Kabanata 8 - Secret place

1827 Words
            Hinihingal akong dumating sa building ng business ad. May ilang nakatingin sa akin dahil nakakaagaw pansin ang puti kong labcoat na suot.             Nilingon ko ang paligid. May klase kaya 'yung nilalang na 'yun ngayong araw? Naglakad ako papunta sa hagdan at mabilis na umakyat. Sinilip ko ang mga room doon at nakitang wala naman ang agad pansing mukha ni Diego sa mga estudyanteng naroon.             Umakyat ako hanggang sa fifth floor ng building sa pagsuyod para makita si Diego. I hate it! Bakit kasi siya na lang lagi ang pag-asa ko?             Alam mong papatayin niya ako kapag nakita niya ako pero mas natatakot ako sa parents ko. Saka matagal ang kurso ko kaya kung magtatagal pa ako ng isa pang sem, baka hindi na ako makatapos at maging gurang na ako dito na walang pag-asang makapag-asawa.             Bumaba na ako sa ground floor ng mapansin ang nagkukubling elevator sa gilid. Nagpigil akong sumigaw at iumpog ang sarili sa dingding dahil sa pagod.             Bakit ba kasi hindi ko muna naisip na baka may elevator! Lahat ng building rito may elevator. Bumukas ang elevator at may mga nagtatawanang  pumasok doon. Nakita ko si Diego na ngayon ay tumatawa sa kaibigan niya.             Naglakad ako pero agad ding nagsara ang pintuan. Damn! Ano? Aakyat na naman ako? Nagtatakbo ako sa second floor at hindi ko naabutan doon ang pagdating noon. Umakyat muli ako sa hagdan para maabutan ko iyon sa third floor at hindi naman ako nabigo.             Sumandal ako sa tapat ng elevator ng sa ganun ay mapansin niya ako. May ilan sa kanyang mga kaibigan ang napatingin sa akin pero nilampasan din ako. Sa likuran kita ko kung papaano dumapo sa akin ang tingin niya.             Tinaas ko ang kamay kong bahagya para mas mapansin niya pang ako ito. Natigilan siya at nilingon ang paligid.             Tinapik niya ang isang kaibigan.                         "Pare, mauna na kayo. May naiwan ako sa kotse ko."             Pare? Gusto ko sanang matawa pero ang laki ng problema ko. Tumapat siya sa akin at tinaasan ako ng kilay.                         "Anong sinabi ko sa'yo? Bakit naririto ka?" Tanong niya.             May ilang lumabas sa elevator ang napatingin sa amin. Ang ilang babae ay nagbubulungan pa na akala mo ay nasa teleserye kami. Siguro, iniisip nila na may pinapaasa na naman itong si Diego. Neknek nila!                         "Wait. Ayoko din namang makita ka sa totoo lang." Sabi ko, kinakalma ang paghinga ko mula sa pagod.                         "Good. The feeling is mutual. Get lost." Aniya at akmang maglalakad na ulit ng magbanta ako.                         "One more step. Something's gonna blow up." Ani ko.             Nilingon niya ako.                         "Are you threatening me?" Tanong niya, hindi makapaniwala.             Nagkibit balikat ako at ngumiwi.                         "I don't know? Maybe? Well, I had to." Sagot ko.             Lumapit siya sa akin at tiningnan ang hallway.                         "Let's talk somewhere else." Sumakay ulot siya sa elevator.             Nang sasakay na ako tinulak niya ang mukha ko papalabas sa elevator.                         "Oops. I won't let you ride with me. Take the stairs. That's the only way I will talk to you. I'll wait at the rooftop garden."             Nagsara sa mukha ko ang pintuan. Damn him! Naisahan niya ako. Kaya naman nagpakahirap akong umakyat hanggang sa rooftop garden. Naabutan ko naman siyang nakatingin sa tanawin.                         "Ang kapal mo talaga! Huwag mo akong pahirapan lalo na't alam ko ang sikreto mo! Gusto mong malaman ng lahat na bakla ka?" Reklamo ko at pinupunasan ang pawisan na mukha.             Tumaas ang kilay niya.             "What?" Tanong niya.             Hindi ako sumagot at umirap. Nawala na ata ang takot ko sa kanya. Namewang ako at hinarap siya.                         "I need your help again. Help me pass your sister's subject." I said.             Kunot noo niya akong tiningnan. Naghang pa ata siya ng ilang segundo bago sumagot.                         "Dionne?" Tanong niya.             Tumango ako.                         "Yup. I failed her subject but I need to graduate on time."                         "And you need me to persuade my sister, right?" Tanong niya tila bored.                         "Gotcha." Kumento ko na nagpailing sa kanya.             Namulsa siya at naglakad palayo.                         "I can't believe I skip a class for this bullshit." Bulong niya pero halatang pinaririnig.             Naiwan akong nakanganga. What? What did he say? Hinabol ko siya at hinawakan sa braso. Iniwas niya 'yon sa akin at inis akong hinarap.                         "I wouldn't do it. It's your problem that you failed a simple subject. It's your problem being stupid. Go on, tell the people what you saw. Do you think they will believe you?" Irap niya.             Pinanood ko siyang umalis. Hindi ko alam pero labis ang galit ko sa kanya. Hindi ako stupid, minalas lang talaga!             Kinuha ko ang sapatos ko at malakas na binato siya. Sinapo niya ang ulo at galit akong tiningnan. Agad akong lumuhod.             Maybe he thinks I'm crazy but I don't care. I don't want another semester in this hell.                         "Please, help me. Promise... after this I will be gone in your way forever. Just treat this as a farewell gift. I badly needed it." Pagmamakaawa ko.             Narinig ko ang yabag niya. Akala ko naman wala na siya at umalis na kaya tumingala na ako ng makita ko siyang nakatayo sa harapan ko.                         "Fine." Aniya na nakapagpataas ng kilay ko.             Para siyang diring diri sa akin at lumayo. Sinenyasan niya ako gamit ang hintuturo niya para tumayo. Parang aso akong sumunod sa kanya.             Kinuha niya ang ballpen na nakalagay sa bulsa ng labcoat ko at nilimot ang balat ng bubble gum sa rooftop.                         "Give me your student number and the subject."             Kinuha ko naman iyon at nanginginig pang sinunod ang sinabi niya. Iniabkt ko ito sa kanya. Tamad niyang nilagay iyon sa wallet niya.                         "Salamat! Salamat!" Sigaw ko.             Tumaas ang kilay niya sa boses ko at umirap. Mabait din naman pala siya kahit papaano.                         "Check your student portal tonight and in exchange to this, do not show your face to me ever again. Got it?" Tanong niya.             Tumango ako.                         "Aye, captain." Sagot ko.             Mukhang hindi pa yun sapat sa kanya dahil hakatang nagdududa siya.                         "When I said ever again, it means forever." He explained.             Tumango ako na ngayon ay hindi na maitago ang ngiti.  Walang emosyon niya akong tinalikuran pero rinig ko naman ang sinabi niya.                         "Adios."             And when I checked it that night, nakita kong pasado na ang grade ko. Hindi ako makapaniwala na tinupad niya ang pangako niya. It means, kailangan ko ring tuparin ang pangako ko.             Hindi ko na talaga siya lalapitan, ever again like what he said. I know mali ang ginawa ko pero iyon lang ang paraang nakikita ko. At totoo namang minalas ako dahil saktong nung final exams, tinanghali ako ng gising kaya hindi ako nakakuha ng exam. Si Ms. Dionne pa naman, ayaw niya ng special exams kaya ang ending nganga ako.                         "Pumasa ka? Paano?" Seryosong tanong ni Patricia na kasama namin ngayon ni Gio sa cafeteria.             Tumango ako.                         "Yup. Napakiusapan pa si Ms. Dionne." Sagot ko not elaborating how.             Inakbayan ako ni Gio at hinalikan sa pisngi.                         "Next time, ayusin mo na para sabay na kayo ni Patricia na makagraduate. Right, Pat?" Ngiti ni Gio.             Kasalanan ko bang malaki ang agwat namin ni Patricia pagdating sa academics? Si Pat kasi masinop, organize. Iyong tipong next year pa ang pasahan, tapos na niya agad.             Hindi kasi ako ang tipong ganun. Mahilig ako sa problems. Mahal na rin ata ako ng pagkaaligaga dahil tuwing submissions, tinatawagan na ako ni Gio at Patricia para imonitor ang mga kulang ko pa.             Nabilaukan naman ako ng makita ko si Diego, na ngayon ay naglalakad kasama ng kanyang mga kaibigan. Para naman akong bulate na nabudburan ng asin na hindi mapakali.             Hindi niya ako dapat makita! Tumayo ako at tumalikod sa direksyon niya. Nagtataka naman sina Gio sa ginawa ko.                         "May klase pa ako, bye." Paalam ko.              Kumunot ang noo ni Patricia sa akin at hinigit ako paupo.                         "Anong klase? Pareho tayo ng sched." Sabi ni Pat.             Umiling ako. Hay, ang hirap naman!                         "Hindi. Sa library, may research kasi akong ipapasa kay Ms. Dionne. Oh, sige na!" Sinakbat ko ang bag at lumabas sa kabilang pintuan ng canteen.             Mabilis ang lakad ko papunta sa may laboratory. Yep, maglalaro na lang ako sa microscope para malibang ako.             Masaya kong inoobserbahan ang mga organism ng malakas na bumukas ang pintuan at may lalaking tumakbo sa may direksyon ko para magtago.             Napatingin ako doon sa lalaki na kulang na lang eh sa loob ng labcoat ko magtago. Tumaas ang kilay ko.                         "Ikaw?" We both said.             Gulat siya pero hindi siya umalis sa paanan ko. Bumukas ulit ang pintuan at niluwa ang disciplinarian.                         "Miss, have you seen Diego Tanseco?" Tanong noon.             Ituturo ko sana siya ng mahigpit niyang hinigit ang labcoat ko at umiling. Tumango ang disciplinarian at umalis na rin. Hinihingal na lumabas si Diego sa ilalim ng table at umupo sa tabing stool habang kinakalma ang sarili.                         "Quits na tayo." Bulong ko habang sinisilip ang microscope.                         "Uy, thank you nga pala. Paano mo napapayag si Ms. Dionne?" Kuryoso kong tanong.             Nagkibit balikat si Diego at tiningnan ako.                         "Blackmail. It's our thing you wouldn't know." Sagot niya na hirap pa din huminga.             Naawa naman ako kaya binuksan ko ang bag ko at nilabas ang bottled water. Nakatingin lang siya sa akin.                         "Hindi ko pa nabubuksan 'yan. Inumin mo baka mamatay ka pa sa hapo." Tipid kong sinabi.             Kinuha naman niya 'yon at ininom.  Ramdam ko ang titig niya sa akin. Nang tingnan ko siya tinuro niya ang microscope.                         "Ano ba 'yang tinitingnan mo diyan?" Tanong niya.             Hinigit ko papunta sa direction niya ang microscope.                         "Tingnan mo. Bilis ang cute." I said enthusiastically.             Sinilip niya iyon. Kinuha ko namang chance iyon para makita ng malapitan ang kanyang mukha. Oh yes, he's definitely wearing a concealer. Hindi siya nagbibiro sa The Face Shop. Kanya nga 'yun!                         "Anong cute dito sa gumagalaw na bulati?" Tamad na tanong niya at inalis doon ang mata niya.               Nakita niyang nakalapit ang mukha ko sa mukha niya kaya lumayo agad ako at nagpatay malisya. Tahimik naman niyang tinulak ang microscope.                         "I'm going out. Thanks, weirdo."             Tumayo siya at naglakad papalabas habang hawak ang bote ng tubig.                         "Kung kailangan mo ng matataguan. You can always head in thid laboratory." Sigaw ko.             He's not that bad. Masungit but he's authentic walang halong plastic.                         "What?" Hindi niya maintindihan ang sinabi ko.                         "When you need to escape from something, you can always go here. This will be our secret place." Sabi ko.             Hindi siya sumagot at lumabas na rin sa pintuan. Huminga ako ng malalim.             What am I saying?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD