Kabanata 10 - Rush

1664 Words
            Nang matapos ang walang kwenta naming awayan, bumalik na ulit kami sa mga dating buhay namin sa Maynila.             Nasa clinic ako at nagbabakuna ng mga aso ng may nagbukas ng pintuan. Nakita ko roon ang aking assistant, may dala dala na namang bulaklak.             Katulad ng ginagawa niya ilang araw na ang nakakalipas, pinatong niya ulit iyon sa table.             Bwisit talaga 'yang si Diego! Lakas mang-asar. Hindi ako nagpapasalamat sa kanya nitong nakaraan pero tama bang gawing parang flowershop ang clinic ko sa dami ng rose at sunflower na pinapadala niya?             Tinagtag ko ang gloves ko at inis na kinuha sa bulsa ang cellphone. Dinial ko ang number ng fiance ko at tinapat sa tenga ko 'yun.                         "What, Addie?" Tamad na sagot niya.             Rinig ko ang mga usapan sa background niya. Mukhang nasa trabaho pa siya.                         "Anong what what? Hindi mo ba titigilan ang magpadala ng flowers sa opisina ko? Anong balak mo pagmukhaing garden ang office ko?" Tanong ko.             Napatingin naman ako sa singsing ko. Isa pa 'tong singsing na 'to eh. Ang bigat bigat! Balak niya talaga ata akong pahirapan.                         "What do you mean flowers?" Tanong niya.             Kunot ang noo kong tumingin sa bouquets na nakapatong sa table ko.                         "Hindi sa'yo galing 'to?"  Tanong ko at sinuri ang bulaklak kung may letter.                         "Hindi. At bakit naman ako gagastos ng bulaklak para sa'yo? Hindi ka pa naman patay, mukha lang." Seryoso niyang sagot.             Umirap naman ako at isinantabi ang mga panghuhusga niya. Kanino kaya galing 'to? Ngumiti ako sa pasyente ko at humingi muna ng paumanhin para lumabas. Sinensyasan ko ang assistant ko habang hindi nilalayo ang tenga sa phone.                         "Kanino raw galing? Nakita mo sinong nagdala?" Tanong ko.             Umiling ito.                         "Delivery man ang pumupunta po, eh."             Tumingin ako sa labas. May hinala na ako at mukhang ganun rin si Diego. Huminga siya ng malalim.                         "Huwag mo nang tanggapin ang mga bulaklak na 'yan." He warned me. "He probably heard our engagement. Remember your promise, Addie. You'll forget him."                         "Oo na, oo na." Sagot ko.             Kung hindi ko alam na planado lahat ni Diego 'to, iniisip ko na napakapossessive niya naman sa akin. Pero knowing his ego, alam kong hindi.             If Gio's giving me flowers, it's really late. Masyado na siyang late para humingi ng tawad.                         "I need to work, Addie. See you later." Aniya.             Ngumuso ako. Workaholic!                         "Alright. I'll cook dinner, Diegs. See you at home." Pinatay ko ang cellphone.             Ngumuso ako. Cook dinner? Wow, para namang wife na wife na ang datingan ko, ah? Gusto kong iuntog ang ulo sa pintuan ng clinic ko.             Nagpatuloy ako sa trabaho hanggang magalas singko na ng hapon. Nag-iinat akong lumabas ng clinic. Sakbat ko ang bag at hawak sa mga braso ang aking coat.             Ini-unlock ko ang kotse ko at handa na sanang sumakay doon ng makita kong nakasandal sa dingding si Gio. He looks worried.             Natigilan ako at hinintay siyang makalapit. Kita ko ang pagdapo ng mga kamay niya sa daliri kong suot ang engagement ring.                         "You're really getting married." Aniya.             Tumingin din ako sa singsing sa kamay ko at hinawakan ang bato noon.                         "Yes. I'm glad, I'll marry a real man." Matalas ang mga salitang binitiwan ko.             Tumingin siya sa akin, tila nagsisisi. I smiled coldly.                         "I'm marrying a loyal and stable man. I'm marrying my best friend at sigurado akong hinding hindi siya maghahanap ng ibang babae bukod sa akin."             Napaawang ang bibig ni Gio sa sinabi ko. Binuksan ko ang pintuan ng kotse ko at nilagay ang bag ko sa passenger seat ng hawakan niya ang mga braso ko.                         "I know you're just mad, Addie. Napipilitan ka lang. I'm sorry, okay?"             Tinagtag ko ang hawak niya at bahaw na ngumiti. Gusto kong tumawa sa sinabi ng lalaking 'yan! Tama siya pero hindi ko ipapakita iyon. Diego's a lot way better than him in all aspect: Wealth, looks and even principles.                         "Ako napipilitan?" Tumawa ako na parang nababaliw na siya.                         "Kung nakita mo lang kung gaano ako kasaya noong nagpropose siya, marerealise mo na hindi pala kita minahal."                         "What do you mean?" Gio gritted his teeth.             Huminga ako ng malalim. Pilit na pinirmi ang boses ko.                         "You realized you didn't love me? After all those years? After you f*****g give me the right to kiss and hold your every part?" Nanghahamon ang boses niya.                         "I realised it the moment you touch my best friend. I realised it the moment you cheated! Sino ang maniniwalang mahal mo ako kung kumakalantari ka ng ibang babae sa likuran ko?"                         "I was the first one who f****d you! I goy your virginity!" Sigaw niya.             Tumaas ang kilay ko.                         "Oh? E 'di pagawa ka ng trophy tutal feeling achievement ka, eh?"             Huminga ako ng malalim at pinunasan ang luha ko. Tangina, niya! Kapal!                         "Alam mo, Giovanni." Tiningnan ko siya ng diretso sa mata. "Una ka lang eh, pero hinding hindi na mauulit pa. Si Diego? Siya na ang huli."             Papasok na ako sa kotse ng malakas at buong pwersa niya akong hinigit at sinandal sa kotse.                         "Napakapit ka lang sa mas mayaman ganyan ka na umasta? Hindi niya ba alam na pinagsawaan na kita at 'yang katawan mo? Alam ba niya kung gaano ka kaboring kaya nga naghanap ako ng thrill sa best friend mo eh?"             Hindi na ako nakapagpigil at sinampal na siya. Tinuro ko siya.                         "Tangina mo, Giovanni! Proud na proud ka pa?" Sigaw ko.                         "Bakit? Kinagwapo mo ba 'yan? Gago ka din eh!"             Para naman siyang asong biglang naulol dahil mararahas ang hakbang niya palalapit sa akin. Mariin niya akong sinandal sa sasakyan ko.             Nagpanic ako dahil hindi ko alam ang gagawin ko. For the first time, nakita ko ang side na ito ni Gio.                         "Lumayo ka nga!" Sigaw ko.             Tumawa siya na parang baliw at hinawakan ang pisngi ko ng mariin. Ramdam ko ang mga kuko niya sa balat ko.                         "Tulong!" Sigaw ko.             Tinakpan niya ang bibig ko. Sisipain ko na sana siya ng may pwersa na humigit sa collar niya at tinapon siya sa lupa para suntukin.                         "Tangina mo!" Sigaw ni Diego at pinaulanan ng isa pang suntok si Gio sa mukha.                         "Ang kapal ng mukha mong bunalik rito at saktan ang fiancee ko?"             Ngumisi si Gio kahit na dumudugo na ang bibig niya.                         "Una akong naging fiance niyang babaeng 'yan."                         "Oo, at tangina sinayang mo 'yon!" Sigaw ni Diego.             Tumawa na parang nang-aasar si Gio.                         "Hindi ka ba nandidiri? Sasaluhin mo 'yang tira tira ko? Nilaspag ko na 'yan! Wala nang lalaking magkakagusto diyan kundi ako lang!"             Tumulo ang luha ko sa sinabi ni Gio. Parang gusto ko na ako na ang bumugbog sa hayop na 'to! Lalo namang nagalit si Diego at sinakal  ito. Kita ko na ang ugat sa braso niya na lumalabas sa igting nito.             Sa takot ko na mapatay niya si Gio. Pumagitna na ako.                         "Tama na, Diego! Tama na." Pagmamakaawa ko.             Gusto kong mamatay ang hayop na si Gio pero ayoko pang makulong si Diego. Binitawan naman ni Diego si Gio na halos wala nang kulay ang mukha. Umubo ubo ito. Sinenyasan ko ang mga bodyguard ni Diego.                         "Itayo niya ang gagong 'yan." Giit ni Diego.             Marahas namang tinayo ng mga bodyguard niya si Gio. Lumapit si Diego at kinuwelyuhan si Gio.                         "Wala kang karapatang sabihan si Addie ng ganyan. Ikaw ang walang kwenta. Sa'yo walang magkakagusto kasi tangina mo, basura ka!"             Naiyak ako sa sinabi ni Diego.                         "Handa akong tanggapin si Addie kahit na ano pa ang nakaraan niya. Naiintidihan mo? Papakasalan ko siya ngayon din at pagsisihan mo ang araw na 'to."             Hinila ako ni Diego papasok sa sasakyan niya at sinakay doon. Walang imik niya akong nilagyan ng seatbelt. May sinabi siya sa ilang bodyguard niya bago pinaalis doon ang sasakyan. Mabilis iyon. Natuyo ang luha ko sa mata sa sobrang kaba ko.                         "Dahan dahan, Diego." Bulong ko.             Hindi niya ako sinagot pero bumagal ang takbo niya.             Dumiretso siya sa bayan at tinigil iyon sa tabi ng isang bahay. Nagtataka ako sa ginawa niya.                         "N-Nasaan tayo?" Tanong ko.             Umikot siya papalabas at binuksan ang pintuan ko. Kinalas niya ang seatbelt ko at hinigit niya ako papalabas.                         "Teka, nasaan ba tayo?" Tanong ko.             Tiningnan niya ako at pinunasan ng panyo niya ang aking mukha. Nakatitig lang ako sa kanyang igting ang panga.                         "Do not come near that asshole. Next time, report him to the police. I will ask for TRO." Aniya.             Tumango ako. Ngumiti siya sa akin ng tipid at hinila ako papasok sa bahay ng tinigilan namin.                         "Asan si Tito?" Tanong niya sa kasambahay.                         "Nasa study niya po si Judge."             Hinila niya ako papasok doon na hindi pa rin alam ang gagawin.  Sumalubong sa amin ang lalaking nasa kanyang 40's. Ngumiti ito ng makita si Diego.                         "Tito," tawag ni Diego at nakipagkamay. "This is my fiancee."             Tipid akong ngumiti.                         "Nice meeting you po." I said.                         "What a perfect girl." Aniya at inanyayahan kaming umupo.             Awtimatikong dumating ang katulong na may dalang tsaa at cake.  Ngumiti ako rito.                         "I heard about your sudden engagement from your father. What a romantic guy." Humalakhak ang lalaki sa kanya.             Ngumiti rin si Diego at hinawakan ang kamay kong nasa arm rest.  Tumango ang lalaki sa amin. Nilingon niya si Diego na nakatayo sa gilid niya.                         "Yes. The things you do for love. I came here to ask for a help." Sabi ni Diego rito.                         "How can I help you?" Tanong ng kanyang Tito.                         "I need you to officiate our marriage tonight, Tito."             Para akong nabingi. What? Ano daw?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD