Part 4

2149 Words
Ako at si Prinsipe Yago AiTenshi July 5, 2014   Part 4   Sakay ng isang magarang karwahe, tinahak namin ang daan patungo sa palasyo. Sa kabilang karwahe naman ay nakasakay sina tiyo at ang iba pang heneral ng kaharian. Habang papalapit ang bayan kung nasa naroroon ang palasyo, hindi ko maiwasang kabahan at mag isip ng kung ano anong bagay, ang masaklap pa rito ay puro negatibo ang gumugulo sa aking kaloob looban. Hindi ko tuloy maiwasang itanong sa mga kawal ang tungkol kay Prinsipe Yago. Siyempre gusto ko rin naman mag karoon ng konting background o impormasyon tungkol sa kanya, kung ano ba ang paboritong sports nito, paboritong kulay o pag kain man lang  Naisip ko kasi na sadyang mahirap pakisamahan ang isang taong hindi mo pa naman lubos na kilala O yung taong ngayon mo palang makikita. Basta alam ko lang ay sadyang bugnutin ito, mainitin ang ulo at maiksi ang pasensiya.   "Naku pasiensya na po master, hindi namin alam ang ugali ng Prinsipe Yago. Basta ang naririnig lang namin ay medyo mainitin daw ang ulo nito at mabilis mapikon kapag natatalo sa kahit na anong laban. Ang totoo nun ay ilang beses palang namin nasilayan ang mukha ng Prinsipe Yago, madalang kasi itong lumabas at bumisita sa himpilan ng mga kawal. Nasa palasyo lamang ito at nag aaral ng kanyang mga espesyal na leksyon. Bukod pa rito ay may sarili siyang pag sasanay sa eskrima kaya't walang rason para siya ay mag tungo sa aming lugar."  ang paliwanag nila   "Ganon ba? Nakuu eh, baka naman may kasamaan ang ugali ng Prinsipe. Huwag na kaya akong tumuloy? Maingay kasi ang usap uspan ng mga kklase ko na masama ang ugali nito." ang sabi ko na tila nakaramdam ng kaunting pangamba   "Naku, hindi po maaaring umurong master. Umaasa ang mahal na hari na kasama ka namin sa aming pag babalik. At isa pa ay maaari kaming maparusahan kapag pumalpak ang aming misyon"   "Edi wala talagang ibang pamimilian kundi ituloy ang kabaliwang ito?" tanong ko   "Ganoon na nga po master Ned. At sabihin na rin natin na kasama kami sa mga baliw na iyon." sagot nila.   Tawanan..   Bagamat hindi naman ako natawa at walang rason para gawin ko ito.   Hindi na ako naka imik, at itinuon ko nalang aking tingin sa tanawin sa labas ng bintana. Sa labing walong pananatili ko rito sa mundo, ngayon lamang ako nakapag lakbay ng ganito kalayo. Tama nga sila, napakaganda ng mundo sa labas himpilan ng mga alipin. Kung makikita lang ito ni Abel at ng iba pa ay tiyak na mamangha sila sa ganda nito. Nag tataasan at nag lalakihan ang mga gusali, ang mga tao ay naka bihis ng magagandang kasuotan na animo ang lahat ay may pag titipon na dadaluhan. "Ganito ba talaga mag damit ang mga dugong maharlika? Makakapal ang kanilang mga suot at napapalibutan pa ng mga kumikinang na alahas sa katawan. Maaumbok ang mga manggas at mahahaba ang mga laylayan ng mga ito."   "Master, tingnan nyo po ang malaking larawan na iyon. Ang billboard pong iyan ay si Prinsipe Yago" ang sabi ng kawal habang nakaturo ang daliri sa isang dambuhalang larawan ng isang lalaki sa gilid ng daan.   Larawan ito ng isang lalaking nakasandal sa isang napaka garang kotse, todo postura ito na parang isang modelo. Malakas ang dating nya sa larawan na tila isang artista sa telebisyon. Naka brush up ang buhok, nakaka silaw na ngiti at napaka perpektong mukha ang tumambad sa aking paningin. Bagamat naka suot ito ng itim na tuxedo, bakas na bakas pa rin ang ganda ng kanyang katawan na parang nililok sa perpektong hugis. "Tao ba talaga to? Parang sobrang gwapo naman yata. Parang kung didikit ako sa kanya ay magiging alangan ang aming mga anyo." ang tanong ko sa aking sarili habang naka titig sa larawan.   "Iyan po si Prinsipe Yago. ang itinakda para maging kabiyak nyo" ang singit isang kawal   "Naku e, sa lakas ng dating nya at napaka gwapong anyo nito mukhang hindi nya ako pag aaksayan ng panahon o papansinin man lang hahaha" biro ko lang bagamat binalot ako ng kakaibang kaba   "Ano ba ka ba master. Gwapo ka rin naman at hindi ka mag papahuli sa kanya. Maniwala ka sa amin, ngayon ay may kalaban na siya sa palasyo pag dating sa pa gwapuhan." biro ng kawal   "Haha wag nyo nga ako biruin ng ganyan baka maya maya ay patulan ko iyan. O kaya paniwalaan ko na ganoon nga ako. Kahit anong gwapo ng tao sa himpilan ng alipin ay alipin pa rin siya at hindi mababago iyon. Kahit damitan ako ng maayos at makintab ay doon pa rin ako galing at hindi ito mag iiba."   "O, edi patulan nyo po, nag sasabi lang naman kami ng totoo master Ned. At mula sa pagiging alipin ay malapit kana ring maging isang dugong bughaw."   "Gusto ko pong malaman niyo na hindi ko pinangarap maging isang dugong bughaw. Ang lahat ng ito ay bangungot para sa akin." sagot ko   Tawanan sila..   Halos napuno ng tawanan ang buong karwahe, mukha unti unti ko nang nakukuha ang loob ng mga kawal atleast diba kahit sila man lang maging karamay ko sa loob at labas ng palasyo. Bagamat sa kabila ng mga tawanan at biruan ay hindi ko pa rin maiwasang kabahan at mag alala sa kung anong klaseng buhay ang nag hihintay sa akin doon, at isa pa ay kung paano ba ako makapag aadjust dahil mas sanay ako sa trabahong alipin. Kahit sino naman na subuan mo ng kaning mainit ay mabibigla kung hindi dadahan dahanin.   Habang papalayo ang aming sinasakyan sa higanteng larawan ng prinsipe ay halos hindi pa rin humuhupa ang pag hanga ko sa kanya. Mula sa magandang mata, matangos na ilong, mapulang labi, nakakabighaning ngiti at matikas na tindig. Napaka perpekto nya, makapangyahiran ang kanyang pamilya at naka salta sa magandang uri ng pamumuhay.   "Ilang sandali nalang po ay mararating na natin ang palasyo" wika ng kawal na nag mamaneho   Noong marinig ko iyon, ay muli nanamang nangatog ang aking tuhod, binalot nanaman ako ng di maipaliwanag na kaba at excitement.  Ganito ka roller coaster ang feeling. Para na tuloy akong masisiraan ng bait noong mga sandaling iyon. "Ayos lang po ba sa mahal na hari na ipakasal ako sa anak nya kahit pareho kaming lalaki?" ang pag lilinaw ko   "Siguro Master, kasi hindi naman mag uutos ang hari kung hindi ito seryoso hindi ba?" sagot ng isa   "Ganoon ba?" matipid kong sagot na halatang nag aalangan sa aking gagawin.   Makalipas ang ilang oras na pag lalakbay, narating namin ang tarangkahan ng palasyo. Halos lumuwa ang aking mata sa sobrang pag kamangha sa laki nito. Isang tarangkahan na parang wall of china ang dating at napapalibutan ng mga kawal ang bawat kanto nito. "Master Ned, ito ang tarangkahan ng palasyo. Matagal na panahon na noong itinayo ito. Ginagamit ito upang maprotektahan ang palasyo sa mga mananakop."   "Wow" ang tanging nasabi ko habang nanlalaki ang aking mata sa labis na pag ka mangha.   Nag patuloy kami sa pag usad, at doon ay tuluyan kaming nakapasok sa loob ng tarangkahan. Tama nga ang mga naririnig kong usapan sa labas kung paano ilarawan ang loob ng palasyo. Matao rito at abala ang lahat sa pag gawa. Kapansin pansin din ang mga makukulay na palamuti sa paligid at ang mga tindahan ng mga kung ano anong bagay katulad ng alahas,mga kakanin,laruan at mga pagkain. Marami din nag titinda ng mga lobo at malalaking palutang. Mistulang isang malaking pistahan ang loob ng palasyo kung iyong ilalarawan. "Ganito po ang ikinabubuhay ng mga tao rito sa loob ng palasyo. Ang lahat po ay masaya at payapang nabubuhay para sa kanilang pamilya. Ang mahal na hari po ang nag panukala na bigyan ng ikabubuhay ang tao rito sa kanyang nasasakupan at mag buhat noon ay naging masaya na at makulay ang loob ng kaharian."   "Tama ba ang narinig ko? kung gayon ay mabuting tao pala talaga ang mahal na hari, taliwas sa pag lalarawang mga kaibigan ko sa himpilan ng mga alipin" ang bulong ko sa aking sarili habang pinapanood ang magandang tanawin sa labas ng karwahe.   Makalipas pa ang ilang minuto ay tumambad naman sa aking paningin ang pinaka magandang atraksyon sa loob ng kaharian. Nahulaan nyo na ba kung ano ito? Ang PALASYO na nakatirik sa gitna ng mala kristal na lawa. Kahanga hanga ang nag lalakihang pader nito at ang mala dyamante na disenyo sa paligid. Ang bawat batong makukulay ay pinag aksayahan ng panahong iaayos upang maka buo ng hugis. Sa sobrang laki at tayog nito ay hindi na ito maabot ng aking mata. Ngayon ay masasabi ko na hindi ito normal na tanawin para sa kagaya kong lumaki kasama ng mga tiga silbi at alipin."Maligayang pag dating po sa palasyo ni Haring Rowan" ang wika ng isang kawal na kanina ko pa kabiruan.   "Wow" ang bulong ko sa aking sarili habang mahilo hilong iniikot ang aking paningin sa paligid nito   Isang masigabong palakpakan ang sumalubong sa aking pag baba ng karwahe habang nag liliparan ang mga confetti sa paligid, para akong isang bayani na sinasalubong ng lahat habang tumutugtog ang mga musikero na siyang nag bibigay sigla at saya sa mga tao. Pinalibutan ako ng mga kawal at inihatid sa loob ng palasyo. "Bakit ang daming tao?" ang tanong ko   "Hinihintay po nila ang inyong pag dating, kaya kailangan ka namin paligiran upang hindi ka dumugin ng mga taong nag nanais makamayan ka"   "Wow,instant celebrity na agad ako?" ang biro ko   "Parang ganoon na nga po master Ned. At bihira sa isang taong galing sa himpilan ng alipin ang makatapak sa ganitong lugar. At ikaw pa ang nakatakda para sa prinsipe."   Hindi mag kamayaw ang mga taong nag tatangkang lumapit sa akin. Maging hanggang sa pintuan ng palasyo ay hinahabol ako ng mga ito kaya naman dali dali kaming pumasok sa bulwagan. Doon ay muling bumulaga sa akin ang napaka gagandang ilaw ng palasyo, mga hagdang ubod na taas at mga nag lalakihang kurtinang pula sa bawat sulok nito. Ang sahig ay makintab at nababalutan ng pulang carpet. Kapansin pansin din ang ganda ng mga estatwang ceramiko na naka palibot sa bulwagan. Inilakad ko pa ang aking mata at doon ay nakita ko ang mahal na hari na nakatayo sa dulo ng bulwagan at kumaway ito at parang sinasabi ni lumapit ako.   Marahan akong lumakad patungo sa kanyang kinatatayuan bagamat nangangatog ang aking tuhod dahil sa sobrang kaba. Halos mabitiwan ko na ang dala kong sako kung saan naka lagay ang aking gamit. Ang panget no? may hila hila akong sako, wala kasi akong bag sa bahay dahil kadalasan kasi bitbit ko lang ang aking note book at ballpen sa paaralan. Hindi uso ang bag sa aming mga taga pag linggod.   "Maligayang pag dating anak ni Daniel" bati ng mahal na hari habang naka tingin sa sakong aking hila hila. "Ano ba iyang dala mo?" tanong nito   "Ahh eh, mga gamit ko po. Wala po kasi akong bag kaya eto sa sako ko nalang inilagay" paliwanag ko   Natawa ang hari "Sige ibigay mo na sa mga tagapag linggod ang dala mo upang maipasok na rito sa kwarto. Sana ay maging masaya ang pag tira mo rito sa palasyo kasama ang aking anak. Tiyak na mag kakasundo kayo dahil hindi kayo nag kakalayo ng edad. At parang naaalala ko tuloy ang buhay namin Daniel noon, parang nabuhay lamang ang aming alaala ng mag kasama."   "P-pasiensya na po kayo. Kinakabahan kasi ako" ang tanging naisagot ko   "Huwag kana kabahan dahil mabait naman ang aking anak. Halika at ipapakilala kita sa kanya" ang sabi ng hari at lumakad kami papanhik ng hagdan. "Wag ka mag alala dahil alam na ni Yago ang  kasunduan" ang pag mamalaki ng hari na parang punong puno ng self confidence.   Nag tungo kami sa isang malaking pintuan na kulay ginto at pula "Ang silid ng aking anak. Halika at ipapakilala kita"   Marahan nyang binuksan ang silid at doon ay muli akong napahanga sa luwang at ganda nito. Ang laki higaan at mukhang bulak sa sobrang puti nito, ang disenyong kulay pula at ginto ang lalong nag paganda sa silid. Dito ay makikita mo rin ang isang kwadro na larawan ng isang lalaki na nakasuot ng damit na magarbo at nakangiti ito. Si Yago ang nasa larawan at nakapa gwapo talaga nya. Inikot ng hari ang kanyang paningin ngunit walang "Yago"na nag pakita sa amin. "Nasaan si Yago?!" ang sigaw ng hari sa mga taga pag lingkod.   "Mahal na hari, dalawang araw na pong wala ang prinsipe, sumama po itong mag bakasyon sa barkada nya" ang paliwanag nila   "Bakit hindi nag papa alam sakin?! Ibalik si Yago rito sa palasyo ngayon din!! Anong kalokohan ng Yago na iyan!" ang galit na sigaw ng hari habang bumaba ng hagdan.   Parang kanina lang ang ganda ng mood ng hari, ngayon ay agad na nag bago ito noong malaman nyang nakapuslit na pala ang anak nya. May pag ka pasaway din pala si Yago dahil kahit ang sarili nyang ama ay nagagawa nyang lokohin at takasan. Paano kaya kapag nag sama na kami? tatakasan din nya kaya ako at lolokohin kagaya ng ginagawa nya sa kanyang ama?   itutuloy..    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD