Ako at si Prinsipe Yago
AiTenshi
July 11, 2014
Part 6
"Maganda umaga po Master Ned, nakahanda na po ang almusal. Ilang saglit po ay bababa na rin ang mahal na hari." bati ni Mr. Felix
"Dito na lamang ako sa aking silid. Tiyak hindi nanaman makaka kain si Yago kapag nakita niya akong nakasabay sa kanila ng kanyang ama."
"Master, kanina pa po alas 7 ng umaga umalis si Prinsipe Yago, mayroon siyang history class at pencing class ngayong araw. Tiyak kong hindi kayo mag kikita kaya bumaba na kayo at samahan ang mahal na hari para kumain."
Wala naman akong nagawa kundi ang mapa buntong hininga at sumang ayon sa nais ni Mr. Felix. Pag kaayos ko ng aking sarili ay agad kaming lumalabas, sa hagdan palang ay kinakabahan naman ako, tila ba natrauma na ako sa pangyayari noong makaharap ko si Yago na ganoon ang ugali. Para siyang isang gwapong prinsipe na naging halimaw dahil nakaramdam ito ng ibayong pag kainis sa mga kaganapang hindi niya matanggap sa kanyang buhay. "Master, kamusta ang tulog mo?"
"Mabuti po, pagising gising ako."
"Bakit, hindi ka ba komportable sa kama? Gusto mo ay palitan natin ng mas malambot pa? O mas malaki kaya?"
"Hindi po sa higaan, padilat dilat ako dahil na papraning ako. Napapanaginipan ko na pumapasok si Yago sa kwarto at sasaksakin niya ako. O kaya baka ay tatakpan niya ng unan ang aking mukha."
Natawa si Mr. Felix "indikasyon iyan na nag karoon ka ng taong sa iyong mapapangasawa."
"Kailangan po ba ng kasal?" tanong ko.
"Opo master. Iyon ang kagustuhan ng mahal na hari. Ginagawa niya ito dahil ang sabi niya sa akin ay binabagabag siya ng kanyang konsensiya sa ginawa niya kay Daniel kaya nais niya makabawi sa anak nito. At ikaw nga po iyon Master Ned."
"Iyan ang mga bagay na hindi ko maaaring takasan." ang tugon ko habang lumalapit sa lamesa. Umupo ako dito at hinintay kong bumaba ang hari mula sa hagdan.
Makalipas ang ilang minuto ay lumabas ang hari sa kanyang silid. Naka suot ito ng robe at magandang tela ng pajama. "Magandang umaga hijo."
"Magandang umaga po Mahal na Hari." bati ko rin.
"Nga pala, ngayong araw ay maaari ka nang mamili ng magagandang damit, o maaari ring ipatawag ko ang aking mananahi para magawan ka ng personalize na disenyo. Si Felix na ang bahala sa iyo."
"Maayos pa naman yung mga damit ko mahal na hari."
"Hindi, maaari iyon, lalabas kayo sa publiko, susundan ng mga media. Saka gawin mo ito para kay Yago, alam mo naman na may kaselanan at kaartehan ang aking anak. Sana ay panatilihin mong maayos ang iyong anyo."
"Kung iyan po ang nais mo, mahal na hari." tugon ko. Ngiti ang kanyang isinagot sa akin at ipinag patuloy namin ang aming pag kain.
"Ehem, nga pala mahal na hari, may dumating na imbitasyon ang Avalon. Mag kakaroon daw ng concert ang mga bata doon ay mayroong imbitasyon para kay Prinsipe Yago. Tiyak na matutuwa po ang mga bata kung makakarating ang prinsipe."
"Hindi naman pupunta dyan si Yago. Tiyak na mabibigo lamang ang mga bata. Padalan mo sila ng suportang pinansyal upang makabawi sa pag kukulang ni Yago."
"Mahal na hari, pwede po bang mag padala ng kahit na sinong representante ang palasyo? Matagal na raw kasing walang dumadalaw doon na kinatawan. Nalulungkot mga bata."
"Mawalang galang na po, ano po ba ang Avon Lea?"
"Ang Avalon ay isang foundation na ipinatayo ko para sa mga batang nais makapag aral ng libre. Para rin ito sa mga batang ulila na hindi na kayang suportahan ng kanilang mga guardians katulad ng kanilang mga lolo, lola o mga kapatid pa. Ang foundation na iyon ay ipinangalan ko kay Yago para kunwari ay sya ang nag pagawa. Para masabi lamang na mayroong ginagawa ang prinsipe para sa mga bata." ang wika ng Hari.
"Pero kahit na kailan ay hindi nasilayan ng Avon Lea ang mukha ni Prinsipe Yago. Kaya ganoon na lamang ang pag kauhaw nila na bisitahin sila ng kinatawan ng palasyo."
"Ako na lamang ang bibisita sa kanila, sa ngalan ni Yago at ng mahal na hari." ang bigla kong nasabi.
Natuwa si Mr. Felix. "Ano sa palagay mo mahal na hari? Magandang ideya na si Ned ang tungo doon para gampanan ang tungkulin ng kanyang mapapangasawa. At para na rin makita nila kung bakit si Ned ang napili ng Hari, dahil si Nedriko ay responsable at may kakayahang gampanan ang tungkulin ng kanyang asawa. Magandang panimula ito, tama ba mahal na hari?"
Napaisip ang hari..
Pero maya maya ay sumang ayon rin ito. "Bihisan mo ng maganda si Nedriko. Baka may press doon. At bigyan mo siya ng script na sasabihin kung sakaling pag salitain siya sa harap ng mga tao."
"Masusunod po mahal na hari." sagot ni Mr. Felix sabay kindat sa akin.
At iyon nga set up, matapos ang almusal ay may dumating agad na isang lalaki, pinatayo niya ako sa kanyang harapan at sinukatan ang aking katawan, pati ang sukat ng aking paa, bewang, braso, balikat at hita ay kinuha rin niya. Matapos noon ay sinamahan ako ni Mr. Felix sa isang silid na mayroong malaking paliguan. Tinulungan niya akong alisin ang aking saplot sa katawan, at inalalayan pa ako na parang isang babae na lumusong sa tubig na may kakaibang amoy, napaka bango nito at nakakarelax sa pakiramdam. "Master Ned, mag relax ka muna dito ng 20 minutos, ang tubig sa bath thub ay may espesyal na aroma na nakapag aalis ng dumi sa balat, nakapag papabango at nakapag papa relax ng isipan. Babalik na lamang po ako maya maya." ang pag papa alam ni Felix sabay sara sa pinto ng paliguan.
Alas 10 ng umaga, matapos akong maligo ay binalik ako sa kwarto at dito ay nag hihintay sa akin ang lalaking kuha ng sukat ng aking katawan. Isa isa niyang inilabas ang magagarbong damit mula sa kahon at ipinakita sa akin. "Master, ako po si Rin, ang personal na stylist ni Prinsipe Yago. Pumili na po kayo ng damit na nais ninyo." ang wika nito.
Tiningnan ko ang mga damit na may iba't ibang kulay at disenyo. "Maganda lahat, wala akong mapili. Ang totoo ay ngayon lang ako makapag susuot ng ganyang kasuotan. Kalabisan po ito Mr. Rin."
Natawa siya. "Ano ka ba, wala lang ito kumpara sa mga isinusuot na damit ni Prinsipe Yago. Madalas pa nga niya akong nakakagalitan kapag hindi niya gusto ang detalye at desenyo."
"Pero si Prinsipe Yago iyon. Para sa akin na lumaki sa himpilan ng mga alipin, ang mga damit na ito kalabisan na. Siguro ay iyon na lamang pinaka simpleng desenyo ang pipiliin ko." ang tugon ko sabay turo sa kulay puting long sleeve na may burda ng silver sa gawing balikat.
"Pero masyado simple iyan Master, baka hindi maibigan ng mahal na hari." ang tugon ni Rin.
"Okay lang po. Hindi naman mahalaga kung ano ang suot ko. Ang iniisip ko ngayon ay ang tuwa ng mga bata kapag nalaman nila na mayroong kinatawan ang palasyo. Ngayon palang ay naririnig ko na ang kanilang pananabik kahit na hindi ako si Prinsipe Yago na inaasahan nila."
"Tama iyan master. Mag bihis kana at malapit na mag simula ang concert. Tiyak na matutuwa ang mga bata kapag nalaman nila na may kinatawan ng palasyo ang dadalaw sa kanila ngayong taon." ang sagot ni Mr. Felix
Tinulungan ako ni Mr. Rin na mag bihis, pati ang aking sapatos ay binago rin niya. Ginupitan ng ang aking buhok at ini ayos ang aking mukha. Noong iharap niya ako sa salamin ay halos hindi ko na makilala ang aking sarili. Ngayon lang nakapag suot ng ganitong kagandang damit, maayos ang aking anyo at hindi ako amoy araw. Kahit ako mismo ay humanga sa aking sarili noong mga oras na iyon. "Tingnan mo nga Mr. Felix, napaka gwapo rin ng isang ito. Sino ang nag sabing iwan siya kay Yago? Kung tutuusin kapag nakadamit siya ng ganitong maayos ay hindi aakalain na siya ay galing sa himpilan ng mga alipin." ang pag hanga ni Mr. Rin
"Iyan ang sinasabi ko palagi sa kanya. Na mag karoon siya ng tiwala sa kanyang sarili at huwag siyang nag papadala sa mga negatibong salita ng prinsipe." ang sagot ni Mr. Felix na sinang ayunan ng stylist.
Hindi na kami nag aksaya ng pag kakataon, agad kaming sumakay sa sasakyan ng palasyo upang mag tungo sa Avon Lea. Sa aming sasakyan ay mayroong naka buntot na 30 na kawal nakatalaga para sa aking seguridad. Habang tumatakbo ang sasakyan ay kumakaway ang mga tao sa pag aakalang ako ang prinsipe ang lulan ng maharlikang sasakyan. "Master narito ang papel, kung kasaling ikaw ay pag salitain ay basahin mo lamang ito. Pag baba ng sasakyan natin na ito ay pag ngiti ang una mong gagawin, salubungin mo sila gamit iyan at tiyak na magiging masigla ang kanilang pakiramdam." paalala ni Mr. Felix, tumingin ako sa kanya at nag pasalamat. Binasa ko ang naka lagay na mensahe sa papel at isinaulo ang mga nakatala dito.
Makalipas ang 30 minuto ay nakarating kami sa gusali ng Avon Lea, isa itong mababang paaralan ng elementarya na mayroon malaking entablado sa gitna. Pag pasok pala ng aming sasakyan ay nakalinya ang mga guro sa ground. Pati ang mga bata ay may hawak na watawat ng palasyo bilang pag papakita ng pag galang at pag salubong..
Naunang luminya ang mga kawal..
Binuksan ni Mr. Felix ang pintuan ng sasakyan at dito ay lumabas ako ng may magandang ngiti. Ang lahat nag palakpakan, may ilang media na rin ang kumukuha ng larawan sa aking pag baba. Kumaway ako sa kanila ayon sa bulong ni Mr. Felix, ngumiti rin ako at nilapitan ang mga batang nag aabang sa akin. Ipinapatong ko ang aking kamay sa kanilang ulo at kinuha ang mga sulat na ibibigay nila sa akin. "Maligayang pag dating po sa aming paaralan Master Nedriko."
"Salamat sa inyo." ang sagot ko.
"May mahalagang inaayos ang prinsipe Yago kaya hindi siya nakarating. Ngunit pinaabot niya ang taos pusong pag bati niya sa mga talentadong bata ng paaralang ito. Gayon rin mga masisipag at mabubuting guro. At maswerte tayo dahil kahit wala ang prinsipe ay nandito naman ang kanyang magiging kabiyak upang sumuporta sa mga mag aaral." ang wika ni Mr. Felix sa mga guro.
"Maraming salamat po Master Ned." ang sabay sabay nilang pag bati.
Pumasok kami sa lugar tanghalan at dito pinaupo ako sa espesyal na silya para pinaka mataas na panauhing pandangal. Dito nag simulang mga tanghal ang mga bata sa entablado, mayroong mga sumayaw, kumanta, tumula, nag patawa, nag drama at nag sabayang pag bigkas. Namangha ako sa kanilang mga talento bagamat may pag kakataon na nag kakamali sila at napupuno ng tawanan ang mga manonood. Gayon pa man ay ito ay isang yugto sa aking buhay na minsan lang maganap at minsan ko lang maranasan. Ang manood at maupo sa isang espesyal na silya at sa panaginip lamang nagaganap.
Masayang masaya ako noong mga oras na iyon, ang ngiti at tawa sa aking labi ay hindi nawawala. Kusang pumapalakpak ang aking kamay sa matinding pag kagalak. At sa sandaling pag kakataon na iyon ay nakalimutan ang mga bagay na aking dinadala dahil napalitan ito ng sandaling ligaya..
"At ngayong mga mata, para bigyan tayo ng isang mensahe, Malugod ko pong inaanyayahan si Ginoong Nedriko, ang nakatakdang maging kabiyak ni Prinsipe Yago." ang wika ng emcee.
Isang masigabong palakpakan ang isinukli sa akin. Lumakad ako sa entablado at dito ay dumagsa ang media sa aking harapan para kuhanan ako ng larawan. Marahan kong pinuklat at ipinatong sa podium ang papel na ibinigay ni Mr. Felix, binasa ko pa rin ito bagamat naisaulo ko na rin kanina pa.
"Isang malaking karangalan na maimbitihan niyo ako sa ganitong uri ng pag tatanghal. Ngayon palang ay binabati ko na ang mga mag aaral ng Avalon sa kanilang mga natatanging talento. Nawa ay pag yabungin niyo pa ang mga ito at pag yamanin, dahil ang mga talentong ito ay magagamit niyo sa pag abot ng inyong tagumpay. Sa ngalan ng aking pinakamamahal na magiging kabiyak na si Prinsipe Yago, Congratulations at mabuhay tayong lahat." ang maikling mensahe ko.
Palakpakan ang mga nanonood...
Alas 4 ng hapon noong makabalik kami sa palasyo. Pag pasok ko palang sa bulwagan ng palasyo ay nakita ko na si Yago na naka upo sa magarbong sofa at may kausap sa kanyang telepono. Gusto ko sana siyang pansinin ngunit baka hindi rin niya ito magustuhan kaya naman nag panggap ako na hindi ko siya nakita..
Lumakad ako palayo na dinadama ang kasiyahan dulot ng concert sa Avalon..
"Hoy!" pag tawag sa akin ni Yago dahilan para mahinto ako sa pag lalakad.
"Bakit?" tanong ko.
"Bakit di nag bibigay galang sa akin? Prinsipe pa rin ako at ikaw ay isang alipin pa rin. Kahit damitan ka ng maayos ay mukha ka pa ring asong taga bukid. Mag bigay galang ka!" utos nito na may mataas na boses.
Hindi ako naka kibo..
Lumakad ako sa kanyang harapan para yumuko..
"Luhod." ang utos ni Yago.
Tumingin ako sa kanya. "Hindi ka naman santo para luhuran."
"Luhod! Matuto kang lumugar sa dyan sa sahig kasi ay diyan ka bagay." ang wika nito sabay patong ng paa sa aking balikat.
Nasa ganoong pag luhod ako noong dumating ang hari at agad na sinuway ang kanyang anak. "Tama na iyan Yago!" ang wika ng kanyang ama sabay alalay sa akin para tumayo. "Ned, simula ngayon ay hindi ka na mag bibigay galang kay Yago. Ang kaparehong kapangyarihan ay iginagawad ko sa iyo."
"Pa, igagawad mo ang pagiging dugong bughaw sa isang alipin? Iyan ang hindi ko lubos na maunawaan sa iyo."
"Siya ay magiging kabiyak mo. Kaya matuto kang pakisamahan ang isang alipin. Sige na Ned mag pahinga kana." ang utos ng hari sa akin.
Noong mga sandaling iyon ay ramdam na ramdam ko ang ibayong galit kay Yago. At sa kanyang matalim na tingin sa akin ay tila wala itong gagawing mabuti. Ramdam ko iyon, kahit hindi niya direktang sabihin.
Itutuloy..