Ako at Si Prinsipe Yago
Ai_Tenshi
June 18, 2014
Wednesday
4:46pm
"Hindi ko alam kung bakit umabot sa ganito ang lahat. Parang kahapon lamang ay normal pa ang aking pamumuhay, ngunit nang dahil sa isang pag kakamali ay nabago ang takbo ng aking mundo. Gusto ko na bumalik sa dati kung saan ang tanging masakit lamang ay ang sugat sa aking tuhod kapag nadarapa at hindi ang aking puso kapag nasasaktan" ito ang pag tangis ko sa aking sarili habang unti unting inilulubog ng malamig na tubig ng lawa ang aking katawan sa kailaliman nito.
Nakabukas ang aking mata habang nakatitig sa liwanag na tumatama sa aking mukha. Ito ang liwanag na nag mumula sa buwan. Ramdam ko ang marahang pag ka ubos ng aking hininga hanggang sa unti unting nag balik sa aking ala ala ang lahat....
Part 1
Ako si Ned, 18 taong gulang. 5’8" ang tangkad, sided na parang isang koreano ang buhok, mapula ang mga labi, matangos ang ilong at maganda ang hubog ng pangangatawan dahil batak ito sa gawaing bahay. Maputi ang aking balat at hindi naman sa pag mamayabang ngunit sinasabi nila na gwapo daw ako at hindi nalalayo ang itsura sa mga dugong bughaw sa kabila ng aking pagiging isang alipin.
"Ned! Gumising kana, may trabaho pa tayo sa bukid! Tatamad tamad ka na namang bata ka!" ang sigaw ni Tiyo Manuel habang kinakalampag nito ang pinto ng aking silid.
Agad naman akong bumalikwas sa aking pag kakahiga at agad nag ayos ng aking sarili. "Sandali lang tiyo, susunod na po ako"
"Iwasan mo kasi ang mag paraos ng madalas sa gabi para hindi masyadong nahihimbing ang tulog mo. Pag tinanghali tayo ay tiyak tataas nanaman ang araw ay mahihirapan nanaman tayo sa pag kilos." dagdag ni Tiyo, ako naman ay bumalikwas at inayos ang aking sarili.
Halos ganito lagi ang eksena namin ni tiyo Manuel tuwing umaga. Kami kasi ang nangangalaga sa mga bukirin ni Haring Rafael na sakop ng aming lugar. Ganito lang talaga ang kinabubuhay naming mga alipin o taga silbi sa palasyo. May tatlong uri kasi ng antas ng pamumuhay dito sa aming lugar, ang pinakamataas ay ang mga "dugong bughaw" na kinabibilangan ng mga hari, prinsipe, reyna at ilang mayayamang nilalang. Ang ika-lawa naman ay ang mga "gitna" o yung sakto lamang, hindi mayaman ngunit hindi rin naman mahirap. May mga pinag kukunan sila ng kabuhayan at yaman. At ang ikatlo naman ay ang "alipin" kung saan kami nabibilang, kami yung taga pangalaga ng mga ari arian ng mga mayayaman at taga silbi sa kanilang marangyang pamumuhay.
Sabi sa akin ni Tiyo Manuel, ang ama ko raw ay nabibilang dati sa mga "gitna" dahil matalik na kaibigan ito ng hari. Ngunit sa hindi malamang kadahilanan daw ay bigla nalang silang nag away dahilan para ipinatapon ang aking ama sa himpilan ng mga alipin hanggang sa doon na ito bawian ng buhay. At tungkol naman daw sa aking ina, matagal na daw itong pumanaw dahil sa komplikasyon sa kanyang panganganak noong isilang ako. Kaya ngayon, tanging si Tiyo Manuel na lamang ang nag tataguyod sa akin.
Ngayon ay nasa 3rd year College na ako sa kursong Agrikultura, kasalukuyan akong nag aaral sa isang pambulikong paaral sa bayan kung saan ito rin ang paaralan ng ibang mga alipin na nais mag sipag tapos ng kanilang pag aaral. At dito naman sa bukid na aming pinag tataniman ay matatanaw mo ang isang magandang gusali na napapalibutan ang kulay pilak pa pader at magagandang palamuti, ito ang paaralan ng mga dugong bughaw at ilan sa matataas na antas sa lipunan. Kaiba ito sa aming paaralan na kahoy lamang at lumang pader ang nag sisilbing pundasyon. Bakit ko ito sinasabi? Wala lang, gusto ko lang malaman nyo kaibahan ng alipin at ng mga mataas na antas sa lipunan. Iyon kadalasan ang mga bagay na ipinapamukha sa amin ng mga tao, ang malaking kaibahan ng lahat.
"Hoy Ned! Ano ba yang iniisip mo? Bilisan mo ang pag tatanim dahil baka maabutan tayo ng bantay ng mahal na hari, tiyak na magagalit ang mga iyon dahil sa kupad nating mag trabaho!!" ang sigaw ni Tiyo
"Pasensya na po Tiyo, may bigla lang akong naisip"
"Saka mo na isipin ang bagay na iyan. Kung ano man iyan ay paniguradong makapag hihintay ito. Bilisan mo na ang pag gawa dahil may pasok ka pa sa eskwela mamaya."
"Tiyo, huwag na kaya ako mag aral? Mag hapon nalang akong tutulong sa iyo dito sa bukid."
"Iyan ang huwag mong gagawin, nababaliw ka kung hihinto ka sa pag aaral, anong ang hihintay sayo doon sa hinaharap? Huwag mong hayaang maging katulad mo ako na hanggang dito nalang ang estado. Paano ang magiging anak mo? Paano mo sila bubuhayin? Alam mo kapag mahirap ang magulang tiyak na mahirap rin ang anak. Alipin ang magulang, alipin rin ang anak. Para itong sumpa na nakagapos sa atin hanggang sa mga susunod na henerasyon. Lalayo kayo at mamumuhay ng mapayapa." ang sagot ni Tiyo sabay katok sa aking ulo.
Ipinag patuloy ko ang pag tatanim at pilit na winaglit ang mga bagay na gumugulo sa aking isip. Kung sa bagay, kahit na paulit ulit ko mang isipin ang malaking pag kakaiba ng agwat ng pamumuhay namin sa mga maharlika ay wala rin namang mababago, bagkus mas lalo pang liliit ang tingin ko sa aking sarili. Pero ganoon siguro ang buhay, hindi ka magiging matatag kung hindi ka haharap sa mga hamon nya.
Matapos ang aming trabaho sa bukid, nag paalam na ako kay tiyo dahil may pasok pa ako sa eskwela, nilalakad ko lang kasi ito mula sa aming bahay patawid ng pilapil, kinakailangan ko pang dumaan sa isang naka sabit na tulay para makarating dito kaya naman masasabi kong isang malaking sakripisyo ang pag pasok sa kolehiyo para sa aming mga alipin. Ngunit dahil nga sanay kami sa gawaing bahay at banat ang aming katawan sa pag gawa, hindi na namin alintana ang hirap ng pag tahak dito.
Marahil ay tinatanong nyo kung bakit kailangan pa namin mag tapos kung gayong isa lang kami sa mababang antas ng lipunan? Ang kasagutan dyan ay napaka simple lang, "upang makalayo" sa lugar na ito at magsimula ng bagong buhay sa labas ng kaharian. Ang mga taong nakapag tapos kasi ay malayang makalabas masok sa tarangkahan ng kaharian ng hindi nahihirapan o hinaharang. Kaya marahil ay isa ito sa naging pangarap ko bagamat may oras na gusto kong sumuko at mag tuon nalang sa pag tulong kay Tiyo Manuel. May pag kakataon kasi na sumasakit ang kanyang tuhod ngunit kailangan pa rin niyang mag trabaho ng mabuti para sa hari.
"Tol, nabalitaan mo na ba?" tanong ni Abel habang palapit ito sa akin.
Si Abel ang aking kababata dito sa himpilan ng mga alipin, kasing edad ko siya at halos kasing tangkad ko rin. Maganda ang pangangatawan, matangos ang ilong, maganda ang mga mata, mapula na parang makopa ang labi at kayumangi ang balat. Kuha nga nya ang titulong tall dark and handsome kung tutuusin. Ang samahan namin ni Abel ay parang tunay na mag kapatid. Ramdam ko ang pag papahalaga niya sa akin kaya't ganoon rin ang ibinibigay kong pag papahalaga sa kanya. Madalas niya akong pangitiin at suportahan sa lahat ng bagay na aking ginagawa. Iyon ang pinaka magandang parte ng aming pag kakaibigan.
"Alin iyon tol?" tanong ko na halatang walang ideya sa kanyang sinasabi
"Usap usapan dito sa paaralan na mag dodonate daw si haring Rowan ng mga bagong silya at bagong mga silid aralan. Hayun nga o, may sulat na ipanadala dito yung anak nya na si Prinsipe Yago na nag sasaad na tutulong nga daw sila"
"Eh sino naman yang Yago na iyan?"
"Si Prinsipe Yago yung anak ni haring Rowan ang totoo nun ay wala pang nakaka kita sa kanya ng personal dahil sobrang dalang daw talaga nitong lumabas ng palasyo. Ang usap usapan nga doon sa bayan, madami daw pinalayas na taga silbi sa palasyo ang prinsipe dahil may kasamaan daw ang ugali nito. Hindi lang iyon, bugnutin daw ito at masyadong mainitin ang ulo. Mayabang at bihira ang nakakasundo."
"Kung may kasamaan pala ang ugali nya, bakit kaya tutulong pa siya dito sa paaralan natin? Baka naman may binabalak yan" pag tataka ko
"Hmmm, hindi natin alam tol, basta wala tayong paki alam sa kanya o sa kahit na kanino pa sa palasyo. Ang mahalaga sakin ay mag kasama pa rin tayo hanggang sa makatapos tayong dalawa, sabay tayong aalis dito at mamumuhay ng malaya sa labas ng tarangkahan ng pagiging alipin." ang sabi ni Abel sabay akbay sa akin.
"Oo naman, mag best friend tayo at pangako ko sayo na hindi kita iiwan, sabay tayong mag tatapos at aalis sa lugar na ito. Sabay tayong magiging malaya mula sa pang aalipin ng matataas na tao sa paligid natin." tugon ko.
Mag ka klase kami ni Abel, simula pa noong mga bata pa lamang kami. Sabi nga nila ay magkarugtong daw ang mga bituka namin dahil kung nasaan sya ay nanduon din ako. Sabay kaming lumaki at nag kaisip. Sabay din kaming tinuli hanggang magbinata kaming dalawa. Sadyang napaka lalim ng aming samahan at pakiramdam ko nga ay kulang ang aking buhay kapag wala siya sa paligid o maging sa aking tabi. Ganyan kami ka lapit ni Abel sa isat isa. Hindi kami nahihiyang mag pakita ng emosyon sa bawat isa. Kaya't dahil dito ay mas nakilala namin ang aming mga sarili.
Matapos ang aming klase, agad kaming dumeretso pauwi ng aming bahay. Halos abutin kami ng dilim sa pag lalakad dahil may kalayuan din ito at hindi biro ang pag tawid sa nakasabit na tulay sa itaas ng burol dahil delikado rito. Ang tanging bagay na gusto gusto ko sa pag lalakad ay ang hindi nakakasawang ganda ng paligid na may luntiang d**o, magagandang tubo ng bulaklak, nag lalakihang mga puno at ang malamig na simoy na hangin sa masarap sa pakiramdam. Kadalasan kapag humihinga ka ng malalim ay parang may yelo ito at kakaibang lamig na namunuo sa iyong baga na nakapag papa gaan ng pakiramdam.
Alas 8 ng gabi noong makarating ako sa aming bahay, palapit palang ako ay naaaninag ko na ang mga tao sa aming bakuran kaya naman dali dali akong nag lakad patungo dito. Habang palapit ako sa aming tinitirhan ay isang malaking katanungan ang namuo sa aking isip matapos kong makita ang mga kawal ng hari na nakapalibot sa aming bahay. "Ano naman kayang nangyari at bakit nandito ang kawal ng palasyo? May ginawa bang masama si Tiyo? o baka hindi nila nagustuhan ang mga pag tatanim namin kanina sa ibang bukirin nila?" ito ang mga katanungan na namuo sa aking iisip habang kabadong lumalakad patungo sa kanila.
Binalot ako ng matinding kaba.
Halos kumakabog ang aking dibdib..
Habang pumapasok ako sa loob ng bakuran ay naririnig ko si Tiyo Manuel na may kausap at parang nag kakainitan sila. "Matagal nang patay ang aking kapatid, hindi nyo na dapat kami ginugulo! Tahimik ang buhay namin ni Ned sa bahay na ito. Palayo sa palasyo at malayo sa nakaraan na aming tinatakas hanggang ngayon."
"Hindi naman kita ginugulo Manuel, nais ko lang tuparin ang napag kasunduan namin ni Daniel bago siya mamatay." ang boses ng lalaking kausap ni Tiyo.
"Bakit nya kilala ang aking ama na si Daniel? Saka bakit galit na galit si Tiyo Manuel sa kanila?" bulong ko sa aking sarili habang mabilis na pumapasok sa loob ng aming bahay. Hindi ko na pinansin ang mga kawal sa labas ng bahay bagamat mga naka tingin sila sa akin na para akong isang kriminal. Para tuloy akong nakaramdam ng pag kahiya sa loob mismo ng aming maliit na dampa.
Pag pasok ko sa loob ng bahay, tumambad sa aking harapan ang isang lalaki na naka suot ng magarbong kasuotan, makintab ang tela ng kanyang damit at talaga namang napaka mamahalin ng dating. "Tiyo ano po ang nangyari?" ang pag sabad ko sa kanilang usapan.
Napahinto sila sa pag uusap at napaharap sa akin.
"Dumating kana pala Ned, Mag bigay pugay ka sa mahal na hari, minsan lamang siyang pumasok sa ganitong uri ng tahanan." utos ni Tiyo bagamat halatang nagagalit ito
"Hindi na kailangan hijo. Hindi naman ako iba para mag bigay pugay ka pa." tugon ng hari
Ngumiti ako at isinagawa ang utos ni tiyo Manuel na mag bigay pugay. Agad akong yumuko at nag bigay galang sa mahal na hari, hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin o gawin noong mga oras na iyon dahil ngayon ko lang nakita ang Hari sa talang buhay ko at bukod pa roon ay hindi ko rin ang sanhi ng pag parito nya. "M-maligayang pag dating po mahal na Hari. Ito ang aming simple at maliit na tahanan, sana po ay pag pasensiyahan niyo na ang kasikipan nito kumpara inyong magarbong palasyo.
Tumingin sa akin ang hari. "Ikaw ba ang anak ni Daniel?" ang tanong nito sa akin
"Ako nga po mahal na hari. Ano po ba ng ang kailangan nyo sa aking ama? Matagal na po siyang pumanaw dahil sa isang malubhang karamdaman" tugon ko habang naka yuko.
"Alam ko, nabalitaan ko ang pag panaw ni Daniel matagal na panahon na ang nakalilipas" sagot ng hari
"Kung gayon, sino po ang kailangan nyo? At ano maipag lilingkod namin sa inyong pag parito?" tanong ko
tahimik..
Lumapit sa akin ang mahal na Hari at hinawakan nito ang aking ulo sabay sabing "Ikaw ang pinunta ko rito."
Nag taka ako at napatingin sa kanya..
Parang isang basong malamig na tubig ang isinaboy sa aking mukha noong mga oras iyon. Tila binalot ng kaba ang aking buong pag katao, bakit naman kaya ako ang pakay ng hari? May atraso ba ang aking ama sa kanya at ako ang nais nyang pag bayarin nito? O baka naman ibinenta na ako ni Tiyo Manuel sa kanila dahil baon rin kami sa pag kakautang na iniwan ng aking ama?
Maraming mga bagay ang gumulo sa aking isipan. Katakot takot na katanungan ang namayani sa loob nito na parang pag sabay sabay ay sasabog at mabubuang ako."A-ano po ang kailangan nyo sa akin? Isa lang po akong alipin, paniguradong wala po kayong makukuhang kahit na ano sa akin dahil kami ay mahirap lamang."
"Mahal na hari, kung ano man ang naging kasunduan nyo ang aking kapatid na si Daniel, maaari po bang kalimutan mo na ito dahil walang anak na babae ang aking kapatid. Si Ned lamang ang kanyang anak kaya imposible itong ipakasal sa inyong anak." ang sabad ni Tiyo Manuel
Nagulat ako sa tinuran ni Tiyo Manuel. Napakunot ang aking noon ay mas binalot pa ng kaba ang aking dibdib. "Kasal? Sino?" tanong ki sa aking sarili bagamat malinaw ko naman itong narnig ay gusto ko pa ring linawin ang salita niya na pumasok at lumabas sa aking tainga.
"Ang totoo non, hanggang ngayon ay masama pa rin ang loob ko kay Daniel dahil sa ginagawa nilang panlilinlang sa akin. Ngunit dahil sa matalik kong kaibigan si Daniel, at malaki ang naitulong nito sa akin bilang aking kanang kamay, kaya naman nais kong kalimutan na ang nakaraan at tuparin ang ano mang napag kasunduan namin." paliwanag ng hari
"Napag kasunduan? Mahal na hari alam mong hindi ito maaari!" ang mataas na boses ni tiyo habang napahawak ito ng mahigpit sa silyang kinauupan. Samantalang ako naman ay nakatingin lamang sa kanilang dalawa. Wala akong alam sa pinag uusapan nila at naguguluhan ako sa mga pangyayari.
"Ano po bang nangyayari? Anong kasunduan? Anong kinalaman ng aking ama rito?!" ang tanong ko na tila nag hahanap ng kasagutan sa aking magulong isipan.
"Matagal ko na itong napag desisyunan Manuel. Ito lamang ang paraan upang makabawi ako sa malaking pag kukulang kay Daniel sa mga taong nasa paligid nya. Hayaan nyong tuparin ko ang aming sumpaan ng iyong kapatid." ang sagot ng hari at biglang tumayo ito sa kanya kinauupuang silya.
"Pero mahal na hari. Lalaki si Ned! Hindi maaari ito!" ang sigaw ni Tiyo Manuel
Ngunit hindi natinag ang mahal na hari. Tumayo ito ng matuwid at nag wika. "Ang aking salita ay batas! Ikaw Manuel ay titira sa Palasyo kasama ng binatang ito!" sabay turo sa akin.
tahimik ulit..
Muli itong nag wika: "Ikaw Ned na anak ni Daniel ang makakaisang dibdib ng aking Anak na si Yago ayon na rin sa aming napag kasunduan ng iyong ama! Kung sasaway kayo sa aking nais, ihanda nyo na ang inyong sarili para harapin ang kamatayan!"
Tila isang malakas na bomba ang sumabog sa aking tenga noong mga sandaling iyon. Binalot ako ng matinding kaba at takot. Wala akong kamalay malay na ito na pala ang simula ng malaking pag babago sa aking buhay.
Itutuloy..