CHAPTER 1

1009 Words
“Ate, dito na ba tayo titira?” pagtatanong ni Thunder sa ate niyang si Rain habang nakatingin sa may kalakihang bahay na nasa harapan nila ngayon. Nasa loob na sila ng bakuran. Tumingin si Rain sa nakababatang kapatid. Ningitian niya ito saka tumango-tango. “Oo Thunder, dito na tayo titira,” sagot niya sa tanong ng bunsong kapatid. “Pero Ate, paano na iyong bahay natin sa Manila? Iiwan na ba natin iyon?” malungkot na pagtatanong pa ni Thunder. Mahal niya ang bahay na iyon dahil simula ng ipanganak siya, doon na siya nakatira at nakasanayan na niyang tumira roon. Isa pa, may sentimental value sa kanya ang bahay na iyon dahil sa magulang nila iyon at marami siyang alaalang nabuo doon kasama ang pamilya niya. Nalungkot rin si Rain dahil sa nahalata niya ang lungkot sa mukha at boses ni Thunder. Huminga siya ng malalim. “Oo Thunder. Actually, nakahanap na ako ng buyer sa bahay nating iyon at kaya tayo dito na titira dahil simula rin ngayon, doon na rin titira sa bahay natin dati ang bagong may-ari,” paglalahad ni Rain. Malaki ang bahay nilang iyon sa Manila kaya naman mahal rin ang pagkakabenta nila roon. Sapat na iyong pera nilang napagbentahan para makapagsimula muli rito sa lugar na ito. Ito nga at nabili nila ang bahay at lupa na titirhan na nila simula ngayon. Napatango na lamang si Thunder. Nagbaba siya ng tingin. Pinilit na ngumiti ni Rain saka niyakap ng patagilid ang kapatid. Tinapik-tapik niya ng marahan ang kaliwang braso nito. “Huwag ka nang malungkot, Thunder. Magiging masaya rin tayo rito. Saka mabuti na rin na lumipat tayo ng bahay para mas madali mong makalimutan ang pagkawala nila mommy at daddy.” Nakangiti pero bakas ang lungkot sa sinabi ni Rain. Ulilalang lubos na sila ngayon dahil last month ay magkasabay na nawala ang kanilang mga magulang dahil sa isang aksidente sa daan. Sila na lamang ang natira at naiwan at bilang si Rain ang nakakatanda at ate ni Thunder, ito na ang magsisilbing ina at ama ng bunsong kapatid. Tumango na lamang muli si Thunder. Bakas sa gwapong mukha ang lungkot dahil muli na naman niyang naalala ang kanyang mga magulang. Thunderstorm Dela Merced ang buo niyang pangalan, nakababatang kapatid ni Rain. fifteen years old sa kasalukuyan at nasa third year high school na sa darating na pasukan. Gwapo si Thunder, mana sa kagwapuhan ng namayapang ama. Nakasunod sa uso ang gupit ng buhok, iyong uso sa mga teen-agers, makakapal ang itim na itim na kilay, may pagkasingkit ang kanyang mga mata dahil may lahi silang Korean dahil sa ang namayapa nilang ina ay isang Korean. Matangos ang ilong at manipis ang natural na mamula-mulang labi. Maputi siya at makinis ang balat. Nagsisimula pa lamang humubog ang may kapayatan nitong katawan na bumabagay naman sa tangkad nitong five-eight. Si Rain Dela Merced, ate ni Thunder. Nineteen years old sa kasalukuyan, second year college na sa darating na pasukan. May pagkakahawig ang mukha nito kay Thunder. Maganda pero hindi katangkaran. Hanggang likod ang haba ng kulay brown nitong buhok, sexy, maputi at makinis ang balat. Halata rin sa kanya na may lahing Korean ito katulad ni Thunder. Tag-ulan ng ipanganak si Rain kaya iyon ang ipinangalan sa kanya habang may bagyo naman ng ipanganak si Thunder kaya iyon ang ipinangalan sa kanya ng namayapa niyang magulang. Kabaligtaran ng pangalan ni Rain ang ugali niya dahil tila isa itong araw na nagbibigay liwanag sa buhay ni Thunder. Masayahin at positibo sa buhay ang ate niya habang si Thunder, nababagay sa kanya ang pangalan niya dahil tila bagyo siya kung magalit. Maykaya ang kanilang pamilya kaya naman kahit papaano’y nakakapamuhay sila ng maayos kahit na nawala na ang kanilang mga magulang. Nakaipon rin ng malaking halaga ang mga ito dahil sa pagtatrabaho. Iyon nga lang, kailangan na rin nilang magtipid-tipid ngayon at maghanap na rin si Rain ng part-time na trabaho para hindi rin kaagad maubos ang mga perang naiwan sa kanila. Sa bayan ng San Ildefonso sa Bulacan, dito naisipan ni Rain na bumili ng maliit na bahay na may dalawang palapag. Simple lamang ang bahay pero sapat na para sa kanilang magkapatid na manirahan rito. Ang ibang gamit nila ay nadala nila rito pero ang iba, pinamigay at binenta na rin nila lalo na iyong mga hindi naman kailangan at iyong malalaki na rin gaya ng mga cabinet at kung ano pa. Dito niya naisipan na magsimula silang muli kasama ang kanyang kapatid na si Thunder. Hindi man nila nakasanayan na tumira sa isang probinsya dahil kahit kailan ay hindi pa sila nanirahan sa probinsya at mas sanay sila sa buhay sa Maynila pero alam niyang masasanay rin silang magkapatid. “Oo nga pala Thunder, aayusin ko ang mga credentials mo sa school at ang paglipat mo. Pagkatapos iyong sa akin naman para maipagpatuloy natin ang ating pag-aaral. Isa pa pala, maghahanap na rin ako ng trabaho para hindi rin kaagad maubos ang perang naiwan sa atin nila Mommy at Daddy,” bulalas pa ni Rain. Tumango-tango na lang si Thunder. Tumingin muli si Thunder sa bahay na bago nilang titirhan. Tipid siyang napangiti. ‘Bagong bahay, bagong buhay. Ano kayang naghihintay sa amin sa lugar na ito?’ tanong ni Thunder sa isipan. Seryoso siya kung mag-isip kaya kahit isa ay wala itong naging kaibigan kahit sa school dahil bukod sa ayaw niyang makipagkaibigan sa iba, ilag rin ang mga tao sa kanya dahil masyado itong seryoso. Hindi ito iyong tipo ng binata na mahilig makipag-usap sa iba. Tahimik at laging walang imik. Iimik lang kapag ate ang kausap. Iimik naman ito sa iba kapag kinakausap siya kaso nga lang, one liner lagi ang sagot. Napapangiti naman si Rain habang nakatingin sa kapatid na mas matangkad pa sa kanya. “Halika na at pumasok na tayo sa loob,” nangingiting pag-aaya ni Rain. Tiningnan ni Thunder ang ate niya. Ningitian niya ito ng maliit at sabay nang naglakad ang dalawa papunta sa pinto ng bago nilang bahay at pumasok na roon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD