Kabanata 5 - An Argument and a Wedding?

2824 Words
            Hinanap ko si Gio sa downtown. Pumasok ako sa isang bar ngunit wala siya roon. Nagmamadali akong umalis doon at pumasok na naman sa kalapit na bar. Nasuyod ko nang lahat ang bars sa downtown pero wala siya.             Ilang beses ko siyang tinawagan. Gusto ko nang umuwi, umaga na at pagod na ako. Gusto ko nang makauwi dahil kahit papaano, hindi ko rin kayang pabayaan si Diego. Alam kong kailangan niya ako at bilang kaibigan niya, alam kong kailangan ko siyang damayan.             Gio is really in trouble. I can sense it. Sumakay ako sa taxi at pinuntahan ang lugar na alam kong pupuntahan niya. Ito ang unang beses na tatapak ulit ako sa bahay kung saan ako tumira ng pitong taon na kasama siya.             Nang matanaw ko na ang puting gate ng aming bungalow house. Binayaran ko ang taxi bago bumaba. Naaalala ko pa kung gaano ako kasaya ng sabihin ni Gio na magsasama kami sa bahay na ito. Ito ang saksi sa inosenteng pagmamahal ko sa kanya. Sa bahay na ito naganap ang proposal niya, ang unang beses naming dalawa bilang babae at lalaki. And looking at it, made my heart ache.             I opened the gate para tingnan kung naroon si Gio. Nagdiretso ako sa front door at tinry ang aming passcode. Our anniversary. Mapait akong ngumiti. Gio's a good boyfriend. Sa loob ng sampung taon, isa lang ang naging kasalanan niya. Iyon ay ang makipagrelasyon siya sa bestfriend ko. Naaalala ko pa kung paano ako lumuhod na tigilan na niya ang relasyon nila. Pumayag siya. Tinanggap ko pa rin siya dahil sa ilang taon, ito ang unang beses na nagloko siya. Natigil iyon, until Diego told me that day.             Binuksan ko ang pintuan. Nakadim ang ilaw sa living. Dahan dahan akong pumasok.                         "Gio?" tawag ko.             Binuksan ko ang ilang ilaw at doon ko nakita ang mga sapatos na nagkalat sa sahig. Naroon din ang isang purse na kilala ko. My heart jumped in agony. This is the purse I've given to my bestfriend.             Ganoon pala 'yun? Kahit na alam mo na, hindi mo pa rin maiiwasang masaktan. Hindi mo pala pwedeng sabihing dapat handa ka na. Parang magugulat ka pa rin kahit na alam mo ang totoo.             Maliit ang hakbang ko papunta sa kwarto naming dalawa. Sa pintuan pa lang, tumambad na sa akin ang mga damit nila na nagkalat rin.             Damn. Sobra sobra ang pag-aalala ko at ganitong eksena pa ang madadatnan ko? Pilit kong pinigil ang luha ko. Knowing that he cheated   is one thing. Seeing them sleeping on the bed together is another. Parang sa nakita ko, nagising ako. This is the confrontation I needed.          Hindi ko magawang umalis papalayo doon. I need to see this to have my closure kaya mas pinili kong titigan sila habang balot sila ng kumot. Humikbi ako ng medyo malakas kaya gumalaw si Gio. Unti-unti siyang bumalikwas kaya tinakpan ko ng palad ang aking bibig to stop my sobs.                         "Addie?" He called.             Nanlalaki ang mga mata niya at agad na umupo sa kama. Tumingin siya sa akin papunta sa babaeng kasama niya sa kama. Agad niyang inalis ang kamay ng babae na nakapatong sa hita niya kaya napabalikwas na rin ang babaeng kasama niya. I saw her face, mas lalo akong nasaktan.                         "Gio? What time is it?" tanong niya.             Nakadapa siya, gulo ang kanyang buhok habang hinahaplos ang braso ng katabi. Sinundan niya ang tinitingnan ni Gio kaya nagtama ang tingin namin. Tinakpan niya ng kumot ang katawan niya at umupo na rin.             Hindi ako nagsalita. Kinuha ko ang phone ko at nagdial. Tinapat ko ang tenga ko sa cellphone habang nakatitig sa kanila.                         "Tita Geneva," saad ko.             Napalunok si Gio at mukhang hindi alam ang gagawin. As expected, hindi niya pa alam ang nangyayari sa amin ng anak niya. Kita ko ang takot sa mga mata nila. "Nakita ko na po si Gio."             Nag-iwas ako ng tingin at lumunok. Talaga? Bakit napakamartyr naman ata ng pagtatagpo naming ito? Heto ako't nakatayo sa may pintuan habang nakatingin sa dalawang pinaka-importanteng tao sa buhay ko na nagtataksil.                         "Ganoon ba hija? Kamusta na siya?" Nag-aalala si Tita Geneva.                         "Maayos po siya."             Sobrang ayos nga niya eh. Nakuha pang magsession. Gusto kong sabihin pero pagod na ako.                         "Tita, pauuwiin ko na po siya. I need to hang-up na po." Pinatay ko ang tawag at pinunasan ang sariling luha.                         "Addie." Tawag ni Gio.             Kinagat ko ang labi ko at hindi sila pinansin.                         "Bes-"             Naputol ang pagsasalita ng bestfriend kong si Patricia ng limutin ko ang mga damit nila at ibato iyon sa kama. I hate how composed my self is. Parang robot lang ako. Wala na akong maramdaman.                         "Magbihis na kayo. Gio, umuwi ka na sa bahay. Nag-aalala ang Mommy mo at nakiusap na hanapin kita. Huwag mong aksayahin ang effort ko at magpakita sa bahay niyo.At ikaw, " tiningnan ko si Patricia, agad siyang yumuko na parang takot akong tinginan. Ganyan nga, matakot kang malandi ka.                         "Ikaw ang maghatid sa kanya tutal ikaw naman 'tong nagpasarap sa ex-fiance ko. Ihatid mo siya sa Nanay niya ngayon din. Parang awa mo na Gio, aminin mo ang kinahinatnan natin sa Nanay mo nang hindi ka palagi sa akin hinahanap. May buhay din ako."             Tinalikuran ko silang dalawa. Hindi ko hinayaan na makapagsalita lang sila dahil natatakot akong makapagsabi ng kung anong masakit. Sinulyapan ko ang relo ko, nakita kong three-thirty na ng umaga. Mamaya lang alas kuwatro, tutulak na kami ni Diego para sa flight naming papunta sa isang isla para sa kasal ng mga kaibigan niya.             The pain made me realize that's not for us. Hindi kami para sa isa't-isa. Tama na. I give up.             Tumulo ang luha ko pagkalabas. Hilong hilo na ako sa kaunting alak na nainom ko, sa pag-iyak at sa antok ko. Pagkasara ko nang pintuan, tumambad sa akin ang Camry ni Diego. Nasa labas siya ng gate at nakasandal doon sa sasakyan niya habang nakatingala sa langit.             Natigilan ako sa paglalakad. Kita ko rin siyang nakatingin sa akin, ngayon ay nakapamulsa. Wala siyang reaksyon. Huminga siya at umayos sa pagkakatayo ng makita ang hitsura ko. Naputol ang pagtitig niya sa akin ng makita si Gio na lumalabas sa bahay kasama si Patricia.             Natigilan rin silang dalawa ng makita kami. Lumunok ako at unti-unting humakbang papalabas. Ang makulong kasama sila ay talagang nakakasuka.                         "Babe."             Nagulat ako nang lumapit si Diego sa akin at inakbayan ako para matigil ako sa paglalakad. Unti-unti niya akong iniharap sa direksyon ng dalawang iyon. Gulat akong napatingin sa kaniya. What? Babe?             Mariin niyang tinitigan ang dalawang bulto sa harap namin.                         "Long time no see, pare." Sabi ni Diego.             Kita ko ang titig nilang dalawa sa braso ni Diego. Gulat si Patricia, hindi niya kasi alam na magkakilala kaming dalawa. Like I said, we were secret friends since college.                         "D-Diego Tanseco, right?" tanong ni Patricia.                         "The one and only. And I'm her boyfriend." Sagot niya.             Pinisil ni Diego ang braso ko. Nakatitig lang ako sa kanya the whole time. Kanina lang, pinapapili niya ako at ngayon may ganito na?                         "I'm sorry but we need to go. May kasal kaming hahabulin. Shall we, babe?"             Tiningnan ako ni Diego. Hinalikan niya ako sa tungki ng ilong ko. Tumango ako at bahaw na ngumiti.                         "Let's go." I said.             Nang nasa Camry na kami, agad niyang pinaalis iyon doon ng walang imik. Parang ibang mundo na naman ang pinasukan ko. Binuhay niya ang radio, tila nabibingi din siya dahil mga buntong hininga lang namin ang naririnig sa loob.                         "Thank you nga pala kanina." Nahihiya kong sabi.             Tumango siya at hindi pa din umiimik. Hinilig ko ang ulo ko sa bintana. Sumuko na ako sa pagkausap dahil ayaw naman niya akong kausapin talaga. Hindi ko nga alam kung bakit niya pa ako sinundo. I knew him for years but still he's a mystery.                         "Just rest. Gisingin na lang kita kapag nasa airport na tayo."             That's what he said to me bago ako tuluyang makatulog.             I woke up lying on a bed. Sa gilid ko ay bukas ang isang pocket door at bumubuga ang malamig na hangin na syang nagpapalipad sa putting kurtina. Napanganga ako dahil sa gulat. Rinig ko ang ilang ingay mula sa mga nagsisigawang tao.              What's this place? Ang huling naalala ko, nakatulog ako sa Camry niya. Sumilip ako sa  pintuan. Nakita ko ang ilang tao na nagkakatuwaan sa dalampasigan. Sina Maddi ay naroon at naghahanda ng pagkain.             Inayos ko ang sarili. Naligo ako at nakitang naroon ang maleta ko. Agad kong binuksan 'yon at namili ng susuotin.             Tumungo ako kung saan sila nag-iihaw. Nakita ko ang mga lalaking topless, at nakasandal ang ilang surf boards sa tabihan.             Napalingon si Kourt sa akin. Ngumiti ako at dumiretso doon. Mabibigat ang titig ni Diego sa akin at agad na iniwas ang tingin ng magkatinginan kami.                         "Gising ka na pala!" Nakangising sabi ni Maddi. "Alam mo ba, napakasweet niyong dalawa kaninang madaling araw ha!"                         "Ha?" Iyon lang ang nasabi ko.             Nginuso niya ang labi na paramg nang-aasar. Tumawa naman ang asawa nito na hawak hawak ang baby nila.                         "Karga karga ka niya 'no! Para hindi ka na raw gumising kasi pagod ka. Akala ko nga, lalanggamin ang private plane."             Namula ako sa sinabi ni Maddi. Kinagat ko ang labi at umupo na lang din doon sa mesa. May mga ihaw na isda, barbeque at kung ano pa. Malamang, lunch time na pala.                         "Oh! Nasaan na ang soon to be Mr. nd Mrs. Luna?" Tanong ni Maddi ng makitang wala doon ang dalawa para sa lunch.                         "Nauna na sila kumain, aayusan na kasi si Eli para on time sa kasal. Dapat pa'y magmadali tayo dahil bibihisan pa natin ang mga anak natin pati sarili natin." sabi ni Kourt at inumpisahan nang subuan ng pagkain ang kambal niyang anak.             Para silang nagising sa sinabi ni Kourt. Tinapos na nila ang pag-iihaw at hinanda na ang kakainan. Umupo sa tabihan ko si Diego, walang imik.             Kumain kami na mabilis. Medyo gutom na ako, pero kailangang magmadali para sa kasal. Nahihiya din naman akong lumain ng madami sa harap nila.             Naglakad na ako papasok sa villa at hinanap ang dress na hinanda ko. Nawala si Diego bigla. Hindi na ako nagtaka at mabilis na nilagyan ng make-up ang sarili.             Nilugay ko lang ang itim kong buhok naglagay ng pabango sa aking katawan. Sinuot ko na rin ang aking dress ngunit hindi ko maizipper 'yon. Bakit nga ba ito ang dinala kong dress?             Nakatitig lang ako sa salamin at pinilit na inabot ang zipper ng bumukas ang pintuan. Nagkatinginan kaming dalawa doon. Binaba ko ang mga kamay ko.                         "Need help?" Tanong niya.             Huminga ako ng malalim at tumango. Lumapit siya at inabot ang zipper para isara ang dress ko. Ramdam ko ang kanyang kamay at ang init nito na nanatili sa likuran ko.                         "Ikaw? Hindi ka pa magbibihis?" Tanong ko at hinarap siya.                         "I'll just wear my long sleeves and tie."             Hinubad niya ang suot na tshirt at sinuot ang damit niya. Nagsuot naman ako ng aking heels at tiningnan siyang maglalagay ng kanyang tie. Kunot ang noo niya.                         "Need a hand?" Tanong ko.             Umiling siya at kinagat ang labi. Hindi ako nakinig dahil halata naman na hindi niya maayos ang tie niya. Inagaw ko sa kanya iyon at ako na mismo ang gumawa noon. Hindi ko namalayan na nakatitig na pala siya sa akin.                         "Diego," I called him. "I'm so sorry about last night."             Hindi niya ako sinagot. Hinawakan niya lang ang kamay ko na nakahawak sa tie niya para alisin iyon. Tumungo siya sa table at sinuot na ang kanyang relo.                         "I'll wait outside." Aniya at sinara ang pintuan.             The sunset was too beautiful for this event. Tahimik ang lugar at tanging tunog mula sa violin at piano na nakaset-up sa buhangin. I heard na pagkatapos ng aksidente, mas pinili ng dalawa na sa dagat gawin ang kasal na naantala.             Maganda ang pagkakaayos ng The Anchor's Port. Puno ng puti at kulay pink na tela ang mga upuan at sa gitnan ay naroon ang pulang lalakaran ni Elisha mamaya.             Doon sa harap ay nakatayo si King Luna kaharap si Kourt na ngayon ay inaayos ang kanyang suit. May sinasabi naman ang kapatid ni Eli rito.             Magkasabay kami ni Diego sa paglalakad. Kita ko rin ang pagbati ng ilang kakilala sa kanya. Puno ng kilalang tao at media ang narito. Maging ang sikat na artistang si Sora, naririto at panay ang selfie sa ilang bisita.             Tumingin ang isang media sa amin. Kita ko ang pag-aalinlangan nilang lumapit sa aming direksyon lalo na't may humigit sa aking braso para yakapin ako.                         "Hija," bati ng Mommy ni Diego.             Sa likuran nito ay ang Daddy niya. Tumigil din si Diego para halikan ang kanyang mga magulang.                         "Mr. and Mrs. Tanseco!" bati noong isang media.             Tumingin naman doon ang parentd ni Diego at nakipagkamay.                         "I suppose this lady here is Diego's date for his best friend's wedding?" Tanong nito.             Tumawa ang Daddy ni Diego sa reporter. Huminga ako ng malalim at pilit na ngumiti dahil giniya ako ng Mommy niya sa harap noong media.                         "I hate to steal the spotlight of the newlywed but I'll say that she's not just a date, Marietta. She's my son's girlfriend."             Kita ko ang ngisi ng reporter doon na parang malaking scoop iyon.                         "So, does this mean Diego Tanseco's out of the bachelor's list soon?" Tanong noong isa.             Tumawa ulit si Mr. Tanseco at inakabayan ang kanyang anak bago tapikin ito.                         "I hope so. He's getting old and we want grandchildren from him. As you can see, siya na lang ang natitira sa kanilang magkakaibigan na single. Pero hindi naman ako kinakabahan dahil alam ko naman na may plano na sila ni Addie." Tiningnan ako ng mga reporter pati na rin ng Daddy ni Diego.                         "Hindi ba, hija?" He asked.             Hilaw akong ngumiti sa kanya at sa media.                         "Uhm... Yes. Don't worry if we're gonna married, we'll announce it naman po." Nag-aalinlangan kong sinabi.             Tumikhim si Diego.                         "Excuse me, but the wedding is about to start." Hinawakan ni Diego ang kamay ko papaalis doon.             Umupo na kami. Kagaya ng sinabi niya, nag-uumpisa na ang kasal. Naunang pumasok ang kambal na anak ni Kourt na siyang flower girls ang ring bearer, sinundan ito ng ilan pang bata.             Kita kong pamumula ng mata ni King habang pinapanood ang kanyang bride na ngayon ay hinahatid ng kanyang kapatid na si Eli. Tinapik naman siya ng kanyang best man sa balikat nito kaya pinahidan nito ang luha niya.             Nang makarating si Eli sa harap, hindi ko maiwasang maiyak. May kung anong mahika ang sandaling iyon at talagang mapapaiyak na lang ang nakakakita. Ngumisi ang dalawa sa gitna ng pagluha nila. Hinalikan ni King ang palad ni Eli at inakay ito paharap sa imahe ng Diyos sa harap.             Habang nakatingin ako doon, is lang ang nasa isip ko. Handa na ba akong magmahal muli? Kakayanin ko pa bang ibigay ang sarili ko sa sinumang lalaki pagkatapos ng hinagpis na sinapit ko? Kaya ko pa bang umibig muli at makalimutan ang sampung taong lumipas? At kailan ako makakaalis sa sakit na ito?             Hindi ko alam ngunit tumingin ako sa kung saan nakaupo si Diego. Nakatingin siya sa harap at marahang pumapalakpak.             Handa na ba akong tulungan ang lalaking ito? Handa na ba akong pumasok sa larong ito na alam kong baka sa huli ako ang uwing luhaan? Paano kung magaya lang ako sa nangyari sa amin ni Gio? Paano kung hindi ko na kayanin pa kung maulit sa amin iyon?             Nagsalita ang pari ng tungkol sa kasal. Nanumpa silang dalawa sa isa't-isa. Halos lahat ata ay naiyak sa mga pangako nila. Ramdam ang saya sa kabila ng mga nangyari sa kanila. Umiiyak na rin sa tabi ko si Maddi at Kourt na saksi sa mga nangyari sa kaibigan niya.                         "You may now kiss the bride." Sabi ng pari.             Nilingon ko ang kabilang upuan. Naabutan  kong nakatingin sa akin si Diego. Pinilit kong iniwas ang tingin ko.             Humarap ako sa dambana. Ngumiti ako ng halikan na ni King ang kanyang bride. Nagsitayuan ang mga tao para pumapalakpak.             Tumayo ako pinunasan ang luha ko. Tiningnan ko si Diego na napawi ang ngiti makita ang mga mata kong nakatitig kanya.                          He helped me when I needed help. Hindi siya nagdalawang isip. Now, it's my time to help him kahit na sa huli, alam kong ako ang masasaktan.             It's now or never.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD