CHAPTER 10

2987 Words
๑ ๑♡✿♡๑ ๑ JHUSTINE KIM's POV Maaga akong na gising sa kalansing ng mga gamit sa kusina, napabalikwas ako at inisip kung may taong nakapasok sa unit ko pero bigla na lang pumasok sa isip ko si Liam na isang malaking trespasser sa unit ng iba. Kaya naghikab na lang ako at inunat ang buong katawan ko sa kama sabay kamot ng tiyan at kapa sa mata ko kung may muta ba ko. "Inaantok pa ko, anong oras na ba?" Tanong ko sa sarili ko sabay balikwas at bangon sa kama ko, nakita kong ala syete na ng umaga at maliwanag na sa labas kaya naman nag-unat na ko at nag squats ng ilang beses para sa kinabukasan ng pwet ko. Pumasok agad ako sa banyo at naghilamos, tumingin ako sa salamain at saglit na natakot sa itsura ko. "Punyeta akala ko maligno," bulong ko sa sarili ko at sinuklay na ang buhok ko, naglagay na ko ng skin care ko tuwing umaga at nag spray pa ng unting pabango, syempre hindi niya pwedeng makita ang totoong itsura ko kung hindi lagot na. Nang matapos ako sa pag-aayos ay muli akong humarap sa salamin at nakita ang malaking pagbabago ng mukha ko, hindi na ko naglagay ng kahit anong make-up maliban sa unting unti na lip-tint kasi girl hindi tayo pwede mabuhay ng wala n'yan. Mukha na kong koreana at legit hindi sa pagmamayabang pero sobrang laki ng pinuti ko simula nang tamaan ako ng lintik na pagmamahal na 'yan. Nakakaputi pala ang pagmamahal? Mahalin ko rin kaya kilikili ko baka pumuti ng kaunti? Pero pwera biro, ang laki talaga ng pinagbago ko nung mangyari samin ang pag-aaway na 'yun, 'yung time na naisip ko na oo nga no ang panget at dugyot ko. Hindi naman sa totally panget ako noon pero sabi nga nila pag hindi mo inalagaan ang sarili mo ay magmumukha ka talagang yagit na nangyari sa'kin noon. Kaya ito na ko ngayon, sobrang adik sa skincare at whitening soap. Hindi ko na rin hinahayaan na umikli ang buhok ko hanggang balikat para naman mapansin niyang may igaganda pa ko kumpara sa dating ako at ang ending? Iyon, sa sobrang dami ng pagbabago hindi niya na nakilala ang itsura ko. Parang bagong tao sa pangalan na Kim at hindi sa pagkatao ni Jhustine. "Gulay, umagang-umaga na ne-nega ako. Dapat positive tayo lagi Jhustina! Kung hindi niya man ako makilala edi goodbye kakalimutan ko na rin siya pagtapos ng five months na 'to, makikita mo Liam makakalimutan din kita!" Pursigido akong lumabas ng kwarto ko at nakita ko siyang nakatalikod habang nagluluto at may suot na apron. Napatameme ako ng saglit sa scene na 'to dahil parang ang sarap makita na may gwapong lalaki na ipagluluto ka ng umagahan. "Uy gising ka na pala, good morning!" Bati niya habang may hawak na siyanse at malaking ngiti ang ibinungad sa'kin. Oh my gad! Pano ako makaka-move on kung ganito ang galawan ng kolokoy na 'to? Hindi ko agad na iwasan na ngumiti sa kaniya at huli na ko para bawiin ito kaya ngumiti na lang talaga ako at lumapit sa kaniya sabay tanong ng, "anong ulam?" "Itlog ko," sabi niya at na gulat ako, hala tarantado gusto niya ipakain sa'kin ang itlog niya? Omg Liam. "Itlog mo?" Ulit kong tanong at tumango siya sabay turo doon sa color blue na pinto habang mabagal na naglalakad si Teptep papasok ng unit ko. "Aaahhh itlog mo," sabi ko na lang nung na gets ko na galing sa unit niya 'yung itlog na niluluto niya, juscopo bakit ba ako naman ata ang iba-iba ang na iisip ngayon. Gutom lang ata ako, makakain na nga ang itlog ng kolokoy na 'to, kaya umupo na ko sa harap ng mesa matapos ko siyang tulungan sa pag-aayos ng mga pagkain namin ngayon umaga. Nakakaloka lang, dapat uma-acting akong nahihiya pa sa kaniya at hindi pa sanay sa presensya niya dahil hello kung tutuosin kahapon lang kami totally nagkakilala as Kim at Liam hindi naman as Jhustine at Liam, kaso hindi ko na mamalayan na kusa akong kumikilos at komportable sa kaniya. Parang walang lumipas na taon sa pagitan naming dalawa. "Teptep lika dito kumain ka ng pipino," sabi niya at napatingin na lang ako kay Teptep na mabagal na naglalakad papunta sa inilapag na pipino ni Liam sa paanan niya at na paisip ako bakit wala sa tubig si Teptep? Hindi ba dapat nasa tubig siya? "Okay lang bang matagal na wala sa tubig 'yang alaga mo?" Tanong ko sa kaniya habang ngumunguya na siya ng niluto niyang umagahan. "Oo tortoise si Teptep kaya okay lang siya sa both," sabi niya at napasubo na lang din ako ng kanin. Maya-maya nang nagliligpit na kaming dalawa ng pinagkainan ay bigla na lang may kumatok sa pintuan ko, napalingon naman ako at agad na sumilip sa labas saka bumungad sa'kin si Ice na naghihikab pa. "Sesh aga mo ah," sabi ko sa kaniya at pumasok siya sa loob ng unit ko nang wala man lang paalam, tignan mo 'tong babae na 'to parang si Liam at home na at home. "Good morning Ms. Ice," bati sa kaniya ni Liam at napaurong siya ng hakbang saka saglit na natulala. "Hu?" Tanong niya sabay lingon sa'kin at gets ko naman agad kung ano ang gusto niyang sabihin halos gumuhit kasi sa mukha niya 'yung pagtataka, well gulat ka girl? Ang bilis no pinagluluto na agad ako. "Rules namin sa unit na 'to ang pagluluto niya ng umagahan at sabay na pagkain," sagot ko na lang at inayos 'yung sandals niyang red na red at super high ang heels sa gilid ng pinto. "Wow ah, para na kayong mag-asawa niyan," sabi niya at sabay kaming na paubo ni Liam. "Huy hindi naman, sayang lang kasi ang pagkain kung may tira kaya naghati na kami," sabi ko at si Liam naman todo tango sa harap niya, kasalanan ng kolokoy na 'to bakit kami na aasar ni Ice eh. "Hah naku, bahala kayo basta magawa mo nang ayos 'yung trabaho na binigay namin sayo ni manager Nicole ay all goods tayo d'yan, and binigyan ka na rin niya ng pang grocery mo," sabi niya sabay dukot ng isang maliit na sobre sa bag niyang red din at binato sa'kin ito, para naman akong professional volleyball player kung makasalo ako nung perang binato sa'kin. "Nice received!" Sigaw naman ni Liam at nagpose pa ko pagtapos ko masalo ang pera na 'to. "Batuhin mo pa ko ng pera madam!" Sabi ko sa kaniya at tumawa lang si Ice. "Hahahaa mag best friend nga kayo para kayong aning," sabi ni Ice na halos ikahulog ng panga ko at ikalaki naman ng mata niya. "What? Mag best friend kami?" Tanong ni Liam at agad naman nag-isip ng ipapalusot niya si Ice. "O-Oo para na kayong mag best friend sa mga galawan niyo eh, ah basta dahil bff na kayo samahan mo mag grocery 'tong si Kim ah," sabi niya kay Liam at tinapik-tapik ito sa balikat. "No problem," sagot niya naman na kinagulat ko, pinanlakihan ko si Ice ng mata pero ngingisi-ngisi lang itong nagsuot ng sandals niya. "Alis na ko guys, dumaan lang talaga ako para ibigay 'yung pera pero may meeting pa kami sa office ngayon sunday bwisit eh," sabi niya at napatawa na lang kaming dalawa ni Liam sabay kaway sa kaniya palabas ng pintuan. "Ingat sesh!" Sabi ko at kumaway na rin siya sa'kin, na iwan naman kaming dalawa ni Liam sa loob ng unit at muling bumalik sa kusina, medyo kabado pa ko ng unti dahil sa pagkadulas ni Ice kanina sa harap namin, sabihin ba naman kami mag best friend kung hinba ba naman siya praning eh baka nag kahint na ang kolokoy na 'to sa tinatago ko. "Ano kailan ka mag go-grocery samahan kita," tanong niya sa'kin at napalingon naman ako sa kaniya, pinupusan niya na 'yung lababo at patapos na sa gawain niya. "Baka may gagawin o pupuntahan ka ngayon? Okay lang naman ako mag-isa saka may malapit namang grocery store d'yan sa baba," sagot ko at umiling siya. "Day-off ko at wala naman akong ibang gagawin ngayon, bukas busy na ko kaya siguro mas okay na samahan na kita ngayon?" tanong niya at tumango na lang ako. "Sige pala mamayang hapon," sagot ko dahil may kailangan pa kong tapusing trabaho, umupo na ko sa working table ko at siya naman ay napaalam na saglit na mag wowork-out sa labas. Dahil wala siya medyo nakapag-focus ako sa trabaho ko at tanging si Teptep lang ang kasama kong nasa bahay. Lahat na ng kailangan kong isulat ay isa-isang nahuhulog sa utak ko kaya dare-daretsyo ako mag-type at walang kahit anong authors block, first time kong magsulat ng romance at grabe hindi ko alam na kikiligin din pala ako habang nagsusulat nito dahil karamihan ng scene rito ay hango sa totoong pagkikita at moments namin ni Liam. Mahilis na lumipas ang oras at nakabalik na siya sa unit at sabay kaming kumain ng tanghalian katulad ng sinabi niya sa'kin, pansin ko na medyo malungkot siya pag wala siyang kausap o kasama, siguro ay na iisip niya pa rin 'yung pagka-heart broken niya kaya ayaw niya mag-isa. Pagtapos namin magtanghalian ay bumalik ulit ako sa trabaho habang siya naman ay nanonood sa unit niya, syempre ayoko naman masayang kuryente ko edi doon siya tumambay sa unit niya at isa pa ayoko rin talaga ng may ibang ingay akong natitinig tuwing nagsusulat ako ng mga novels ko. "Pssst, aalis pa ba tayo?" Tanong niya at napasilip ako sa orasan, hindi ko na mamalayan na malapit na pala lumubog ang araw kung hindi niya panko tatawagin ay talagang habang bukas akong nakaupo sa harap ng laptop ko. "Ay wait maligo lang ako saglit," sabi ko sa kaniya at inawat niya ko sabay sandal sa pinto. "Pagod mata mo kakalaptop tapos maliligo ka? Hindi ka naman siguro aamuyin ng cashier sa grocery store," sabi niya at na conscious naman ako sa sarili ko, pag hindi ako naligo baka mag-amoy araw ako. "Feeling ko ang baho ko eh," sagot ko sa kaniya at saka parang ang haggard ko ngayon, naka oversize T-shirt lang ako at pajama simula pa kaninang umaga. "Edi mamaya ka na maligo pagtapos na'tin na'tin mag grocery ipahinga mo muna kamay at mata mo pagtapos mo kumain ng hapunan," sabi niya at parang na aasar sa'kin na medyo nagbigay sa'kin ng kilig. Concern ba ang koya mo? Awww naman. "Hmm tatay ba kita?" Tanong ko sa kaniya at pumamewang pa nga sa harap ko. "Hindi pero kung kaya naman kitang pagsabihan para sa ikabubuti mo bakit hindi? Wag ka syadong conscious sa itsura o pananamit mo sa grocery lang naman tayo pupunta at isa pa maganda ka pa rin naman," sabi niya na nagpamula sa pisnge ko, agad akong umiwas ng tingin sa kaniya at nagkunwari na may inaayos pa sa laptop ko. "Wew talaga ba," 'yun na lang na sabi ko dahil kinikilig ako, masyado akong nag o-over think na baka isipin niyang ang dugyot kong babae katulad noon pero mukhang hindi naman siguro no? "Intayin kita sa labas," sabi niya at naglakad na papunta sa unit niya at ako naman tumayo na para kunin 'yung pera ko, nagsuklay na lang ako at nagsuot ng tokong kesa sa pajama kong kagabi konpa suot at lumabas ng unit ko. Paglabas ko nakita ko siya sa pinto na nag-aantay at sumakay na kami ng elevator pababa ng building. Pinuntahan namin ang isang grocery store na malapit sa building namin, mura ang mga bilihin at masasabi kong marami-rami kaming mabibili. Habang tulak niya 'yung pushing cart at pinagtitinginan kami ng ibang mamimili, ewan ko ku ng pati ako ah pero for sure napapatingin sila sa kagwapuhan ni Liam. Gwapo naman kasi talaga kahit na nakasuot lang siya ng white T-shirt ngayon at sweat pants ay ang lakas na ng datingan. "Ang cute naman nila, sana pag nagkaasawa ako sasamahan din ako mag grocery," rinig kong bulungan nung mga babae sa gilid namin at naghahagikhikan pa nga, bilib din naman ako sa tenga ko dahil pagtsimis talaga ay lumalawak ang range nito. "Liam mag-asawa daw tayo?" Tanong ko sa kaniya dahil gusto ko sana sabihin na wag na lang intindihin 'yung mga bulungan nila pero paglingon ko sa kaniya ay namumula na ang mukha niya hanggang tenga. "Hu? Okay ka lang dude?" Tanong ko sa kaniya at tumango siya. "Nakakahiya kasi rinig na rinig bulungan nila tapos kung ano-ano pa sinasabi, sorry kung napagkakamalan kang asawa ko," sagot niya at para bang ibinato niya sa'kin 'yung pamumula niya kaya na mula na rin ako sabay malakas na hampas sa likod niya. "Ah-hahaha wag mo silang intindihin," sabi ko na lang at awkward na tumawa sa harap niya. "Mabuti pa, bumili ka ng bet mong bilhin ako magbabayad," sabi ko sa kaniya at nanlaki 'yung mata niya, 'yung mata na para bang nanalo sa lotto at hindi na palalampasin ang pagkakataon na malibre. "Huy, teka 'yung worth two hundred lang ah," pabahol kong sabi sa kaniya dahil bitbit niya na 'yung pushing cart at ready na tumakbo para waldasin ang pera ng iba. Kung hindi ko lang agad na pansin na gutom ang isang 'to sa pera baka tuluyan na talaga akong na scam. "Yes masaya na ko sa two hundred bili lang ako noddles," sabi kiya sabay takbo kung saan at iniwan pa talaga ako mag-isa. Kung noodles lang ang bibilhin niya bakit dala niya 'yung huong cart sa pag-alis niya? Na sapo ko na lang ang noo ko at gusto kong ihampas sa kaniya 'tong kangkong na hawak ko. "Naku Liam na pupuno ka ng disgrasya," bulong ko sa sarili ko at bumalik na lang sa pamimili ng mga gulay at prutas. Napatingin ako sa isang lalagyanan ng kimchi at enoki mushroom na magkatabi, napalunok ako at agad hinanap kung na saan ang meat section sa grocery store na 'to, parang ang sarap mag samgyupsal kaya agad kong inabot 'yung bote ng kimchi kaso may biglang humawak dito at nagkatinginan kami. "Oh?" "Hu?" Pareho kaming nagtaka at bigla na lang namin na mukhaan ang isa't isa. "Yung babae sa front desk?" "Ms. Jhustine Kim Lugen?" Tanong niya sa'kin with full name pa talaga na kinataranta ko kaya agad akong lumapit sa kaniya at bumulong. "Please call me Kim na lang ang haba eh," palusot ko sa kaniya pero takot lang talaga ako na marinig ni Liam ang buong pangalan ko. "Okay po Ms. Kim, hmm mag isa ka lang nag go-grocery? Gusto mo ba samahan kita?" Tanong niya at para naman akong na tuwa sa kaniya kasi ang bait naman ng babaeng 'to. "Aww thank you, pero sinamahan na ko ni Mr. Castillio remember ka join unit ko siya at getting to know each other pa lang kami para walang abirya sa unit naming dalawa," palusot ko sa kaniya pero parang saglit na nalungkot 'yung mukha niya na pinagtaka ko pero agad din siyang ngumiti at sinukbit ang kamay niya sa braso ko. "Ow good idea 'yan Ms. Kim para hindi kayo magkailangan dahil sa connected unit niyo, pwede ba ko sumali sa pag go-grocery niyong dalawa? Actually tapos na ang ship ko today at kapit-bahay niyo lang ako kung tutuosin," sabi niya at napangiti naman ako. "You mean nakatira ka rin sa building na pinagtatrabahuhan mo? Anong floor ninth din ba?" Tanong ko at tumango siya. "Yes katapat ng unit ni Mr.Liam, siguro naman magandang idea kung maging close na rin tayong tatyo tutal magkakapit-bahay lang naman tayo," sabi niya sa'kin sabay ngiti ng malambing. Hindi naman masamang idea 'yun at kung sabagay mas maganda kung may kakilala pa kong iba sa building na tinitirahan ko para incase na may emergency may matatakbuhan ako or mahihingan ng tulong. Kunware hindi ko sinasadyang na adobo ko si Teptep, at least may mahihingan ako ng tulong hehehe. "Goods 'yan, tara sama ka samin saka sabay ka na rin kumain samin mamayang hapunan may gusto sana akong daanan na kainan d'yan sa kabilang kanto sama ka?" Masaya kong tanong sa kaniya at tumango naman siya. "Go I'm in! Nakakapagod din ang maghapon kong work," sabi niya at sabay na lang kami napalingon kay Liam na kakadating kang bitbit ang sandamakmak na pagkain. So ano? Worth two hundred pesos ba lahat ng nakalagay sa pushing cart? "Hmmm?" Tanong ni Liam at hindi alam kung ano ang sasabihin nang makita niyang kasama ko si front desk girl na hindi ko pa na tatanong ang pangalan. "Hmmm? Magkano 'yang na bili mo?" Tanong ko na lang sa kaniya at napakamot siya ng ulo sabay tingin ulit doon sa babae, mukhang hindi gusto ni Liam na isama namin 'tong si ate girl pero anong gagawin ko? Naka-oo na ko. "Ah, oo nga pala si ano— ah ano nga ba name mo? sorry," tanong ko sa kaniya at tumawa lang siya sabay pakilala. "I'm Aubrey Montana, sana maging friends tayo guys," sabi niya at masaya naman akong ngumiti sa kaniya pero ang koya mo parang hindi betsung si ate girl kaya sinukbit ko na lang din ang kamay ko sa braso ni Liam at pumagitna sa kanilang dalawa. "Sasama sa'tin si Aubrey kumain doon sa kabilang kanto at sana maging friends tayong tatlo," sabi ko na lang sa kanilang dalawa at pilit na ngumingiti sa harap ni Liam na halatang hindi agree sa idea na pinagsasabi ko. Pero wala na naman siyang choice, kung ayaw niyang sumama edi ibalik niya lahat ng laman ng grocery cart na pinagkukuha niya. "Nice to meet you Aubrey," pakitang tao niyang ngiti doon kay ate girl at pagtapos niyang magpakilala kay Aubrey ay bumaliktad agad ang mga ngiti 'yun. Hala plastik talaga 'tong lalaki na 'to. Kakawindang siya! Ano bang nangyari sa kanila ni Aubrey para tarayan niya ng ganito pag hindi na nakatingin 'yung tao? TO BE CONTINUED
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD