CHAPTER 4

2533 Words
๑ ๑♡✿♡๑ ๑ JHUSTINE KIM's POV Nakatulala lang ako habang nakahiga sa kama ko at patuloy na iniisip 'yung sinabi nung lalaki kanina sa kabilang unit. Totoo bang siya si Liam kaya niya tinawag ang pangalan ko at kaya sobra niyang kahawig 'to?  Na set-up ba ko nila manager at ni Ice knowing na siya ang nakatira sa kabilang unit? How? Pano nila na hanap si Liam or coincidence lang ang lahat ng ito? Parang pinagti-tripan ata ako nila manager Nicole at nitong si Ice. "Punyetang buhay naman oh!" Napabangon na lang ako at ginulo ang buhok ko habang bangag na bangag na, dinaig ko pa may hang over sa itsura ko ngayon at inabutan na ko ng umaga dahil sa kakaisip sa lalaking nakatira sa kabilang unit. Kamusta naman eyebags ko sesh? Wala na sira na 'yung routine ko sa tulog nito! Masama pa pag nagpupuyat ako lintik na ang labas ng pimples ko. Naku! baka magmukha na naman akong ewan nito! "Wala na kong tulog, stress pa ko? Ano na Jhustina kaya mo pa ba?" Tanong ko sa harap ng salamin at naghilamos na ng mukha ko habang hilong-hilo sa kawalan ng tulog. As in isang buong gabi ko inisip kung siya nga ba si Liam Castillo na kababata ko, ano na lang ang gagawin ko kung siya nga iyon at makilala niya ko? Anong iisipin niya? Anong ire-react ko sa harap niya? Muli akong napatingin sa salamin at na pansin ang mahaba kong buhok at ang maputi kong balat, napaikling ang ulo ko at napaisip. "Mahahalata niya nga bang ako ang kalaro niya noon kung ganito na ang itsura ko ngayon?" Malayong-malayo sa kalbo at maitim niyang kababata noon at kahit naman na abutan niyang maikli ang buhok ko nung high school kami ay sobrang laki pa rin nang pagbabago ng itsura ko ngayon. Natuto akong mag-ayos at magpaganda, inalagaan kong maige ang sarili ko para maging handa sa muli naming pagkikita tapos ngayon na andito na siya ay sobra naman akong kabado to the point na ayokong makilala niya ko. Idagdag pa na nakatira lang siya sa kabilangunit at connected door pa ang mga unit naming dalawa! Ano bang nangyayari sa earth? Bakit siya pa?! "Pero teka nga baka naman kahawig niya lang? Baka naman O.A lang ako para mag-react ng ganito?" Tanong ko sa sarili ko at parang buang na kinakausap ang mukha ko sa salamin na nasa harapan ko. Sana kagabi ko pa na isip na baka kahawig niya lang no, baka sakaling nakatulog pa ko at hindi bangag ngayon. Napailing na lang ako at inayos ang itusra ko, babawi na lang ako ng tulog mamayang hapon pagtapos ko mag-ayos ng natitirang gamit ko sa unit na 'to, patay na naman ako kay Ice pag hindi ako nakapagpasa ng synopsis mamayang gabi. Imbes na makapagsulat ako at makapag-isip ng bagong idea sa loob ng unit na 'to, feeling ko lalo akong hindi makakabuo ng story dahil sa stress at kakaisip ko sa nakatira sa kabilang unit. "Good luck sayo girl," bulong ko sa sarili ko at naglakad na papuntang kusina. Agad kong pinainit 'yung sinaing ko kagabi at nagprito na lang ng itlog saka nag umagahan, napatingin ako sa orasan at ala sais pa lang ng umaga. "Mapanood na nga lang ang sunrise," banggit ko at humarap sa malaking bintana na nasa kusina at sala ko, nakasalumbaba lang ako roon habang iniintay na sumikat ang araw ngunit agad na nawala ang pagkatulala ko nang makarinig ako ng mga hakbang mula sa kabilang unit. Agad ako napahawak sa dibdib ko at pinakiramdaman kung saan siya pupunta. "Grabe naman maglakad 'yun parang kapre sa bigat ng hakbang," bulong ko at agad na kinuha ang plato at baso ko sabay lapag sa lababo. Inihanda ko ang sarili ko at todo tingin sa door knob ng pintuan, inalis ko na rin ang wall tapestry na nakasabit sa harap ng pinto para makita agad kung may papasok ba sa unit ko o wala, mabuti nang alerto ako dahil kahit ano naman sitwasyon ang meron ako ay babae pa rin ako at lalaki naman ang nakatira sa kabilang unit. Mabuti nang nag-iingat. Pero pagtapos ng ilang hakbang na iyon ay muling tumahik ang lugar at dahil doon nakahinga ako nang maluwag. Akala ko talaga papasok siya sa pintuan ko at babatiin ang kapitbahay niya pero mukhang assuming lang ako at gusto ko lang talaga siyang makita dahil kahawig niya si Liam. Napailing na lang ako at daling hinugasan ang pinagkainan ko sabay pasok sa loob ng banyo para makapaligo. Tinodo sara ko ang pintuan ko dahil hindi pa ko sanay sa idea na may maaaring makapasok sa unit ko galing sa kabilang pintuan kaya naman ito ako ngayon paranoid ng unti. Pero agad din na wala ang isipin ko nang lumoblob ako sa loob ng bathtub at masayang naligo sa mabagong sabon na bigay ni manager. Alagang-alaga niya talaga ang mga hinahawakan niyang author kaya nakakatuwa rin dahil hindi niya kami pinababayaan at dahil doon kaya kami nakakapag-produce ng maganda story kaso ang problema kakayanin ko nga bang gumawa ng romance story kung simula pa lang nang pagtira ko sa unit na 'to ay parang horror story na agad ang nangyayari sa'kin. Mantakin mo ba naman nag mala Sadako ako sa pag gapang kagabi at ngayong umaga naman ay may mala kapreng hakbang na nanggagaling sa gabilang unit. Grabe ah, 'yung kabog ng dibdib ko ay para ring nasa horror movie! Ewan ko na lang talaga kung romance ang masusulat ko sa mga kaganapan ngayong araw sa unit na 'to. Matapos kong maligo ay agad din akong nagbihis ng isang hoody na puti at maong na short saka sinuot ang slipper kong puti at dumaretsyo palabas ng unit ko, na mamadali akong umalis sa floor namin at dumaretsyo sa sakayan ng jeep para makapunta sa lumang apartment at makuha ang iba ko pang gamit doon. Mabilis kong inimpake ang mga damit ko at iba pang importanteng gamit saka tumawag ng taxi para agad na makabalik sa bagong unit na tinitirahan ko, hirap ng walang sasakyan sesh commute ka tapos sobrang dami mong dala. Kung mayaman lang talaga ako bumili na ko ng kotse pati driver bibilhin ko ganun! "Manong dito na lang po, d'yan po sa may gilid sa tabi ng poste," sabi ko kay manong driver at napataas naman ang isang kilay niya na kitang-kita ko sa rear mirror ng sasakyan niya. "Urong niyo pa po unti, opps hopya! Iyan salamat po," Banggit ko sa kaniya at nilingon niya naman ako. "Alam ko Ms. kung saan ka ibababa. May address kang binigay sa'kin kanina di ba?" sagot niya kaya napaurong ako. Aba ang taray naman ni manong, hindi ba pwedeng pilipino lang ako kaya pag na para ako ay todo bigay ako ng details with expression? Binigay ko na lang ang bayad ko sa kaniya at bumaba na ng taxi niya, inalalayan niya naman akong ibaba ang iba kong gamit sa car trunk niya at ibinaba ito sa gilid ng kalsada. Medyo marami-rami ang bibitbitin ko papunta sa taas ng building, wala bang magnanakaw dito kung hindi ko agad madala sa lobby?  "Pwede ko ba siyang iwan saglit dito sa tabi ng kalsada?" tanong ko sa sarili ko habang panay ang lingoy sa paligid. Papatulong na lang siguro ako kay manong driver na magbuhat papuntang lobby ng building kaso nang lingunin ko siya, mas mabilis pa sa racing car magpatakbo ang loko. "Shuta, iniwanan agad ako?" Sabagay hindi niya na naman trabaho na tulungan akong bitbitin ang mga ito pero pano ko ito iiwan dito? "Nakuuu! Hirap mabuhay mag-isa!" Inis kong sabi at pilit na binuhat ang mga bag ko, isinukbit ko ang ilan sa magkabila kong balikat ngunit may natira pang tatlong kahon sa harap ko. Tinignan ko kung may guard ba sa entrance ng building kaso wala siya ngayon! Saan ba naka duty ang isang iyon? Kung saan-saan na punta aba! No choice Jhustina, kailangan mong buhatin mag isa ang mga ito kung ayaw mong manakaw sa daan ang gamit mo. Wala tayo sa ibang bansa kung saan pwede ka mag-iwan ng gamit mo at balikan 'to ng buo, nasa pinas ka sesh kaya magtiis ka kung ayaw mo manakawan. Tinaas ko ang manggas ng hoody na suot ko at ready na para buhatin ang tatlong kahon na nasa harap ko, good luck na lang talaga sa braso ko mamaya baka malasog na 'to. "Kailangan mo ng tulong Ms.?"  "Ay palakang beklat!" Nagulat ako at napalingon sa lalaking nasa likuran ko, may wavy siyang buhok na color brown at nakasuot din ng hoody na color black sabay naka shorts na white at running shoes. Saglit akong napatulala sa kagwapuhan niya, pero agad din 'tong napalitan ng kaba nung matandaan ko ang mukha niya. Sheet Jhustine! Siya 'yung lalaking pinaghihinalaan mong si Liam at 'yung nakatira sa kabilang building! Kung suswertehin ka nga naman este mamalasin ka nga naman talaga! Bakit siya pa ang gusto tumulong sa'kin kahit bet ko naman na siya talaga ang tumulong sa'kin pero pano na lang kung makilala niya ko at tawaging kalbo katulad nung tawag niya sa'kin nung mga bata pa lang kami? Wait Jhustine! Hindi pa confirm na siya si Liam kaya kalmahan mo lang. Ngumiti ako sa harap niya 'yung pilit na ngiti at tumango sa kaniya bilang sagot, sa hinaba-haba nang pinag-iisip ko kanina pagtango lang ang na isagot ko sa kaniya. Oh, dii ba napipi ka girl? Feeling ko na lunok ko ang dila ko sa kagwapuhan ng lalaking 'to and the way he smile sa harap ko, sesh! Winner! "Saang unit ka ba?" Tanong niya sabay buhat sa tatlong kahon na nasa harap ko, parang ang gaan lang sa kaniya nito at walang kahirap-hirap na nabuhat ang mga kahon na puno ng mabibigat na gamit ko. "Ah ninth floor," sagot ko at kabado na, hindi ko kasi alam ang isasagot pagtinanong niya kung bakit ako ang nakatira sa kabilang unit, sa dami-dami kasi ng bakanteng kwarto ay doon pa ko inilagay ng manager ko! "Wow bagong lipat? Night floor din ako eh," sagot niya at ngumiti nang malambing sa harap ko, like ghorl ba't ang puti ng ngipin mo? Samantalang sa'kin kulay mais na hindi na diligan ng tatlong araw!  "Ahahaha oo kahapon lang ako lumipat," sabi ko sa kaniya at tumango naman siya habang nakangiti lang sa'kin. Grabe naman ang komportable naman kausap ng lalaking 'to, makita mo lang 'yung ngiti niya ay parang happy ka na rin, alam mo 'yung para siyang happy pill ng bawat taong makakausap niya. Na wala tuloy 'yung kaba ko kanina, baka hindi naman siya si Liam na kababata ko? Mataray kasi ang Liam na kakilala ko at halos lahat ng kalaro namin noon ay tinatarayan niya kaya hindi makalapit sa kaniya ang mga babaeng kapitbahay namin noon pero syempre except sa'kin na lagi niyang kalaro. Pero nung na laman niya ring babae ako at gatungan pa ng tsimosang kapitbahay namin 'yung storya ay wala na, hindi na kami best friend forever, F.O na kami. (friendships over) Tahimik lang kaming dalawa na sumakay sa elevator at hindi kami ganong nag-iimikan, gusto ko sana siyang kausapin kaso baka isipin niyang feeling close agad ako. Kaya hinayaan ko na lang na maglakad kaming dalawa papasok sa unit ko at na gulat na lang siya nang tumigil kami sa harap ng pintuan ko. "Dito ka na katira?" Tanong niya at patay malisya ako at nagkunwari na hindi ko alam na nakatira siya sa kabilang unit. "Oo bakit? Saan ka ba?" Tanong ko at tinuro niya ang kabilang pintuan sabay tawa. "Hahaha hindi ko alam na may kukuha ng unit na 'to, alam mo ba kung anong meron sa unit na'ting dalawa?" Tanong niya at hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kaya nag maang-maangan na lang ako. "Hindi ano bang meron sa kanilang dalawa?" Tanong ko sabay baba ng mga gamit na bitbit ko at binuksan ang pintuan sa harap namin. Pinapasok ko siya sa loob at saglit siyang na mangha, nilibot niya ang paningin niya rito na parang hinahanap 'yung pintuan na nagdudugtong sa unit naming dalawa. "Iyan oh, 'yang pintuan na 'yan ay connected sa unit ko," sabi niya sabay turo doon sa kulay blue na pintuan, nakalimutan kong ibalik 'yung wall tapestry kaya kitang kita na siya ngayon. "Ahh, iyan ba? Nakatago 'yan gamit 'yung malaking wall tapestry kahapon kaya hindi ko na pansin, actually akala ko random door lang na hindi na paliwanag sa'kin ng manager ko, like stockroom or isa pang kwarto," pagsisinungaling ko, naku Jhustina pwede ka nang award-an ng best actress sa mga pinagsasabi at acting skills mo ngayon. "Manager mo? Ah, so hindi ikaw pumili ng unit na 'to? that's explain everything," sabi niya habang nililibot ang paningin sa design ng unit ko, siguro pinagkukumpara niya ang design ng unit niya sa unit ko. "Ah oo eh hahaha," awkward kong sagot sa kaniya at tumingin na siya sa'kin. "Hindi ko akalain na may titira sa unit na 'to, hahahaha if ever na may marinig kang ingay sa unit ko sorry na agad ah hahaha," sabi niya at napangiti na lang ako nang maalala ko 'yung pag-iyak niya kagabi at 'yung mala kapre niyang paglalakad kaninang umaga. "No worries, mukhang may work ka naman at laging wala sa unit mo eh," sagot ko sa kaniya at napakamot siya ng ulo niya. "Yep, lagi akong wala tuwing weekdays kaso asahan mong maingay pa rin ako pag-uwi ko ng ala sais ng gabi hahaha, and by the way may isa pang nakatira sa unit ko kaya kung may mga kalampag kang marinig don't mind it na lang," paliwanag niya at napa-isip naman ako, sinong pang nakatira sa unit niya? Gusto ko sana magtanong kaso baka naman isipin niya na masyado akong pakialamera. Like hello, kakalipat ko lang at kakakilala lang namin dalawa baka isipin niyang paki-alamera ako. "Ah teka, nakalimutan kitang alukin kahit maiinum man lang," sabi ko sa kaniya at umiling lang siya bilang sagot. "Hahahaa wag na, andyan na lang naman 'yung room ko sa kabila at pwede pa nga ko dumaan dito para kumuha ng juice sa kusina ko oh hahaha," biro niya sabay turo sa pintuan na color blue kaya napatawa na lang din ako sabay tungo sa harap niya. "Salamat sa pagtulong sa'kin magbuhat," pasasalamat ko sa kaniya at umiling lang siya, "No problem kakagaling ko lang din sa morning jog ko at iisang floor lang naman pala tayo kaya tinulungan na rin kita," paliwanag niya at napangiti na lang ako. Ang bait naman pala ng kapit-unit ko, mukhang wala naman siguro akong magiging problema sa kaniya no? "Ah wait hindi pa pala ako nakakapagpakilala sa bago kong kapitbahay hahaha, I'm Liam Castillo, you can call me Liam and you are?" Tanong niya sabay lahad ng kamay niya sa harap ko na nagpatibok nang mabilis sa puso ko. Ano raw pangalan niya? Teka nabibinge ata ako?  Binabawi ko na 'yung sinabi ko kanina na mukhang hindi naman magiging problema ang lalaking 'to sa paglipat ko rito! Siya pala talaga ang magiging problema ko sa pagtira ko sa unit na 'to! TO BE CONTINUED
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD