Noong gabi ay may malaking handaan sa dalampasigan ng resort. Maraming table ang nakaset-up doon para sa bohemian type na reception ng kasal nila King at Eli. Nasa iisang table kami ng mga kaibigan ni Diego at kumakain habang nakikinig sa ilang mensahe ng mga Luna at Gaisano sa bagong kasal.
Tumikhim ako ng nakitang uminom si Diego sa kanyang wine. Nahuli naman niya akong nakatingin sa kanya sa pagitan ng kanyang wine glass. Malamig pa rin ang pakikitungo niya sa akin.
"Diego," I whispered.
Binaba niya ang wine glass at kinausap si Kit na walang kamalay malay sa nangyayari. Kinagat ko ang labi at kita ko ang hilaw na ngiti ni Kourt sa akin.
'Are you okay?' she mouthed and glimpsed at Diego who's having a serious talk with Kit. Tumango ako at sumagot pabalik ng 'Yeah. Just a little misunderstanding.'
Naputol doon ang komunikasyon namin ni Kourt dahil tinawag sila ng Master of the ceremony para magbigay ng speech.
Naiwan ako kasama si Ely, Diego at Kit sa table. Binahagi nina Kourt ang mga pinagdaanan at ang sikretong kalokohan ng dalawa noong magkasintahan pa. Nagtawanan naman ang mga tao sa bawat kalokohang nabuko.
Sinenyasan na rin ng host sina Diego at Kit tutal naman daw ay nagkakabukuhan na. Nakangising tumayo ang dalawa at pumunta sa tapat ng stage.
"Well, kung kalokohan lang naman ang pag-uusapan. Hari na ata niyan si King." Ani Kit at ngumisi.
"Maraming kalokohang ginawa 'yan oara mapansin ng kanyang bride noong nasa college pa lang kami. He stalked her using the CCTVs of their condo." Nagtawanan ang mga tao sa sinabi ng kaibigan.
"Hey! They might get the wrong idea! Ano ka ba, it's like I was a creepy guy!" Reklamo ni King sa kaibigan na mas lalo pang nagpatawa.
"Oh, I'm sorry. Lilinawin ko po, hindi po ganun ang gusto kong ipahiwatig. Hindi naman po siya nag-install ng camera sa bathroom at sa kwarto ni Eli kung 'yun po ang iniisip niyo." Natatawang pagtatanggol ni Kit. Nakangisi lang si Diego, mukhang tuwang tuwa sa mga nangyayari.
Binigay naman ni Kit sa kanya ang mic. Tinanggap niya iyon at namulsa habang nag-iisip.
"The secret I am about to reveal is not my best friend's. It's actually Eli's secret."
Tumikhim siya at ngumiti sa bride na ngayon ay nakangiti rin sa kanya. Are they close? Ngayon ko lang nalaman.
"We once planned to make King jealous. I let her use me for a show at the bar. And the result? She went home drunk not even remembering her own pass code."
Umiling si Eli na hindi mapigilan ang humalakhak sa sinabi ni Diego. I don't know but I feel something hurt inside my chest. Akala ko kasi simula noon, I'm the only girl who's very close to him. He said that since college, I'm the only girl who knows him.
"Uhm, Addie..."
Nagulat ako ng magsalita si Ely sa tabihan ko. This is the first time na magkakaroon kami ng conversation. Tinuon ko rito ang atensyon ko at pilit na ngumiti.
"Yes?"
"Can... I... uhm, leave you here alone? I mean it's rude but I need to answer a call from work." Kita ko ang pag-aalinlangan niya.
I smiled. Indeed, the entitled gentleman of our school in his college years. Sikat siya sa mga batchmates ko dahil ahead siya ng isang taon at talaga namang Mr. Perfect ang tingin sa kanya. Sporty type, Captain of the soccer team, Dean's Lister and a Laude when he graduated. Ely have it all.
"Sure. Go ahead. No problem." Tumango ako at nagthumbs up pa.
I sipped on my wine and listen. Pinabalik sila matapos ang ilang tanungan. Parang bumalik na naman sa dati ang atmosphere sa aming dalawa. Ang kaninang puno ng halakhak niyang katauhan, ngayon ay malamig na nakaupo sa tabihan ko.
Hindi tumuloy sa table namin ang mag-asawang Kit at Maddi dahil may humarang sa kanila para makipag-usap. Si Kourt lang at Diego ang bumalik.
"Addie, have you seen my husband?" Tanong ni Kourt.
Tinuro ko ang direksyon kung saan pumunta si Ely.
"He went there to answer a call." Sagot ko.
Tumango naman si Kourt at umupo na ulit sa silya niya. Lumapit ang kambal na magkahawak ng kamay. Nakanguso ang batang lalaki habang busy ang batang babae sa barbie doll na hawak niya.
"Mommy, I wanna pee." Sabi noong batang babae. "The wind's really cold and it makes me wanna wiwi."
"Okay, Kir." Kourt said at nilingon ang batang lalaking nakatayo sa tabihan ni Kira. "Are you gonna join us or you'll stay here, Kier?"
Umiling si Kier.
"I'll stay here, Mama. I'm not gonna enter a girl's cr."
Tumingin naman si Kourt sa amin ni Diego. Ngumiti siya at inakay na si Kira.
"Can you please look out for Kier while we're in the powder room?" Tanong ni Kourt kay Diego.
"Sure. You can leave Kier to me. Right, big boy?" Tanong ni Diego at ginulo pa ang buhok ni Kier.
Sumampa naman si Kier sa mga hita ni Diego ng paharap rito. Nakakunot ang noo niya at hinawakan ang pisngi ni Diego.
"Tito Diego, Mama said you have many cars. Is that right?" Tanong nito.
Tumango si Diego.
"Yup." Tango nito at hinalikan ang maliliit na kamay ni Kier at hinalikan ito.
"Can I have one?" Tanong nito, inosenteng nakangiti kay Diego na parang nangungumbinsing ibili siya ng tsokolate.
I smiled at them.
"Of course, you can have one but when you're old enough to drive. Your parents would reward you a car if you're a good boy. Tell me, are you a good boy?" Tanong ni Diego.
Seryoso ang kanyang tono kahit na hinahaplos nito ang pisngi ng bata. I never thought that he's good with kids. I always see him as this cold heartless guy. Minsan ko lang kasi makitang nakatawa.
"I am a good boy! I put my trash in the trash bins. I don't punch my classmates and I always brush my teeth! I don't cuss in english and tagalog coz' my teacher might understand so I always say it in Russian!" Pagmamalaki nito.
Hindi ko napigilang matawa sa sinabi niya. Ano raw? Russian ang ginagamit niya sa pagmumura? This kid is going places!
Napatingin sa akin ang bata. Ngumuso siya at tumingin kay Diego pabalik sa akin. Tinuro niya ako at bumulong kay Diego kahit na rinig na rinig ko naman ang sinasabi niya.
"Is she your girlfriend, Tito?" He curiously asked him.
Tumingin sa akin si Diego at tumango.
"Yup, Kier. One day, you'll find yours." Aniya sa bata na parang normal iyon.
"Hi, what's your name?" Tanong ni Kier sa akin.
I smiled sweetly and kissed his hands na nakalahad sa akin. This kid will be a heartbreaker when he grows up.
"I'm Addie. You can call me Tita Addie. Nive meeting you, Kier." I smiled.
"She's pretty. I want her too as a girlfriend." Bulong ulit ni Kier kay Diego.
Tipid na ngumiti si Diego at ginulo ang buhok ni Kier.
"She's mine, kiddo. Go find a girl at your age. She's a year older than your Mom. She's for me, Kier." Aniya na nagpasimangot rito.
Ewan ko pero para na naman akong hinahataw sa lakas ng kabog ng dibdib ko. Tumango ako kay Kier na nakatitig pa din sa akin ngayon.
Dumating na rin si Ely kaya naman umalis na si Kier kay Diego at lumipat sa kanyang ama. Dumating na rin si Kourt at Kiara. Agad na kinuwento ni Kier na gusto niya akong maging girlfriend kaya naman humalakhak ang kanyang Papa at inaalo ang anak na hindi kami pwede.
"Kier, my investor has a beautiful daughter like your Tita Addie. She's about your age. I'll introduce her to you sometimes."
"Promise dad? I wanna have a girlfriend you know! And a car! I want a red car!" Magilas na sabi nito.
"Bakit ang bilis naman niyang magfeeling binata? Mana talaga sa'yo." Kumento ni Kourt na nakikinig sa usapan ng mag-ama.
Natapos ang party bandang madaling araw. Pagod na rin ang lahat kaya nagkayayaan na ring matulog. Tahimik kami ni Diego habang naghahanda sa pagtulog. Nakaligo na ako at nasa harao ng salamin ng mapagtantong iisa ang kama.
Ano? Tabi kami matulog? Kinagat ko ang labi habang nakatitig sa kama ng lumabas si Diego sa banyo, tanging boxer shorts at isang puting tshirt ang suot.
Nagkatinginan kami kaya napatikhim ako at sumulyap sa kama bago nag-iwas ulit ng tingin. Mukhang nakuha naman niya 'yon at nagsalita.
"I will sleep on the sofa." Aniya at dumako roon.
Tiningnan ko ang sofang kawayang inuupuan niya. May mga unan doon pero walang kutson at si Diego, bilang taong kakilala ko nang ilang taon.. alam kong hindi magiging kumportable doon.
I sighed in defeat and let my hair loose from the ponytail.
"We can sleep together on the bed." Saad ko.
Nilingon niya ako at umiling.
"No, I'm fine." Aniya.
Pumikit ako sa katigasan ng ulo niya.
"I insist. Besides, when we get home... magtatabi at magtatabi din naman tayo sa kama mo sa condo. So, what's the difference now." Sabi ko.
Natigilan siya ng tuluyan at unti-unting tumayo para tingnan ako. Humalukipkip siya at mariin akong tiningnan.
"What did you say?" Tanong niya.
Umiling ako. Ano ba ang nangyari dito at nabingi na ata? Lumapit ako sa kama at humiga. Tinapik ko ang tabi ko at tiningnan siyang nakatayo pa rin.
"Mahiga ka na. I'm your pretend girlfriend remember? Hindi natin maiiwasang hindi magtabi sa kama. Halika na, huwag na natin pahirapan ang mga sarili natin nang makapagpahinga na tayo."
Umangat ang gilid ng labi niya na tila nanghahamon.
"Sinong nagsabing girlfriend pa rin kita? Paaalala ko sayong iniwan mo ako para kitain ang hayop mong ex?" Sarkastikong sabi niya.
Natigilan ako. I get it. He's still mad. Umupo ako mula sa pagkakahiga sa kama at seryoso siyang tiningnan.
"He needs me that time okay? Ayoko pero nakiusap ang Nanay niya." I explained.
Tumawa na parang nagbibiro si Diego.
"He needs you but he f****d someone else? And the worst part is that someone else's your best friend."
Pumikit ako pinigilan na sampalin siya.
"Yeah and it opened up my eyes. That's why, I'm here. I made up my mind. I'll help you."
"You don't know what you're saying." Aniya at tinalikuran ako.
"You need me, right? I said I will help you."
Dinilaan niya ang labi niya at pinagmasdan ako. Malalaki ang hakbang niyang lumapit sa akin sa kama. Mahigpit ang mga daliri ko sa kama lalo na ng itulak niya ako pahiga. Nakasuporta ang magkabilang kamay niya sa pagitan ng ulo ko.
Seryoso ang mga titig niya sa akin. Tiningnan niya ang mga mata ko pababa sa ilong ko sa bibig ko at binalik niya muli sa mga mata ko.
"Will you really help me whatever it takes?" Tanong niya.
Ang init ng hininga niya ay tumatama sa labi ko. Napaawang ang bibig ko dahil doon. Kita ko ang panonood niya sa ginawa kong iyon.
Tumango ako. I don't know! My mind's not functioning right now!
"Are you gonna forget that damn guy and only look at me?" Tumango ako, nahihipnotismo ako.
Damn, I can't even process his questions. Ano daw? Para akong nalulunod sa mga titig niya.
"Then, marry me. That's the help I needed. Please, marry me."