Nagising ako na may mabigat na nakayakap sa akin. Pilit kong minulat ang mata ko, nilingon ang katabing tulog na tulog at nakasuot pa din ng sleep mask.
Tumaas ang kilay ko at sinilip ang kamay niyang akala mo ay nakayakap sa unan. My gosh! Hindi niya ba alam na nasa dibdib ko 'yong kamay niya?
Padabog ko 'yung kinuha at tinabig. Sinipa ko rin siya sa tagiliran niya para malayo sa akin. Nahulog siya sa kama at inis na tinagtag ang sleep mask na suot.
"What the hell?" Tanong niya at iritadong tumingin sa akin.
"Anong what the hell ka diyan? Ano feeling mo unan mo ako? Hindi ako makahinga para kang linta."
Hinilamos niya ang mukha niya at inis na tumayo. Dumiretso siya sa banyo at padabog na sinara ang pintuan.
"Sungit." Kumento ko at bumangon na din.
Lumabas siya, bagong shower at nakasuot lang ng roba. Dumiretso siya sa salamin at naglagay ng lotion at pabango. Ayos na ang mukha niya, may concealer na rin.
Mabilis akong nagshower nakasuot ako ng tuwalya ng may kumatok sa pintuan. Walang pakialam na binuksan ni Diego ang pintuan.
"Pare," tawag ni Kit.
Lumapat ang tingin niya sa akin na nakatuwalya lang at kay Diego na nakaroba. Ngumisi siya na parang may pinapahiwatig sa kaibigan. Tumango siya sa akin habang namumulang tinatakpan ang katawan ko. Sinara ni Diego ang pintuan, enough lang na siya ang makita at hindi ako.
"Eyes on me, Kit. Stop, eyeing my girl. You have a wife and a kid." Matigas ang tono ni Diego na parang nagbabanta.
"Stop being so jealous. It's early in the morning, chill man! Pinapatawag kayo ni Mr. and Mrs. Luna para sabay na tayo magbreakfast." Aniya.
"Susunod kami." Sagot niya at sinara ang pintuan.
Tumaas ang kilay niya sa akin at tinuro ang banyo.
"Dun ka na magbihis. Stop showing your body to guys."
"Wow, selos ka lang kasi." I murmured pero narinig niya.
"Are you kidding me? Why would I be jealous? Hindi ka maganda."
Umirap ako at binato siya ng tuwalya. Buti na lang at nakasuot ako ng bikini. Kita ko ang titig niya at ang iritado niyang mukha sa ginawa ko.
Seryoso na ba talaga akong pakasalan ang nilalang na 'to kung palagi kaming nag-aaway? Eh baka wala pang ilang buwan kaming kasal, sira na ang vocal chords ko.
"Oo na! Imbyerna ka! Bakla!" Sigaw ko at pumasok na sa banyo.
Nang lumabas ako. Nakaboard shorrs niya at muscle shirt. Nakasuot na rin siya ng shades mukha siyang model. Saan ang hustisya?
"Poging pogi tayo babe ah?" biro ko.
Masama niya akong binalingan.
"Shut up." Aniya at nagsuot ng cap.
Kinuha ko naman ang gladiator sandals ko na baga na bagay sa bohemian dress ko. Umikot ako sa harapan niya at kinindatan siya.
"Ganda ko ba?" Tanong ko.
Tumawa ako na parang nanglalandi. Let the game begins!
"Asa." He said and walked out of the door.
"Porket mas maganda ako sa kanya. Hmp! Authentic ang matres ko kaya inggit na inggit siya."
Umirap ako at kinuha ang cellphone at bag ko bago sumunod sa kanya. Hinawakan ko ang braso niya at hinigit siya papunta sa cottage kung nasaan ang mga tao.
Sinalubong kami ng parents niya. Nakipagbeso ako kay Tito at Tita, malaki ang ngiti. I don't know. I woke up on the right side of the bed ata. Everything looks cute kasi.
"Hija, you look so happy." Bati ni Tita.
Tumango ako at tiningnan si Diego.
"Yes po, Tita. 'Yung anak niyo lang po ang masungit, eh." Natawa naman sila sa sinabi ko.
"Masanay ka na, hija. You will be forever stuck with my son." Sabi naman ni Tito.
Tumango ako at hinigpitan ang hawak sa braso ni Diego and smiled sweetly at him. Umupo kami sa table nang mga kaibigan niya at panay ang ngisi nila sa akin. Mukhang naipagkalat na agad ni Kit ang nangyari.
"Mukhang hindi lang ang bride at groom ang nagkaganap kagabi, ah?" Biro ni Kourt.
Namula ang mukha ko. Okay. Hindi ako kiss and tell. Tumawa sila dahil hindi kami umamin, hindi rin nagdeny. Kung alam niyo lang. Impossible! Over my ingrown!
Marami akong nakain. Hindin ko alam pero mukhang nagutom ako sa pang-aasar kay Diego. Kapag naikasal kami, hindi ako titigil sa pang-aasar sa kanya. Maglelevel up kaming dalawa sa bangayan-damayan relationship namin.
"Baby boy," tawag ko.
Natigilan naman siya sa akin. Ngumisi ako at tinaas baba ang kilay ko kahit na hindi maipinta ang mukha niya.
"What?" He gritted his teeth.
Gusto kong humalakhak dahil mukhang hiyang hiya siya sa mga kaibigan niya na panay ang ngiti sa aming kasweet-an. Sweet, my ass!
"Bakit? Baby boy, gusto ko nang buko juice." Ngiti ko.
Inis niyang inabot ang buko juice kaya naman kinantyawan siya ni King at Kit.
"Nice. Now, we are all our woman's dog." Kumento ni Ely na nagpahalakhak sa kanilang mga lalaki.
Ngumisi naman ako doon. Yes, walang araw na hindi ko bubwisitin 'tong lalaking to. Well, tutal makakasal naman kaming dalawa... Why not make the most of it 'di ba?
Through the rest of the meal, panay pasweet ako sa kanya. Halatang inis na inis na siya kaya naman kahit ayaw niya mangitim, sumama siya sa pagsusurf ng mga kalalakihan.
Nakatopless silang apat hawak hawak ang mga surf boards nila. Binato ni Diego sa mukha ko ang hawak niyang tshirt. Umirap ako at sinabit iyon sa balikat ko.
Damn, ang ganda naman ng mga katawan ng mga papa namin! Batak na batak sa gym, ah? May ilang babaeng panay ang titig sa kanila kaya naman pinag-usapan iyon naming mga girls na nasa cottage.
"Isa pang tingin ng mga 'yan, dudukutin ko na ang mga mata nila. Laki ng paghihirap ko para lang makita ang asawa ko every two weeks tapos aagawin pa nila ang view ko?" Reklamo ni Maddi.
Tumawa ako. Si Eli naman ay umiling din.
"I know my husband wouldn't look at those bitches. In our four years of marriage, hindi pa kami nagkaproblema when it comes to this matter." Pagmamalaki ni Kourt sa amin na ngayon ay buhat ang tulog na si Kira.
"Ako rin. I'm sure of that. Ilang buwan akong coma, diba? Tapos hindi man lang naghanap ng iba 'yung asawa ko. Ako pa ang nakakuha ng virginity niyang si King, eh." Ani Eli.
Natawa ako sa sinabi ni Eli. Nagkantyawan sila sa sinabi ni Eli. Nakikinig lang din ako sa kanila ng tingnan nila ako.
"Ikaw? Kamusta si Diego as a boyfriend? Hindi ka man lang makikipagyabangan sa amin?" Ani Maddi.
Umiling ako at ngumisi.
"Sa sungit niyang si Diego, sa tingin niyo titingin 'yan sa iba? Daig pa niyan ako kapag may mens ako, eh."
Mas lalong lumakas ang halakhakan nila sa sinabi ko.
"That's why we like you. You, go girl!"
Nang tumaas na ang araw bumalik na ang mga walang kamalay malay na lalaki. Para namang mga huwarang asawa ang tatlo at sinalubong sila na may tuwalya. Sila pa ang nagpunas rito. Hindi ako tumayo kaya lapit sa akin si Diego.
"Ano? Naexpire na ba ang sweetness mo?" Nang-aasar niyang tanong.
Ngumisi ako at tumayo para kunin ang tuwalya. Well, game on!
"Namiss mo naman agad ako, baby boy?" Tanong ko at binalot ang ulo niya sa tuwalya bago iyon kinuskos sa buhok niya.
Malakas ng kuskos ko at siniguradong mahihilo siya sa ginagawa ko. Hinawakan niya ng mahipit ang dalawang kamay ko para mapigilan iyon. Kita ko ang sama ng tingin niya sa akin.
"Huwag mo akong inisin, Addie. Baka pagsisihan mo rin sa huli." Banta niya.
Hindi ako nagpatalo at hinalikan siya sa pisngi na may kasama pang pang-asar na kindat. Take that, bestie!
"Uy, ang sweet niyo namang dalawa!" Ani Maddi.
Tumawa ako at niyakap ang braso ko sa inis na inis na si Diego.
"Siyempre naman. Love na love ko 'tong baby boy ko eh. Diba, baby boy?" Ngisi ko.
Walang buhay siyang ngumiti sa akin at hinawakan ang kamay kong nakapulupot sa bewang niya.
"Stop being so sweet. Baka hindi mo kayanin kapag gumanti ako." Bulong niya sa ulunan ko.
Sa posisyon namin mukha kaming naglalambingan. Ramdam ko ang bibig niya sa noo ko.
"Bring it, on."hamon ko.
"Oh, really?" Aniya na parang gagawin niya nga. Hindi ako umimik. "I hate attention but I'll do this to get even with you."
Nagulat ako ng higitin niya ako papalabas sa cottage. Dinala niya ako sa may tapat ng seashkre kung saan marami sa bisita nina King ang nagsasun bathing. Batid ko ang ilang tingin nila sa amin.
"Te-Teka.." sabi ko, naguguluhan.
"Anong ginagawa mo?" Tanong ko.
Ngumisi siya at lumuhod sa harapan ko. Nanlaki ang mga mata ko. Tumingala siya sa akin at may iniaabot na box. Sa sobrang liwanag, pinaliit ko pa ang mata ko para makita na isa iyong singsing. It's a Lorraine Schwartz platinum ring which cost million dollars. The stone is a sapphire surrounded my tiny cuts of diamonds.
"Adoracion Henriette Uytengco," aniya.
Is this even serious? Talagang gagawin niya to? Gusto ko mang itayo siya sa pagkakaluhod niya, hindi ko rin magawa sa pagkabigla. Damn, mukhang nahuli niya rin ako sa sariling laro ko.
"Will you marry me?" Tanong niya.
Nagsigawan ang ilan ng 'yes' habang seryoso akong nakatingin kay Diego.
Leche ka, Tanseco! Bwisit ka!
Nabasa ko ang bumulong niya sa hangin. 'Take that, girl.'
Akala mo mapapasuko mo ako? Well, pepestehin kita sa buong buhay mo tandaan mo 'yan. Akala niya ata, tatanggihan mo siya. Well, I will take this opportunity to wipe his smirk off his face!
"Yes. I'll be willing and happy to be with you, forever." Malaki ang ngisi ko at umarteng naiiyak pa.
Pumalakpak ang ilang naroon. Nakita ko pa si Tita at Tito, ang mga kaibigan namin na malaki ang mga ngiti sa labi.
Nakangiwi ako ng maramdaman ko ang malamig na bagay sa kanang kamay ko. Nakangisi din si Diego at kunwaring niyakap ako.
We're great pretenders! Gusto kong umirap sa kawalan.
"Stop starting games with me, Addie. I always have my way to win." Aniya at hinalikan ang tuktok ng ulo ko.
Ngising aso lang ang pinakita ko sa kanya. Masayang masaya siya sa nangyayari ngayon. Oh, well. Let us be damned!
"Congratulations, future Mrs. Tanseco." He whispered and claimed my lips for another spectacular show.
Bakit ba nakalimutan kong tuso nga pala siya at kailanman walang nanalo sa kanya kung siya ang magpapaikot? He's my best friend, I should've not forgot it. It's Diego Tanseco's we are dealing with. No one can outcast him. No one, even me.
Damn, his wits! Damn him!