Part 3

1764 Words
Ako at si Prinsipe Yago AiTenshi July 2, 2014   Part 3   Ngunit kagaya nga ng isang kasabihan na "May tainga ang lupa at may papak ang balita." Agad nakarating sa mahal na hari ang balita na nag silang ng isang sanggol na lalaki ang asawa ni Daniel at hindi nya ito kinatuwa. Dahil dito, napag balingan nya ng galit ang mga "palpak" na mang-gagamot na nag bigay ng mga kagamitang medisina sa mag asawa. Kaya naman agad nyang pinatawag ang mga ito at hinatulan ng parusang kamatayan. Noong mga panahong iyon, halos naubos ang magagaling na mang gagamot sa buong kaharian, ang ilan sa kanila ay napaslang at ang iba naman ay lumisan sa malayong lugar upang makatakas sa galit at kalupitan ng hari.   Ang utos ng hari ay hindi mababali, ganoon rin ang kanyang kagustuhan..   Lumipas ang ilang araw, muling nag harap si Daniel at ang Hari, doon ay hindi na naitago ng hari ang kanyang galit sa kaibigan, kaya naman ipinatapon niya ito sa himpilan ng mga alipin kasama ako at ang sanggol na isinilang ng kanyang asawa. Nawalan kami ng posisyon at kapangyarihan sa palasyo at mula noon ay namuhay kami ni Daniel kasama ng mga alipin sa lugar na ito. At mag buhat noong mamatay ang iyong ama, ako na ang nag alaga at nag taguyod sayo. Sa akin napunta ang lahat ng responsibiladad ng aking kapatid. Ayaw kang iwan ni Daniel ngunit ang pag tawag sa kaharian ng may kapal ay kailangan niyang dinggin. Mula noon ay lumakad siya sa kaharian nito ng maligaya bagamat batid kong ayaw ka niyang iwanan.   Tahimik..   Tila napipi ako sa aking mga narinig, doon ay ibayong lungkot ang lumukob sa aking pag katao kasabay nito ang pag patak ng luha sa aking mga mata. Hindi ko alam na isang malaking kamalasan at pag kakamali pala ang pag silang sa akin sa mundong ito. Ngunit bakit kailangan kalabanin ng hari ang likha ng may kapal kung gayong wala naman siyang kakayahan na baguhin ang kasarian ang isang tao kahit nasa sinapupunan pa ito ng isang ina. "Napaka sama pala talaga at napaka babaw ng hari!!"ang sigaw ko sa aking sarili   "At ngayon, hindi ko alam kung anong hangin ang pumasok sa utak ng hari at naisipan nyang tuparin pa rin ang nabigong kasunduan nila ni Daniel!" wika ni tiyo Manuel   "Iyon rin ang gusto kong malaman. Pareho kaming lalaki! Bakit kami ipapakasal? Hindi magandang tingnan iyon!" pag mamaktol ko   "Hindi ko rin maitindihan, ngunit sa aking palagay ay itinakda ang lahat ng ito. Naniniwala pa rin ako na ang bawat pang yayari sa ating buhay ay may dahilan at hanggang ngayon ay pinang hahawakan ko pa rin ito"   "Tama ka tiyo, ngunit hindi ko lang talaga makita ang dahilan kung bakit ako mag papakasal sa kapwa ko lalaki. Tradisyon ba ito? Bakit kailangan pa niyang sundin ang kasunduan kung gaanong pumalpak na ito at wala na rin ang aking ama."   "Ned, sa kahariang ito, malaya ang bawat taong makipag relasyon sa kasariang gusto nila basta’t masaya sila. Hindi humahadlang ang palasyo sa pakikipag relasyon ng kanyang nasasakupan sa kaparehong kasarian basta masaya ang mga ito at maayos na namumuhay. Yung hindi nila sinusuway ang kahit na anong batas na maaaring ikapahamak nila katulad ng pag labag sa kautusan ng hari o ng palasyo. Sa makatuwid, ang dalawang lalaki ay maaaring masama, ang dalawang babae maaaring ikasal ng malaya. Basta sinusunod nila ang kaloob ng mataas na batas." paliwanag ni Tiyo Manuel   "Anong ibig mong sabihin tiyo?"   "Sa makatuwid, sa kahariang ito legal ang pag papakasal ng dalawang mag kaparehong kasarian hanggat wala silang nilalabag na batas ay aayunan ng palasyo ang lahat."   "Ibig sabihin maaari talaga akong ikasal kay Prinsipe Yago?" ang tanong ko   "Posible iyon Ned. Maaari kayong maging mag asawa ng Prinsipe."   Parang isang matigas na tubo ang hinataw sa aking ulo matapos kong malaman na legal pala ang pag papakasal ng dalawang lalaki o babae sa kaharian ito. Sa makatuwid, wala akong takas maliban nalang kung ang prinsipe Yago mismo ang tatanggi sa nais ng kanyang ama. "Grabe! nakaka loka na talaga ito!"   Kinabukasan, halos naging usap usapan sa bayan at maging sa buong himpilan ng mga alipin ang balitang pag papakasal ko sa isang dugong bughaw, bagamat hindi nila alam na sa prinsipe ako nakatakdang ikasal, maugong pa rin ang balitang iyon na halos gumimbal sa aking mga kamag aral at maging kay Abel na aking matalik na kaibigan. "Tol, nabalitaan ko na nakatakda ka daw ikasal sa anak ng hari dahil sa kasunduan ng inyong mga magulang mahabang panahon na ang lumipas" tanong ni Abel   Hindi agad ako naka imik at nabaling na lamang ang aking tingin sa di kalayuan at doon ay maigi kong pinag masdan ang luntiang tanawin. "Hindi ko alam. Masyadong magulo ang isip ko. Kahapon pa, at hindi ako mapanatag."   tahimik..   Mahangin..   "Kung sa bagay, mahirap nga naman paniwalaan na ikakasal ka sa taong di mo naman kilala. Pero mas mahirap paniwalaan na lalayo ka sa akin. Tila nakasanayan ko na kasama kita sa lahat ng pag kakataon.." pag basag nya sa katahimikan   "Kung ako ang masusunod, gusto ko na lumayo sa lugar na ito. Gusto kong lumipad katulad ng mga ibon o kaya lumangoy kagaya ng mga isda. Mabuti pa sila may pag kakataong lumaya at hindi katulad natin na habang panahon nang inaalipin ng palasyo" ang tugon ko   "Ned, maaari ka naman maging malaya, kung gugustuhin mo lang."   "Pero paano?"   "Hindi ko alam, ano kaya kung itakas kita at ilayo sa lugar na ito? Tutal ayoko naman talagang matali ka sa taong di mo naman gusto"   "Kung maaari nga lang, ngunit natatakot naman ako dahil baka ito pa ang ikapahamak mo. Maaari tayong hatulan ng kamatayan o kaya’y ipatapon sa ibang lugar kapag nahuli tayo ng mga kawal ng hari"   "Kung mag papakasal ka, para ka na ring nabilanggo tol!!"   "Kung mag papakasal man ako, hindi dahil sa gusto ko ito. Kundi dahil sa benepisyong makukuha ko kapag parte na ko ng palasyo. Mag kakaroon na ako ng pag kakataon upang itaas ang bandila ng mga alipin at palayain sila sa himpilan ng kanilang kinasasadlakan! Ito lang muna ang plano kung sakali nga na matuloy ang kasunduan ng aking ama at hari.   "Kailan daw ang takdang araw ng pag alis mo?" ang muling tanong ni Abel   "Hindi ko alam tol, isang linggo lang ang ibinigay na palugit ng hari."   "So sa isang linggo na pala."   "Siguro.."   Parang may kung lungkot ang gumuhit aking dibdib habang naka tingin sa luntiang tanawin ng mga bukirin. Sa tuwing sumasagi sa aking isip na malalayo ako sa aking kababatang si Abel ay nakakaramdam ako ng pag kabigo at hindi maisalarawang kalungkutan. "Paano ba ko mag papa alam sayo Abel?" ang tanong ko habang nakatingin sa kanyang mga mata, doon ay hindi ko na naitago ang aking malungkot na emosyon.   "Tol, makinig ka.. Ang totoo nun ay nalulungkot din akong umalis ka pero ang labis na ikinalulungkot ko ay ang katotoohanang kaya ka aalis ay dahil mag papakasal ka sa iba." sagot ni Abel at bigla akong niyakap nito ng mahigpit   "A-ayokong umalis.. natatakot ako.." ang tanging nasabi ko at hindi ko napigil ang aking pag iyak   "Natatakot din ako.. Takot na takot." ang bulong nito sabay halik sa pisngi ko.   Halos ilang minuto rin kaming mag kayakap ni Abel habang umiihip ang malamig na hangin sa aming mga katawan, tila isang perpektong eksena sa isang pelikula ang tagpong iyon. Isang pelikula kung saan mag hihiwalay ang dalawang bidang karakter ang kaibahan nga lang ay wala kaming background music o kayay narrator na nag sasalita para ilarawan ang bawat eksena na aming ginagawa.   Mabilis lumipas ang mga araw, at dumating na nga ang araw ng aking pag alis. Umaga palang ay pinalibutan na ng mga kawal ng hari ang aming munting tirahan na para bang isang kaming kriminal na aarestuhin at ibibilanggo sa piitan. Grabe talaga, nais daw kasi ng mahal na hari na matiyak na hindi ako gagawa ng kahit na anong gusot katulad ng pag takas o pag bali sa bagay na itinakda katulad ng ginawa ng aking ama kaya hindi tuluyang sumisikat ang araw ay naka abang na sila sa paligid. "Master Ned, pinag uutos ng mahal na haring Rowan na dalhin ka na sa palasyo ngayon din" ang sabi ng kanilang kapitan habang kinukuha ang lahat ng aking kagamitan.   "Maaari ba akong dumaan sa paaralan para mag paalam man lang sa aking mga kaibigan?" tanong ko   "Kayo po ang masusunod master Ned, basta’t kinakailangan bago ang hapunan ay makarating tayo sa palasyo ayon na rin sa utos ng hari"   Ayun nga ang set up, alas 10 ng umaga noong mag pasya kaming dumaan sa paaralan na aking pinapasukan, katulad nga inaasahan ko ay bumuhos ng luha at malungkot na eksena ang kaganapan sa paligid. Syempre naman katulad nga lang lagi kong sinasabi, walang madali sa pamamaalam. Ito na yata ang pinaka mahirap na parte sa lahat. Bago ako tuluyang umalis, nag tipon tipon pa ang aking mga kamag aral sa ground para lamang alayan ako ng isang kanta at iyon ang nakapag pa luha sa akin ng lubos.   Don't lose your way With each passing day You've come so far Don't throw it away Live believing Dreams are for weaving Wonders are waiting to start Live your story Faith, hope and glory Hold to the truth in your heart   If we hold on together I know our dreams will never die Dreams see us through to forever Where clouds roll by For you and I   "Mag iingat ka Ned, laging bukas ang aming himpilan para sa saiyo. Wag mo kaming kakalimutan dahil mahal na mahal ka namin" ang sabi ni Abel habang isinusuot sa akin ang kanyang kwintas. "Ingatan mo to, ito ang mag papa alala sa iyo na minsan may isang Abel na nadumaan at naging parte ng buhay mo. Sa tuwing malulungkot ka lagi mo lang itong hawakan at alalahanin na nandito lang ako para sa iyo. Mag iingat ka tol, huwag kang makakalimot, kapag may pag kakataon ay dadalawin kita doon."   "Babalik ako, pangako. Maraming salamat sa lahat. Salamat sa masasayang araw na pinag samahan natin, aaminin kong hindi naging madali ang buhay natin ngunit naging masaya naman ito dahil kasama kita. Paalam Abel. Hanggang sa muli.."   Isang mahigpit na yakap ang ginawad ko kay Abel, kasabay nito ang isang pangako na ako ay mag babalik at palalayain ang mga tao sa himpilan ng mga alipin. Pantay pantay lamang tayong mga nilalang kaya ang bawat isa ay may karapatang lumaya at maging masaya. Ngayon ay tatahakin ko ang kakaibang buhay na kahit sa panaginip ay hindi ko pa nasilayan. Bagong buhay, bagong pag subok. Hindi ko alam kung anong ang nag hihintay sa akin ngunit nanangako sa aking sarili na magiging matatag at malakas sa lahat ng oras.   itutuloy..  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD