CHAPTER 9

2939 Words
๑ ๑♡✿♡๑ ๑ JHUSTINE KIM's POV Nakatingin lang siya sa'kin at hindi ko naman alam kung ano ang tumatakbo sa isipan niya, na alala niya kaya 'tong lagi kong ginagawa sa buhok niya? Mahahalata niya na kaya na ako si Jhustine na kaibigan niya? Dahil gustong-gusto ko mag-sorry sa kaniya ngayon pero wala akong lakas ng loob at pagkakataon. "Ah sorry, may na alala lang ako sa ginawa mo. Nakaka-miss lang hahaha," sabi niya at inaya na ko bumalik sa unit namin kahit gusto ko pa siyang kausapin kaso siguro hindi pa ito ang tamang oras para malinawan kaming dalawa. "Ah ganun ba? hahaha pasensya na," sagot ko na lang at naglakad na kami pabalik sa unit, habang naglalakad kaming dalawa ay na pansin ko naman na medyo okay na 'yung mood niya kesa kanina na parang na down talaga siya. Nakangiti na siya ngayon at dinadaldal ako ng lubos, seriously pinakaba niya ko ng kaunti doon pero buti na lang at naging masiyahin ang koya mo. Naglakad kami ng hindi naman kalayuan at pumasok na sa entrance ng building, na pansin kong nakatingin samin 'yung babae kahapon na pinagtanungan ko ng unit ko. Napatayo siya at kumaway sa diresyon namin na kinabigla ko, kinalbit ko saglit si Liam na busy sa pagpindot ng elevator at tinuro 'yung babae sa front desk. "Huy kinakawayan ka ata nung babae baka may sasabihin," kulbit ko sa kaniya at napalingon naman siya, iniisip ko kasi na for sure hindi naman ako 'yung kinakawayan nung babae dahil kakatira ko lang sa building na 'to at baka siya ang close doon sa girl. "Hu? Ako ba kinakawayan niya?" Tanong niya sa'kin at kumunot na kang ang noo ko, ano ba 'tong lalaki na 'to malay ko rin kung sino kinakawayan niya samin ngayon na hindi niya rin alam ang sagot. "Ha? Hindi mo ba siya kilala? Di ba mas matagal ka nang nakatira dito, baka may sasabihin puntahan na na'tin," sabi ko at napakamot lang siya ng batok niya. "Wala naman akong order sa shopee ngayon hindi naman eleven-eleven," sagot niya sa'kin at pansin kong iritable siya kaya nagtaka naman ako pero naglakad na rin kami papunta doon sa front desk ng building at kinausap 'yung babae. "Hmm hello Sir Liam, hmmm Ma'am?" Tanong niya sa'kin at nagpakilala naman ako, seryoso hindi niya na tatandaan ang mukha ko? Akala ko nga kanina ako ang kinakawayan niya. "Ms. Kim," sagot ko na lang dahil baka mamaya mabisto pa ko sa harap ng kolokoy na 'to. "Ah may package ba or announcement?" Rektang tanong ni Liam na pinagtaka ko, bakit parang ang taray niyang sumagot? Badtrip na naman ba ang koya mo? "Hmm wala naman sir, gusto ko lang kayo batiin ng good pm," sabi ni ate girl na kinawindang ko rin, seryoso siya matapos niya kami palapitin sa front desk? "Hu? Hahaha okay good pm din," sagot ni Liam at kumaway na doon sa harap ng babae at ako naman ay tumango-tango na lang sa harap niya at paglingon ko kay Liam na hagip ng mata ko 'yung bored na expression niya. Hu? Teka bakit parang ang taray naman ni Liam sa harap nung girl na 'yun? Napakamot na lang ako ng ulo ko at hindi na lang pinansin ang mga nakita ko, baka may something lang sa kanila kaya hindi maganda ang aura ni Liam sa kaniya, baka hindi ibinigay ang shopee order niya? Pagpasok namin sa loob ng elevator ay agad naman akong tinignan ni Liam ng may ngiti sa mukha, creepy ng isang 'to parang nagsusuot ng maskara pagkaharap ako. "Oy, nakita ko mukha mo kanina ah ang taray mo doon sa girl tapos makangiti ka sa harap ko, may modus ka ba?" Tanong ko sa kaniya at napataas lang ang dalawang kilay niya sabay tawa nung nag sink in sa utak niya 'yung tanong ko. "Anong modus ko sayo? Hahahah sabagay madami ka atang pera sa pagsusulat mo? Kung kidnapin kaya kita at ikulong sa puso ko?" Tanong niya sa'kin sabay kindat pa ng koya mo! Punyeta mahahalikan ko 'to pigilan niyo ko! Pero kalma Jhustine babae ka tandaan mo ikalma ang kipay. "Luh, bumabanat ka na naman. Gusto ko maging straight forward ah, ayoko sa malanding lalaki lalo na kung kaka-open up lang nito ng heart break niya sa'kin tapos magsasabi ng kung ano-ano, hello hindi ako marupok para maging rebound mo," sabi ko sa kaniya at parang na rinig ko 'yung expression na ginagawa ng mukha niya. Walang napa Wooooooah siya at kulang na lang eh takpan niya 'yung bibig niya sa pagkagulat sa mga sinabi ko. "Bakit ganiyan ka makapag-react?" Tanong ko sabay bukas ng pintuan ng elevator kaya lumabas na kami sa floor namin. "Wala lang ang prangka mo lang na kakatuwa," sabi niya at inirapan ko siya, well alanganin naman maging marupok ako sa kaniya pero unti na lang rurupok na talaga. "Prangka talaga ako, ayoko sa plastik," sabi ko sabay tingin sa kaniya at 'yung mukha niya para na namang na shokot sa pinagsasabi ko. "Wooooah! wait bakit ganyan ka makatingin so your telling me na plastik ako?" Tanong niya at nagbikit-balikat lang ako bilang sagot sabay bukas ng unit ko kaso ang koya mo pumasok din sa unit ko. Sesh wala kang unit? Walang pinto bahay mo? "Hu? Wala akong sinabi ah bakit na tamaan ka ba?" Sabi ko sa kaniya at 'yung mukha niya mukhang defeated kaya natuwa naman ako sabay ngiti sa kaniya. "Hahahaha biro lang, nakita ko lang 'yung expression mo kanina doon sa babae pagtapos mong tumalikod, kulang na lang mag make-face ka at dumila-dila pagkatalikod mo hahaha," natatawa kong sabi dahil para talaga siyang bata kanina na naiirita doon sa babae. "Hmm ewan ko ba, basta ayoko sa kaniya," maikli niyang sagot sabay daretsyong lakad sa kusina ko at kuha ng tubig, napanganga na lang ako dahil feeling at home talaga siya. "Ay teka alaga ko," sabi niya sabay takbo sa unit niya habang dala 'yung baso ko. "Wow, kapal ng muks," sabi ko at nilapag na lang ang gamit ko saka naghubad ng slippers at uminum din ng tubig, pumunta ako sa pintuan naming dalawa at sinilip ang ginagawa niya. Nakita ko siyang nakatuwad sa ilalim ng mesa at muntikan ko na maibuga 'yung iniinum ko. Pano ba naman bakat ang pwet ang tambok juscopo. "Huy anong gawa mo d'yan?" Tanong ko sa kaniya at pinakita ang hawak niyang maliit na hiwa ng carrots at inaabot sa alaga niyang pagod. Nagulat naman ako dahil hinayaan niya 'yung pagong niya na gumagala sa loob ng buong unit niya. "Wala siya sa aquarium?" Tanong ko at hindi na pinigilan ang paa ko na pumasok sa unit niya, aba dapat kapalan ko rin ang mukha ko dahil ang kapal ng sa kaniya. "Oo nakakabalik naman siya ng kusa sa bahay niya dahil naglagay ako ng daan para makabalik siya at makalabas, hinahayaan ko na hindi naman siya makalat," sabi niya at tinatawag ang pangalan ng alaga niyang si Teptep. Napalingat ako sa sala at kusina niya, may ilang nagbagsakan na gamit pero wala naman na basag, ito ata 'yung na rinig naming kumalabog kanina at masasabi niyang hindi makalat ang pagod niya? "Hmm okay mukha ngang hindi makalat," sabi ko at yumuko rin para makita kung anong ginagawa ng pagod niya. Dahan-dahan itong naglalakad papunta sa kaniya at sesh sobrang bagal talaga na parang maiinit ka sa kakaintay bago siya makalapit sayo. "Kung kunin at buhatin mo na kaya para makakain na no? Feeling ko lanta na 'yung carrots na hawak mo bago niya pa makain 'yan," sagot ko at lumingon naman siya sa harap ko at dahil nasa tabi niya lang ako at malapit sa likuran niya ay muntikan na magtama ang mga mukha naming dalawa. At ito na naman ang punyetang puso ko daig pa kabayo sa bilis ng pagpintig nito. "Tingen mo?" Tanong niya at ako na ang umiwas ng mukha saming dalawa. "O-oo, tignan mo siyam-siyam pa bago 'yan makalapit sayo," sagot ko sa kaniya sabay urong ng upo at nilapitan 'yung pagod niya. "Ako na nga kukuha," sagot ko. "Teka wag—" pero huli na ang lahat, nakaramdam na ko ng pagbaon ng maliliit na ngipin sa kamay ko at agad akong napahiyaw. "Aray ko! Punyemas kang Teptep ka iaadobo kita!" Sigaw ko at nagkakatarantahan kaming dalawa sa kung anong gagawin sa alaga niya. "Aray! Hoy! Alisin mo 'to Liam!" Sigaw ko at hindi niya alam ang gagawin kung tatawa ba siya o magpa-panic. "Lalo pang bumabaon ang alaga mo!" Sigaw ko sa kaniya at bigla siyang napatigil sa pagtakbo at paghahanap ng sulosyon kung pano matatanggal ang pagkakakagat ni Teptep sa'kin. Natulala siya at parang na mula habang nakatingin sa'kin na pinagtaka ko. "Anong ginagawa mo d'yan? Dali bunutin mo 'tong alaga mo!" Sigaw ko sa kaniya at lalo siyang na mula. "Teka lang ibang alaga 'yung na iimagine ko Kim, kumalma ka nagiging green minded ako eh," sagot niya at kumunot ang noo ko, ano bang iniisip niya? "Ha? Dalian mo dumudugo na ata 'to," sagot ko at lalo siyang na mula hanggang tenga niya sabay takip sa bibig niya. "Malaki ba alaga ko Kim? Sorry ah," sagot niya at halos magwala na ko sa inis, ano bang ginagawa niya at hindi pa siya kumikilos para maalis 'yung pagkakabaon ng ngipin nitong ni Teptep. "Anong malaki? Oo ang laki kaya ni teptep pati ngipin niya malaki kaya ang sakit dalian mo alisin mo 'to ia-adobo ko 'tong alaga mo!" Sigaw ko sa kaniya at doon na balik siya sa wisyo at nataranta. "Wag mo kasi siya takutin nakakaintindi 'yan sige ka lalo niyang ibabaon ang alaga este ang ngipin niya!" Natatarantang sabi ni Liam at itinapat ang carrots sa mukha ni Teptep saka ito bumitaw ng pagkakagat sa'kin at kinain ang carrots na dala ni Liam. "Aw ang sakit," badtrip kong sabi sa kaniya at inilapag 'yung pagong sa loob ng tirahan nito. "Akin na hugasan na'tin," sabi niya sabay kuya ng kamay ko at tapat sa sink, binuksan niya ang gripo at marahan na hinugasan ang kamay ko. Saktong kilig naman ang naramdaman ko dahil hawak-hawak niya ang kamay ko, ano ba! Teptep pakikagat nga rin 'yung kabilang kamay para hawakan niya rin char. "Pasensya ka na sa inakto ni Teptep, medyo mataray talaga 'yan sa hindi niya pakilala tapos bigla siyang binubuhay," paliwanag niya sa'kin tinaas ng bahagya ang t-shirt na suot niya saka iyon ang ginamit na pamunas sa basa kong kamay. Sheet akala ko ipapasok niya sa loob ng t-shirt niya tapos papakapa niya 'yung abs niya sa'kin pero kalmahan mo lang Jhustina wag kang ano! "Wala ka bang malinis an towel? Na sisilip ko 'yung tiyan mo oh," sabi ko sa kaniya sabay tingin sa ibang direksyon pero bet din naman makasulyap sa tinapay ni Mr. Castillio. Napatingin siya sa ginagawa niya at saka lang nag sink in sa utak niya 'yung scene naming dalawa kaya agad niyang na bitawan ang kamay ko saka takbo sa kwarto para kumuha ng malinis na towel. Kakamot-kamot naman siya ng ulo na lumabas sa kwarto niya at inabot sa'kin 'yung puting towel. "Teka kukuha ako ng gamot," sabi niya at may inabot doon sa drawer niya saka ako inaya umupo sa sofa niya. Magkatabi kaming dalawa at halos kabahan ako sa paghawak niya sa kamay ko, teka lang bakit kinakabahan ako? Wala naman mangyayari saming dalawa dito at kahit sabihin pang nasa unit niya ko or nasa unit ako ng isang lalaki ay isang tumbling lang pabalik ay andoon na ulit ako sa unit ko. So anong problema? Bakit ako na te-tense? Bakit ako na e-excite? Gaga lang Jhustina? "Iyan okay na," sabi niya sa'kin at nahuli niya kong nagpapaypay ng kamay sa mukha ko. "Mainit ba? Nakapatay nga ata 'yung air-con," sabi niya pero sa isip-isip ko siya 'yung hot. Omg! Ano ba 'tong tumatakbo sa utak ko! Ang harot-harot ko hindi ako pinanganak ng nanay ko para lumandi ng ganito pero wait— pwede naman siguro lumandi ng berilyt lang no? "Hindi okay lang, balik na nga ako sa unit ko," sabi ko sa kaniya at tumayo na rin siya. "Wait, pag-uusapan pa na'tin 'yung sa rules di ba?" Tanong niya saka lang pumasok sa kokoto ko na puro siya ang laman 'yung usapan namin kanina. "Ah oo nga pala," sabi ko sa kaniya at naglakad na pabalik sa unit ko. "Sure ka hindi masakit 'yung kagat ni Teptep sayo?" Tanong niya at tinaasan ko lang siya ng kilay. "Nakita mong nataranta ako kanina di ba? Nakita mong nagdugo? May masarap bang nagdudugo?" Tanong ko sa kaniya at nasapo niya lang ang noo niya saka ko siya nakita na nagkukulay kamatis na naman. "Bakit parang double meaning 'yung mga sinasabi mo Kim? Oo meron kayang nasasarapan pag may dumugo," sabi niya at kumunot na lang ang noo ko. "Sadista naman nun, nasaktan na nga nasarapan pa ay bahala ka," sabi ko sa kaniya at malakas siyang tumawa na pinagtaka ko pero hahayaan ko na siya kung ano mang tumatakbo sa utak niya. Pumunta kami sa kusina ko at doon nag meeting na parang boss and secretary ang datingan, nasa harap namin ang dalawang papel na nagsasabi ng mga kasulatan tungkol sa pagtira namin ng magkamasa sa connected unit na 'to. "Okay rule number one," sabi ko at pinaliwanag ang sinulat ko sa papel. "Bawal pumasok nang hindi kumakatok," sabi ko a kaniya at pumirma siya sa tapat ng rules na iyon bilang pag-sangayon. Para kaming nagkakapirmahan ng titulo o pautang sa ginagawa naming dalawa. "Ako naman, rule number one pwede akong sumabay kumain sayo kapalit ng writing materials mo," sabi niya sabay halukipkip pa ng sa harap ko na akala mo naman talaga ang cool ng rules na binibigay niya. "Kulang ka ba sa aruga? Bakit gusto mo may kasama kumain?" Tanong ko sa kaniya at pansin kong nawawala na 'yung awkwardness namin dalawa dahil para kaming tanga kung mag-usap. "Pumirma ka na lang, makakalibre ka na nga ulam eh," sabi niya at agad akong pumirma dahil hello libre. "Rule number two, bawal kang gumamit ng electricity sa bahay ko, bawal ka mag-charge or manood ng TV kasi hello hindi mo naman ako hahatian ng pambayad," sabi ko sa kaniya at napakamot siya ng ulo. "Awts sayang kaya nga kita kini-close eh," sagot niya at muntikan ko na siya mabato ng ballpen buti na lang sinabi niyang, "joke lang hehehe," sabay pirma doon sa tabi ng kasulatan. "Rule number two, aalagaan mo si Teptep tuwing wala ako kapalit ng libre mong paggamit ng electricity sa bahay ko," sabi niya at tumaas ang kilay ko, seryoso ba siya nagkakatalo ang mga rules namin ah at bakit parang lumalabas na ako ang masama ang ugali saming dalawa. "Seryoso ka? May libre na kong pagkain may libre pa kong kuryente?" Tanong ko sa kaniya sabay pirma agad. "Wow ang bilis ah, oo hindi ko rin naman nagagamit 'yung kuryente ko sa bahay eh saka company bill naman 'yan don't worry hahaha," sabi niya at napahanga naman ako sa company na pinapasukan niya. "Okay sige ako naman rule number three, bawal manggulo pag may trabaho," sabi ko at ngumuso siya. "Pano pag may urgent kwento ako sayo? Bawal kang tsimisin?" tanong niya at aba ang koya mo tsimoso na ng taon. "Pag juicy 'yung kwento siguro pwede," sabi ko at sinulatan niya 'yung rules ko ng juicy sabay pirma na kinatawa ko. "Wow may remarks," sagot ko at tumawa rin siya sabay basa ng rule number three niya. "Akin naman, rule number three magkukwento ka rin sa'kin if kailangan mo ng kausap," sabi niya at napakunot na ang noo ko. "Rules ba talaga 'yan sa unit mo?" Tanong ko at tumango siya. "Yes syempre kapit-unit kita kung kailangan mo ng makakausap dapat present ako," sabi niya at patago akong napangiti, iisipin ko na lang na concern siya sa'kin at hindi dahil sa pagka-tsismoso niya. "Okay, rule number four bawal magkalat sa unit ko," sabi ko sa kaniya at agad siyang pumirma na walang kareklareklamo. "Rule number four, papayagan mo ko maligo sa banyo mo pag walang tubig sa unit ko," sabi niya at napatayo ako pero sumimangot na agad siya sa harap ko at nagpa-cute na naman. "Minsan kasi nawawalan ng linya ng tubig 'yung akin kasi dulo na 'yung unit ko eh," paliwanag niya na parang bata at nasapo ko na lang ang noo ko sabay pirma sa kontrata. "Tsk okay, rule number five. Walang pakialamanan ng gamit," sabi ko at pumirma agad siya. "Remote lang ng TV sapat na," sabi niya at tinaasan ko siya ng kilay. "Hoy rule number two!" Paalala ko sa kaniya at tinaasan niya lang ako ng kilay. "Pano pag nakabukas na talaga 'yung TV mo tapos na nonood ka? Bawal makinood?" Tanong niya at napaisip naman ako. "Tsk sige na nga," sagot ko dahil ayoko naman maging madamot. "Sa'kin naman last rules ko sa unit ko, kakainin mo myung breakfast na iluluto ko," sabi niya at nagtaka na naman ako hindi kaya may balak siyang lasunin ako. "Wait may kasunod 'yun, in exchange sa laman ng refrigerator mo," sabi niya at napanganga na lang ako. "What seryoso?" Tanong ko at tumango siya. "Ipagluluto kita ng umagahan, ako naman sagot sa hapunan ano deal?" Tanong niya sabay ngiti sa harap ko na akala mo talaga scammer pero pumirma na lang ako para matapos na ang lahat nang 'to. "Deal, scam 'yung libre sa gabi may kapalit pala sa umaga," bulong ko na pinagtaka niya. "Ha?" Tanong niya "Hotdog," sagot ko. Tsk, kuripot. TO BE CONTINUED
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD