CHAPTER 6

2485 Words
๑ ๑♡✿♡๑ ๑ JHUSTINE KIM's POV Parang dumadaungdong na speaker 'yung pagkakarinig ko sa t***k ng puso ko, like sesh feeling any minute lalabas siya sa katawan ko dahil sa sobrang kaba na nararamdaman ko ngayon. 'Yung mga mata namin ay nagtama ng tingin at marahan siyang lumalapit sa harap ko at ako naman itong na hihipnotismo sa mga titig niya na kadahilanan para kusang pumikit ang mga mata ko at intayin ang paglanding ng halik niya sa labi ko. Iyan na! Feeling ko malapit na maglapat ang mga labi namin dahil ganito madalas ang scene na napapanod ko sa mga kdrama, ramdam ko na rin ang bahagya niyang paghinga at mainit na dumadampi ito sa mukha ko. Omg! Feeling ko makakapagsulat ako ng buong libro sa sobrang kilig ko ngayon! Humahaba na rin ang nguso ko at iniintay ang paghalik niya sa'kin nang bigla siyang magsalita at kalbitin ako. "Tingin mo 'yung sinumpang lalaki na 'yung nasa unit ko?" Tanong niya at halos manlaki ang mga mata ko nang buksan ko ito at makita ang mukha niyang walang kaalam-alam at takot na takot. Punyetang buhat 'to, lupa bumukas ka at kainin mo ko ng buhay now na! Hayop na 'yan asang-asa na ko na hahalikan niya ko, todo haba pa ng nguso ko kaya pala walang maabot dahil busy siyang matakot sa mismong alaga niyang pagong na gumagawa ng ingay sa unit niya. Agad kong tinabig ang kamay niyang nakahawak sa braso ko, don't touch me kung di mo rin ako hahalikan ganun! Charot. "Teka nga! Hindi ba't ikaw na rin ang nagsabi na minsan gumagawa ng ingay 'yung alaga mong pagong?" Tanong ko sa kaniya at parang doon lang nag sink-in sa utak niya lahat ng posibilidad na ang alaga niya ngang si Teptep ang salarin sa ingay kanina. "Oo nga no, pero di ba sabi mo may mag jowang multo rito?" Tanong niya at muling humawak sa braso ko kaya napahilot na lang ako sa noo ko at napabuntong hininga. Alam ko naman duwag siya noong bata pa kami pero akala ko dahil bata lang siya kaya siya matatakutin pero sesh binaon niya pala ang ugaling ito till now. Wow lang talaga Liam, sana binaon mo rin 'yung memorya nating dalawa at baka sakaling mamukhaan mo pa ko ngayon di ba? Napairap na lang ako at pumamewang sa harap niya, magtataray ako ngayon kasi hindi niya naman na huli 'yung pagpi-feeling ko kanina, buti nga hindi niya na kita 'yung pagpikit ko ng mata at paghaba ng nguso ko sa harap niya kung hindi talaga wala na kong mukhang ihaharap sa duwag na 'to. "Patola ka ba? Talagang pinatulan mo 'yung kwento ko sayo? As in naniwala ka tapos natatakot ka sa kalagitnaan ng katanghalian? Huy Liam tirik na tirik ang araw walang multong magpaparamdam sayo," sermon ko sa kaniya at parang doon lang niya na pansin 'yung pagiging paranoid niya at bigla siyang na ubo sabay ayos ng tayo sa harapan ko. "Hu? Sinong natatakot? Ako? Sus na gulat lang ako kay Teptep," sagot niya sabay ubo ulit at inayos ang T-shirt niyang na gulo sa katarantahan niya kanina. "Hahahaha totoo ba? Akala ko patola ka eh," sagot ko naman at agad siyang umiling sabay kuha ng plato niya sa lamesa. "Hindi ah, na angasan lang ako sa kwento mo halatang writer ka talaga ng horror story," palusot niya at nagbikit-balikat na lang ako para hindi naman syadong mapahiya ang koya mo. "Okay sabi mo eh, pero hindi naman horror story ang kailangan kong isulat habang nasa unit ako na ito," kwento ko sa kaniya habang nililgpit naman ang lamesa, actually parang na wala 'yung awkward moments ko sa kaniya dahil sa kinilos niya, sino ba naman hindi matatawa at mage-enjoy asarin at takutin ang isang duwag. Tapos parang ang gaan lang ng atmosphere naming dalawa ngayon, 'yung tipong parang sanay kami sa isa't isa na siya 'yung naghuhugas at ako 'yung nagliligpit. Para ba kaming mag-asawa or newly weds ngayon tapos wala pang nag uutos at kusa naming ginagawa 'yung mga ganitong gawain like paghuhugas ng pinggan, wala lang ang cute lang tignan at ang sarap sa feeling. "Hu? Akala ko ba horror ang genre na hawak mo as a writer?" Tanong niya at sumandal lang ako sa gilid ng kitchen table. "Hindi naman porque horror ang genre ko ay doon na lang ako pwedeng magsulat no, like pwede ko naman haluan 'yung horror ng romance or maglaro sa ibang theme ng story ayoko rin naman i-limit ang sarili ko as a horror writer lang." Oo, alam ko ang haba ng paliwanag ko kahit naman pwede ko siyang sagutin ng simpleng sagot lang pero nag iiba talaga ako pag-usapan writing na eh, ito kasi ang profession ko. Pero hindi niya iyon na sita or pinansin, ngumiti lang siya sa harap ko at sumagot, "wow halatang mahal mo ang trabaho mo, maganda 'yung ganyang mga sagutan eh mas masarap pag-usapan," sagot niya na kinagulat ko, karamihan kasi ng tao na nakakausap ko about sa work ko ay nababagot at minsan iniiba lang ang topic pero siya masaya siyang marinig na ganun ang sagot ko sa kaniya. "Mahal ko talaga, pangarap ko 'to eh." Sabi ko naman at ngumiti lang ulit siya. "Good for you, then kung kailangan mo ng mga idea andito lang ako pwede mo kong istorbohin sa kabilang unit if you need to," sagot niya at napangiti rin ako. "Hindi mo pa nga alam kung anong genre ang kailangan kong isulat eh," sabi ko naman sa kaniya habang siya ay pinihit na ang gripo at pinunas ang kamay niya sa isang towel sa tabi niya. "Oo nga eh kasi hindi mo pa sinasabi, what genre ba? Action? Sci-fi? Fantasy adventure o steamy story 'yung mala fifty shades of grey?" Mapang-asar niyang tanong sabay taas baba ng dalawa niyang kilay na kinakunot naman ng noo ko. Ang flirty ni Liam punyeta! Ganito ba talaga siya sa mga babaeng kakakilala niya lang at hindi niya pa ganong nakakasama? Baka naman lahat ng babaeng tinutulungan niya magbuhat eh nilalandi niya? "Maharot ka ba talaga? FYI kakakilala lanv na'tin ah," rekta kong sagot at napaurong siya sabay tawa. "Woah, wait nagtatanong lang ako," sagot niya pero hindi ako maniniwala doon, tsk tumangkad ka lang at lalong gumwapo eh lalo kang naging presko at manloloko. "Romance ang need kong isulat, but not totally adult romance 'yung slice of life lang na story no, iba ata iniisip mo?" Mataray kong tanong sa kaniya at napatawa na lang siya. "Hahaha romance? Mukhang wala akong maitutulong d'yan wala kasi akong experience sa romance," sagot niya at parang gusto kong sumigaw nang malakas na— WEH HINDI NGA? Pero kinimkim ko na lang sa sarili ko iyon at tinaasan na lang siya ng isang kilay bilang pagtatanong. "Oh? Mukhang hindi halata sayo parang marami ka na ngang experience base sa mga kinikilos mo ngayon," sagot ko at umiling lang siya sabay upo sa sofa ko na kinagulat ko. Wow at home na at home ang koya mo. "Hindi ah, ganito lang ako friendly pero don't get me wrong kakagaling ko lang sa heart break parang kahapon lang pero syempre dala ko pa rin ngayon," sabi niya at doon ko na naman na alala 'yung pag-iyak at paglalasing niya kagabi. "Ow na rinig nga kita humihikbi nung bandang mga madaling araw," palusot ko kahit maaga pa nun at hindi lang narinig kung hindi na kita ko pa siya sa kalunos-lunos niyang itsura. "Hala hahaha nakakahiya, rinig pala hanggang dito?" Tanong niya at tumango ako kahit hindi naman. "Unti," maikli kong sagot at sumalumbaba siya sa sandalan ng sofa habang nakatingin sa'kin at ako naman ay muling umupo sa upuan ko na malapit sa kaniya. "Pwede ba mag-open up? Hahaha, para kong tanga pero feeling ko kasi pag hindi ko na kwento sasabog ako, saka mas maganda raw magkwento sa taong hindi mo pa ganong kakilala dahil hindi ka nila ija-judge," sabi niya at tumango na lang ako bilang sagot, kahit na deep inside gusto kong sabihin na hindi ko maiiwasan na pag-isipan siya ng kung ano-ano dahil hindi naman ako kung sino lang na kakakilala niya, ako 'yung kababata, best friend at naging kaaway niya noon. "Sige go kang makikinig ako baka pwede ko pang magamit 'yan as a writing materials," sagot ko sa kaniya at ngumiti lang ulit siya saka nagkwento ng hinanakit niya. "You see may crush kasi ako sa office namin na halos two years ko nang gusto, nung una kasi I see her as a older sister kasi mas matanda siya sa'kin ng ilang taon but nung nakikilala ko siya nagkakaroon na ko ng paghanga sa kaniya na ang ending eh pagmamahal na," kwento niya sa'kin at para bang 'yung sakit na nararamdaman niya ay dinadala ko rin dahil kung alam niya lang na may pagtingin ako sa kaniya katulad ng paghanga niya sa babaeng kinukwento niya ngayon ay ewan ko na lang talaga kung may maikwento pa siya sa'kin ngayon. "Pero ang tanga ko for not telling her how I feel, nag-enjoy ako sa privilege as a younger brother sa kaniya, I enjoy her treatment like 'yung paggugulo niya sa buhok ko 'yung pang be-baby niya sa'kin at 'yung madalas niyang pagtawag sa'kin ng baby Liam niya, all of it I take it for granted and ang ending na unahan ako, and guest what kuya ko pa ang nakauna sa'kin," kwento niya habang nakikita ko 'yung lungkot na bumabalot sa mga mata niya kahit na nakangiti ang mga labi niya. Hindi ko alam, pero feeling ko ako 'yung mas nasasaktan. "She was pregnant at hindi ko agad na laman, nagkaroon sila ng one night stand ng brother ko and boom— wala na ang ate Dhiena ko, nasa kuya ko na siya and they both love each other na parang itinadhana silang bigyan ng baby para magkakilala sila at ma-fall sa isa't isa habang ako andito parang ninakawan ng malaking halaga na iniingatan ko sa bangko, 'yung tipong akala mo na secure mo na siya kasi nasa safe place na siya pero ang ending mawawala rin pala siya sa mga kamay mo, I thought na may crush din siya sa'kin hahaha parang bata lang no?  Pero iyon talaga ang ina-assume ko kaya naging kampante ako," dare-daretsyo niyang kwento sa'kin at ako parang gusto na lang umiyak at sabihin sa kaniya na hindi niya ba ko na aalala? Na sa mga sakit na nararanasan niya ngayon ay may na saktan din siyang iba noon nung umalis siya nang ganun-ganun na lang? Pero nag-focus ako sa pakikinig sa kaniya dahil hindi niya naman alam na ako si Jhustine Kim, hindi rin siguro big deal sa kaniya 'yung nangyari samin noon so ako na lang talaga itong hindi nakakamove-on dahil kung titignan kaming dalawa, siya matagal nang naglalakad pasulong habang ako nasa past pa rin at hindi man lang nakakahakbang ni isa pasulong. Huminga ako nang malalim at kinalma ang sarili ko, for now siguro iisipin ko na lang na part ito ng trabaho ko, i-set aside ko muna lahat ng conflict naming dalawa noon. "So broken ka because?" Tanong ko sa kaniya saka ko lang na halata na ang sarkastiko ko pala. Kris Aquino ka girl? "Ay sorry, what I mean broken ka dahil hindi ka man lang nakaamin sa kaniya at di mo na try ipaglaban siya?" Tanong ko sa kaniya at inis niyang ginulo ang buhok niya. "Umamin na ko nung super late na, parang wala na kong choice kung hindi ilabas 'yung feelings ko basta hirap ipaliwanag," sabi niya at parang siyang bigla binagsakan ng langit at lupa, bumaliktad 'yung ngiti niya at this time hindi na 'to peke at halatang halata mo na. "Ah sh*t na iiyak ako hahaha," sabi niya habang nakatingala at pinipigilan na naman ang luha niya. Gusto ko sana sabihin na ang baduy niya kung iiyak siya pero hello lalaki lang siya pero may feelings din naman siya kaya tumahimik na lang ako at inintay ang sunod niyang iku-kwento. Maluha-luha niyang ipinaliwanag kung bakit siya na paamin pero in the end talo pa rin siya. "She got a miscarriage, hindi ko siya na alalayan sa isang activity sa company namin at ang yabang ko pa noon na ayain siya sa palaro kahit na alam kong risky dahil sa buntis siya at kateam pa namin 'yung girl na may galit sa kaniya, then iyon sa sobrang kapabayaan ko pasimple siyang na itulak nung babae na naging dahilan bakit siya na kunan," paliwanag niya at napatakip na lang ako ng bibig, ito 'yung kulang na importation ko kagabi eh, kung bakit niya sinisisi 'yung sarili niya sa pagkawala nung baby nung babae at ngayon na narinig ko mismo sa kwento niya ay parang na awa rin ako doon sa girl at na inis doon sa walang hiya na tumulak sa kaniya. "Punyeta naman sino 'yung babae? Dapat pinakulong niyo!" Inis kong bulyaw sa kaniya at talaga namang nagdikit ang mga kilay ko sa inis. Kung sa'kin nangyari 'yun nako baka binaon ko sa lupa nang buhay ang animal na 'yun. "Hu? Hindi ka maiinis sa'kin? Hindi ba't kasalanan ko?" Tanong niya at sa kaniya naman ako na inis, parang timang ang isang 'to self blaming ka koya. "Adik ka ba? Ikaw ba 'yugn tumulak doon sa babae para makunan siya? Sa pagkakaalam ko base sa kwento mo ay wala kang kinalaman doon at hindi mo naman kasalanan kung kulang sa aruga 'yung girl na tumulak sa ate Dhiena mo or ano mang name niya, bakit mo sisisihin ang sarili mo eh ang ginawa mo lang naman ay ayain siya? Magiging okay naman ang lahat kung hindi siya tinulak ni girl di ba?" Tanong ko sa kaniya at inis na inis sa paninisi niya sa sarili niya, seriously Liam pinag-alala mo ko sa walang kabuluhan na self blaming mo. "Wala akong masabi parang gusto umurong ng luha ko," sagot niya at tinaasan ko lang siya ng kilay. "You better, sure ako pati 'yung crush mo ay hindi ka sinisisi sa insedente na 'yun," sabi ko sa kaniya at ngumiti na siya. "Thank you Kim, medyo gumaan 'yung loob ko. Simula nung umamin ako sa kaniya pagtapos ng accident na 'yun ang bigat na ng loob ko almost three weeks na at buti na lang nakausap kita," sabi niya sa'kin kaya umiling ako, actually wala naman sumisisi sa kaniya sa nangyari na aksidente for sure sobrang laki lang ng care na binigay niya doon sa girl kaya siya ganito. "Tsk, maliit na bagay bayad na 'yun sa sinigang na buto-buto at sa pananakot ko sayo," sagot ko sa kaniya at ngumiti na lang rin. "You know, may kahawig ka pag ngumingiti ka," sabi niya na nagpakaba sa'kin nang todo, don't tell me na mumukhaan niya na ko ngayon? Ow no! Ow no! Ow no no no no! TO BE CONTINUED
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD