๑ ๑♡✿♡๑ ๑
JHUSTINE KIM's POV
Naglakad ako papasok ng building at hinanap agad ang front desk.
"Good evening ma'am," bati niya sa'kin at hinanap ko 'yung papel na binigay sa'kin ni Ice kanina.
Inabot ko sa kaniya ito at sinabi ang pangalan ko.
"May unit na ba sa pangalan ko Ms.? Jhustine Kim Lugen," tanong ko sa kaniya at mabilis naman siyang sumagot.
"Ah wait lang po check ah ko po sa system," sabi niya at hinanap ito sa monitor na kaharap niya.
"Yes po meron na po, ninth floor po ma'am unit number one four three," sabi niya sabay abot sa'kin ng log book.
"Ah okay thank you," sagot ko naman at pumirma doon sa log book na binigay niya.
"Ahm ma'am na sabi na po ba sa inyo ng company 'yung about sa unit niyo?" Tanong niya at tumango ako.
"Yes, I'm aware." Tumango siya at ngumiti lang sa'kin, kahit medyo awkward 'yung ngiti niya ay ngumiti na lang rin ako sa kaniya.
Kinuha ko ang mga gamit kong dala at binitbit ito papasok ng elevator, nakakatuwa naman 'yung number ng unit ko one four three means I love you.
Sana all love.
Napabusangot na lang ako at bumaba ng elevator pagtapos tumunog nito, nasa huling floor na ako at pansin kong kakaunti ang mga taong nakikita o nakakasalubong ko.
Mukhang wala masyadong nakatira sa building na 'to, medyo malayo rin kasi sa mga work place at sa city.
Naglakad ako sa pasilyo at tinignan bawat numerong nakasabit sa pintuan at nung makita ko ang number ng unit ko ay kinabahan ako.
Daig pa nito 'yung mga horror story ko sa kaba, parang mas gugustuhin ko pang tumira sa isang hunted unit kesa sa tumira ng may kasama na hindi ko kakilala.
Sabi kasi nila mas matakot ka sa buhay kesa sa multo, kasi malay ko ba kung anong ugali meron ang nakatira sa sa unit na 'to 'di ba?
Teka, andito na kaya siya sa loob? Kasama ko ba siya mismo or nasa kabilang unit siya?
Sabi ni Ice dalawang unit daw ito na pinagdudugtong ng isang pinto, napasilip ako sa kabilang pinto at napansin na same number rin ang nakalagay doon.
Wait nga, saan ba dito ang akin? Parehong one four three ang nakalagay sa pintuan eh.
Oh my gastos naman talaga oh, pahirap sa buhay. Bakit ko ba kinuha ang offer na 'to? Minsan nga Jhustine ayusin mo desisyon mo sa buhay.
"Ah bahala na, kung mali edi sa kabila pumasok mag so-sorry na lang ako if trespassing ako," kaya kinuha ko ang susi sa bulsa ko at inilusot ito doon sa keyhole.
Pansin kong kumagat naman ito agad at pagpihit ko ng pintuan ay nakahinga ako nang maluwag.
Tumambad sa harap ko ang isang color pastel pink and white na theme ng kwarto, maaliwalas ito ay may mga gamit na rin sa loob.
Hindi na ko mahihirapan maglipat ng gamit ko at hindi ko na rin kailangan bumili dahil kumpleto na 'to.
Ibinaba ko ang mga dala kong gamit at nilibot ang paningin ko sa lugar, simple lang ang buong unit at may malaking beranda na nakaharap sa syudad.
"Maganda ang scenery dito pag gabi puro city lights," sabi ko saka pumasok sa loob ng kwarto ko at tinignan ang mga gamit dito.
Kumpleto na rin at mukhang mga cover na lang ng kama ang kailangan kong dalhin. Nasa loob na rin ng kwarto ang isang maliit na banyo at may bathtub pa ito.
"Susyal talaga si manager Nicole, halatang pinasadyan ang unit na 'to at ang bongga lang kasi pwede ako tumira dito for five months ng free," pagka-usap ko sa sarili ko, not bad para sa offer nila at mukhang hindi naman ako ganoong mamomoblema.
Ang iisipin ko lang ay ang pagbuo ko sa istorya, hindi naman nila sinabi na totally kailangan kong kausapin araw-araw 'yung nakatira sa kabilang unit eh.
Ang usapan lang ay damahin ko 'yung feelings sa unit na 'to, kung pano ko maisusulat bawat scene na maiisip ko sa loob ng unit na 'to.
Hindi naman nila ako pinilit na kailangan ko talaga makipag-interact sa nakatira sa kabila eh, basta magawa ko lang ang trabaho ko ay ayos na 'yun.
"Cross finger! Sana pumatok ang story na 'yun!" Dahil hindi talaga ako sanay magsulat ng romance at bago lang sa'kin ang genre na 'to.
"Hmm kung gawin ko kayang bida sa novel ko si Liam? Sa kaniya na lang ako huhugot ng sakit at saya, luh parang dami kong pinagdaanan nung high school ako ah ang totoo naman wala naman nangyari samin noon na super memorable," napabuntong hininga ako for the thirtieth times at parang tanga na kinakausap ang sarili ko.
Totoo naman, wala naman ganoong kilig moments ang nangyari samin ni Liam noon, ako lang talaga itong kumakapit sa memories namin noong bata pa kami.
Sa totoo lang parang puppy love nga lang siya kung ituturing ng iba, pero para sa'kin iyon na ang first love ko.
Baka nga hindi lang first love kasi hanggang ngayon hindi mabura sa isip ko.
"Punyeta kasi bakit ang dugyot ko noon!" nakakainis kung alam ko lang na kukutuhin ako nang matindi hindi na talaga ako lumabas ng bahay.
Napatingin ako sa malaking salamin sa loob ng banyo at nakita ko ang sarili ko roon, whole body pa nga at muli kong na pansin ang pagbabago ko sa sarili.
Simula kasi ng nangyari ang aksidente na 'yun sa'kin ay parang na trauma ako, hindi naman totally na trauma pero parang natututo na kong alagaan ang sarili ko.
'Yung mga bagay na inaayawan ko noon bilang dalaga ay ang kinaaadikan ko ngayon, hindi ko kayang mabuhay ng walang lip tint sa labi at hindi nakapagpabango bago umalis ng bahay.
Panay lotion ko na 'rin at sunblock na halos ikaputi ko na ng todo, parang na takot ako sa araw na dati ay mahal na mahal ko.
'Yung buhok ko sobra ko nang inalagaan at hindi ko hinahayaan na umikli ito ng hanggang balikat, feeling ko kasi magmumukha na naman akong lalaki.
Ayoko na magmukhang lalaki sa harap nila, lalo na kung bibigyan ako ng second chance para makita siya.
Hindi ko na mamalayan na lumuluha na pala ang mga mata ko, agad ko 'tong pinunasan at inayos ang itsura ko sa harap ng salamin.
"Hindi ka na nila matatawag na panget at maitim, hindi ka na nila pagkakamalang lalaki at n***o, babae kana sa paningin nila Jhustine," sabi ko sa sarili ko at pili na ngumiti.
Miske nga pangalan ko ay tunog lalaki pero sa mga dumaang taon ay natutunan ko namang mahalin ang pangalan na 'to.
Dahil iyon na lang ang palatandaan ko sa sarili ko noon na binaon ko na sa limot ngayon.
Umiling ako at lumabas na sa loob ng banyo, pumunta ako sa kusina at tinignan ang laman ng refrigerator kung meron ba.
"Wow ready na ready," masaya kong sabi matapos kong makitang puno ang laman nito, alaga talaga ako ng manager ko at ni Ice dahil syempre kung hindi ako okay wala akong perang maibibigay rin sa kanila.
Best seller ang mga libro ko at hindi ko rin akalain na maraming tatangkilik sa mga pagpatay ko sa mga characters ko sa loob ng nobela pero lately sabi ni manager Nicole ay pumapatok na raw ang mga romcom at mga possessive series na story.
Katunayan 'yan ay gusto ko rin ng possessive na jowa pero 'yung gwapo ah, ibang usapan na kasi pag mukhang shokoy tapos possessive parang hindi bagay o talagang mapanghusga lang ako?
"Ano bang pwedeng lutuin ditey?" Hinalungkat ko ang loob ng refrigerator at kumuha ng dalawang talong doon at itlog.
"Makapag-torta na nga lang," hinugasan ko ang talong at binate ang dalawang itlog saka ito nilagyan ng unting paminta at betsin.
Nagpainit ako ng mantika sa frying pan at sinalang ang tortang talong, habang iniintay ko maluto ay naghugas naman ako ng bigas at sinalang ito sa rice cooker.
Ang bongga lang dahil kumpleto na talaga ng gamit sa unit na ito, unting kembot lang ang gagawin ko at pwede na talaga ako tumira dito ng limang buwan.
"Bukas ko na lang kukunin ang ibang gamit ko sa unit ko," sabi ko sabay sandok ng kanin matapos tumunog 'yung rice cooker.
Kumain ako mag-isa doon sa harap ng city lights, tanaw na tanaw ang syudad sa parte na ito at unti-unting nagbubukasan ang mga ilaw mula dito.
Mag aala syete na kasi ng gabi at madilim na sa labas, masaya ko lang dinadama ang simpleng hapunan na ginawa ko habang nakatingin sa magandang view sa harap ko.
Nang makatapos ako ay dumaretsyo naman ako sa banyo para maligo, naloka ako nang makita ko ang buong katawan ko sa malaking salamin habang naliligo ako, nakakaloka ah ano kayang trip ni manager Nicole dito bakit may pa whole body mirror siya sa banyo.
"Ay bahala ka d'yan basta mag ba-bathtub ako," pinuno ko ng maligamgam na tubig ang tub at nilagyan ito ng kahit anong bath soap na nakita ko roon.
Pagkalublob ko sa maligamgam na tubig ay parang heaven na sa feeling, ganito pala maligo sa bathtub no? Ang saya!
Nang makatapo ako ay nagsuot na ko ng pantulog ko pero binuksan ko muna ang laptop ko para makapagsulat kahit na character profile man lang ng mga bida ko sa nobela.
Nasa sala ako dahil andito ang pinaka magandang spot ng unit na 'to kung saan kitang kita mo ang tanawin, may nakahanda na rin na mini table dito para sa simpleng office ko sa unit.
Nagsimula na ko mag type at kahit papaano naman ay na vi-visualize ko na ang mga character na gagamitin ko para sa story na isusulat ko.
Pero biglang sumagi sa isip ko 'yung tinutukoy nilang pintuan na connected sa kabilang unit.
Agad akong napatayo at inikot ang tingin ko sa buong paligid.
"Ang tanga ko, bakit ngayon ko lang hinanap 'yun?"
Halos kainin na kasi ang atensyon ko ng buong unit na 'to, hindi ko na naalala 'yung pinaka main purpose ko bakit ako tumira dito.
Iyon ay ang connected door sa kabilang unit, napalunok ako dahil hindi ito makita o mahanap ng paningin ko.
"Kung 'yung kabilang unit ay nasa kabilang part, edi dapat 'yung pinto ay nakatayo sa pader na 'to," sabi ko sabay hipo sa malaking pader na nasa harap ko.
May malaking tela kasi na nakasabit dito at nang iangat ko ang tela ay tumambad sa'kin ang isang pintuan na kulay asul.
Tumaas ang kilay ko sa pagtataka at the same time kinabahan ako, ang tanga ko bakit hindi ko agad na isipang hanapin 'to kanina at hindi rin siya halata sa bahay dahil sa natatakpan siya ng makapal at malaking tela na 'to.
Aakalain mo na kasama sa decoration 'yung tela kaya hindi mo talaga maiisip na may kakaiba sa likod nito.
Napalunok ako at kinuha ang susi ng unit na 'to, dalawa ang binigay sa'kin ni Ice at para daw ang isa sa pintuan na 'to.
Hindi ba ko trespassing kung pupunta ako sa kabilang kwarto? Teka, pano kung may susi rin siyang dala para mabuksan ang kwarto ko? Pwede ba 'yun?
Kumunot ang noo ko at sobrang kati na ng kamay ko para isuksok ang susing hawak ko sa keyhole na nasa harap ko.
"Shete mani popcorn gusto kong buksan," napakagat ako sa labi ko at hinayaan na kainin ako ng kuryosidad ko.
Pinihit ko ang door knob at dahan-dahan na binuksan ang pinto.
Wala naman akong na rinig na kahit ano mula sa kabilang kwarto kaya mukhang wala pa ang may-ari nito.
Una kong pinasok ang ulo ko para masilip ang loob ng kwarto at tama nga ang hinala ko.
Wala pa ang may-ari sa loob kaya naman marahan kong sinunod ang buong katawan ko at tuluyan nang nangapit bahay.
Nilibot ko ang paningin ko rito at na mangha sa linis ng unit na 'to, ang bongga ah lalaking-lalaki ang dating at ang lakas maka fresh sa mata ng kulay.
Halos kapareho ng unit ko ang design pero more on blue and grey ang makikita mo sa loob, na tawag ang pansin ko ng isang maliit na aquarium sa gilid ng office desk niya.
"Awww ang cute!" Hindi ko mapigilan ang sarili kong matuwa nang makita ko ang isang pagong doon sa loob.
Nag-iisa lang siya at paikot-ikot sa loob ng bahay niya. Mukhang pet lover ang nakatira dito.
Tumingin pa ko sa mga gamit niya at may nakita akong dumbbells sa gilid ng sofa niya, mukhang healthy leaving din ang lolo mo at mukhang matcho, naku mukhang mapapasubo ako dito.
Nilingat-lingat ko pa ang paligid at napatingin doon sa isang pintuan, mukhang iyon ang kwarto niya at hindi naman siguro masamang sumilip no? Tutal andito na naman ako sa loob lubos-lubusin ko na rin itong kalokohan ko para kung mahuli eh sulit naman charot.
Maharan akong naglakad papunta sa harap ng pintuan niya, kahit na alam kong walang tao ay naka tip toe pa rin akong naglakad sa buong unit na 'to.
Pinihit ko nang dahan-dahan ang door knob at muling sumilip ng bahagya sa loob pero pagbukas ko pa lang ng pinto ay nakarinig naman ako ng tunog nang pagpihit ng pintuan mula sa main door.
Nanlaki ang mata ko at nang tignan ko ang pintuan ay pabukas na ito!
Halos umakyat ang kaba at pagkataranta sa buong sistema ko na nagdulot sa katangahan ko para magtago sa mismong loob ng kwarto niya.
Shete mani popcorn talaga Jhustina! Napakalaki mong tangang babae ka! Imbes na tumakbo ako pabalik sa unit mo nagkulong pa ko sa kwarto niya!
Saan ako magtatago nito? Dali! Aaaah!
TO BE CONTINUED