong anak mayaman na 'tong si Liam. Pero wait, bakit siya nakatira sa isang simpleng unit na katulad nito at nagtitiis sa joined unit na mura ang bayad kung may kaya naman sila in the first place? And assistant ng kuya niya? OJT ba siya sa company nila or what? Gusto ko sana magtanong kaso baka mahalata niyang ako si Jhustine na kababata niya at magtaka siya bakit ang dami kong alam tungkol sa kaniya. "Actually binigyan niya na ko ng vacation tutal next two weeks na naman gaganapin ang kasal nila, alam naman ni kuya 'yung feelings ko kay ate Dhiena kaya binigyan niya rin ako ng pahinga," sabi niya at tumango na lang ako sabay balik sa trabaho ko, nakakabuo na ko ng idea kung sino-sino ang gagawin kong character sa story ko, sige lang Liam kwento ka pa, pagkakaperahan muna kita. "Oh iyon naman pala eh, mag gala ka tapos makipag-meet up ka sa iba like old friends mo, high school friends ganun," sabi ko sa kaniya at bigla siyang napatayo na para bang may na alala, 'yung mukha niya parang may lightbulb na umilaw sa taas ng ulo niya at napahampas pa nga sa kamay niya sabay sabi ng— "tumpak!" "Iyon nga! Iyon ang gagawin ko hahanapin ko 'yung kababata ko noon at makikipagbati sa kaniya!" Sabi niya at halos masamid ako kahit wala akong iniinum at patagong hinampas ang dibdib ko dahil sa gulat. Punyeta Jhustine, bakit mo pa pina-alala sa kaniya iyon? Pano kung mahanap ka niya? Tapos matuntun ka niya sa apartment na 'to? Naku minsan talaga sabaw utak ko hindi ako makapag-isip. "Hahahaha bakit naman maghahanap ka pa ng missing friend mo baka lalong stressful 'yun sesh, magbakasyon ka na lang like sa El Nido Palawan or Coron,"  suggestion ko para naman hindi niya na maisip na hanapin ako at makikipagbati siya? Totoo ba? Kinilig ako ng berilyt. "Hu? May pera ka papuntang Palawan? Ang yaman mo pala," sagot niya na kinagulat ko naman nang todo. Hala anong nangyari sa lalaking 'to sa mga lumipas na taon? Naghirap ba sila at bumagsak ang negosyo para sabihin niya sa'king mayaman ako samantalang tuwing sabado noon lagi silang nag a-out of town ng family niya tapos inggit na inggit ako, actually na sa'kin pa nga lahat ng ref magnet at keychain na pasalubong niya mula sa mga bakasyon nila noon. "Hindi ako mayaman no, akala ko nga mayaman ka eh kasi kuya mo CEO," palusot ko at umiling siya, na halata ko naman sa mukha niya na parang naging down ito ng kaunti kasi 'yung mga ngiti niya ay biglang bumaliktad at peke siyang tumatawa. "Ah hahaha, half brother ko siya sa mother side mas matanda siya and mayaman talaga ang family nila," kwento niya na ngayon ko lang na laman, alam ko lang may kapatid siya pero hindi ko alam na half lang sila nung na kwento niya sa'kin 'yun noon. "Ow, so nahihiya ka humingi ng pera or what so ever," tanong ko sa kaniya at tumango siya. "Syempre gusto ko 'yung nakukuha ko ay pinaghihirapan ko at hindi lang asa sa kuya ko," kwento niya pero halata naman sa kaniya na ayaw niya lang din na kinukumpara sila, kilala ko naman ang side na 'to ni Liam pag may ayaw siyang aminin ay pekeng peke 'yung mga ngiti niya. Alam mo 'yung ngiti na walang emotion 'yung mga mata niya. Kaya hindi na lang ako nagtanong or nag unggat pa, kasi hello kung tutuosin kakakilala lang ulit namin ngayon or dapat sa point of view ko mawindang ako sa kaniya kasi halos kaninang umaga lang kami nagkakilala tapos ang dami niya nang naikwento sa'kin. Ganito ba talaga ka open si Liam sa lahat ng tao? Nakakapagtaka ah. "Very good 'yan at ikaw na ang bahala kung gusto mo bang gawin 'yung advice ko sayo pero kung ako sayo magpapahinga ako," sagot ko dahil nakakaawa naman din siya kahit na meron akong tampo sa lalaking 'to ay nakakaawa rin naman ang sitwasyon niya ngayon. Isipin mo kapatid mo pa 'yung nakakuha sa babaeng mahal mo for two years tapos dapat masaya ka kasi kapatid mo siya at siya pa ang katulong ng kuya niya sa pag-aasikaso nang kasal ng babaeng mahal niya. Sakit lang, ang sakit din sa side niya na no choice siya na i-wish sila ng happy marriage, then sinisisi niya pa 'yung sarili niya sa nangyari doon sa babae. "Siguro nga magpapahinga muna ako," sagot niya sa'kin at biglang humiga sa sofa ko kaya na patayo ako at hindi alam kung anong sasabihin ko. Grabe ibang level na kakapalan ng mukha ni Liam ngayon ah, ano bang pinakain nila dito this past years na hindi ko siya nakikita? "Excuse me Mr. Castillio may sarili kanpong unit, you might as well betsung bumalik sa loob ng sarili mong unit," sabi ko sa kaniya habang nakapamewang sa harap niya, tumingin lang siya sa'kin at ngumiti na naman na super cuteeee naman talaga. Nakahiga siya sa sofa habang tuwid na tuwid ang katawan niya sa pag-uunat, 'yung buhok niya lalong naging messy at ang cute lang tignan, naku ilang beses ko ba siyang sasabihan na cute. "Pwede bang dito muna ko? Promise hindi ako manggulo saka lagi naman ako nasa unit mo kahit nung wala ka pa rito," sabi niya sabay bangon na kinabigla ko. "Pero wag kang maingay sa admin ng building ah hahaha," sabi niya sabay tapat ng daliri niya sa harap ng kaniyang bibig at kumindat pa nga! Juscopo kung asong lobo lang ako dinamba ko na ang lalaki na 'to at sisimulan magparami pero kalma Jhustine kalma! Babaeng mataray tayo sa harap niya, ikaw si Kim Dipinili na mataray at seryoso kaya panindigan mo ang kagagahan na pinaggagawa mo.  "Tsk, seriously? May spare key ka rin sa pintuan na 'yan? Pano na lang kung bigla mo kong pasukin sa kwarto ko? Omg babae pa rin naman ako at hindi okay sa'kin 'yung ginagawa mo kahit sabihin na'ting cute ka hanggang doon na lang 'yun!" Sabi ko at para siyang napatulala kaya tinaasan ko siya ng kilay dahil sa pagtataka. "May problema?" Tanong ko sa kaniya at bahagya siyang napatawa sa harap ko kaya lalo akong na pikon, nakakinis 'tong lalaki na 'to kala mo nagbibiro. "Pfft, hahaha kanina gwapo ngayon naman cute, sakamat sa complement ah masyado mo naman akong pinupuri," sabi niya sabay ngisi sa harap ko na kinamula ko. Inirapan ko lang siya at halos magwala na sa kinaloob-loob ko. Punyeta ka Jhustina kung ano-ano ang pinagsasabi mo na mismong maglalaglag sayo! "Oh eh ano naman? Porque ba cute ka eh pwede ka na tumambay sa unit ng isang babaeng marangal? Hello wala pa nga akong boyfriend tapos ikaw nakakapasok sa unit ko?" Inis kong sabi sa kaniya at napabangon siya na parang gulat na gulat. "Wala kang boyfriend? Pwedeng ako na lang?" Tanong niya sa'kin at imbes na kiligin ako medyo na pikon ako sa kaniya. Anong tingin niya sa'kin panakip butas? "Ha? Hindi biro 'yung tanong na ganyan para sa'kin Mr. Castillio, kung sasayangin mo lang ang oras ko pwede bang umalis ka na sa harap ko?" Tanong ko sa kaniya nang seryoso at parang na kuha niyang hindi na ko nakikipagbiruan sa kaniya. Nakakapikon lang na matapos niyang mag-open up sa heart break niya bigla niya kong tatanungin ng ganong tanong, kung hindi niya alam matagal ko nang gustong marinig sa kaniya ang tanong na 'yun but not this time. Sobrang dami niya nang bad memories sa'kin at medyo kota na siya kung lolokohin niya pa ko at ituturing na madaling babae na kakagat sa mga biro niya. "Okay I get it, sorry medyo hindi ko na pigilan 'yung pagbibiro ko at hindi ko na isip 'yung feelings mo," sabi niya saka tumayo sa harap ko. Napatingala ako sa tangkad niya at ngumiti lang siya sa harap ko, 'yung ngiti na nagsasabing hindi siya okay at sincere ang pagso-sorry niya. "Kung malinaw sayo, pwede ka na umalis sa unit ko at magtatrabaho na ko," sagot ko sa kaniya sabay lakad papuntang kusina at inabot sa kaniya 'yung mga hinugasan niyang lalagyan ng ulam. Tumango naman siya sa harap ko at muling humingi ng paumanhin. "Sorry ulit, sorry sa abala and thank you sa pakikinig," sabi niya at naglakad na pabalik sa unit niya sabay sara ng pinto. Pagkasara na pagkasara niya ng pinto ay nanlambot ako at napaupo sa sofa, para akong tanga na gustong umiyak sa hindi ko malaman na dahilan. Na po-frustrate ako sa kinikilos niya at the same time hindi ko naman siya masisi, 'yung feeling na gusto ko magpakilala sa kaniya at isumbat lahat ng pagtatampo ko sa kaniya ay hindi ko magawa tapos siya panay agad ang open sa harap ko na para bang kilala niya ko pero hindi. Ano ba talaga? Naiinis ako sa pagiging presko niya at nagtataka kung bakit siya naging ganito? Parang babaero na ewan, hindi mo alam kung malandi lang ba talaga o may balak na iba. Nakakapikon! Feeling ko pinopormahan niya ko tapos na iinis ako sa idea na kakakilala lang namin kanina tapos kung makabanat na siya ng mga pick up lines wagas. Then busted siya at todo open up sa'kin para makuha 'yung awa ko? Ano siya sad boy? Gusto niya ng comfort sa'kin para ano? Para ma-fall ako sa kaniya not knowing na ako to si Jhustine! "Aaaah! Kainis!" Ipit kong sigaw sabay masamang tumingin sa pintuan na kulay blue sa harap ko. "Ang landi mo Liam," irap ko doon sabay punta sa working table ko at agad na sinend kay Ice 'yung aracter profile na na sulat ko for checking. Agad ko rin siyang sinendan ng message at gusto makipag-meet up sa kaniya saka ko siya aawayin doon dahil bakit sa dinami-dami ng tao sa mundo si Liam Castillio pa ang kapit-bahay ko. *Phone Ringtone (Banana by Minions)* Malakas na tumunog ang phone ko at agad ko rin naman 'tong sinagot, agad na bumungad sa kabilang linya ang boses ni Ice, "Sesh bakit gusto mo ng meet-up gwapo ba 'yung boylet sa kabila?" Tanong niya mula sa kabilang linya at binulyawan ko rin siya. "Oo bwisit ka at ang sakit na ng ulo ko kaagad! Nakakainis ka magkita tayo sa coffee shop sa tabi ng building ko at ipapaalam ko sayo kung sino ang hinayupak na kapit-bahay ko!" Sabi ko sa kaniya at malakas lang siyang tumawa sa kabilang linya. "Wahahahahaa ASAP!" Iyon lang ang sabi niya saka ko binaba ang call naming dalawa, ang saya niya ah gigil niya ko. Chinat ko na rin siya if what time kami magkikita at ipapa-check ko na rin sa kaniya ang synopsis na nabubuo ko para naman wala na kaming meeting na gagawin bukas. Isang oras kong tinapos ang trabaho ko at nag-ayos na ng susuotin ko, isang simpleng over sized t-shirt lang at leggings ang sinuot ko saka ko mataas na inipit ang buhok ko. Nilagay ko sa bag 'yung laptop ko at kinuha ang susi at wallet ko na nasa table saka lumabas ng unit, pagkabukas ko pa lang ng pinto ay may narinig din akong pag-click ng doorknob pero hindi ko iyon pinansin kaso nang makalabas na ako ay na gulat ako nang kakalabas lang din ni Liam sa unit niya. Nagkatinginan kami at medyo awkward pa sa'kin dahil sa pagtataray ko kanina. "Alis ka? Ingat," sabi niya at tumango na lang ako saka siya pinaunang maglakad pero para siyang tanga na binabagalan din ang paglalakad niya, ano ba 'tong lalaki na 'to iniintay niya ba ko? Iniling ko na lang ang ulo ko at pinigilan ang pagiging assuming ko, tahimik ako at hindi ko siya iniimik habang sinasadya niyang intayin akong makapasok sa elevator. Nang makababa kami ay patuloy pa rin siyang naglalakad sa likod ko na para bang sinasadya niya talaga, kung hindi ko siya kilala baka inisip kong stalker na siya or pinopormahan niya ko. Kaso ang ending same coffee shop pa kami nang pinasukan at halos malaglag ang panga ko nang makasalubong namin si Ice. Napatulala siya at halatang na mukhaan niya si Liam dahil siya lang naman ang pinapakitaan ko ng mga pictures namin noon. Napanganga siya sabay turo saming dalawa at tanong ng, "Liam Castillio?" "Hu? Did I know you?" Sheeeet na malagket! TO BE CONTINUED
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD