Part 2

1531 Words
Ako at si Prinsipe Yago AiTenshi June 30, 2014   Part 2   "Aalis na ako, ipapasundo ko na lamang kayo sa isang linggo kapag natanggap nyo na ang lahat" wika ng hari at agad nitong tinahak ang daan palabas ng bahay kasama ang kanyang mga kawal.   tahimik..   Naiwan kami ni Tiyo Manuel na nakatulala at nakatahimik sa loob ng aming munting dampa, halos gulong gulo ang aking pag iisip at hindi ko malaman kung paano babasagin ang katahimikan na lumukob sa paligid bagamat nais kong malaman ang katotohanan kung bakit ako ipapakasal sa anak ng mahal na hari kung gayong batid ng lahat na pareho kaming lalaki.   Noong mga oras na iyon ay napag tanto ko na ako ay isang salat sa katotohanan ng nakaraan. Basta ang alam ko lang ay anak ako ni Daniel na dating kaibigan ng hari, namatay siya sa isang malalang karamdaman at iyon ang simula ng aking pagiging ulila sa magulang. Hanggang doon lang ang aking alam, ang ibang detalye ay parang napunit na pahina ng isang lumang aklat.   Tahimik pa rin ako at nag muni muni..   "Ned, kumuha ka muna ng tubig at makakain sa kusina." utos ni tiyo Manuel bagamat halata rin sa kanya ang labis na pag iisip   Wala naman akong nagawa kundi sundin sya, kaya naman dali dali akong nag punta sa kusina upang kumuha ng aming hapunan. Agad ko itong dinala sa sala at doon ay umupo ako sa tabi ni tiyo habang pinag mamasdan itong kumuha ng pag kain. "Ano pang tinutunganga mo dyan? Kumain kana rin" utos nito na may malakas na boses.   "Opo tiyo, pasensya na. Iniisip ko lang kasi yung eksena kanina. Gusto ko lang malaman kung bakit ganoon nalang kayo kalapit ng aking ama sa mahal na hari. At saka bakit nya ako ipinag kakasundo sa anak nya? Ano po bang kasalanan ang ginawa nyo ni papa? At anong kasalanan ko?" tanong ko na tuliro at hindi malaman ang magiging emosyon.   Nahinto si Tiyo Manuel sa pag nguya ng pag kain at ibinaling nito ang kanyang tingin sa akin "Wala kaming kasalanan ng ama mo sa mahal na hari, nag kataon lang na hindi umayon ang pag kakataon sa nais nya. Ang nakaraan ay isang malaking pag kakamali."   "Ano pong ibig nyong sabihin?!"   "Gusto mo ba talaga malaman kung bakit? Handa ka ba sa pahinang ito?" tanong nito   Natahimik ako at nag kibit balikat. "Siguro."   "Buuin mo ang iyong isip at kalooban." utos niya.   Tumingin ako sa kanya at tumugon. "Opo tiyo, handa na ako, gusto kong malaman ang puno’t dulo ng lahat. Hindi ko lubos maunawaan ang mga nangyayari kaya naguguluhan pa ako hanggang ngayon. Ito ay malaking palaisipan sa akin, basta ang alam ko lang si Daniel ay ang aking ama at pumanaw siya dahil sa sakit. Bukod doon ay wala na."   "Siguro ay panahon na nga upang malaman mo ang lahat. Halika sumunod ka sa akin" ang sabi ni tiyo.   Tahimik lang akong tumugon..   Pareho kaming lumakad ng walang imikan. At dito ay nag tungo kami sa likod bahay kung saan may isang malaking puno ng mangga. Kinuha nya ang pala at nag hukay siya sa paanan nito.   Halos tumagal ng 15 minuto ang pag huhukay ni Tiyo Manuel sa lupa hanggang sa ilang saglit pa ay tumambad sa aking harapan ang isang maliit na banga. Lumang lumang na ito at halos nangitim na sa katagalan. "Halos labing siyam na taon na itong nakalibing sa ilalim ng punong ito." paliwanag ni Tiyo habang inaalis ang takip sa naturang banga.   Doon ay tumambad sa aking mata ang laman nito, nakabalot sa isang puting tela ang isang container na may lamang ibat ibang klaseng gamot. May mga tableta, kapsul, at ang iba naman ay mga likido na naka bote pa at halatang hindi pa nabubuksan. Kaya naman laking pag tataka ko kung ano at para saan ba ang napakaraming gamot na ito. "Ano po iyan tiyo?" tanong ko habang nakatitig sa lumang banga   "Dito nag simula ang lahat... Ito ang sikreto ni Daniel ang iyong ama. Natatandaan ko pa ang lahat, tag araw noon at masaya kaming nag lalaro ni Daniel at Rowan sa ilalim ng init ng araw. Bata palang kami ay matalik na kaming mag kakaibigan ng iyong ama at ni Haring Rowan. At dahil na rin sa sabay sabay kaming lumaki, naging mas malapit pa kami sa isat isa. Hanggang sa lumipas ang panahon ng aming pag bibinata, si Rowan ang naupo bilang pinakabatang hari ng palasyo at ang iyong ama naman na si Daniel ang tumatayong kanang kamay nya dahil mas malapit sila sa isat isa kaysa sa akin, kaya ako naman ay naging heneral ng mga kawal ng palasyo ayon na rin sa kagustuhan ng hari.   Hindi matatawaran ang pag kakaibigan ni Haring Rowan at Daniel dahil ang bawat desisyon at pag paplano sa palasyo ay silang dalawa ang nag papasya. Labis kasi siyang pinag kakatiwalaan ng hari kaya’t ang bawat salita ni Daniel ay kasing bigat din ng salita ng hari.   Lumipas pa ang mga taon, at naganap ang ikatlong digmaang pambansa. Sa gitna ng labanan ay nalagay sa bingit ng alanganin ang buhay ng hari, sa makatuwid ay muntik na itong mapaslang. Maraming salamat na lamang kay Daniel na nag ligtas sa kanyang buhay. At dahil dito, muling kinilala ng lahat ang iyong ama dahil na rin sa angking katapangan at katapatan nito sa Hari.   Matapos ang digmaan, nag pasya ang hari at ang iyong ama na gumawa ng isang kasunduan na mag bubuklod sa kanila habang buhay at iyon ay ang pakikipag kasundo sa kanilang magiging anak. Sa makatuwid, ipapakasal ng hari ang kanyang anak sa magiging anak ng iyong ama. At sinang-ayunan naman ito ng mag kabilang partido.   "Teka muna tiyo, bakit pumayag ang aking ama na makipag kasundo kung gayong hindi naman sya sigurado na babae ang kanyang magiging anak? At hindi rin naman sigurado ng hari kung ano ang magiging anak nya?" ang pag tatakang tanong ko kay Tiyo Manuel   "Magandang katanungan iyan Ned, dahil ang susunod ikukwento ko ay ang pag kakaroon ng anak ng bawat partido" tugon ni tiyo   Muling nag salaysay si Tiyo Manuel tungkol sa nakaraang buhay ng aking ama at ni Haring Rowan. Ang bawat salitang binibitiwan nya sa aking harapan ay nag sisilbing isang susi upang mabuksan ang katotohanan sa likod ng isang kasunduan. "Lumipas pa ang ilang taon, nag dalang tao ang asawa ng hari at nag silang ito ng isang malusog na sanggol na lalaki at pinangalanan itong Yago. At dahil nga lalaki na ang anak ng hari kinakailangan ay maging babae ang anak ni Daniel kaya’t pilit ginawa ng hari ang lahat upang maisakatuparan ang kanilang kasunduan kaya naman pinatawag ng hari ang lahat ng pinaka sikat at mahuhusay na mang-gagamot sa buong kaharian upang siguraduhing babae ang maisisilang na sanggol ng asawa ni Daniel.   Kung tutuusin ay hindi nag kulang ng suporta ang hari dahil mga mamahaling gamot at inuming pang medisina ang ibinibigay nya kay Daniel upang makatiyak na babae ang isisilang na sanggol ng kanyang asawa. Ngunit habang tumatagal ay humihina ang asawa ni Daniel dahil narin sa ayaw tanggapin ng katawan nito ang katakot takot na gamot na pinapainom sa kanya kaya naman nag pasya si Daniel na itigil na ang pag bibigay nito sa kanyang asawa. Inutusan nya ako na itago at ibaon sa lupa ang lahat gamot na ibinibigay ng hari kanila. At ito ang mga gamot na nasa lumang banga na nakalibing sa ilalim ng lupa matagal na panahon na ang lumipas.   "Mas mahalaga ang buhay ng aking asawa, at ang buhay ng aking anak. Hindi ko hahayaang malagay sila sa peligro ng dahil sa kagustuhan ng hari" ito ang natatandaan kong wika ng iyong ama habang itinatakas nya ang kanyang asawa palabas ng palasyo.   Noong mga oras na iyon, walang kamalay malay ang hari sa ginawang pag lisan ni Daniel at ng kanyang asawa sa palasyo. Doon sila tumira sa gitna ng kakahuyan kung saan magiging tahimik at payapa ang kanilang pamumuhay. Hanga pa rin ako sa ipinakitang katapangan at lakas ng loob ng aking kapatid kaya naman malugod kong sinuportahan ang lahat ng kanyang naging desisyon bagamat mapanganib at labag ito sa kagustuhan ng naka taas ngunit dahil nga malakas ng loob ng iyong ama, nagagawa nyang gawing posible ang akala mo ay imposibleng gawin.   Lumipas ang ilang buwan, dumating na ang araw ng pag silang sa anak ni Daniel, ngunit sa araw ding iyon, kailangan nyang mamili kung sino ang bubuhayin. Ang anak ba? O ang kanyang asawa? Sadyang naging mahirap kay Daniel ang pag papasya kaya wala itong nagawa kundi umiyak na lamang. Ngunit sa kabila ng lahat, nangibabaw pa rin ang pag mamahal ng isang ina sa kanyang anak kaya nag pasya pa rin ang iyong ina na iligtas ang kanyang dinadala kapalit man nito ang kanyang sarili buhay.   At makalipas ang ilang oras. Isinilang ang isang sanggol na lalaki at pinangalanan itong Nedriko..   Noong mga oras na iyon ay ibayong tuwa ang naramdaman ng iyong ama dahil kawangis na kawangis mo ang iyong ina. Nawala man sa piling ng iyong ama ang kanyang asawa, may naiwan naman na isang biyaya na galing sa kanya at iyon ay ikaw Ned. Kaya may dahilan pa rin si Daniel para matuwa.   Wala itong mapag sidlang ligaya sa kabila ng nabigong kasunduan na siyang babago sa takbo ng aming pamumuhay..   itutuloy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD