Chapter 2
'Alucard'
Heaven's PoV
Pagkabalik ko sa dorm ay wala nang tao. Maging ang makulit na nerd na si Fire ay wala pa rin sa room. Sinamantala ko ang pagkakataon at nahiga sa kama ko. Hindi maikakaila ang manly scent na kumapit sa unan at kumot. Malamang galing 'to sa kambal ni Fire. What's his name again? Well, remembering his name isn't my obligation.
---
Nagising ako dahil sa ingay na nagmumula sa laptop ni Fire. Narito na pala siya at mukhang nanonood ng movie.
"Good evening, Heaven," bati ni Fire nang mapansing gising na ako. Napatingin ako sa wrist watch ko at gabi na nga. Magseseven na. "Mukhang napasarap ang tulog mo ah." Puna niya.
Daldal lang siya nang daldal. Kailan niya kaya marerealize na ayaw kong nakikipag usap sa kahit na sino? Tumayo ako at nagpunta sa closet ko. Nakalagay lang dun ang mga bag ko pero 'di pa nakaayos. Kumuha lang ako ng hoodie dahil medyo malamig ngayon.
"Magdidinner ka? Sabay na tayo sa caf!" Pagkasuot na pagkasuot ko ng hoodie ko ay hinila na ako palabas ni Fire.
"Do me a favor..." sabi ko habang naglalakad na kami.
"Sure,"
"Stop dragging me kung gusto mong magkasundo tayo." Sabi ko at tumawa lang siya. Maraming tao sa caf. Mukhang halos lahat ay dito magdidinner.
"Anong gusto mong kainin, Heaven? Maupo ka na. Ako na ang mag o-order." Sabi niya at pinilit niya akong maupo na. Nakita ko namang nag-give ng way kay Fire 'yung mga estudyante na nakapila kaya mabilis siyang naka-order.
"Here, I just ordered you pasta and softdrinks since hindi mo sinagot kung ano ang gusto mo." Sabi niya at iniayos sa harap ko ang pasta at softdrinks.
I didn't hesitate to grasp her wrist. Ni hindi man lang siya nagulat. "Tell me, ano ka eskwelahang 'to?" I ask. I tighten my grip on her wrist pero wala siyang reaksyon kundi ang normal niyang ngiti.
"I'm just Fire Levine. Isa lang akong normal na estudyante rito," mas hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kanya, and this time, halatang may epekto na sa kanya. I'm more than willing to crush her bones 'pag hindi siya nagsalita.
"Giving way for you can't consider you as a normal student," I gritted my teeth. She sighed.
"Fine, fine! I'll speak now. Just let go of my already crushed wrist first," she jokes and I let her go. "Like what I've said, normal student lang ako. They're just giving way for me just because of my twin, Hell." Sabi niya. I frown.
"Hell?"
"Yeah. 'Yung nakahiga sa kama mo kanina, remember?" Sabi niya at tumango-tango ako. "Hell is ruling this school. Siya at ang buong Alucard Organization," paliwanag niya.
"Alucard? Org?" Naguguluhang tanong ko at tumango siya.
"Si Hell ang namumuno ng Alucard Organization. Pinakasikat na school org here in Westridge." Sabi pa niya. Ang akala ko ay isang malaking lead na si Fire sa mga kababalaghan dito ngunit isang org lang pala ang masasabi niya. Hindi na muli akong nagtanong pa at hinayaan na lang siya. Nagsimula na akong kumain.
"Well, well, well!" Nabaling ang paningin ng lahat sa mga bagong dating. Mukha silang pamilyar pero hindi ko na sila pag-aaksayahan ng panahon. Hindi ko ugaling alalahanin ang mga taong hindi kusang naaalala ng utak ko.
"Mukhang ikaw ang sadya ng El Gwapitos, Heaven." Napatingin ako sa nagsalitang si Fire at nilingon ko ang tinitignan niya. Nakita kong lumapit sa akin 'yung mukhang pinakalider ng grupo.
What's the name again? El Pangitos?
"Mahirap alamin ang info about transfer student. Good thing, you're friends with Fire Levine." Naririnig kong sabi nung lalaki.
Nagpatuloy lang ako sa pagkain. Napatingin ako kay Fire dahil nagpipigil siya ng tawa. Matapos isubo ang huling subo ng pasta ko ay tumayo na ako at nagsimulang maglakad.
"b***h!" May humila sa braso ko. Paglingon ko, 'yung lalaking mukhang pamilyar.
"Yeah?" I ask with a raise of an eyebrow.
"Nang magkaharap tayo kaninang umaga, inalam ko ang info about you, Heaven Ford..." He emphasizes my name. I j******f from his grip.
"I appreciate the fact that you exerted an effort to know me, but I can't remember that we have met already. You look familiar though," sabi ko. He balls his fist at halatang nagpipigil ng galit! What? I didn't do anything.
"So you already forgot what you did to me this morning?" Hinawakan niya ako sa magkabilang braso. Nasa amin na ang atensyon ng buong estudyante sa cafeteria.
"Jom, I like that girl. Ako na ang bahala diyan." Sabi nung babaeng kasama niya. Hinawi niya 'yung lalaki at siya na ngayon ang nasa harapan ko.
"I'm stacey," pakilala niya at nilaro-laro ang buhok ko.
"No one ask." Nagulat siya at napatitig sa akin. Alam kong nadala siya sa lamig ng boses ko. She clears her throat.
"Kilalanin mo kung sino ang binabangga mo," she warns me at pinilit maging matatag ang boses. b***h, alam ko kung totoong matapang o nagtatapang-tapangan lang ang isang tao.
"Wala akong binabangga. But if someone blocks my way, hindi ako nagdadalawang isip na salubungin siya." Tinalikuran ko na siya at naramdaman ko ang pag-amba niya, pero pahawak pa lang siya sa balikat ko ay pinilipit ko na ang braso niya.
"I told you, hindi ako nagdadalawang isip na salubungin ang mga taong nagpupumilit bumangga sa akin." Tinulak ko siya at napaupo siya sa sahig. Napahampas pa ang likuran niya sa mga upuan.
"b***h!" She can't do anything but yell. Tuluyan ko na siyang tinalikuran at naglakad na. Nabaling 'yung tingin ko sa lalaking nakasandal sa frame ng pinto ng cafeteria. Another familiar face. Pero hindi ko na pinag aksayahan ng panahong alalahanin siya at nilagpasan ko na lang siya.
"Heaven!" I squint my eyes nang marinig ang pagtawag ni Fire. She really doesn't know when to shut up.
"So totoo nga ang balita na may nagdakdak ng bola sa mukha ni Jom," natatawang sabi ni Fire. "And to sum it up, isang babae." Dagdag pa niya.
Oh, yea. That's the reason why he looks familiar. Siya 'yung nakabato sa akin ng bola. Bumalik na ako sa loob ng dorm at inayos ang mga gamit ko.
"I know you're not interested pero sasabihin ko na rin. Jom is the leader of El Gwapitos. They are the varsity team. Naghahari-harian din sila dito." Sabi niya nang makahiga na siya.
El Gwapitos? Such a lame name. Mas bagay talaga sa kanila ang El Pangitos.
"Hey, wala ka man lang sasabihin?" Tanong niya dahil nahiga na ako.
"Meron," napatingin siya sa akin.
"Talaga? Ano 'yun?" Excited niyang sabi.
"Hope that your twin's scent isn't lasting this long." Sabi ko at natawa siya.
"Nung nasa pinto siya kanina ng cafeteria, hindi mo siya nakilala, 'di ba?" Sabi niya. Oh, yea, kaya pala pamilyar 'yun dahil siya ang antipatikong humiga sa kama ko.
"Hell, Heaven." She murmur. What's wrong with our names bukod sa sobrang magkasalungat?
—
Nagising ako sa hindi ko alam na dahilan. Nang tignan ko ang alarm clock na nakapatong sa bedside table na napaggigitnaan namin ni Fire ay alas dose pa lang.
Bumangon ako para sana uminom ngunit napahinto ako nang makarinig ng kaluskos mula sa labas ng bintana. Naglalangit-ngitan din 'yung mga sanga ng puno. Lumapit ako sa bintana at sinilip ang nasa labas. I'm peeking from the curtain.
Hindi gaanong madilim ang paligid dahil sa liwanag na nanggagaling mismo sa bilog na bilog na buwan. Full moon? I think I'm gonna love this night. Nagpatuloy lang ako sa pagmamasid. Pilit kong pinapakinggan kung saan nanggagaling ang kaluskos sa damuhan at langitngit ng mga sanga ng puno.
Hanggang sa isang mabilis at itim na nilalang ang nahagip ng paningin ko. Masyado siyang mabilis. Hugis aso siya ngunit masyado siyang mabilis para sa isang aso.
Nang mawala siya ay saka ko binuksan ang sliding window at lumabas. Nasaan na 'yun? Sumilip ako sa baba ng veranda upang hanapin ang nakita kong iyon ngunit wala. Sumampa ako sa railing at saka umakyat sa isang sanga. Marahan akong bumaba at nang makababa ako ay muli akong nakarinig ng kaluskos. This time, mabilis na iyon at para bang papalapit sa akin. Napalingon ako sa likuran ko nang makita ang mabilis na pagtakbo ng isang... aso?
Nang medyo malapit na siya sa akin ay saka ko lang na-realize na hindi siya aso.
A wolf?
Yung bilis, laki at istura niya ay maikukumpara siya sa isang wolf.
Wala akong nagawa nang atakihin niya ako.
Napahiga ako sa damuhan at nasa ibabaw ko siya. Nanlilisik ang mga mata niya at nagtutuluan ang laway niya na para bang asong ulol. Great! Hindi ko ito napaghandaan. Nasa vampire ang expertise ko at wala sa werewolf.
Tahimik lang ako at nabwelo sa pagkawala ko sa kanya. Habang inaamoy-amoy niya ako ay buong lakas ko siyang itinulak at saka ako tumakbo sa pinakamalapit na puno. Nagmamadali akong umakyat. Pero isa lang akong tao kaya mas mabilis siya sa akin. Sinunggaban niya ako at sinakmal sa binti.
"s**t!" I swore nang maramdaman ang pagbaon ng ngipin niya sa binti ko. Pero hindi ito ang tamang oras para indahin ang sakit. Sinipa ko ang lobo gamit ang kaliwa kong paa. Hindi ko alam kung paano siyang napatalsik sa nanghihina ko nang pagsipa.
Pinilit ng lobo na tumayo at muling tumakbo palapit sa akin. Pero bumagal na ang pagkilos niya. Mukhang nanghihina siya. Sinamantala ko ang pagkakataon at mabilis na inakyat ang puno. Nagpalipat-lipat ako ng sanga sa bawat puno hanggang sa marating ko ang sangang malapit sa veranda ng kwarto namin.
Pagkarating ko sa veranda ay sinilip ko ang kaninang pinag-iwanan ko sa lobo. Nagulat ako dahil nakahiga na siya sa damuhan.
Anong nangyari?
Medyo malayo ang lobo ngunit malinaw ko siyang nakikita. "Ugh!" I groaned nang kumirot ang binti ko. s**t! Wala ng tigil sa pagdugo.
Pumasok ako mula sa bintanang pinaglabasan ko kanina at nagpunta sa cabinet kung saan mayroong first aid kit. Kinuha ko ang kit at bumalik sa kama ko at saka nilapatan ng paunang lunas ang sarili ko.
Great! Above the knee ang length ng skirt ng uniform dito tapos papasok akong may bandage sa binti? Wow! Nang okay na ako ay tinabi ko lang sa floor ang kit at nahiga na ako. So werewolves also exist in this school? Hindi ako nagkamali sa pagpasok sa eskwelahang ito.
Pumikit na ako at mabilis na nakatulog.
—
Nagising ako dahil sa alarm. I'm a morning person kaya hindi ako hirap gumising nang maaga. Not this time dahil sa nangyari kagabi... or kanina rather.
"Anong nangyari sa'yo?" Narinig kong tanong ni Fire sa antok na antok na tinig.
"My clumsiness brings out the worst in me." I just answered pero tumayo na rin. Medyo iika-ika pa rin ako sa paglalakad.
Nauna akong maligo sa kanya. Sa bathroom pa lang ay nilinis ko na ang sugat ko at pinalitan ng bagong bandage. I wrapped my towel around my body at lumabas na. Nasa closet ko kasi ang uniform ko. Pumasok na si Fire sa bathroom at siya naman ang naligo.
Kakatapos ko lang magsuot ng uniform nang biglang bumukas ang pinto. What the!
I saw Fire's twin brother, oh yea, Hell is the name. "Where's fire?" he ask me.
"Don't you know how to knock? At paano mong nabuksan ang pinto? That was locked," inis akong lumapit sa kanya.
He waves his key. "I have key. Now, answer me. Where's Fire?" He ask impatiently. Bumukas ang pinto ng bathroom at lumabas si Fire. Halatang nagmadali siya sa paliligo.
"Ano ba Hell, kaaga-aga!" Reklamo ni Fire. Nagpatuloy na ako sa pag-aayos ng sarili ko.
"Natagpuan ang bangkay ni Aljon sa likod ng building," sabi ni Hell na labis na ikinabigla ni Fire.
"How... how come?" Fire.
"Ang sabi ng awtoridad, lason. Hindi matukoy kung anong nakalason sa kanya." Sabi ni Hell. Mukhang malalim ang iniisip niya.
"Hindi siya basta-basta malalason ng kung anu-ano lang. Do you think—" hindi na natapos ni Fire ang sasabihin dahil tumango na si Hell.
"I guess she's here." Sabi ni Hell. Naglakad na ako palabas ng room. "What happened to you?" Napatigil ako nang muling magsalita si Hell. He's maybe referring sa sugat ko.
"None of your business." Binuksan ko ang pinto at lumabas. Pagkasarado ko ng pinto ay narinig ko ang malakas na pagtawa ni Fire.
Insane.
—