CHAPTER 8

2611 Words
๑ ๑♡✿♡๑ ๑ JHUSTINE KIM's POV Palipat-lipat ang tingin samin ni Ice habang nakaturo pa saming dalawa, pero bago pa siya makapagsalita ay hinila ko na siya palayo kay Liam dahil naku pag nagkataon ay talagang malilintikan ako. "Hu? Sesh ano 'yun? Magpaliwanag ka nga!" Sabi niya sa'kin habang nasa loob kami ng comfort room. "What? Bakit ako ang magpapaliwanag? Hindi ba't set-up niyo 'to ni manager Nicole?" Tanong ko naman sa kaniya at mabilis siyang umiling na parang gulat na gulat. "Pano kita ise-set up sa kaniya eh hindi nga na'tin mahanap sa f*******: n'yang kababata mo tapos ngayon kasama mo na? At anong set-up? You mean siya 'yung ka room-mate mo or kapit-unit mo?" Natataranta niyang tanong at tumango ako sabay halukipkip sa harap niya, sinusuri ko muna lahat ng sinabi niya pero confirm naman na hindi nila ito sinet-up. Halata sa kinikilos niya 'yung pagkagulat at the same time 'yung kilig niya dahil nga alam niya naman na ultimate crush ko 'yung kulokoy na 'yun. "Oo siya nga, na gulat nga rin ako nung mamukhaan ko siya at ang buong akala ko talaga ay may alam kayo sa mga nangyayari ni manager Nicole," natataranta kong sumbong sa kaniya at napakagat na lang siya sa labi niya at napatingin sa'kin. "Kilala ka na ba niya or nakapag-usap na ba kayo?" Tanong niya at umiling lang ako bilang sagot. "Sheeet sesh sorry na tawag ko siya sa buong pangalan niya, anong ipapalusot ko doon?" Tanong niya at nahilamos ko na lang ang mukha ko, buti na lang at walang ibang tao sa comfort room at nagagawa namin magwala rito. "Gaga ka kasi eh! Hindi niya pa ko kilala at ang alam niya na name ko is Kim Dipinili! So wag na wag kang magkakamali na tawagin akong Jhustine naku talaga masasabunutan kita," paliwanag ko naman habang hindi pa rin mapakali, ano nga bang ipapalusot namin sa kaniya kung magtanong siya bakit alam ni Ice ang buong pangalan niya. "What? Bakit hindi ka pa nagpakilala sesh? Ito na 'yung time oh matagal mo 'tong pinaghandaan," reklamo niya at napailing na lang ako, na wawala talaga ang confidence ko pagkaharap ko na si Liam. "Hindi ko pa kaya sabihin sa kaniya at mukhang wala na kong balak na magpakilala, ang hirap sesh alam mo pinagdaanan ko sobrang natatakot akong marinig ang sasabihin or ire-react niya sa harap ko." Napatungo ako at napahawak na lang sa sentido ng ulo ko, makakapagsulat pa kaya ako ng nobela nito kung sobrang sakit at gulo ng utak ko. "Okay I get it, alam ko naman 'yung feelings mo sa kaniya and kung hindi mo pa kaya mas mabuting wag muna ipilit. Ganito na lang sesh kunware nag background check kami sa kaniya ng super bongga at syempre need naming malaman ang taong makakasama mo sa connected na unit para na rin sa safety mo kaya doon ko na laman 'yung name niya and mukha niya, well tutal editor mo naman ako siguro naman it make sense di ba?" Tanong niya at napa-isip naman ako, pwede rin naming ipalusot iyon para hindi niya mahalata kung sino ako. "Buti na lang talaga at mabilis gumana 'yang utak mo sesh, okay ito ang plano basta pag tinanong ka ah ako si Kim Dipinili at editor kita na nag background check sa kaniya, iyon na 'yun!" Tumingin ako sa kaniya at ganun din siya sa'kin at sabay kaming nag aja sa harap ng isa't isa. "Aja! Kaya na'tin 'to fighting!" Sabay naming sabi sa isa't isa at kinalma ang sarili bago lumabas ng comfort room. Paglabas namin ay nag-iintay siya sa counter ng order niya at kami naman ay naghanap ng mauupuan. "Mukhang hindi niya naman binig deal 'yung pagtawag ko sa kaniya sesh," sabi ni Ice habang patagong sumisilip sa pwesto ni Liam na patuloy na dinadaldal 'yung lalaki sa counter. "Mukha nga, sana umalis na agad siya dito pagtapos niya mag-order," bulong ko naman at halata sa mukha ni Ice ang pagtataka at pagkaintriga sa'ming dalawa ni Liam. "Pero sesh ano bang nangyari? Pano nangyari na nagsinungaling ka pa sa kaniya?" Tanong niya at napakamot na lang ako sa ulo ko habang iniisip ang idadahilan ko. "Basta ang hirap ipaliwanag, sa sobrang pagkabigla ko hindi ko agad na sabi na ako 'yung kababata niya," paliwanag ko sa kaniya at kumunot lang maige ang noo niya sabay buntong hininga, para siyang na talo nang malaking halaga sa lotto at wasted na wasted. "Sesh, alam mo parang inulit mo lang 'yung story niyo noon, hindi ba sabi ng mga intimitrida niyong kapit-bahay ay nagpapanggap ka raw na lalaki sa harap ni Liam para mapalapit sa kaniya, well noon hindi 'yun totoo pero ngayon magiging totoo na pag hindi mo pa sinabi na ikaw si Jhustine. Ang pinagkaiba lang ay hindi ka na mukhang lalaki ngayon," bulong niya at patago na naman sinilip si Liam. Napatahimik naman ako, tama naman si Ice kasi kung hindi ko sasabihin sa kaniya na ako si Jhustine ay for sure itutuloy niya lang ang pangungulit sa'kin bilang si Kim, pero kung aminin ko sa kaniya na ako si Jhustine na kababata niya, lalayo ba siya katulad noong mga bata pa kami? Mandidiri ba ulit siya kasi tinatago ko 'yung tunay na ako? Magugulat ba siya kasi ang layo na ng itsura ko sa dugyot kong mukha noon? Napasimangot ako at para na namang pinagsakluban ng langit at lupa, 'yung konsensya ko binabasag na naman ako kahit na buo na ang desisyon kong hindi na lang magpakilala sa kaniya at umalis sa loob ng limang buwan. "Anong gagawin ko? Natatakot ako sa pwede niyang i-react sa harap ko, alam mo 'yung trauma ko noon sa kaniya at balak ko sana pagtapos ng five months ay umalis na lang sa unit na 'yun as Kim na kilala niya ngayon at hindi na magpapakita ulit sa kaniya," paliwanag ko naman kay Ice at parang na ramdaman niya kung bakit ayaw ko talaga magpakilala kay Liam. Tinapik niya ang balikat ko at tumingin lang sa'kin nang seryoso. "Yeah it's okay, kung hindi mo pa rin kaya wag mo nang gawin tutulungan na lang kita itago 'yung sikreto mo at susuportahan ka pag-ready ka na humaharap sa kaniya as Jhustine," sabi niya sa'kin sabay ngiti sa harap ko, gustong gusto kong yakapin 'tong tropa kong 'to naku! "Waah salamat Ice! Kaya lab na lab kita eh sana wag kayo mag break ni Luis," sabi ko sa kaniya at umirap lang siya. "As if naman na mag be-break kami nun no, never! Pero sesh ang gwapo pala talaga ni Liam no?" Tanong niya sa'kin at mabilis akong tumango, hindi naman maikakaila na gwapo talaga ang lalaking 'yan. "At girl papalapit na siya sa table na'tin habang may dala-dalang mga drinks," sabi niya at napalingon naman ako sa direksyon ni Liam, totoo nga papalapit na siya samin at kumakaway pa. "May I join you guys?" Tanong niya pero hindi pa ko nakakasagot ay nagsalita na agad ang bruha, "sure naman Mr. Castillio," sabi niya at umupo sa tabi ko ang koya mo. "Pano mo ko na kilala? Ms.?" Tanong niya kay Ice at ngumiti naman ito nang malambing, mga ngiting nagpahulog kay Luis na jowa niyang tanders. Charot twenty nine lang naman si Luis at siya twenty four. "Joanna Mae Villa," sagot niya at inilahad ang kamay niya kay Liam na agad naman nitong kinuha saka sila nag shake hands. "Can I call you Joanna or Mae? O baka mas okay ka sa formal? Like Ms. Villa?" Tanong niya at umiling naman si Ice sa harap niya. "Call me editor Ice or Ice lang okay na and kaya ko alam 'yung name mo kasi we made a little background check lang naman sa kapit-bahay ng precious author namin," sagot niya sabay bitaw nila sa kaniya-kaniyang kamay, ako naman humihigop na ng drink, namili na ko kahit hindi pa ko inaalok ni Liam at ewan ko ba na sanay ako na pagkasama ko noon si Liam ay lagi akong nalilibre kaya ngayon hindi ko na mamalayan na ginagawa ko 'yung old habits ko pagkasama ko siya. "Gosh Kim hindi mo alam kung sayo 'yung drinks na binili ni Sir.Liam," sita niya sa'kin at nilapag ko 'yung limang daan sa table. "Bayaran ko na lang sorry na uhaw ako eh," sagot ko kay Liam at ito naman si koya mo binulsa nga 'yung limang daan! Kingina saan ka na kakita ng magbubulsa ng limang daan para sa isang daang presyo ng inumin? Napatulala na lang kaming dalawa ni Ice sa kaniya habang siya tinutupi pa nang ayos sa loob ng wallet niya 'yung pera ko. Gusto ko sana sabihin na nasaan na 'yung sukli pero parang ako pa 'yung nahihiya sa kinikilos nitong lalaki na 'to. 'Yung totoo ano ba talaga pinagdaanan sa buhay nitong si Liam at naging matakaw sa pera? "Ah by the way gusto ko sana maitanong if 'yung background check na 'yun is kasama buong info ko?" Tanong niya kay Ice at parang walang nangyaring dukutan ng pera sa harap namin. "No, 'yung name mo lang saka saan ka nagtatrabaho pero 'yung mga contacts and all wala naman, gusto lang din namin malaman if safe siya sa kasama niya sa connected unit," sagot ni Ice sa harap ni Liam na parang professional editor talaga, naks iyan ang tropa ko! "Ah I see, buti nagkaroon kayo ng tiwala sa'kin," sabi niya at bahagyang napatingin sa'kin si Ice, parang sa mga tingin na 'yun ay nakaramdam ako ng senyas. Kaya ako naman ang sumagot, "I told them na titignan ko sa first week kung okay ba ang kapit-bahay ko, if ever na hindi ay ililipat agad nila ako," sabi ko sabay ngisi sa harap ni Ice na kinagulat niya, hahaha wala sa usapan iyon pero kung sakaling mastress ako ng bongga papalipat talaga ako ng unit no. "Ah-hahaha yas so kung wala naman abirya sa first week ng pag-stay niya sa unit na 'yun edi okay na ang lahat hahaha," nakangiwe niyang tawa at parang plastik na ngumingiti sa harap ko. "Ah sorry kung na gulo agad kita Kim," sabi ni Liam at sheeet lang ah rumurupok na naman ang lola niyo, unting sorry at paawa effect lang ng lalaki na 'to na papangiti na ko at nahuhulog nang mas malalim sa kaniya. Pero hindi pwede 'yun Jhustina! Ang character mo sa harap niya ay isang mataray na writer so panindigan mo! "Ehem, it's fine wag ka na lang biglang papasok sa unit ko without asking," sabi ko sa kaniya at para siyang tuta na ngumiti ulit sa harap ko, ano ba 'tong lalaki na 'to super cute! Kung hindi ko lang kaya magpigil ngayon baka ginulo ko na ang buhok niya at pinanggigilan siya. "So pwede akong bumisita sa unit mo basta kakatok ako?" Tanong niya at napatingin ako kay Ice na ngiting-ngiti sa harap ko, para bang nire-record lahat ng info at scene na nasa harap niya para gawing pang black mail sa'kin sa future. Hayop na 'yan hindi ko tuloy alam kung anong ire-react ko, for sure ang tumatakbo sa isip ni Ice ay sobrang layo ng kinikilos ko bilang Kim sa harap ni Liam, kasi alam niyang todo akong kiligin sa lalaking 'to tapos ngayon todo naman sa pagtataray ang peg ko. "Ern, sige basta hindi ako busy," pakipot ko pang sabi at ako 'tong nahihiya sa sarili ko, dahil gustong-gusto ko na kulitin mo ko everyday pa 'yan Liam kaso kasi pag na aalala ko 'yung kwento niya abot doon sa girl medyo na iirita ako. Ang bilis magbago ng mood ko sa lalaking 'to. "Yown! May makakausap na rin sa wakas," sabi niya at nagkatingan lang kaming dalawa ni Ice, para bang walang friends 'tong lalaki na 'to at sobrang saya niya nung sinabi kong okay na ang lahat. "Wala ka bang friends na makakausap?" biglang na tanong ni Ice kaya nanlaki ang mga mata ko sa kaniya, may pag straight forward kasi magsalita ang isang 'to at walang preno. "Hmm, meron naman pero lahat kasi sila ay ka officemate ko, wala akong close friend na talagang pinagkaakatiwalaan ko siguro dahil ayoko na rin magtiwala ng todo," sagot niya at par akong na tamaan ng kung ano sa puso ko. Hindi na siya nagtitiwala ng todo dahil ba sa nangyari samin noon?  "Can I ask why? writing materials lang saka hindi mo naman kami ganung kakilala so I think wala naman mawawala if ikukwento mo sa stranger," sabi ni Ice sa kaniya pero alam ko may deep meaning pa bakit niya gusto itanong iyon kay Liam. "Hmm, siguro dahil niloko ako ng best friend ko noon kaya hindi ko binibigay ang full trust ko sa ibang tao ngayon, may friends ako but hindi ko sila itinuturing as close friend or family like others did," kwento niya na parang wala lang habang iniinum ang drink niya, pero sa'kin ang lakas ng impact nun, hindi lang pala ako ang todong na saktan that time, hindi lang pala ako ang nabago ng incedent na iyon kung hindi pati siya. Pareho kaming may nakuhang sakit sa nangyari na 'yun. "Oww okay, hindi ko na uungkatin ang past mo, Mr. Castillio, I hope na maging friends din kayo ni Kim kahit hindi close friend just a person to talk with," sagot ni Ice at kinuha 'yung Ice Coffee na order sa akniya ni Liam at tumayo na. "Alis na ako guys, tapos na naman ang meeting namin ni Kim so enjoy and nice to meet you Mr. Castillio," sabi niya at tumango naman si Liam bilang sagot. Tahimik kaming dalawa habang hinihigop ang mga drink namin, tnging tunog na lang ng music sa loob ng cafe ang maririnig sa paligid naming dalawa. "May gagawin ka ba?" una niyang tanong para maputol ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. "Wala na," maikli kong sagot at hindi ko alam bakit parang ang bigat na ng atmosphere sa paligid naming dalawa. "Wanna set some rules?" Sabi niya at muling humigop sa drink niya, rinig ko na ang paninimot ng straw niya kaya inalok ko siya ng drinksna hawak ko. "Anong rules?" tanong ko at tinaggihan niya 'yung inalok ko sa kaniya at tumayo na sa kinauupuan naming dalawa. "Rules nating dalawa sa pagtira doon sa unit," sabi niya sabay ngiti ulit sa harap ko, nilahad niya ang kamay niya sa harap ko at kinuha ko naman ito para maalalayan niya ko sa pagtayo. Ang gentleman naman talaga ng koya mo kaso parang na down siya sa na pag-usapan namin kanina nila Ice. "Okay In ako," sagot ko at hindi ko alam bakit ko hinawakan ang ulo niya at ginulo ang buhok niya, out of no where parang kusang kumilos ang katawan ko at ginawa 'yung lagi kong ginagawa sa kaniya noong mga bata pa lang kami. Hindi ko rin na pigilan na ngumiti sa harap niya ngayon, kahit na mataray ang character na pinapakita ko sa harap niya ay hindi ko naman matiis na makitang down siya. Siguro nga walang na bago sa'kin simula pa noon, kung anong na raramdaman ko sa kaniya ay ganun pa rin ang nararamdaman ko, kung ano 'yung lagi kong ginagawa pagkasama ko siya ay iyon pa rin ang kinikilos ko at hindi ko iyon mapigilan. Lalo na tuwing nakikita ko siyang malungkot, lagi kong ginugulo ang buhok niya at aasarin siya nang— "Parang pugad 'yung buhok mo hahaha, wag ka nang sad," sabi ko sa harap niya at para bang na gulat siya. Hindi ko alam bakit gusto ko magbigay ng hint sa kaniya na ako 'to si Jhustine na kababata niya. TO BE CONTINUED 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD