I said yes. I don't know but I just said yes for the second time. Nakatulala pa rin ako sa madilim na kisame at nakikinig sa hampas ng alon habang tulog na tulog naman sa tabi ko si Diego na ngayon ay nakacover ng pink sleep mask ang mata.
Napailing ako. Am I gonna marry this 'person'? I mean recently it's like another persona of Diego. He's far from the prim and proper stoned faced gay that I've been friends with since college. Right now, he feels different. He sounds like a man these past few days.
I remember how we met. It was in The Face Shop in a mall far away from the city. I went to buy a moisturizer for my sister that time when I saw him. Dressed in a pink hoodie and a black cap, it's really obvious that he's Diego Colton Tanseco, one of the bullies in our university.
I thought at first, he was only buying for his another girl when I heard his conversation with the saleslady. I kept quiet and pretend to look at the other product. He didn't knew me way back then, so it made my stalking more easy.
"Are you sure it won't clog my pores? I mean, this product cost thousands. I'm making sure that this will moisturize my skin." He asked the saleslady.
"Sir, sinasabi ko po sa inyo. They're pretty effective po since it's a korean product. Kung ayaw niyo naman po niyan at hindi kayo sigurado, why don't you try our water therapy moisturizer? Para kanino po ba? Sa girlfriend niyo po?" The curious saleslady asked.
Umiling si Diego at kinuha iyong iniaabot ng saleslady.
"No. It's for me. My skin's getting really dry when I apply concealers. So, I'm searching for a better moisturizer." Ani Diego.
Kumunot ang noo ko. What? Concealer? He's using a concealer while I'm not even familiar with that? Not to mention that I am a girl and he's a heartbreaker? Baka naman kaya siya hindi interesado sa girls sa university, ay dahil lalaki ang gusto niya?
"I'll take it. And please give me a heavy coverage foundation. Make sure it suits my skin color." Bilin niya sa babae.
Kita ko naman ang alinalngan ng babae at ang hinayang na ekspresyon niga habang nakatitig kay Diegong nakapamulsa. I feel you, girl.
Nilingon ako ni Diego kaya hindi ko maiwasang mashock kaya mabilis akong tumalikod at hindi ko napansin na natabig ko 'yung dalawang bote kaya nabasag ito. Damn! Anong gagawin ko? Saktong isa lang ang kaya ng allowance kong bayaran!
Agad na rumesponde ang ilang saleslady. Hindi ko alam ang gagawin ko lalo na't pinagtitinginan ako.
"Miss, kailangan niyo pong bayaran 'yung nabasag niyo. Dun na lang po tayo sa cashier." Turo nung isang staff na naglilinis.
What? Para naman akong kinukuryente sa kaba. Naiiyak ako at hindi alam kung paano ko sasabihin na wala akong pambayad.
"Ahm, Miss.." sabi ko dun sa babae.
"Wala kasi akong dalang pambayad."
Tumaas ang kilay ng babaeng staff at nawala ang banayad niyang hitsura. Umiling siya na para bang kasalanan iyon. Well, kasalanan naman talaga!
"Anong wala kang pambayad?" Tila dragon na siya sa pagtatanong niya. Ang kaninang friendly aura niya, nawalang parang bula.
Lumabas mula sa isang pintuan iyong manager nila dahil inalarma ata nung isa pang staff. Lumapit ito sa akin. Napabaling naman ako kay Diego na tahimik na nagbabayad sa cashier.
Damn, kasalanan niya 'to eh!
"Miss? Miss? Miss! Nakikinig ka ba?!"
The store manager also sounds pissed. Wait lang naman! Kasalanan ko bang naiiyak na ako dahil hindi ko alam ang gagawin?
Pinagtitinginan na talaga kami ng mga tao. Si Diego naman patay malisyang kinuha ang sukli niya at nilalagay sa wallet niya. Kinuha niya ang paper bag at akmang aalis na.
"Guard! Guard!" Sigaw noong store manager kasi para akong naestatwa sa kinatatayuan ko.
Habang lumalapit ang guard. Halos matuliro na ako at himatayin. Paano kung makulong ako? Hindi pwede! Nasa college pa lang ako!
Oh my gosh, what to do? Nilingon ko muli ang likuran ng papaalis na si Diego at sumigaw.
"Diego Tanseco!" Sigaw ko at pumikit na.
Nagmulat ako ng mata ilang segundo matapos akong sumigaw. Pagkamulat ko, kita ko ang mga tingin niya sa akin na halatang nagtataka.
"Do you know me?" Iyon ang tanging tanong niya. Tumango ako.
Nanonood naman ang mga staff sa aming dalawa. Hinawakan ko ang kamay niya at hinarap sa store manager.
"Siya," I said. "Siya 'yung magbabayad ng nabasag ko. Kaibigan ko siya."
Gulat ang mukha ni Diego sa sinabi ko. Tiningnan naman siya ng store manager at sinenyasan ang cashier.
"Magkano?" Tanong ng store manager.
"Two thousand five hundred fifty po." Sagot noong store manager.
Nilingon nito si Diego na ngayon ay nasa tabihan mo at walang reaksyon kundi ang masamang titig niya sa akin.
I'm sorry. I had no choice. Hiyang hiya na talaga ako. Tumingin ako sa mga mata niya pero agad ding nag-iwas ng tingin.
Huminga siya ng malalim at binunot sa bulsa ang makapal niyang wallet. Nag-abot siya ng tatlong libo at agad akong hinigit papalayo doon. Nang nasa labas na kami ng shop, tiningnan niya ako. Yumuko naman agad ako.
"Who are you?" Tanong niya.
Kinagat ko ang labi ko. Bakit ba ang fail mo lagi, Addie?
"Addie." Sagot ko.
"Nagkita na ba tayo? Saan at kailan? Bakit kilala mo ako?" Sunod sunod ang mga tanong niya.
Hinawakan ko ng mariin ang bag ko.
"We're attending the same University. I'm from the department of medicine." Sagot ko.
Hinawakan niya ang ulo niya na parang sumasakit iyon. Ngumuso naman ako.
"s**t. So much trouble for my moisturizer." Mura niya at binalingan akong muli.
"Shut your mouth and pretend that this did not happen or else." Banta niya.
Tumango ako agad. Saglit akong nagpasya na titigan siya pero ng makita ko ang galit doon, agad akong nag-iwas ng tingin.
"I-I'm sorry." ulit ko. "Uh, babayaran na lang kita sa sc—"
"No need to pay me. Do not talk about this. Do not come near me." Aniya at hinigit ang ID na ngayon ay nakasabit sa puting labcoat kong sakbat.
"Adoracion Henriette Uytengco." He read my name and look at my face. "I won't forget this name. If a rumor comes up, I will haunt you and make you suffer. Got it?"
Tumango ako ng mabilis. Nilagay ni Diego ang paperbag sa loob ng bag niya at tiningnan ako na parang isa akong nakakadiring tao.
"Ano pang ginagawa mo rito? Get f*****g lost!"
Para akong natuhan at agad na umalis doon. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko habang naglalakad ako papalayo. Damn, ano 'yon?
Hindi na ako nakagala pa sa mall at dumiretso pagkauwi. Nang nasa gate na ay sinalubong ako ni Adelaida.
"Oh, bunso? Nasaan ang moisturizer ko?" Tanong niya.
Sinamaan ko siya ng tingin at iniabot ang perang pinadala niya. So much happened because of that moisturizer.
"Oh, ikaw na ang bumili! Bwisit!" Reklamo ko at agad na pumasok sa kwarto ko.
Nakatitig ako sa kisame, hindi pa rin madigest ang nangyari. Diego's encounter in The Face Shop, his pink hoodie, his warnings. Is that even real?
Did I just stumble upon his deepest secret? Is he really gay? That guy with the face of a greek god wants to be a goddess? Gusto maging mani? Tahong? Kabibe at kung ano pang shell? Oh my god!
Kaya naman noong lunes, hindi na magkamayaw ang pagiging paranoid ko sa school.
"Bes!" Patricia called.
Lumingon ako sa worried niyang mukha.
"Huy, may problema ka!"
Kumunot ang noo ko. Halata na ba talaga?
"Huh?" That was all I could say.
"Bes, lumabas na ang results ng final computation of grades. Bagsak ka sa subject ni Ms. Dionne."
Halos masira na ang bait ko sa sinabi ni Patricia. Ako? Bagsak kay Ms. Dionne?
"Tangina." Iyon lang ulit ang naibulalas ko habang nakatayo sa pintuan ng faculty room.
Magmamakaawa ba ako o itetake ko na lang next sem? Pero madedelay naman ako kung bumagsak ako ngayon! I can't risk that. Nakakahiya sa parents ko!
"Bes, mag-iisang oras ka na diyan. Papasok ka pa ba o hindi?" Tanong ni Patricia na nakaupo sa isang bench na malapit sa akin.
Napatitig naman ako sa pintuan ng faculty room. Naroon ang complete list ng mga pangalan ng teacher at kung nag time-inba sila sa araw na ito. I looked for Ms. Dionne's name.
Dionne Caitlyn Tanseco. Time in: 6:15 am.
Tanseco? Tanseco ang last name ni Ma'am? Nilingon ko si Patricia na ngayon ay nakaharap sa cellphone niya.
"Bes!" I called her.
Inangat naman niya ang tingin sa akin.
"Ano na? Tutuloy ka pa ba?" Tanong niya sa akin.
Kinagat ko ang labi ko at umiling.
"Patricia, Tanseco pala si Ma'am?" Tanong ko.
Tumango siya na parang naguguluhan.
"Oo. Tanseco apelyido ni Ma'am. Kapatid 'yan ni Diego Tanseco sa Business Ad eh."
Nanlaki ang mga mata ko. May kung anong pwersa ang bumubulong sa akin sa panahong iyon na iisa na lang ang pag-asa ko kung gusto kong makagraduate on time.
Tiningnan ko ang rubber shoes ko na nakatali ng maayos at sinilip ang building ng business. Huminga ako ng malalim at tiningnan ang aking kaibigan.
"Patricia, umuwi ka na. May aasikasuhin muna pala ako."
"Huh? An—"
Hindi ko na pinatapos ang aking kaibigan at agad na tumakbo papunta sa building ng business ad.
Damn, I need you again Diego Tanseco. You'll help me by hook or by crook. Even if I have to blackmail you!