CHAPTER 3

2043 Words
๑ ๑♡✿♡๑ ๑ JHUSTINE KIM's POV Kagat-kagat ko ang daliri ko habang patuloy na palingat-lingat sa buong kwarto niya. Para akong nasa isang scene sa loob ng libro ko kung saan naghahanap ng matataguan ang bida dahil nasa labas na ng kwarto niya ang killer sa storya. Hindi ko akalain na darating ang araw na maisasabuhay ko 'yung mga pinagsusulat ko sa libro, hindi ko alam kung saan magtatago at dahil sa katangahan ko ay namadali na lang akong gumapang sa ilalim ng kama niya. *click* Narinig ko ang pagbukas ng pintuan at nakita ko ang mga paa niya na sobrang puti at linis, sesh bakit ganun parang mas makinis pa 'yung paa niya kesa sa kuyukot ko? Argh! Jhustine hindi ito ang oras para isipin kung sino bang mas makinis sa inyo! "Teptep, kumain kana ba? Hik," rinig kong tanong niya sa pagitan ng pagsinok niya. "Pasensya kana ah na late ako ng uwi huhu," rinig kong sabi niya at mukhang umiiyak na ang isang 'to. Lasing siguro siya kaya panay ang sinok niya at hindi rin ayos ang paglalakad niya, paikot-ikot siya sa kwarto niya at hindi ko alam kung anong ginagawa niya. Nakikita ko na lang na isa-isang nagbabagsakan ang mga damit niya sa sahig at isa na doon ay ang polo niyang puti na halos kumalat ang amoy ng pabago niya at alak sa kwarto na 'to. Unang bumagsak ay ang necktie niya sunod ang polong na nasa harap ko at sumunod naman ay ang isang sandong puti. Napalunok ako, para akong na nonood ng stripper dito sa harap ko, ang problema lang hindi ko kita ang buong katawan niya at hanggang tuhod lang, pwede ba mag request na pataasan ng kunti 'yung view ko? "Hindi ko na kaya Teptep! Gusto ko na lang magpaanod sa dagat at tangayin sa piling ng tamang tao na mamahalin ako huhu," ngawa nito sa kausap niya, nagtaka naman ako kung sino nga ba ang kausap niya at bakit parang broken hearted ang isang 'to. Siguro kaya siya nag-inum dahil sa hindi siya mahal ng taong mahal niya, masakit 'yun, 'yung hindi ka ni love back ng love mo. "Two years ko siyang naging crush! Sana pala umamin na agad ako sa kaniya bago pa siya na kuha ni kuya! Edi sana hindi siya umiiyak ngayon, edi sana hindi siya nakunan dahil na rin sa kapabayaan ko, Teptep! Ang sakit-sakit na! Ang tanga ko, ako ang may kasalanan ng lahat ng 'to!" Napatakip na lang ako ng bibig matapos marinig ang mga hinanakit niya, hindi ko kilala kung sino si Teptep at kung bakit siya ganito. Nawiwindang lang ako sa mga naririnig ko at hindi ako makaisip ng paraan para makalabas sa sitwasyon na 'to. "Kung hinawakan ko lang siya mabuti that time, kung umamin lang ako sa kaniya nung una pa lang at saka kung hindi ko sana siya hinayaan na ituring akong kapatid edi sana kami na at hindi siya umiiyak ngayon! Aaaah gusto ko pa ng alak!" Sabi niya at mabilis na naglakad palabas ng kwarto niya, napasilip naman ako kung saan siya pupunta at nakita ko ang likod niya na naka topless at tanging pants niya lang ang suot niya. Matangkad siyang lalaki at medyo maganda ang hubog ng katawan niya pero hindi ko makita ang mukha niya dahil nakatalikod siyang naghahalungkat ng alak sa kusina, buti na lang iniwan niyang bukas ang pintuan ng kwarto niya para makita ko siya kaso ang tanong pano ako makakalabas dito? *tok tok* Pareho kaming napalingon sa tunog mula sa main door, mukhang may tao at ito na ang pagkakataon ko para tumakbo at iligtas ang buhay ko sa kahihiyan na 'to. Kaya naman marahan akong lumabas sa kama at ginapang ang katawan ko mula doon. Ang plano ay tumakbo nang mabilis at tahimik habang nakatalikod siya at may kausap na ibang tao sa labas, tama ganun ang gagawin ko kaya marahan akong lumabas ng kama at— "Akala ko sa pintuan ko," rinig kong sabi niya habang papunta sa direksyon ko kaya agad akong bumalik sa ilalim ng kama niya. Putcha! Para akong aatakihin doon! Akala ko katapusan ko na! Nakita ko siyang muling pumasok sa loob ng kwarto at nilapag ang hawak niyang alak sa side table ng kama niya. Nakarinig ako nang kalansing ng bakal at maya-maya lang ay bigla nang bumagsak ang pantalon niya sa harap ko. Omg! Nakahubad na ang kuya mo! Hindi ko kaya 'to kung makita kong mahulog din ang brief niya sa harap ko! "Teptep, tinatamad ako maligo. Gusto mo ng alak? Shot tayo? Isang bote lang oh, samahan mo ko bitin pa ko sa inuman namin," pagewang-gewang siyang naglakad sa pintuan at may sinilip doon. Teka nga, 'yung Teptep na kausap niya ba ay 'yung pagong na alaga niya? "Kailangan ko ng kausap hindi ko kaya ang lungkot," rinig kong sabi niya at muling bumalik sa kwarto niya kaso imbes na umupo siya sa kama niya ay napaupo na lang siya sa gilid nito na kadahilanan para maging katabi ko siya. Rinig na rinig ko ang pag-iyak niya at paghikbi niya, hindi ko alam bakit parang na awa ako sa lalaking ito. Hindi ko naman siya totally kilala pero sobrang damang dama ko 'yung sakit na dinaranas niya ngayon. Nakaupo siya sa tabi ko at panay ang lagok ng alak na hawak niya, kada inum niya ay iiyak siya at parang bata na ngawa nang ngawa. Siguro sobrang bigat ng problema niya ngayon, halatang sinisisi niya rin ang sarili niya sa kung ano man ang nangyari sa babaeng iniiyakan niya. Lalo na 'yung sinabi niyang na kunan ito at mukhang kuya niya pa ang mahal ng babaeng gusto niya. Ang sakit naman, damang dama ko 'yung sakit niya ngayon. Parang gusto ko tuloy siyang yakapin at damayan sa paglalasing, sobrang dama ko 'yung sakit niya to the point na parang gusto ko nang hawakan ang laptop ko at isulat lahat ng istorya niya doon. "Mahal naman din kita eh, nagparaya naman ako dahil alam kong masaya kayong dalawa pero bakit naman naging kasalanan ko pa ba't kayo na walan ng anak. Ang sakit-sakit, hindi ko sinasadya ate Dhiena," rinig kong sabi niya habang umiiyak. Tinakpan ko na lang ang bibig ko dahil pakiramdam ko anytime kakausapin ko na siya at dadamayan sa problema niya. Tama nga ang hinala ko, 'yung babaeng na gustuhan niya ay asawa na ng kuya niya at sinisisi niya ang sarili niya sa pagkakunan nung babae. Mukhang mabigat nga 'yun, nagparaya ka na nga para sumaya sila pero ang ending na saktan mo lang rin siya. Not totally alam ko 'yung nangyari bakit na kunan 'yung girl pero habang pinapakinggan ko siyang umiyak ngayon, alam kong hindi niya sinasadya 'yun at sinisisi niyang maige 'yung sarili niya sa nangyari. Ilang minuto pa nang makita kong ubos niya na ang alak na hawak niya at hindi na siya gumagalaw sa kina-uupuan niya. Napalingat ako at pilit na sinilip ang mukha niya kaso hindi ko talaga maaninag 'to at isa pa patay na rin ang ilaw sa loob ng kwarto niya. Gusto ko sana i-check kung tulog na ba siya para naman makalabas na ko sa kwartong 'to at makapagpahinga na rin sa unit ko. First day ko pa lang sa pagtira ko sa lugar na 'to ay epic failed na agad, dami kong katangahan today na para bang may balat na ko sa pwet. Pinalipas ko ang ilang minuto pa para ma-confirm kung tulog na siya at na ramdaman ko na lang na unti-unti siyang dumadausdos sa pagkakasandal niya kaya agad ko siyang hinawakan para mapigilan ang pagbagsak niya kasi baka magising pa siya at malintikan ako. Luckily tulog mantika siya at halatang tinamaan na ng alak, hindi siya na gulat sa paghawak ko sa braso niya. Normally pag may humawak na kamay sayo mula sa ilalim ng kama ay sisigaw ka pero malakas ang tama ng isang 'to kaya safe ako. Gumapang ako mala Sadako sa ilalim ng kama niya at umalis doon, tumayo ako at inunat ang katawan ko na sobrang nangalay sa hindi ko pag galaw ng ilang oras. Tinignan ko siya na ngayon ay nakatungo lang habang nakasandal sa kama niya, naka boxer shorts siya na may print na maliliit na pagong tapos color green pa nga. Hindi naman siya mahilig sa pagong no? "Makaalis na nga," bulong ko sa sarili ko at hahakbang na sana palabas pero parang na konsensya ako nang lingunin ko ulit siya. Halatang hindi siya komportable sa pwesto niya at naririnig kong humihikbi siya sa pagtulog niya. Para siyang tuta na iniwan ng nanay niya sa kalye, kaya hindi ko na siya na tiis pa at tinulungan na makahiga sa kama niya. Kinuha ko ang braso niya at sinukbit ito sa balikat ko saka ko siya inalalayan na makatayo, tumingin ako sa mukha niya kaso na tatakpan ito ng malago at wavy niyang buhok kaya hindi ko makita ang buong mukha niya. Agad ko siyang ibinaba sa kama niya at inayos ang pagkakahiga niya rito, naghanap rin ako ng kumot niya at kinumutan ang katawan niya dahil naka air condition siya sa loob ng unit niya tapos naka boxer shorts lang siya. Ewan ko na lang kung hindi siya lamigin d'yan, kaya kinuha ko na rin ang remote ng air-con na nasa side table niya at hininaan ito. Pilit kong inaaning ang mukha niya dahil 'yung maganda niyang ilong at mapula niyang labi ay sobrang nakaka-akit, hindi ko alam parang pamilyar 'to sa'kin at iniisip ko saan ko nga ba nakita ang labi at ilong na 'to? "Parang may kahawig na koreano, sana all oppa," bulong ko at muling nag unat ng katawan ko dahil pakiramdam ko talaga tumanda ako ng sixty years nung na buro ako sa ilalim ng kama niya. "Iyan, makakatulog ka na nang ayos." Sabi ko at marahan na humakbang papalayo sa kama niya kaso bigla akong nakaramdam ng pagkapit sa palapulsuhan ko. "Wag mo kong iwan," rinig kong sabi niya sa pagitan ng mga paghikbi niya. Hindi ko alam kung kikilabutan ba ko o matutunaw ang puso ko sa mga salitang 'yun. Natatakot ako lumingon kasi baka mamaya magulat na lang ako na gising na pala siya, pero ang totoo ay natatakot lang ako na makita 'yung pag-iyak niya. Hindi ko kasi alam bakit na aalala ko sa wavy niyang buhok si Liam, na sasaktan ako na para bang kaharap ko ulit 'yung kababata ko. Siguro kung magkita ulit kaming dalawa ay ganitong ganito rin ang pangangatawan niya. "Please wag ka umalis," muli niyang sabi at tinignan ko siya, halatang nagsasalita siya sa pagtulog niya at hindi na mamalayan kung sino ang nasa harap niya. Lumapit ako ng kaunti at lumuhod sa harap niya para tignan siya, kitang kita ko kung gano kabasa ang mga pisnge niya dahil sa luha at amoy na amoy ko ang alcohol sa bibig niya. "Iiyak mo lang 'yan bro mawawala rin 'yan bukas," bulong ko sa kaniya at nakita ko siyang lumabi na parang iiyak na naman pero na nanatili siyang nakapikit. 'Yung totoo tulog ba 'to o nakapikit lang ang mata? Naririnig niya ko at para siyang binabangungot at panay ang iyak. "Aalis na ko ah, matulog ka na d'yan at kalimutan mong may kumausap sayo ngayong gabi," bulong ko sa kaniya at pilit na inaalis ang pagkakakapit niya sa braso ko. Bumitaw siya doon at tumayo na ko saka naglakad papuntang pintuan. "Please Jhustine sorry," Napalingon ako sa pagkabigla at para akong binuhusan nang malamig na tubig sa pagtawag niya sa pangalan ko. Nanaginip ba ako? Teka lasing rin ba ako para makarinig ng mga ganoong salita? Totoo naman 'yung na rinig ko hindi ba? Tinawag niya ang pangalan ko at hindi guni-guni iyon. Napatakip ako sa bibig ko at muling lumapit sa kaniya, habang pinipigilan ko ang panginginig ng mga kamay ko ay muli ko siyang tinitigan. Pilit na minumukhaan siya at kinukumporme kung tama ba ang hinala ko. Marahan kong hinawakan ang buhok niya at inalis ang pagkakatabing nito sa mga mata niya. At nang makita ko ang buong mukha niya ay nanlambot ako. Itong lalaking kanina ko pa kasama ay ang lalaking matagal ko nang hinahanap. Liam, anong nangyari sayo? TO BE CONTINUED
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD