CHAPTER 5

3014 Words
๑ ๑♡✿♡๑ ๑ JHUSTINE KIM's POV Anong sasabihin ko? Magpapakilala ba ko sa kaniya at aaminin na ako ang kababatang niyang kalbo at maitim noon? Pagsinabi ko ba sa kaniya iyon ay maniniwala siya at magiging okay na agad kaming dalawa na parang boom— friends na ulit tayo? Na pwede na ulit tayo maging best friend for life at nakalimutan na namin 'yung mga hindi namin pagkakaintindihan noon? Siya pa rin ba 'yung kaibigan ko noon at 'yung first love ko na hanggang ngayon love ko pa rin? Punyetang buhay 'to! Bakit kasi sa ganitong pagkakataon pa kami nagkita ng lalaking 'to? Bakit sa unit na 'to pa? May balat ba talaga ako sa puwet? "Ahmm? Ayaw mo bang maging friends sa'kin or magpakilala man lang?" Tanong niya at halatang nangangalay na ang kamay niya na kanina pa nakatapat sa harapan ko kaya kinuha ko na 'to at nakipag-shake hands sa kaniya with matching pawis at kabadong mukha. "Ahahaha sorry na tulala lang ako saglit ang gwapo mo kasi eh hahaha," biro ko at patuloy pa ring nakikipag-shake hands sa kaniya habang namumula ang mga pisnge niya at halatang nahiya sa palusot ko. "Kim nga pala," banggit ko sa kaniya at bibitaw na sana kaso binawi niya ang kamay ko sabay tanong ng, "Kim?" Kim? Kim Atienza! Matang Lawin ganun! Kakainis naman 'to pati apelyido ko tinatanong pa. "Ah hahaa Kim Dipinili," palusot ko at halos magwala na ko sa isip ko dahil sa kakornihan na pinagsasabi ko. Bakit ba sa dami ng apelyido 'yung di pa pinili ang na isip ko kainis ka Jhustina! "Di pinili? Nino? Naku kung ako papapiliin pipiliin kita," sabi niya at nanlaki ang mata ko sabay kindat niya at malakas na tumawa. "Joke," pahabol niya na kinainis ko, aba 'tong mokong na kolokoy na 'to pagkakaalam ko broken siya kagabi ah, bakit humaharot na agad siya sa'kin ngayon? "Hahaha nakakatawa joke mo," sarkastiko kong sagot sa kaniya at tinuro ko na lang 'yung pintuan na kulay asul. "Pwede ka na bumalik sa unit mo hahaha salamat ulit sa pagbubuhat," sabi ko sa kaniya at pilit na siyang pinapaalis sa unit ko at mukhang na gets niya naman ang nais kong ipahiwatig. Napakamot siya ng ulo at naglakad papunta sa kulay asul na pinto sabay bukas dito. "Pwede ka bang makausap paminsan-minsan? Nakakabaliw kasi mag-isa eh," sabi niya bago tuluyang pumasok sa loob ng unit niya at nagtaka naman ako. Hindi ba't kakasabi niya lang na may kasama siya sa unit niya? "Akala ko ba may nakatira pang iba sa unit mo?" Tanong ko at parang na gets niya agad ang tanong ko sabay aya sa'kin na lumapit sa pinto. "Lika-lika saglit," pag-aaya niya habang sumisenyas ang kamay niya sa harap ko. Tinawag niya ko para lumapit sa kaniya gamit ang isa niyang kamay, paulit-ulit niyang kinaway ito na ang cute lang tignan para sa'kin, kaya no choice at naglakad ako papalapit sa kaniya sabay silip sa unit niya. Tinuro niya 'yung pagong na nasa loob ng aquarium niya at ngiting-ngiti na tumingin sa'kin. "Si Teptep nga pala, alaga kong pagong," masaya niyang pagpapakilala at napangiti na lang din ako kasi nga sesh nakakahawa 'yung mga ngiti niya, ang cute kaya parang cute na tuta. "Akala ko naman kung sino hahaha, osige hayaan mo pag nag-ingay 'yang ka roommate mo hindi ko iistorbohin," natatawa kong sabi sa kaniya at napakamot na lang siya ng ulo niya sabay ngiti ulit sa harap ko. "So pwede na ba kong mang istorbo sayo?" Tanong niya sa'kin at napataas na lang ako ng aking balikat. Actually hindi ko rin alam ang sagot, okay lang ba na maging close ulit kami nang hindi niya na lalaman kung sino talaga ako? Ayos lang ba na magsinungaling ako sa kaniya? "Siguro pag hindi rin ako busy?" Iyon na lang ang na sagot ko sa kaniya at kumaway na ko sa kaniya at ganun din siya sa'kin. "Sige salamat mabuting kapitbahay," sabi niya saka niya sinara ang pinto at doon nakahinga na ko nang maluwag, doon lang nag sink in sa utak ko lahat ng mga katangahan na ginawa ko. Napatakbo ako sa loob ng kwarto ko at mabilis na tumalon sa kama ko at tinakpan ng unan ang ulo ko saka doon ipit na sumigaw at nagwala sa kilig at kagagahan ko. Alam mo 'yung pakiramdam na sobra mong saya na nakita mo ulit siya kaso ang tanga ng desisyon mo sa buhay at nagsinungaling ka pa sa kaniya! Naku Jhustina! bakit hindi mo ayusin mga desisyon mo sa life, lalo ko pang pinalaki 'yung misunderstanding namin noon at hindi ko naman habang-buhay na maitatago sa kaniya na ako 'yung kababata niya! Minsan talaga hindi ko na alam kung ano 'yung tamang gawin lalo na pagnauuna 'yung kaba at takot sa puso ko. "Bakit kasi hindi mo ko agad na kilala? ang unfair!" pagmamaktol ko habang yakap-yakap ko 'yung unan ko at pagulong-gulong sa kama habang hindi alam kung anong gagawin ko. Kung sabihin ko kaya kay manager Nicole na magba-back out na ko sa project namin at muling magtago kung saan? Magpalit na rin kaya ako ng pangalan at itodo na ang pagbabagong buhay? Juscopo naman kasi bakit naman kasi sa dinami-dami ng lalaki sa mundo iyon pang lalaking mahilig sa pagong at 'yung first love ko pa nga ang makakasama ko sa connected unit na 'to! Grabe hindi ako makapaniwala na makikita ko ulit siya sa ganitong pagkakataon, hindi ko alam ang mararamdaman ko kung mas lamang ba 'yung kilig ko 'yung konsesnsya ko sa pagsisinungaling ko sa kaniya. Napaupo ako at patuloy na yakap-yakap 'yung unan kong lasong-lasog na dahil sa mahigpit kong pagkakayakap at panggigil dito. Napatulala ako at muling pumasok sa isip ko 'yung mga ngiti niya kanina na makalaglag panty talaga, 'yung height niyang sakto lang sa body build niya, 'yung fresh looking na pormahan niya at 'yung brown ang wavy hair na trade mark talaga ng lolo mo tapos idagdag pa sa package niya 'yung maganda at brown niyang mata like girl, Liam Castillo talaga. Grabe naman hustisya naman sa mukha niya bakit may ganung pinagpalang lalaki? Parang perfect na talaga pwera na lang sa kahanginan niya na hindi nagbago sa kaniya, mantaking mo nakita ko siyang umiiyak kagabi at halos magpakalunod sa alak dahil sa isang babae tapos biglang banat na ako daw ang pipiliin niya ngayong umaga lang? Wow Liam! ang presko mong lalaki ka kahit na ang bango mo pa nakakainis pa rin! Nabato ko 'yung unan ko at pinaghahampas ito sa pader dahil sa gigil, hindi pumasok sa isip ko na 'yung Liam na kilala ko noon na hindi mahilig pumorma sa babae at isnabero ay may iniiyakang babae ngayon at magaling na rin mangbola. Nakakainis lang, sino kaya 'yung babaeng iniiyakan niya? Napatulala ulit ako habang pinanggigilan 'yung unan ko na kung nakakapagsalita lang ay baka nagpadala na siya sa hospital dahil sa pambubugbog ko sa kaniya. "Sino kaya 'yung babae na 'yun? at bakit ang laki ng pinagbago ni Liam ngayon?" Napasalumbaba ako sa mga tuhod ko at napaisip sa kung anong next step na pwede kong gagawin, pano ko masasabi sa kaniya ang totoo at aminin na ako ang kababata niyang kalbo? Napatungo ako sa mga tuhod ko at niyakap ang mga binti ko, hindi ko alam bakit parang na iiyak naman ako ngayon at gustong sabihin sa kaniya lahat ng paghihirap na dinanas ko nung panahon na iniwan niya ko ng hindi man lang pinapakinggan ang side ko. Ang laki rin ng pinagbago ko dahil sa insedenteng iyon, mantakin mo lahat ng ex ko ay hindi ko napakisamahan nang ayos dahil sa trauma ko at tingin ko hindi pa rin ako nakakamove on sa feelings ko para sa kaniya nung high school pa kami. Parang na bubuhay pa rin ako sa past habang siya ito umiiyak na sa isang babae na minahal niya nang todo, parang ako na lang ata ang pinaka affected sa nangyari samin noon at baka nga iniisip niya lang na isang away bata lang ang lahat ng iyon. Well para sa'kin hindi, nakatatak pa rin sa utak ko 'yung expression na ginawa niya nung nalaman niyang babae ako, 'yung feeling betrayed siya na kahit hindi ko naman sinasadya ang lahat. Kasalanan ko ba kung hindi ko alam na tingin niya sa'kin ay lalaki noon? Ganun ba ko kapanget noon at hindi niya man lang nahalata na babae ako kahit sa boses man lang? "Punyeta ito na naman na pipikon na naman ako," bulong ko sa sarili ko at pinunasan ang mga luha na pumapatak na pala sa mga mata ko nang hindi ko na mamalayan. Masakit pa rin pala talaga, 'yung akala ko okay na ko dahil sa ito na ko ngayon babaeng babae na sa paningin ng iba at hinahangaan pang manunulat ng ilan pero parang wala pa rin pala at talagang babagsak ulit 'yung confidence ko sa harap niya to the point na hindi ko kayang magpakilala at sabihin 'yung totoo kong pangalan sa kaniya. "Tanga mo Jhustine, laki mong gaga," bulong ko sa sarili ko at tumingala paaa pigilan ang mga luha ko na ayaw magpaawat sa pagtulo sa mga mata ko. Napatayo na lang ako at huminga nang malalim, papanindigan ko na lang siguro ang lahat ng desisyon at kasinungalingan na ginagawa ko kanina at pag na tapos ko na ang project na binigay sa'kin ng manager ko ay aalis na ko sa unit na 'to tutal five months lang naman ang kailangan kong itagal dito. Kung hindi niya ko nakikilala sa mga panahon na 'yun edi sige hindi, hindi na ko magtatampo sa kaniya o ano pa man tutal mukhang may sarili na naman siyang buhay at ako na lang itong hindi pa nakaka-move on sa hindi namin pagkakaintindihan noon. "Tama Jhustine, pumunta ka rito para magtrabaho at matapos ang project hindi para maayos 'yung past niyo na mukhang ikaw na lang ang apektado," pagkukumbinsi ko sa sarili ko at tinali ang buhok ko saka nagpalit ng damit pang bahay. Lumabas ako sa kwarto ko at pagbukas ko ng pinto ay nakita ko siya sa lamesa ko at may inilalapag na ulam dito, halos mahulog ang panga ko sa gulat at pagtataka sa lalaking 'to! Anong ginagawa niya sa unit ko ng walang paalam at nag-aayos pa nga ng tanghalian. "Hi!" bati niya sa'kin sabay ngiti kaya napangiti rin ako at binati siya ng, "Hi!" sagot ko at nanlaki ang mga mata ko sa ginawa ko! Hala gaga ka Jhustina! Nginitian ka lang nag 'Hi' back ka na kaagad! Dapat galit ka girl! Punyeta ang rupok ko! "Hi-Hay anong ginagawa mo rito?" bigla kong dugtong at umaktong kunwari na iinis sa pag te-tresspassing niya sa unit ko. "Ah saturday kasi ngayon, masayang kumain ng may kasabay," sagot niya at muli akong napangiti ngunit agad ko ring tinakpan ang bibig ko na pinagtaka niya. Bwiset na labi 'yan! kusang ngumigiti sa harap niya! dapat mataray tayo girl kasi pumasok siya sa unit mo ng walang paalam! Kung sa iba 'yan dapat magugulat sila at magagalit agad ganon dapat ang reaction sa hindi mo kakilala Jhustina! "Oh ano naman kung sabado ngayon? Binigyan ba kita ng permisyo na maghain ng tanghalian sa table ko? Sir, unit ko po 'to," mataray kong tanong sa kaniya at 'yung mga ngiti niya biglang bumaliktad at parang tuta na napagalitan ng amo niya! Juscopo ang hina pa naman ng concentration ko sa mga cute na nilalang. "Ah ganun ba, akala ko kasi ay matutuwa ka kung may kasalo kang kumain kasi ako nalulungkot pag mag-isang kumakain eh," sagot niya habang mukhang kawawa na inaayos 'yung mga platong inihanda niya. Napasilip ako sa isang tasa na puno ng ulam at nakita ang laman nitong sinigang na buto-buto kaya automatic na umandar ang kamay ko at hinawakan ang braso niya sabay silip sa ulam na dala niya. "Gusto mo? Sinigang na buto-buto?" tanong niya at napatingala na lang ako sa kaniya sabay ngiti niya na naman sa harap ko kaya napaurong na lang ako at tumalikod sa kaniya para hindi niya mapansin ang pulado kong mga pisnge! Grabe delikado ang lalaking 'to! kaya ko ba talagang tumagal ng five months sa unit na 'to nang hindi umaamin sa kaniya? "Ehem, sige hahayaan kitang magtanghalian dito pero Mr. Castillo masamang hindi nagpapaalam kung papasok ka sa bahay ng iba, lalo na kung babae 'yung nakatira rito," seryoso kong sabi sa kaniya habang pinipigilan ang sarili kong kiligin sa harap niya. Pano ba naman naka T-shirt na gray ang kuya mo with V neck style pa nga at girl ulam na ulam na hindi na kailangan ng sinigang na buto-buto kasi ang laman na nang nasa harap ko errr— ang yummy! "Roger that!" sagot niya at masayang ibinaba ang mga ulam na dala niya at inilapag ito sa lamesa, nag sandok na lang din ako ng kanin naming dalawa kahit sobra akong kabado sa harap niya. Natatakot kasi ako na baka makilala niya na ko this time lalo na kung kaharap ko siya sa hapagkainan pero sa inaakto niya ngayon parang ako pa 'yung mapapa-isip kung si Liam nga ba ang nasa harap ko. "Pwede bang kumuha ng tubig?" paalam niya sa'kin at na bigla na lang ako, naglalayag na naman pala ang isip ko sa sobrang daming tanong sa utak ko. Tumango na lang ako sa harap niya at kinuha naman ang mga baso sabay upo sa harap ng maliit na mesa na mayroon ako sa unit na 'to. "Salamat sa ulam," banggit ko sa kaniya nung makaupo na rin siya sa harap ko at ngumiti lang siya at sinabing, "Salamat din sa kanin at tubig hahaha," sabay tawa niya kaya pinaningkitan ko lang siya kasi girl si Liam ba talaga 'to? "Ehem," sabi ko at pumikit na lang para saglit na magpasalamat sa pagkain at rinig ko naman na tumahimik din siya habang ginagawa ko iyon at nang buksan ko ang mga mata ko ay nahuli ko siyang nakatitig sa'kin na nagbigay ng kaba sa puso ko! Punyetang titig 'yan matutunaw ako Liam stop na char! "Ehem!" malakas ko ulit na pag-ubo at mukhang na pansin niyang nakatitig siya sa'kin kaya napakamot siya ng batok niya saka nagsimulang kumain, nung una tahimik lang kaming dalawa kumakain habang magkasama pero maya-maya lang ay nagsimula na siyang daldalin ako. "Ah Ms. Kim? Pwede ba kong magtanong?" tanong niya at kinalma ko ang sarili ko at nagkunwaring mataray sa harap niya. "Yes nagtatanong ka na nga ngayon eh," sagot ko at tumawa lang siya sa harap ko na nagdudulot ng saglitang pagkakatulala ko sa kagwapuhan niya. "Hahaha sorry, gusto ko lang malaman kung work from home ka?" tanong niya at napatingin naman ako sa working place ko na medyo messy at kitang kita sa kinauupuan namin ngayon. "Yes, writer ako at dito ako na assigned ng manager ko para kumuha ng project materials sa unit na 'to," sagot ko at halata sa mukha niyang nahanap niya 'yung sagot sa katanungan niya, sa dami ng nagbago kay Liam ngayon hindi naman nagbabago 'yung side niya na katulad nito, 'yung tipong facial expression niya pa lang alam mo na kung anong tumatakbo sa isipan niya. "Ow, kaya pala sa unit number one four three ka niya nilagay, anong genre ang sinusulat mo?" tanong niya habang sarap na sarap ako sa ulam na dala niya. "Horror," maikli kong sagot at nanlaki ang mata niya sa'kin. "Ha? bakit dito ka tumira tapos horror?" tanong niya sabay lingon sa paligid at patago akong napangisi, siya nga si Liam at punyetang buhay 'to hindi pa rin siya nagbagao, duwakang pa rin ang kuya mo. "Ha? hindi mo ba alam kung anong side story ng unit na 'to?" pananakot ko sa kaniya at napainum siya ng tubig sabay iling sa harap ko.Dahil doon tumakbo na naman ang pagiging pilya ko. "May mag jowang daw na na-tegi sa unit na 'to at tuwing may titirang babae at lalaki sa magkabilang unit ay magsisimula na silang magparamdam sa nakatira rito," gawa-gawa kong kwento sa kaniya at halata naman sa mukha niya 'yung takot. Napalunok niya at binilisan ang kain niya sabay lunok at tanong sa harap ko ng— "Seryoso?" saka ako tumango sa harap niya bilang sagot pero sa totoo lang niyan ay nagpipigil ako ng tawa dahil hello katanghaliang tapat ngayon at napakaliwanag ng paligid pero halata ang pagkabalisa niya sa loob ng unit ko. "Wa-wala naman nagsabi sa'kin ng tungkol d'yan at magkakalahating taon na kong nakatira rito pero wala naman akong nararamdaman," sagot niya sa'kin at feeling matapang ang koya mo. "Eh kasi nga wala pang tumitirang babae sa unit ko, eh ngayon na andito na ako kumpleto na ang ritual at asahan nating mamayang gabi ang pagpaparamdam nila," kwento ko sa kaniya saka ako tumayo para ligpitin ang pinagkainan ko, naglakad ako sa likod niya dahil nasa likod niya ang lababo nang biglang may malakas na kumalampag sa unit niya at bigla na lang siyang napatayo at mahigpit na hinawakan ang kamay ko. Imbes na magulat ako sa malakas na kalampag sa unit niya ay mas nagulat ako sa reaction niya at na takot sa lakas nang t***k ng puso ko ngayon. "A-Ano 'yun?" tanong niya at feeling ko si Teptep lang iyon 'yung alaga niyang pagong. Kaso bago ko pa bawiin ang biro at mga pananakot ko sa kaniya ay muling may malakas na kumalampag sa unit niya at pagkaurong niya ay na gitgit niya ko sa lababo na kadahilanan ng pagka out of balance ko at napasandal kaming pareho sa estante sa kusina ko. Nakasandal ako sa cabinet habang siya naman ay nakasandal ang dalawang braso sa ulunan ko, nagtama ang mga mata namin at sobrang lapit namin sa isa't isa. Grabe ito na ba 'yung famous scene sa mga kdrama at anime kong napapanood? 'yung mako-corner si girl ni guy tapos mag ki-kiss sila? Kaya napalunok ako nang marahan niyang inilapit ang mukha niya sa'kin at syete mani pop-corn! ito na ba 'yung kiss na iniintay ko? TO BE CONTINUED
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD