CHAPTER 11

3112 Words
๑ ๑♡✿♡๑ ๑ JHUSTINE KIM's POV Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa at sobrang aliw na aliw sa expression ni Liam na parang kada minuto ay nagbabago. Maayos niyang kinakausap si Aubrey na ngayon ay katabi niya sa upuan habang nasa harap nila akong dalawa at pinagmamasdan ang kaplastikan niya. As in magaling siya makisama sa harap nung tao pero pag tumitingin na sa'kin si Aubrey at nakikipag-usap eh agad na bumabaliktad 'yung ngiti niya na akala mo talaga nagtanggal ng maskara. Ang creepy ni Liam sa totoo lang pero buti na lang ay kilala ko siya personally at alam ko ang side na pagtataray niya sa babaeng 'to. Ang hindi ko lang malaman ay bakit niya tinatarayan si Aubrey? May na gawa ba siya kay Liam o talagang ayaw niya lang sa ibang babae? Pero ayos naman siya sa'kin saka kay Ice, hindi kaya pakitamg tao lang din 'yung pinapakita niya sa harap namin? Napaisip naman ako habang patuloy na kumakain ng pares dito sa gilid ng kalsada, malamig ngayon dahil november na at ramdam mo na sa simoy ng hangin ang lamig kaya naman super sarap humigop mainit na sabaw habang ngumunguya ng karne. "Matagal na kong nagwo-work sa building na'tin as front desk and tuwing 6pm ang off ko this week kaya lagi akong busy at hindi makagala buti na lang nakasama ko kayo ngayon, and what a coincidence na magkakatapat ang unit na'ting tatlo," masayang sabi ni Aubrey saming dalawa at pansin kong madaldal ang isang 'to to the point na wala pa siyang nakakain sa ino-order niya. "Ah goods 'yan, busy din ako at si Liam at ay may trabaho bukas?" Tanong ko kay Liam at agad naman siyang sumagot sa'kin. "Yes may work ako bukas kaya ikaw muna bahala kay Teptep ah please!" Sabi niya sabay kuha sa kamay ko at hinawakan 'to sa harap ni Aubrey, na hagip naman ng mata ko 'yung pagbaliktad ng ngiti niya na medyo kinatakot ko kaya agad kong binawi ang kamay ko sa pagkakahawak ni Liam. "Yeah kuha ko roger that," sagot ko na lang sa kaniya at muling bumalik sa kinakain ko, nakita ko naman na ngumiti sa'kin si Aybrey at bilang dakilang author ay nakakatunog na ko sa mga susunod na scene rito. Mukhang may crush si Aubrey kay Liam at kaya siguro siya sumama samin ngayon ay nakatunog na siyang makakasama ko si Liam sa paggo-grocery, pero pano? Dahil kaya sa pagbisita ni Ice kaninang umaga? Napaisip naman ako pero hindi ko lang ito masyadong pinansin kasi sakit lang sa ulo at sa heart no, hindi naman ako manhid at medyo nagseselos din ako na magkatabi sila pero kailangan kong alisin ang ganitong mindset ko kung gusto ko talaga maka-move on kay Liam. "So kamusta naman 'yung pagtira niyo sa unit na 'yun? Naku sabi pa naman nila galing sa dating magjowa ang unit na 'yun at puno ng pagmamahalan baka mamaya ma develop kayong dalawa," asar niya samin pero parang hindi ako na tutuwa. "Hahahaha bakit hindi, swerte ko kung maging girlfriend ko si Kim," sagot ni Liam na kinagulat ko kasi biglang sumama 'yung tingin sa'kin ni ate girl kaya agad kong inapakan 'yung paa ni Liam sa ilalim ng lamesa at todo ngiti sa kaniya. "Asa naman, busy ako ayoko ng love life," sagot ko sa harap nilang dalawa at si Liam naman panay ang pacute sa harap ko na akala mo talaga eh kakagat ako. No! Ayoko issue 'to! Magiging marupok na lang ako pag tayong dalawa lang char. "Oww sayang naman ang gwapo kaya ni sir Liam, sa katunayan nga marami kaming nagkaka-crush d'yan, ay omg na dulas ako," sabi niya at nakakaloka lang dahil halata naman na gusto niyang aminin kay Liam na may crush siya. Napangiti na lang ako sa harap niya habang si Liam naman ay kakamot-kamot na ng batok niya. "Hahahaha salamat sa admiration niyo sa'kin pero broken pa ko," sagot niya at miske ako na inis, sabay kami ni Aubrey na medyo na down. "Makakalimutan mo rin 'yan sir. Liam pa nahanap mo na ang the one," sabi naman ni Aubrey sa kaniya at kulang na lang ay hawakan niya ang mukha ni Liam at itapat sa kaniya para maisip ni Liam na siya ang the one. Napapailing na lang ako sa inaakto nilang dalawa kaya napahigop na lang ako ng sabaw at inubos ang ulam ko. "Mapunta naman tayo kay Ms. Kim, ikaw wala ka bang crush kay sir Liam or may bet ka nang iba?" Tanong niya at muntikan na kong maubo, 'yung totoo? Kakakilala lang namin kanina ah? Bakit parang lahat ng tao sa paligid ko feeling close? "Hmm, may crush ako pero matagal na nung high school pa," sagot ko sa kaniya at napangiti na lang si Aubrey. "Aww first love mo?" Tanong niya at tumango ako. "Describe mo naman, maaga pa naman para umuwi." Napaisip naman ako at saglit na napatingin kay Liam saka nagtama ang mga tingin namin kaya muntikan na ko masamid. Umubo ako at sinimulan magkwento tungkol sa first love ko na kaharap ko lang ngayon. "Hmm ano ba ulit mukha niya, may dark brown siyang mga mata na pag nasisikatan ng ataw nagiging light brown tapos may wavy hair siya na ang sarap guluhin at panggigilan," sabi ko at hindi maiwasang mapangiti. "Kwento ka pa pano kaya nagkakilala," sabi naman ni Aubrey at parang nadadala ako ng kilig ngayon. "Hmm kababata ko siya," sagot ko at ngumiti lang si Aubrey sa harap naming dalawa sabay turo kay Liam na kinagulat ko. "Parang si sir Liam naman 'yung description mo Ms. Kim," asar niya sa'kin at doon lang nag sink in sa utak ko na punyeta si Liam nga pala 'yung first love ko! Laki kasi nang pinagbago ng ugali nitong kolokoy na 'to kaya hindi ko dama pero kailangan na'ting magpalusot baka mamaya mahalata niyang ako si Jhustina. "No! Hindi ah tahimik 'yun at saka nung high school kami na tegi na siya," palusot ko at halos kagatin ko ang dila ko dahil sa kagagahan ko. Sorry Liam pinatay na kita sa kwento ko! Kasalanan mo 'to dahil sinaktan mo ko noon iyan tuloy laki ng trauma ko na ang ending eh nagsisinungaling na ko sa harap mo. "Omg sorry, hindi ko sinasadya na maungkat 'yung past mo," sabi ni Aubrey at umiling na lang ako habang kabadong kabado sa harap nilang dalawa. "Grabe namatay 'yung first love mo? Kaya ba hindi ka makapagsulat ng romance story ngayon?" Nagtatakang tanong naman ni Liam at tumango na lang ako, bahala na kung anong isipin nilang dalawa basta wag lang mahalata ni Liam na ako si Jhustine. "Aww ang sad naman, writer ka pala Ms. Kim?" Tanong naman ni Aubrey at tumango na lang ako, sa totoo lang na de-drain na ko sa usapan na 'to kaya tumayo na ko at inaya silang magbayad at umuwi. "Uwi na tayo," aya ko at tahimik na lang silang sumunod, siguro iniisip nila na wala ako sa mood dahil sa na alala ko 'yung past crush ko na gawa-gawa lang. Sorry talaga Liam pinatay pa kita sa kwento ko, ito kasi si Aubrey eh daming tanong 'yan tuloy mas dumadami pa 'yung kasinungalingan na nasasabi ko. Bitbit ang mga pinamili namin ay sabay-sabay kaming umakyat sa floor naming tatlo at pumasok na sa kaniya-kaniya naming mga unit. Nung una gusto pa tumambay ni Aubrey sa unit ni Liam pero ang ending maaga daw matutulog si Liam dahil may pasok pa siya bukas na hindi ko naman pinaniwalaan dahil halatang iniiwasan niya lang si Aubrey kaya ang ending eh sa unit ko siya tumambay. "Nakakatuwa naman na isang pinto lang ang pagitan niyong dalawa," sabi niya habang nililibot niya ang paningin niya sa loob ng unit ko at inabutan ko na lang siya ng juice na maiinum. "Minsan hindi ako natutuwa, magulo kasi si Liam," kwento ko sa kaniya at ngumiti lang siya sa harap ko sabay salumbaba. "Makulit si sir Liam? Totoo ba? Hahaha parang pag nakikita ko kasi siya sa location ko tuwing papasok siya sa umaga ay ang seryoso ng mukha niya. As in parang business man ang datingan kaya nga madaming humahanga d'yan," kwento niya naman na nakakuha ng attention ko. "Talaga? Malayo sa kengkoy na itsura niya ngayon?" Tanong ko at umupo na rin sa tabi niya, para kaming nag gi-girls night out ngayon kulang na lang pajama kasi naka-casual clothes pa rin kaming dalawa. "Oo pag na abutan mo siya bukas before pumasok naku girl mai-inlove ka," sabi naman niya at napataas na lang ang kilay ko, realtea ba? Agahan ko kaya gising ko bukas ng umaga. "Kaso tanghali na ko magising eh, mas active kasi utak ko tuwing gabi kaya doon ako nakakapagsulat for sure anong oras na ko magiging bukas nang umaga," sabi ko sa kaniya pero ang totoo niyan ayoko lang i-try makita kung ano 'yung nakikita nila kasi baka mamaya ma-fall na naman ako. "Awts sayang kahalati ng buhay mo," sabi niya na kinatawa ko, abnormal din pala ang babae na 'to at mukhang crush na crush niya si Liam. "Hahahaha grabe girl haha," tawa ko sa kaniya at mukhang hindi naman masamang kaibiganin itong si Aubrey, mukhang ayaw lang talaga sa kaniya ni Liam. "Pwera biro for me ah, ang tagal nang nakatira rito ni sir. Liam at masasabi kong nakita ko na lahat ng pormahan niya at super gwapo talaga girl," sabi niya sabay lapit sa'kin at bulong. "Crush na crush ko talaga 'yan feeling ko nga mahal ko na eh," sabi niya na kinagulat ko, hindi ko alam kung mabibigla ba ko o malulungkot. Parang na bigla ako kahit alam ko nang pwede niyang sabihin ito sa'kin at nalulungkot dahil hindi ko alam kung talagang igi-give up ko na ang feelings ko para kay Liam. Pinili ko na lang ngumiti sa harap ni Aubrey at ngumiti rin siya sa'kin sabay bulong nang, "pwede mo ba kong tulungan na mapalapit kay sir. Liam? Please Kim matagal ko na talagang crush 'yan eh," bulong niya sa'kin at hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kaniya. Parang na urong 'yung dila ko at walang maisagot sa sinabi niya, napatungo na lang ako. "Umm sige sure," iyon na lang ang lumabas sa bibig ko at masaya niyang kinuha ang dalawang kamay ko sabay ngiti sa harap ko. "Thank you Kim! Sabi ko na nga ba't ikaw ang makakatulong sa'kin. Unang kita ko pa lang sayo pakiramdam ko magiging friends tayo," sabi niya na medyo hindi ko sinang-ayunan dahil hindi mo alam 'yung totoo g ugali ko Aubrey. Hindi mo ko kilala at 'yung feeling ko para kay Liam ay hindi mo alam kaya pano mo nasasabing unang tingin mo pa lang sa'kin ay magiging magkaibigan na tayo? Napalunok na lang ako at konsensya na naman ang nararamdaman ko, hirap naman tarayan o tanggihan 'yung ganitong tao na kung makangiti sa harap mo ay todo. Parang ang bilis niyang ibigay 'yung tiwala niya sa'kin na kinakatakot ko kasi pakiramdam ko masisira ko lang 'yun. "So tutulungan mo ko ah, deal na 'yan ah oo nga pala may ibibigay ako sayo," sabi niya at mabilis na tumayo sa pagkakaupo. "Wait lang ah," sabi niya sabay takbo pabalik sa unit niya at maya-maya ito na siya may dala-dalang lalagyan ng ice cream. Napatayo naman ako kasi girl ice cream 'yun. Kaso nung iniabot niya sa kamay ko na ramdaman kong mainit 'yung lalagyan kaya nagtaka ako. "Sopas nagluto ako, kainin mo 'yan mamaya if magutom ka sa pagsusulat mo," sabi niya at napangiwi na lang ako, akala ko ice cream pero masaya na rin ako dahil na isip niyang bigyan ako. "Thank you Aubrey, saka pwede mo naman akong tawaging Kim. Wag mo na kong galangin hahaha," sabi ko sa kaniya at masaya naman siyang tumango sa'kin. "Sige na pala maaga rin akong papasok bukas eh goodnight Kim," bati niya at kumaway na rin ako sa kaniya saka ko sinarado ang pinto at kinandado na ito dahil sa gabi na. Umupo ako sa working table ko at napabuntong hininga, grabe para akong lantang gulay ngayon dahil sa mga kaganapan na hindi ako ready. Napatingin ako sa lalagyanan ng ice cream na sopas ang laman, naglakad ako papunta sa kusina at kumuha ng kutsara. Pagbukas ko nang lalagyan ay saktong bukas naman ng asul na pinto at niluwa nito si Liam na nakapantulog na. "Sarap 'yan?" Tanong niya sa'kin at napairap na lang ako, lahat ng stress at isipin ko ngayon ay dahil sa kolokoy na 'to. Bakit ba kasi ang daming nagkakagusto sayo tapos ang friendly mo pa masyado kaya madaming na po-fall sayong animal ka? Pwede bang maging abnoy ka na lang para ako na lang magmahal sayo? "Akala ko ba tulog ka na ha," tanong ko sa kaniya at agad niyang tinapat ang hintuturo niya sa labi niya sabay sabi ng, "Shhh, wag ka maingay iniintay ko lang makaalis 'yung si Aubrey." Napataas naman ang kilay ko, hate niya talaga si ate girl mo pero hjndi ko naman alam kung bakit. "Bakit ba inis ka sa kaniya pero kung makakuha ka ng kutsara sa kusina ko at kung makasandok ka sa bigay niyang sopas wagas?" Tanong ko at natawa na lang siya. "Libre eh," sagot niya at napakamot na lang ako ng ulo habang nakatayo naming kinakain 'yung sopas sa gilid ng lababo. "Matanong nga kita, bakit parang imbyerna ka kay Aubrey? Imbyerna ka ba sa lahat ng babae? So ano pinaplastik mo rin ba ako?" Rekta kong tanong sa kaniya at patuloy lang siyang humihigop ng sabaw. "Huy grabe ka naman, hindi naman sa galit ako sa kaniya or what hindi ko lang gusto 'yung mga tingin niya ah basta may feeling kasi na parang hindi mo gusto 'yung tao, instinct ba," sagot niya at may pa instinct-instinct pa siyang na lalaman. "Talaga ba? May ganun din pala kayong hanash na mga lalaki?" Tanong ko at tumango siya. "Yep alam namin kung totoong inosente ang babae o hindi," sagot niya nang seryoso sa'kin kaya napalunok ako at agad na umiwas ng tingin sa kaniya. Don't tell me alam niya na 'yung sikreto ko at hinahayaan lang ako na itago 'to sa harap niya, siguro hinuhuli niya lang ako or hindi kaya iniintay na mismong ako ang umamin sa kaniya? "Oh bakit ka napaiwas ng tingin? Inosente ka sa paningin ko don't worry hahaha mukha ka pa ngang cherry," sabi niya at na hampas ko siya nang malakas sa likod. "Ano! Malamang virgin pa ko hello twenty four lang ako at wala pa kong asawa," inis kong sagot sa kaniya, juscopo ano ba kasing pinag-iisip ko? Akala ko naman na huli niya na ko sa sikreto ko, iba pala tumatakbo sa kokote ng kolokoy na 'to. "Hahahaha yeah halata naman na inaalagaan mo sarili mo for your future husband, swerte niya may Kim Dipinili siya kaso di nga lang pinili," pang-aasar niya sa'kin na kinapula ko. "Tsk, ano naman kung hindi pinili, makakahanap din ako ng lalaking pipiliin ako kahit na kahit anong maging outcome ko," sagot ko sa kaniya at alam kong may hugot ang sagot na 'yun dahil siya naman 'tong lalaking importante sa'kin pero hinusgahan ako. "Makakahanap ka niya, siguro hindi pa ngayon pero malay mo pag sixty years old ka na," sabi niya at masama ko siyang tinignan na kinatawa niya. "Hahaha biro lang, pero pwera biro may lalaking matatanggap ka kahit ano pang kamalian mo ay tatanggapin kang buo, na isip ko 'yan eh na sana ganung klaseng lalaki na lang ako noon," sabi niya at ramdam kong pilit na lang siyang ngumingiti sa harap ko. Ang tinutukoy niya ba ay 'yung ginawa niyang panghuhusga sa'kin noon? Na kokunsensya na ba siya ngayon at na isip 'yung kamalian na ginagawa niya sa'kin noon? Napatikom ko ang kamay ko at hindi na pigilan magtanong, "bakit? May hinusgahan ka ba noon? Like someone special to you?" Tanong ko at napatango na lang siya sabay sandal sa lababo habang pinaglalaruan 'yung kutsara sa kamay niya. "It's my best friend, 'yung kwento ko sayo. Nag-away kami noon dahil sa hindi ko alam na babae pala siya then one day nakita ko na lang may mark sa shorts niya habang nagbo-bonding kami then 'yun na laman ko na girl siya at sabi ng iba ay kaya daw hindi niya sinasabi na babae siya ay dahil sa gusto niyang mapalapit sa'kin noon," kwento niya at parang nanakit ang mga lalamunan ko, hindi ko alam ang sasabihin kaya tumahimik na lang ako at pinakinggan 'yung kwento niya. "Nakakahalata naman ako na babae siya, pero na gulat lang ako nung na laman ko na babae siya, hindi ko alam kung anong expression 'yung binigay ko sa harap niya that time na nalaman ko 'yung totoo. Pakiramdam ko kasi ay niloko ako at nagsinungaling siya sa'kin," kwento ni Liam at napahawak ako sa dibdib ko dahil pakiramdam ko naninikip na ito at gusto ko umiyak pero hindi ko rin naman mapigilan na magpaliwanag sa side ko kahit na hindi ito direct o kahit hindi ko sinasabi na ako 'yung babaeng tinutukoy niya. "Ba-baka hindi niya rin alam na hindi mo alam na babae siya, gets mo?" Tanong ko sa kaniya at nagbikit-balikat lang siya. "Siguro, iyon nga rin 'yung mali ko dahil hindi ko inalaman ang totoo bago man lang kami umalis sa lugar na 'yun," kwento niya at tumalikod na sa'kin sabay bukas ng gripo. Saktong may tumulong luha sa mata ko at agad ko 'tong pinunasan ng mga kamay ko habang nakataligod siya sa'kin at naghuhugas ng kamay. "Gusto ko ulit siyang makita, this time gusto kong itrato siya na babae at importante sa'kin," sabi niya at sa mga katagang iyon gustong gusto ko nang aminin sa kaniya na ako si Jhustine pero hindi ko pa rin magawa. Wala pa rin akong lakas ng loob para harapin siya ngayon. "Siguro pag nagkita kami, sobrang ganda niya na tapos saka niya ko sasampalin ng katotohanan na babae siya at na saktan ko siya sa kinilos ko noon," pahabol niya sabay punas ng kamay sa pants niya. Humarap siya sa'kin at ngumiti lang nang mapait. "Iintayin ko na lang siguro 'yung oras na 'yun para makapag-sorry din sa kaniya, hahaha ang drama ko na matutulog na ko Kim salamat sa pakikinig," sabi niya sabay tapik sa balikat ko at lakad pabalik sa unit niya. Nung marinig kong sumarado ang pinto at tuluyan na siyang na wala sa paningin ko ay bigla na lang nanlambot ang mga tuhod ko saka napaupo habang tinatakpan ang mukha ko na puno ng luha na hindi ko mapigilan. TO BE CONTINUED
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD