Kabanata 4 - Assurance

1687 Words
            They were so nice. The bridal shower was fun and grand. The bride's friends are all crazy and funny at all. Hindi ko naman alam na ganito pala talaga mga kaibigan ni Diego.                         "Wasted tayong lahat bukas sa kasal. Sana lang hindi tanghaliin si Eli nang paggising." Halakhak ni Maddi.             I knew she's the wife of Kit Chavez. Nakaakbay siya ngayon kay Kourt na halata 'ding may inom na.             Naririto kami sa lounge ng hotel dahil hinihintay naming ang mga sundo namin. Mas nauna kasi matapos ang bridal shower kasi sabi nila, kailangan daw na makapagbeauty rest si Elisha para naman daw hindi ito halatang may hang-over sila. Naangiti nga si Elisha sa amin habang nakikinig. She didn't drink at all. Para na rin siguro sa kasal niya bukas.                         "Ang bait naman talaga ng magiging mother-in-law mo. Talagang pinahiram ang isang gabi ang restaurant ng hotel at all expense paid pa ang foods. Swerte mo girl ha!" Sabi noong isa.                         "Huy, anong girl? Jona, mentor mo ang kausap mo. Baka kalimutan kang bigyan ng sweldo" Humahalakhak na sabat ni Kourt. Nagtawanan naman kami roon. Nilingon ako ni Elisha at nginitian.                         "Ikaw ang girlfriend ni Diego?" Tanong niya.             Tumango ako. Hindi ko alam kung ilang ulit ko nang sinasagot ang tanong niya 'yan ngayong gabi.                         "Alagaan mo 'yun. Ito na siguro ang panahon para magbago siya." Makahulugang sabi niya at nagtipa sa kanyang phone.             Tinuro naman ako ni Maddi at masayang tinanong. Nagawa niya pang lumipat ng upuan at tumabi sa akin para makausap ako.                         "Kilala ko siya." Aniya at pinisil ang braso ko. "Siya 'yong nanalong Ms. Medicine noong college 'diba?"             Tumango ako. Saan niya 'yun nalaman? Sumali lamang ako doon dahil gusto kong makapartner si Gio na crush na crush ko noon. Veterinary ako samantalang siya ay Dentistry.                         "Sabi na eh! Crush na crush ka kasi ni Kuya Andy nun. Tas kaklase ka pa ni Otto." Aniya. Tama siya. Ang alam ko kasi ex siya nung kaklase ko. Madalas kasi itong bumisita sa aming department kaya hindi malabong makilala niya ako.                         "Sino crush nino?"             Naputol kami sa pag-uusap ng may magsalita sa likuran namin. Nakita ko si Diego na nakapamulsa at sa likuran niya ay si King Luna, si Kit Chavez at ang isa pang lalaki. Nagsilapitan sila sa kanilang mga asawa.                         "Ito naman masyadong seloso, oh!" Biro ni Kit Chavez sa kaibigan niya.             Hindi ko alam kung bakit uminit ang pisngi ko. Nag-iwas naman ako ng tingin kay Diego. Umupo siya sa arm rest ng single couch na inuupuan ko. Napalunok ako dahil kita ko ang paninitig ng ilang mga kaibigan niya sa ginawa niyang pag-upo doon. May ngisi si Elisha sa labi habang ang iba ay namamangha sa amin.                         "Finally, you found someone." Sabi ni King Luna.             Tumango ito sa akin.                         "Naaalala mo pa ba nung pinagseselosan mo si Diego, love?" tanong ni Eli.             Tumaas ang kilay ko. Wow? Pinagseselosan pala 'tong si bakla? Sa bagay, hindi naman talaga siya pagkakamalang bakla. Lalaking lalaki pa rin kasi siya magdamit. Tapos may mga muscles din siya.                         "That's all in the past, love. You're mine remember? Nauna na ako kay Tanseco, may junior na ako sa tiyan mo." Hinampas naman siya ni Eli sa sinabi.                         "Tsh. Ilang beses ko bang sasabihin na hindi ko kailanman pinagnasahan iyang girlfriend mo, King." Iling ni Diego.                         "So, ibig sabihin pinagnanasaan mo si Addie?" ani Kourt at kinindatan pa ako.             Hindi sumagot si Diego. Hindi siya tumanggi at hindi rin kinumpirma. Ngumuso ako at pinigilan ang sarili na sabihin na paano siya magnanasa sa akin ay pareho kami ng gusto.             Napangiti ako. Despite all what's happening, people tend to end up marrying. Isa iyon sa hiwaga ng pag-ibig. Na kahit anong sakit at pagdudusa, gaano man katagal kung kayo talaga ang tinakda. Kayo pa din sa huli. Nakakahanga lang na napasabak man si King sa aksidente, narito man si Elisha pagkatapos ng ilang buwang pagkakacoma, kaunting oras na lang at isa na sila panghabang buhay.                         "Bakit hindi pa tayo umuwi? Lalo na kayong dalawa, Elisha at King." Ani noong isang lalaki. Inakbayan nito ang misis na si Kourt.                         "Sige. Mabuti pa nga, Kuya."             Tumayo na si Elisha at hinawakan sa kamay ang magiging asawa.                         "Paano ba 'yan? Mauuna na kaming umalis? Kailangan ko pang magpahinga atsaka masama para kay Prince kapag nagpuyat ako."             Nagsitanguan sila at nagpasya nang umalis din. Nagkatinginan kami ni Diego bago nagpasyang umuwi na kami. Tumayo ako at laking gulat ko nang hawakan niya ako sa kamay.                         "Pretend while we're here, remember?" bulong niya sa akin.             Tumango ako. Oh, right. Hinayaan ko siyang hawakan ang kamay ko habang naglalakad kami papalabas. Binati niya pa ang ilang kakilala na nagpapaalam na rin sa kaniya. Kita ko ang mga gulat na tingin nila habang minamata ang mga kamay naming magkahawak.             Pinagbuksan naman ako ni Diego ng pintuan. Pumasok ako at agad na naglagay ng seatbelt. Umikot siya para makapasok din siya sa driver seat.                         "Are you okay to drive? Aren't you drunk?" tanong ko.             Tumango naman siya at pinaalis doon ang sasakyan sa parking. Mabagal lang ang patakbo niya. Nilingon ko siya at halatang may inom siya.                         "Gusto mo ako na lang ang mag-drive pabalik? You look really tired."                         "Ako na. Ikaw ang magpahinga. We're early, aalis din tayo sa bahay after an hour. Babyahe tayo sa isang isla."             Tumango ako. Hindi na ako nakipagtalo pa at nakatulog na rin sa pagod. Ilang sandali pa'y nagising ako sa tunog ng tawag sa aking telepono. Kinapa koi yon sa bag at sinipat kung sino 'yun.                         "Hello?" sagot ko dahil unregistered number 'yon.             Nakita kong malapit na kami sa condo. Pumapasok na siya sa parking lot.                         "Hija?" tanong ng babae sa kabilang linya.             Natigilan ako sa pagbubukas ng pintuan. What's this for?                         "Tita Geneva."             Napansin naman iyon ni Diego kaya bumaba na siya para umikot para pagbuksan ako. Nagkatinginan kaming dalawa. Hindi ako gumagalaw, tanging ang inis na ekspresyon lang ang ginagawa ko.             Papatayin ko na sana ng magsalita ulit iyong babae.                         "Hija, alam mo ba kung nasaan si Gio? Hindi pa kasi siya umuuwi simula kagabi." May pag-aalala ang boses ni Tita Geneva.             Nakuha noon ang atensyon ko. May kung anong kaba ang dumaan sa akin. Halos mabitawan ko ang cellphone nang marinig ang kasunod na sinabi ng babae.                         "H-Hija, patay na kasi ang kapatid niya hija. Patay na si Gener."                         "A-ano po? Paanong--"                         "Nabangga si Gener, hija. At natatakot kami na baka ikapahamak ni Gio ang pag-alis niya. Hija, pwede mo ba akong tulungan? Pwede mo ba siyang hanapin sa ngayon?"                         "S-Sige po." Nanunuyo ang lalamunan ko.             Binaba ko ang tawag at tiningnan si Diego na naghihintay sa akin. Nilahad niya ang kamay niya. I know this will look that I'm unfair and being blind again, but I can't turn my back. His' brother's dead. My ex-boyfriend's nowhere to be found. Walang puwang para sa akin na magtanim ng galit sa ngayon. I know how much he loves Kuya Gener. May cancer ito at ang kaalamang wala na ito ngayon ay alam kong malaking dagok kay Gio.             Umiling ako at hindi tinanggap ang mga kamay niyang 'yon.                         "I'm so sorry."                         "What's this all about, huh?" tanong ni Diego, tila naguguluhan.                         "Diego, si Gio..." sabi ko, nanginginig.             Kita ko ang pag-igting niya ng panga.                         "Ano na naman 'to?" Galit na tanong niya.                         "Kailangan niya ako." Sabi ko.             I know how it hurts for him right now. Alam ko na kailangan niya ng karamay ngayon. She loves Ashley, and now Ash is dead. He needs me. And I need to see him if he's fine.                         "Addie, let's go upstairs. We're leaving in a few hours. I need you too. Come on. Let's not fight over this. You had enough, remember?" Kita ko ang pagsuko niya sa akin.             Kinagat ko ang labi ko. I know. I know, you need me too. Pero hindi naman kagaya ng pagkakailangan niya sa akin. Hindi pa din ako gumagalaw sa kinatatayuan ko. I do not love him anymore but Gio needs me more than Diego.                         "I-I'm sorry."             Tumakbo ako palayo, hindi man lang siya tinitingnan ng magsalita siya. Natigil ako sa pagtakbo at hinarap siya. Mukhang mayroon din siyang problema ngayon. Mabigat ang boses niya na para bang ayaw niyang magmakaawa pero wala siyang magagawa ngayon.                         "Please, choose me kahit ngayon lang. I need you to choose me now."                         "What do you mean?" tanong ko.             Kinagat ko ang labi ko. May kung anong kaba ang gumapang sa akin. What does he mean? Choose him now. For what?                         "I'll let you go to him. I just want an assurance. I want an assurance that you'll come back home to me."             Hindi ko alam pero may nagtulak sa akin para huwag sumagot sa kanya. At kung sasagot naman ako, ano naman ang sasabihin ko? Tumalikod na lamang ako at agad na tumungo sa hintayan ng taxi.                         "Manong sa downtown po."             Nang maisara ko ang pintuan, saka ko lang nagawang tingnan si Diego na ngayon ay hindi pa din gumagalaw sa kanyang kinatatayuan. Nakatingin siya sa mga paa niya at kita ko ang pag-iling niya at ang unti-unting pagtalikod para pumasok sa loob.             I'm sorry, Diego. I'm sorry, ang tanga tanga ko pa din. Hindi ko kasi kayang talikuran, 'yung ilang taon na kasama ko si Gio. Madaling sabihing ayaw ko na, pero ang hirap pa rin palang gawin. Iyong marinig mo lang na may nangyari sa kanya, bigla ka na lang mawawala sa sarili mo at makikita mo na lang ang sarili mong pabalik sa kanya. Sorry, siya muna ang pipiliin ko sa ngayon.             I can't give you an assurance right away. I need to sort out everything. But one thing's for sure, that I'll come home to you. I don't know why but I am considering that you're my new home.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD