Part 5

2520 Words
Ako si Prinsipe Yago AiTenshi   Part 5   "Ned hijo, pasiensya kana sa sakin. Talaga pasaway lang paminsan minsan yang si Yago. Lumaki kasi yan ng walang suporta ng kanyang ina dahil nag hiwalay kami. Kaya mag buhat noon lagi nang naging mainitin ang kanyang ulo at naging bugnutin."   "Lumaki rin naman ako na walang suporta ng aking ina pero kahit kailan ay hindi ako naging pasaway." bulong ko sa aking sarili pero mas mabuti pang hindi ko iyon sabihin. "A-ayos lang po iyon mahal na hari. Wala po dapat kayong ihingi ng pasiensya" ang sagot ko nalang.   Maya maya ay may lumapit sa amin na isang lalaki na nasa middle age, naka ngiti ito, tuwid ang katawan pag nakatayo at naka lagay ang kamay sa kanyang likuran. "Mahal na hari.. master." ang bati niya.   "Nga pala, siya si Mr. Felix, ang magiging guro mo at taga pangalaga dito sa palasyo. Siya ang mag tuturo sayo ng tamang pag sasalita at tamang pag kilos bilang isang dugong bughaw. Sa mga susunod na buwan ay magiging laman ka ng media, ng mga pahayagan at magiging atraksyon ng buong kaharian, dapat ay ipakita mo sa kanila na kahit ikaw ay galing sa himpilan ng mga alipin ay kaya mong kumilos na parang isang totoong prinsipe. Felix, siya si Nedriko, masipag at mabuting bata iyan." ang paliwanag ng hari.   "Kinagagalak ko po kayong makilala master Ned" ang pag bati ng lalaki habang naka ngiti..   Ngitian ko naman siya at kinamayan ito. "Kinagagalak ko po kayong makilala"   "Tama nga ang mahal na hari, napaka gwapong bata mo. Kailangan lang siguro kitang turuan ng tamang pag kilos upang maihanda ka sa pag iisa ninyo ng Prinsipe Yago. At tama rin ang hari sa kanyang mga tinuran kanina, sa pag daan ng araw ay magiging atraksyon ka sa buong kaharian kaya't dapat ay mag seryoso sa iyong pag sasanay." ang wika ni Mr. Felix.   "Salamat po. Gagawin ko ang lahat para maging epektibo sa mata ng mga tao. Kahit na galing ako sa himpilan ng mga alipin."   "Master, hindi naman mahalaga kung saan ka galing, ang mahalaga ay kung saan ka mag tutungo." naka ngiti niya sagotn   "Felix, mas maganda siguro kung ihatid mo muna si Ned sa kanyang silid upang makapag pahinga ito. Alam kong pagod ito sa malayong pag lalakbay." mungkahi ng hari   "Masusunod po mahal na hari. Dito tayo Master." ang pag yaya ng matanda   Agad akong inihatid ni Mr. Felix sa aking silid malapit sa silid ni Yago, malaki rin naman ito at maganda ang desenyo, ito ang unang beses na mag kakaroon ako ng sariling silid, dahil karaniwan ay kasama ko lagi si tiyo Manuel na natutulog. "Nga pala Master Ned, ipinag uutos ng hari na itapon ang mga luma mong gamit na nasa sako, palitan ito ng mas bago at mas maganda."   "Ha? bakit naman daw? Sayang naman ang mga iyon kung itatapon lang."   "Hindi ko rin alam master, pero marahil ay para na rin hindi masyadong mahuli ang itsura mo sa mahal na prinsipe. Kasi madalas kayong susundan ng publiko at ng media kaya nais nyang siguraduhin na magiging maayos ang lahat. Pero wag mo muna isipin iyon. Ang mahalaga ngayon ay makapag pahinga ka muna. Paniguradong mamayang gabi ay darating na si Prinsipe Yago at mag kaka kilala na kayo ng personal. Mag kaedad kayo, mag kasing tangkad tiyak na mag kakasundo kayong dalawa."   "Salamat po Mr. Felix"   "Maiwan na muna kita. Ipatawag mo nalang ako kapag may kailangan ka."   Iniwan akong mag isa sa silid at nanatili akong nakatayo habang namamanghang nakatitig sa ganda at laki ng nito. Ibayong tuwa at galak sa aking puso ang lumukob sa aking pag katao. Tila ba sabik na sabik ako sa magagandang bagay katulad nito. Ang mga gamit ay magaganda ang disenyo, ang kamay ay sobrang lambot na parang naka upo ka nalang sa ulap. Nag lalakihan ang bintana at mula dito sa aking kinalalagyan ay mayroon balkunahe o terrace na kapag lumabas ka ay makikita mo ang ganda ng lawa sa harapan ng palasyo. Parang isang panaginip ang nagaganap sa aking sarili noong mga oras na iyon. Ang magagandang bagay ay tila ba kay hirap paniwalaan kung totoo. Para sa akin na lumaki sa himpilan ng mga alipin ay isang pangarap lang ang makatungtong sa palasyo dahil lumilipas ang mga araw na naka tanaw lang kami dito habang binubusog sa imahinasyon ang aming mga mata.   Tahimik..   Parang may kung anong kiliti at kilig ang gumuhit sa aking dibdib noong mga oras na iyon, parang may kung anong sasabog sa aking loob. Galak na galak ako.. "Akin ba talaga ang silid na ito?" ang tanong ko sa aking sarili at agad akong nag tatakbo sa bintana upang buksan ito. Doon ay kitang kita ko ang ganda ng lawa at mga bangkang pumapalaot dito. Ilang minuto rin akong nasa ganoong pag oobserba ng maisipan kong mag tungo sa aking malamot na kama at parang batang nag lulundag dito. "Woooooo!!" ang sigaw ko habang galak na galak sa aking ginagawa.   Noong makaramdam ako ng pagod, agad akong nahiga at niyakap ang malambot na unan sa aking ulunan. Ngayon lamang ako nakaramdam ng ganitong tuwa. Para akong nasa loob ng isang magandang panaginip. Nanatili ako sa ganoong posisyon hanggang sa dalawin na ako ng matinding antok.   At iyon na ang huli kong natandaan pa.   Gabi na noong ako ay magising, dahil na rin sa mga katok sa pintuan ng aking silid. "Master, nakahanda na po ang hapunan. Nag hihintay na ang mahal na hari sa hapag kainan." boses ni Mr. Felix   "Susunod na po ako." ang tugon ko sabay balikwas sa pag kakahiga at nag mamadali ako sa pag aayos ng aking sarili. Humarap ako sa salamin, hinilamusan ang aking mukha at sinuklay ang aking buhok. Luma ang suot kong damit, kupas ang aking pantalon, luma at may tahi pa ang aking sapatos. Pero hindi ko na ito pinansin, baka nag hihintay ang hari doon at nakakahiya pa.   Agad akong bumaba at doon ay inihatid ako ni Mr. Felix sa hapag kainan kung saan nag hihintay ang mahal na hari. "Master, kapag kaharap mo ang mahal na hari o ang prinsipe sa hapag kainan, huwag kang masyadong mag kukwento o mag bibida ng kahit na anong may kinalaman sa himpilan ng mga alipin o sa maski sa kahit na anong bagay. Play safe ka lang muna. Maliwanag po ba master? Ayaw rin ng prinsipe Yago na kakausapin siya o titingnan. Mag sasalita ka lamang kapag tinanong ka. Kadalasan ay tahimik ang pag kain nila kaya't mas makabubuting huwag ka munang iimik." paalala nito.   "O-opo Mr. Felix" ang sagot ko at lumakad ako magarbong hapag kainan kung saan nag hihintay ang hari. "Marami ba kaming kakain?" Sa sobrang laki at haba nitong lamesa parang mag papakain sila ng isang buong barangay. Ang mga tagapag lingkod ay naka hilera sa gilid at nag aabang ng iuutos sa kanila.   "Hahaha, tatlo lang po kayong kakain, masasanay ka rin dito sa buhay sa palasyo"   "Umupo kana rito Ned" ang aya ng hari kaya naman parang isang robot akong nag lakad patungo sa lamesa upang sumabay sa kanyang kumain. "Tawagin nyo na si Yago, at sabihin na nakahanda na ang hapag kainan" utos nito   "Pababa na po si Prinsipe Yago" ang sagot ng mga taga pag lingkod at doon nga ay nakita ko ang isang matangkad na lalaki na pababa ng hagdan, gulo gulo pa ang buhok nito, naka suot ng kulay puting sando at kitang kita ang ganda ng dibdib nito na naka umbok at ang braso nito na bilugan. Naka suot rin ito ng pajama na humapit sa kanyang maselang binti. Nakaka demonyo ang kanyang dating at nakaka bighani ang kanyang anyo. Alam kong lalaki ako ngunit pati ako ay humanga sa kanya.   Makalipas ang ilang sandali ay tuluyan nang lumapit sa amin ang naturang prinsipe. Doon ko nakita ng mas malapitan ang kanyang mukha. Mas gwapo pa siya sa personal kaysa doon sa mga larawan na nakita ko. Makinis ang kanyang mukha, matangos ang ilong, mapula ang labi, bilugang singkit ang mga mata at kulay brown ito. Talaga naman nakaka starstruck ang kanyang mukha. At bukod pa roon ay matangkad ito sa tantsa ko ay nasa 5’11 sya, maputi at makinis ang balat na parang hindi naarawan.   "Yago, gusto kong makilala mo si Ned, siya ang anak ng aking matalik na kaibigang si Daniel. Siya ang itinakda ko para sa iyo." ang bungad ng hari   Hindi naman kumibo si Yago at umupo lamang ito sa aking harapan. Agad itong pinag sandok ng pag kain sa kanyang plato na parang walang narinig. Hindi man lang kami nginitian o pinansin man lamang kaya parang may kung anong bagay ang kumabog sa aking dibdib na maaaring hindi nya gusto ang nangyayaring pag tali sa kanya. "Yago, narinig mo ba ko?" ang tanong ng hari   Nahinto sa pag nguya ang prinsipe at tumingin ito ng masama sa kanya. "Narinig ko, hindi naman ako bingi para hindi marinig ang masakit sa tainga mong boses!" ang pabalang na sagot nito sa kanyang ama. Maya maya, bumaling ang tingin nya sa aking kinalalagyan at muling nag salita "Ipapakasal mo na nga lang ako, sa ALIPIN pa. Nakakahiya sa mga tao! Ano nalang ang sasabihin sa akin ng mga kaibigan ko? Pumapatol ako sa taong amoy grasa at amoy araw?! Pwede ba papa, tigilan na natin ang kabaliwang ito. Pauwi mo na sa putikan ang alipin na iyan dahil hindi siya bagay dito. Excuse me! Nawalan na ko ng gana kumain! Kahapon pa mainit ang ulo ko dahil ginagawa na akong katawa tawa ng mga kaibigan ko, tampulan ako ng tuwa kapag tinutukso nila ako na isang alipin ang nakatakda para sa akin." pang iisulto niya at agad itong tumayo at tinumbok ang daan palabas ng kainan.   Natahimik ako sa aking narinig at napahawak na lamang ako sa kubyertos ng mahigpit habang pinipigilan ang pag tulo ng aking luha. Hindi ko akalain na lalabas sa bibig ng isang napaka gwapo at nakapa among mukha ang mga salitang iyon. Ang bawat pang iisultong binibitiwan nya sa aking harapan ay parang isang patalim na humihiwa sa aking dib dib. Sagad sa buto ang kirot at tagos sa puso ang hapdi. Kanina lamang ay mataas ang lebel ng aking enerhiya, kabalitaran ngayon na parang nawalan ako ng gana, bukod pa roon ay parang lalong bumama ang tingin ko sa aking sarili. Alam ko naman na isa lamang akong alipin pero walang masama doon, nag lilingkod kami para sa hari at sa palasyo ng walang pag iimbot at pag aalinlangan. Kaya wala akong ikakahiya.   Tahimik..   "Pasiensya na po mahal na hari, ngunit hindi po yata gusto ng inyong anak na nandito ako. Baka po maaari na akong bumalik sa himpilan bukas" mungkahi ko   "Hindi ka babalik doon, hindi ko maaaring bawiin ang aking salita kaya’t mananatili ka rito hanggang sa maging maayos ang lahat. Pag pasiensyahan mo na ang aking anak, sadyang naging mainitin talaga ang ulo nito mag buhat noong mawala ang kanyang ina. Nakiki usap ako sayo Ned, dumito ka muna sa akin. Matanda na rin ako kaya nais kong alisin ang aking pag kaguilty sa ginawa kong kalupitan sa iyong ama. Gusto kong ialis ka sa himpilan ng mga alipin upang makabawi ako sa aking kasalanan noon.   Hindi naman ako naka imik, para akong binusalan sa bibig kaya’t tango lamang ang aking isinukli bagamat labis akong nasaktan sa pang iinsulto ng kanya anak sa aking pag katao. Ganoon pala ang tingin sa aming mga alipin, amoy grasa, amoy araw at mababang uri. Kung sa bagay, mataas naman talaga siya dahil prinsipe sya at milyong milya ang layo nya sa akin.   Walang imikan sa hapag kainan, hindi na rin ako naka kain bagamat nakaka akit ang itsura ng pag kain. Pero aanhin ko pa ang mga ito kung wala na ring gana ang aking tiyan?   Ilang minuto rin akong nakatahimik at naka titig lamang sa aking plato, tila nawalan ako ng ulirat dahil sa sobrang pag kabigla. Parang naririnig ko pa rin ang masakit na salitang binitiwan nya sa aking harapan dahilan para kusang tumayo ang aking binti at lumakad palayo sa hapag kainan. "Pasiensya na po Mahal na Hari, ngunit kailangan ko na pong umalis." ang pag basag ko sa katahimikan   Agad akong nag tatakbo sa aking silid at kinuha ko ang sako na nag lalaman ng aking mga gamit, muli akong bumaba ng hagdan at mabilis na tinumbok ang pinto palabas ng palasyo. "Master Ned saan ka pupunta?!" sigaw ni Mr. Felix habang hinahabol ako nito   "Kailangan ko na po umalis! Pabayaan nyo na ako pakiusap po!"   "Hindi ka aalis Ned! Huminto ka!" ang sigaw ni Haring Rowan   "Wala naman dahilan para manatili pa ko. Hindi naman nya ako gusto. Walang may gusto nito!" sigaw ko   "Wag ka umalis Master, marahil ay nabibigla pa si Prinsipe Yago sa mga pangyayari kaya nakapag salita siya ng ganoon. Bigyan mo pa siya ng panahon para makapag isip. Alam kong pati ikaw ay naguguluhan din. Paki usap master, pag bigyan mo na ang kahilingan ng mahal na hari" paki usap ni Mr. Felix   Kung papayag ako sa kanilang kagustuhan baka ulanin lang ako ng pang iinsulto mula kay Yago at sa bulok na bibig nito. Napaka gwapong nilalang ngunit napaka pangit ng kanyang ugali. Kapag hindi naman ako pumayag sa kagustuhan nila, malayong masaktan ulit ako ngunit baka parusahan naman ako at idamay pa si Tiyo Manuel at ang buong himpilan. "Ayoko pong isiksik ang aking sarili sa mga bagay na hindi naman talaga para sa akin. Hindi po ako nararapat dito, malayo ang buhay na nakasanayan ko doon sa himpilan kasama ng mga alipin. Tama si Prinsipe Yago, hindi ako bagay dito!"   "Master Ned, paki usap po. Huwag mong biguin ang damdamin ng mahal na hari. Pangako ko sa iyo na tutulungan kita" paki usap ni Mr. Felix   Napahinto ako sa aking pag lalakad at humarap ako sa kanilang kinatatayuan, doon ko nakita ang mukha ng hari at ni Mr. Felix na lungkot na lungkot dahil sa aking biglaang pag alis kaya naman may kung anong bagay ang tumusok sa aking dibdib dahilan para lumakad ako pabalik sa kanilang kinalalagyan. "Nedriko, iniwanan ako ng iyong ama. Pati ba ikaw ay iiwan rin ako?" ang tanong ng hari dahilan para matahimik ako.   "Hindi ka iniwan ni Itay, inilayo lamang niya kami ni inay noong nasa loob pa ako ng sinapupunan niya. Hindi ko alam kung magandang ideya ba na manatili ako sa palasyong ito pero "sige po" mananaliti ako ng ilang araw pa, ngunit kapag hindi nag bago ang pakikitungo ng prinsipe sa akin, pabayaan nyo na po akong lumisan."   "Salamat po Master Ned, bumalik na tayo sa loob ng palasyo, paki usap po." wika ni Mr. Felix   Muli kaming bumalik sa loob ng palasyo at doon ay ikinalma ko ang aking sarili, katulad nga ng napag desisyunan ko kanina ay pipilitin kong tumagal pa ng ilang araw sa palasyo at mag oobserba kung may pag babago ba sa ugali ng prinsipe. Kung sa bagay tama rin naman si Mr. Felix na "BAKA" nga naguguluhan pa ito at wala pa sa katinuan dahil sa bilis ng mga pangyayari.   Makalipas ang ilang oras, muli akong bumalik sa aking silid upang mag pahinga. Nawala na rin naman ang gana kong kumain kaya itutulog ko nalang ito baka sakaling pag gising ko kinabukasan ay panibagong saya na ang nakalaan para sa akin.   itutuloy..  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD